logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 5

SELENE’S POV
ILANG minuto na ang nakalilipas mula nang matapos akong kumain, pero walang nagtatangkang lumapit sa payong na iniwan ni Kent. Mga takot mabugbog ni Kent, eh. Nakakatakot kasi si Kent magalit. Pramis, parang maiihi ka sa sobrang takot.
At paano ko nalaman na nakakatakot siya magalit? Nakita ko na kasi iyon dati noong may sinuntok siyang ka-schoolmate namin. Na-suspend siya roon pero mukhang wala siyang pakialam, basta ang gusto niya noong mga panahon na ‘yon ay ang mabugbog niya ang schoolmate ko. Tapos, napag-alaman ko na lang na minanyak daw pala ng lalaking ‘yon ang bunsong kapatid niyang babae. Na-suspend pa rin si Kent, pero dahil doon ay nabigyan din ng aksiyon ang nangyari sa kapatid niya.
‘Yang mga manyakis na 'yan dapat tinatapon na sa ibang planeta, eh! Pero sobrang suwerte rin talaga ng kapatid ni Kent dahil sobrang bait nito, pero mas suwerte siguro ang magiging girlfriend ni Kent, ano?
Teka nga pala, sobrang dami ko nang sinasabi, pero paano ko kaya makukuha 'yong payong nang hindi nila nakikita?
Nagpahalumbaba ako at nag-isip ng pwedeng kong gawin and... ting! I got a bright idea!
"Aha!" Dahil sa sobrang tuwa ko ay nasabi ko pala iyon nang malakas, na naging dahilan para mapatingin si Jane sa akin habang nakataas ang kilay niya.
"Ano na namang kalokohan ‘yan?" tanong ni Jane habang nililigpit na ‘yong pinagkainan niya.
CLAYGO kasi ang patakaran dito sa school namin. Ang ibig sabihin no’n ay clean as you go. Kapag kasi nahuli ka ng isa sa mga nagbabantay dito sa school ay puwede ka nilang ipatawag sa guidance office. Kaya naman itong si Jane, kahit na parang gangster ang isang ‘to kung kumilos, maingat siya rito sa school dahil takot lang niyang matawag sa guidance office, ano!
"Jane, magkaklase tayo sa math, ‘di ba?" tanong ko pabalik sa kan’ya nang makabalik na siya rito sa kinauupuan namin. Ibinalik na kasi niya roon sa pinagbilhan niya ang utensils niyang ginamit.
Isa pa, iba nga pala rito sa school namin. Walang ordinaryong section. Dahil doon ay hindi ko kaklase si Jane sa ibang subject ko, at sa kamalas-malasang pagkakataon nga naman ay ni isang subject ay hindi ko man lang naging kaklase si Kent. Siguro ay dahil more on night class ang kinukuha niyang schedule dahil na rin sa training nila sa basketball tuwing umaga, at more on morning class naman ako dahil ayaw nila mama na ginagabi ako ng uwi.
"Malamang, bakit?" nagtatakang sagot niya naman habang nakatitig lang sa akin. “Math, english, at science lang tayo magkaklase, nakalimutan mo na ba?”
Napatalon ako habang nakakuyom ang kamao ko dahil sa sinagot niya. Ayos!
"Sabihin mo na may LBM ako at nasa CR ako kaya mala-late ako sa next class, ha? Thank you!" parang baliw na sabi ko habang inaayos ko ang mga gamit ko.
Nag-aral naman ako kagabi bago ako pumasok kahit na sabihin pa natin na may sakit ako ngayon, kaya naman ay sigurado ako na kung diretso seatwork na ang aabutan ko sa math subject namin mamaya ay handa ako. Tiningnan ko kung may dala akong papel, at mabuti naman ay mayroon.
"Ha? Baliw ka ba?” At ‘yon na nga, pati si Jane at tinanong na rin ‘yon sa akin. “Kadiri ka! Ano’ng sasabihin sa’yo ng mga kaklase natin? Na isa kang maruming babae— Aray! Puta naman!"
Anak ng tokwa, nagmura na nga, kung ano-ano pa ang pinagsasabi sa akin!
Binatukan ko na tuloy si gaga kahit na hindi ko naman ‘yon sinasadya. Makasabi naman ng maruming babae 'to si Jane! Para naman akong etchos doon! Eh, ang sabi ko lang naman LBM. Tss.
"OA ka, alam mo 'yon? Eh, sa kailangan kong makuha 'yong payong nang hindi nila nakikita, eh. ‘Pag nakita nila, e’di instant popular na ako rito sa school," sabi ko at itinuro ko yung mga schoolmates ko gamit ang labi ko.
"Popular ka naman talaga?” nagtatakang tanong nito sa akin bago kumunot ang noo niya. “I mean, una sa lahat, kulang na lang ay salihan mo na ang lahat ng competitions dito sa school dahil sa talino mo. Pangalawa, ang cold mo raw kaya naman ay walang nagtatangkang lumapit na lalaki sa’yo, at pangatlo, feeling ko ay mas lalo ka pang sisikat kapag nalaman nila na-“
“Hindi kasi ‘yon!” pabulong na sigaw ko sa kan’ya bago ko siya inirapan. “I mean, baka dumami bashers ko rito kapag nalaman nila na ako ‘yong may-ari ng payong na ibinigay ni Kent kanina,” dagdag ko pang bulong sa tainga niya.
“Wala akong naiintindihan sa mga sinasabi mo, pero hmm, 'kay," sagot na lang niya bago ito tumango-tango nang bahagya. May sasabihin pa sana siya pero hindi na niya nagawa dahil tumunog na ang bell.
Yown! Nag-bell na! Witwit! Magsisialisan na silang lahat dito at makukuha ko na rin ang payong ko nang matiwasay! Shems, kahit na amoy-ulan siguro ‘yong payong ko, hindi ko ‘yon huhugasan dahil nandoon ang presence ni Kent, okay? Shit! Kinikilig na naman ang puwet ko!
"Diyan ka na, Selene. Good luck sa’yo later, sana ay hindi ka mahuli," wika nito sa akin. Ginu-good luck niya ako, pero nakangisi ito na para bang hinihiling niya sa maykapal na sana nga ay mahuli ako ni Kent mamaya.
“Bruha ka talaga! Best friend ba talaga kita?” nagmamaktol kong tanong sa kan’ya habang nakakrus ang dalawang kamay ko sa dibdib ko, pero imbes na sagutin niya ako ay kumaway lang siya sa akin bago siya naglakad papunta roon sa kabilang direksyon, ang daan papunta sa room namin.
Ako naman ay nanatili lang na nakaupo rito sa lamesa habang hinihintay na maubos lahat ng tao dito sa quadrangle ng school namin, dahil kapag nangyari iyon ay magagawa ko na ang plano ko.
“AY, ANO’NG oras na ba?” Napahikab ako at doon ko narealize na nakaidlip pala ako nang kaunti. Medyo gumaan tuloy ang pakiramdam ko dahil sa power nap ko. Mamaya siguro ay iinom na rin ako ng gamot sa sipon para hindi na magpatuloy ‘tong sakit ko hanggang bukas.
Marami pa akong trabahong kailangang gawin. Bukod sa kailangan kong mag-aral para sa nalalapit kong quizzes at competitions, kailangan ko ring asikasuhin ‘yong ibang kliyente ko. Nakasuporta naman sa akin sila mama sa part-time job ko na iyon, pero ngayon na malapit na rin akong mag-18, sinusubukan kong gawin ang mga bagay-bagay nang mag-isa.
Sa wakas ay naubos na rin ang lahat ng tao rito sa quadrangle. Grabe, akala ko ay ‘di na sila mauubos, eh. Ang dami ba naman nila, tapos ang babagal pa nila kumilos.
Dali-dali akong tumakbo papunta roon sa bench at kinuha ko ‘yong payong ko. Pasimple akong umupo roon sa lugar na malapit sa payong para naman isang hablot ko lang ay makukuha ko na kaagad ito. Tiningnan ko 'yong payong ko, at doon ko lang din napansin ko na may nakadikit na sticky note doon sa payong.
Bigla ko tuloy nakalimutan na nag-iingat nga pala ako at dapat ay kuhain ko nang palihim ang payong ko. Prente kong kinuha ang blue kong payong at binulatlat ang sticky note na nakasulat dito. Nakakrus pa ang mga paa ko na para bang nasa beach ako na nagre-relax lang at nagbabasa ng libro.
Teka, ano kaya 'to? Love letter? Chos.

Komento sa Aklat (130)

  • avatar
    Shann John Estenote

    wow

    16d

      0
  • avatar
    SanteJ ver

    cute

    16/08

      0
  • avatar
    Jen Fajardo

    wowww

    23/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata