logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 7

Kahit mabigat ang pakiramdam ko na para bang magkakasakit ako, pumasok pa rin ako. Nakangiting mukha ni Fatima ang nadatnan ko sa school.
"Dumaan ka raw sa bahay kahapon?" Saad ko habang inaalis ang pagkasukbit ng bag ko sa katawan ko.
"At wala ka sa bahay mo," mabilis niyang sagot. "Nasaan ka kahapon?" Tanong nito at bahagyang nakataas ang kilay.
"Sa pagkakatanda ko, sinabi ko sa'yo na may dadaanan pa ako bago umuwi." Kalmado kong sagot sa kaniya. Bahagya naman itong napanguso. "Bakit ka nga pumunta sa bahay kahapon?"
"Nag-text ako, 'di mo nabasa?"
"Alam mo namang tamad akong magbukas ng cellphone." Sagot ko. Kinuha ko ang notes ko sa subject namin ngayon para mag-review. May quiz daw kasi ngayon.
"Pa'no kung emergency na pala 'yun, 'di ka pa rin magbubukas ng phone?"
"Paki-sagot na lang ng tanong ko, please. Nagre-review ako."
She sighed. Sometimes I knew that she hates my attitude but she never complain. Sa lahat ng kilala ko, si Fatima lang ang nakatagal sa ugali ko. Simula noong unang araw ko sa college, naisama ko na siya sa listahan ng mga bilang kong kaibigan. Bilang lang kasi talaga ang mga kaibigan ko. Karamihan pa ay mga kamag-anak ko.
Hindi ko naman masisisi ang ibang tao kung ayaw nila akong lapitan. May rumor kasi na may sakit daw ako sa pag-iisip. Pabago-bago daw ang ugali ko. Hindi rin ako madalas na ngumingiti lalo na kung hindi malapit sa akin ang taong makakasalamuha ko. Ayon sa usap-usapan, lagi raw akong natutulala, siguro daw ay kung ano-anong ilusyon ang nabubuo ko sa utak ko.
"Blind date,"
Umarko ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
"Gusto mo?"
Sunod sunod na iling ang pinakawalan ko. "Ayaw ko."
"Single ka naman na, ah. Saka makakatulong 'yon para makalimutan mo na 'yung gago mong ex." Pamimilit niya. "Wala ka namang gagawin bukas 'di ba?"
Saglit akong napatigil sa pagbabasa. Si Wilhem. Magkikita kami bukas.
"'Di mo sure."
Nangunot ang noo niya. "May gagawin ka?"
Hindi ako sumagot. Pakiramdam ko ay tamad na tamad akong makipag-usap. Bahagya pa rin kasing nananakit ang ulo ko. Mabigat ang pakiramdam ko at para akong lalagnatin.
"Sige na, Amariah. Kahit ngayon lang. Gagawin ko lahat ng gusto mo basta pumayag ka lang."
Tumunghay ako mula sa binabasa para tapunan siya ng tingin. "Ano bang meron d'yan? Bakit parang required na pumunta ako?"
"'Y-Yung... ex ko." May pag-aalinlangan niyang sagot.
Kumunot ang noo ko. Anong meron sa ex niyang hanggang ngayon e pinagluluksaan niya pa rin? Naiiling na lang talaga ako dahil almost 3 years na silang hiwalay nung ex niya tapos hanggang ngayon baliw na baliw pa rin siya do'n.
"I made a deal... with him." She retorted.
"What deal?"
She closed her eyes for a moment and sighed. "Kailangang bigyan ko siya ng ka-date. Tapos kaibigan ko."
"Why?" I asked.
"Para ipamukha sa kaniya na... n-na naka-move on na 'ko." Sagot niya at bahagyang nag-iwas ng tingin.
"Para kayong mga bata." Puna ko sa sinabi niya.
"Can you do it for me?"
"Still, no." I answered with finality. "Ako lang ba ang kaibigan mo? Ba't kailangang ako?"
Iniisip ko pa lang na gagawin ko 'yon umuurong na agad ang utak ko. I just can't. She's my friend. Tapos makikipag-date ako sa ex niya na hanggang ngayon e gusto niya pa. Paano kung nagkapalit kami ng posisyon? Masisikmura ko bang makita na 'yung kaibigan ko e idine-date ang taong mahal ko?
"Ikaw lang ang sa tingin ko ay... pwede." She whispered.
Umiling ako. "Ayoko."
Muli na akong bumalik sa pagbabasa at hindi pinansin ang pangungulit ni Fatima. Hanggang sa dumating ang prof namin ay saka lamang natahimik si Fatima. Ramdam ko ang pag-iwas niya sa akin pagkatapos na para bang nagtatampo siya.
Halos dalawang oras na ang lumipas pero hindi pa rin ako pinapansin ni Fatima. And guilt was eating me. I just don't want to do it because I still valued our friendship.
"Hey," pagkuha ko sa atensyon niya matapos ang huling subject namin bago mag-lunch.
Hindi ako makatiis. I'm not used of her being this quiet. Mas gusto ko na lagi niya akong kinukulit at kwine-kwentuhan ng kung ano-ano kahit minsan ay hindi naman talaga ako interesado sa mga sinasabi niya.
Tinapunan niya lang ako ng tingin at hindi nagsalita habang inaayos ang gamit niya.
"Bakit kailangan pang patunayan sa kaniya na naka-move on kana? Can't you just tell him that you're already moved on?" tanong ko sa kaniya.
"Words are not enough, Amariah." She simply replied.
"Kailangan din ng action, I knew it." Sambit ko. "Pero besehan ba na naka-move on ka na nga kung magbibigay ka ng ka-date sa ex mo?" Hindi ko napigilang magtanong. Kasi naman, parang ang childish naman ng gano'n.
"Alam mo, you're not in my position so you wouldn't understand what I'm coming from. Let's just drop this topic. Umayaw ka na rin naman." Ani Fatima matapos kunin ang bag niya at akmang aalis na.
My brow furrowed. Bakit parang obligado ako bigla na pumayag sa gusto niya?
"A-Are you mad?" I asked.
Muli niya akong binalingan. She slightly shook her head. "I'm not." Then she smiled that I couldn't tell if it is genuine or not. "Hindi ko naman hawak ang desisyon mo. Humihingi lang ako ng pabor. Wala akong karapatang magalit."
Mahigpit akong napakapit sa hawak kong ballpen.
"Fine," Sambit ko.
"Fine what?"
"I'll do it."
"Hoy, hindi naman kita pinipilit. If ayaw mo, okay lang." Saad niya. Pero maya-maya lang ay dahan-dahang humulma ang ngiti sa labi niya bago nagsimulang muling lumapit sa akin. "Pero tutal pumayag ka na rin. Wala ng bawian."
Napatawa na lamang ako dahil sa naging kilos niya. Fatima anchored her arm against mine. Magkasabay kaming naglakad papalabas ng room. Napangiti ako dahil nagsimula na naman ang pagiging madaldal niya.
Lihim tuloy akong napapaisip kung paano ko mapupuntahan si Wilhem bukas. I heavily sighed. Bahala na.
"Pupuntahan na lang kita sa bahay mo bukas," Saad ni Fatima nang sumapit ang hapon.
Tumango na lamang ako at pilit na ngumiti. Nagpaalam na rin naman agad ito dahil magtutungo pa ito sa coffee shop na pinagtatrabahuhan.
Napagpasyahan kong umalis na rin para mag-abang ng pampasaherong sasakyan. I just felt too sick and weak para maglakad pauwi kaya mas maayos ng mamasahe na lang.
"Amariah!"
Napatigil ako sa paglalakad dahil sa hindi pamilyar na boses na tumawag sa 'kin. Lumingon ako pabalik. Naningkit ang mga mata ko para kilalanin ang babaeng nakadungaw sa bintana ng kotse at kumakaway sa akin.
"Pauwi ka na?" She asked.
Nangunot ang noo ko nang mapagsino ang babae. It was Kimmy. Ang babae na inakala kong girlfriend ni Wilhem kahapon.
I smiled at her before I nodded.
"Get in. I'll drive you home." Masiglang sabi nito.
Hindi naman ako nakasagot. Ni-hindi ko rin alam kong susundin ko ba ang sinabi niya. Nakakahiya. Nakaka-intimidate pa naman ang ganda niya.
"H'wag kanang mahiya. Since kaibigan ka ni Wilhem, consider me as your friend too." Wika pa nito saka sinenyasan ako na pumasok na sa loob ng kotse niya.
Kesa makipagtalo pa at mas lalong humaba ang usapan namin, idagdag pa na nangangawit na ang binti ko sa pagtayo e sumakay na lang ako. She's smiling widely. Parang lalo tuloy akong nailang. Para bang ang gaan gaan ng pakikitungo niya sa akin despite the fact na kahapon lang naman kami nagkakilala.
"So, kailan kayo nagkakilala ni Wilhem?" She asked the moment she maneuvered her car.
Bigla akong napalunok. Why does it feels like nasa isa akong bigating interview?
"Five days ago, I think..." sagot ko sa kaniya.
Bahagyang kumunot ang noo niya. "Are you sure?"
"Yeah..." I replied shortly. Sigurado ako. Nakilala ko lang naman siya nang araw na maghiwalay kami ni Kiel. Hindi ko rin naman matandaan na nakita ko na siya dati.
Gusto ko sana siyang tanungin kung bakit pero pinangunahan agad ako ng hiya.
"So, what do you think of him?"
"H-Huh?" My forehead slightly creased.
She let out a chuckle. "He's really a good man, Amariah."
My lips partially parted. Anong ibig niyang iparating ngayon?
"I'm not saying this because I'm his friend but... I think..." she paused for a moment and glanced at me. "Bagay kayo."
Pakiramdam ko ay umurong ang dila ko dahil sa sinabi ni Kimmy. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. Ang gago lang. Kakikilala ko pa nga du'n, e.
Binasa ko ang labi ko at mas piniling hindi na lang magsalita.
"Uy, masyado na ba akong nanghihimasok? I'm sorry. I just-"
I quickly cut her off. "Bago lang kasi kaming magkakilala. At mukhang masyado pang maaga para pag-usapan 'yan." I uttered calmly. Pinilit ko rin na kahit papa'no e ngumiti sa kaniya. "Tama ka naman, sa loob ng konting panahon na pagkakakilala namin ni Wilhem, I knew from the beginning that he's really nice."
Gumilid na ang sasakyan niya bago tuluyang huminto. Nang tingnan ko ang labas ay nasa tapat na kami ng bahay ko.
Nang muli akong bumaling sa kaniya ay malawak na naman ang ngiti sa kaniyang labi. Na para bang nagustuhan niya ang mga binitawan kong salita.
"Pero wala pa sa utak ko ang mga ganiyang bagay sa ngayon. Masyado pang maaga." Saad ko habang sinasabayan ang tingin ni Kimmy. "Nang una kaming magkita ni Wilhem, iyon ay nang maghiwalay kami ng boyfriend ko. At hanggang ngayon fresh pa rin sa akin ang nangyari."
The smile on her lips faded. Her eyes grew wider. "I-I'm sorry." She stammered. "I-I didn't know. Shit-I'm sorry..."
I just smiled a little.
Muli kong ibinaling ang tingin ko sa harap ng bahay ko.
"Pa'no mo nalaman kung sa'n ako nakatira?" Tanong ko. Sa pagkakatanda ko, wala akong nabanggit sa kaniyang address ko.
Mariin niyang naipikit ang kaniyang mga mata at bahagyang kinagat ang pang-ibabang labi. Nahihiyang tumingin siya sa akin kapagkaraan.
Nakakunot naman ang noo ko habang pinagmamasdan siya.
"Hindi ko alam kong hobby ko 'to o skills... o sadyang pakialamera lang ako..." nahihiyang saad ni Kimmy. Nahuli ko ang paghigpit ng kapit niya sa manobela ng sasakyan. "I-I'm sorry... na-curious lang talaga ako sa'yo. Ngayon ko na lang kasi nakitang may babaeng kausap ang kaibigan ko kaya kung saan-saan na agad lumipad ang utak ko..."
"And... that didn't answer my question..." puna ko sa kaniya.
"I... I got a research about your background. I'm sorry." Mabilis niyang sabi. Bahagya pa siyang nagkamot ng batok dahil sa nararamdamang hiya. "Fuck this curiosity..." bulong niya sa sarili niya at hindi intensyong iparinig sa akin pero hindi nakatakas sa pandinig ko.
Napaawang na lang ang labi ko. "Uh, okay..." tanging nabigkas ko. Hindi makapaniwalang napatitig na lang ako sa kaniya. "Ah, sige. Salamat sa paghatid." Saad ko habang tinatagtag ang takid ng seat belt sa katawan ko.
Muli akong ngumiti sa kaniya bago ko buksan ang pinto ng sasakyan at lumabas. Muli akong nagpasalamat pero wala akong narinig na salita sa kaniya. Bakas pa rin sa mukha niya ang inis sa sarili at pagkapahiya.
May pag-aalinlangan na lamang akong tumalikod sa kaniya at naglakad papalapit sa bahay. Ang weird nila. Nang makilala ko si Wilhem, na-weirduhan na ako sa kaniya, pati na rin kay Miguel tapos ngayon naman si Kimmy.
Big deal ba sa kanila kapag may nakausap na babae si Wilhem? Gano'n ka-big deal na kailangan pa nilang mag-background research?
Napailing na lamang ako nang makapasok ako sa loob ng bahay. Dederetso na sana ako sa kusina para hanapin si Nanay Azon nang maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko.
Naalala ko ang sinabi ni Fatima kaninang umaga. Paano kung emergency ang mensahe sa text?
Tamad na dinukot ko ang cellphone ko sa bulsa ng suot kong uniporme.
From: Unknown Number
I'm sorry ulit, Amariah.
Nangunot ang noo ko nang mabasa ang text. Pinag-iisipan ko na kung kanino posibleng nanggaling ang mensaheng iyon ng may pumasok ulit na text sa cellphone ko.
From: Unknown Number
It's me Kimmy.
Umawang ang labi ko dahil sa nabasa. Seriously?! Pati number ko na-research niya? Skills na nga ata ang tawag sa ginawa niya.

Komento sa Aklat (50)

  • avatar
    Jhannel Pagapong

    So good

    28d

      0
  • avatar
    Carl Andrei Angeles

    krkrjrrkrkrkktktktkktktkkrkekekekkskwkdkmfmkgkktkkrkkkfkkgkmgmmgmmgmmgmgmfmmfmmfmmmfmmfmmfmmfmmfmmfmcmmcmmccmmmcmmcmmmcmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmgb7yb7ub8hv8hv8hv8hv8jv8j j9 9k 9kb9kb9jbi9bd9br9bribr9hrhon9in9kb9ibin9ib9ininrirb9irb9irb9ieb9ibe9ibr9brihi9br8br9b9ib9iirb9i9irni9nr9ii9irn0iirno0nonojeidjifnifnidn jjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjndjfodkrggg.f9rc39frb3rc3r9g 2rf8 4f82 8nfi9rn39ng93r9m2rcm2ef0m2f0i2mimfirg344oom4gmrgm3rr.39gnr2gn39rgn39ign39rg 39i3rr9ni9n3r9gn39gin3j9g 3rj39 3r8j 39v 3r9j3rr9 2rg9

    29d

      0
  • avatar
    ValorozoRey Alden

    500

    28/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata