logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 6

Chapter 04
"Nandito si Kimmy?" I heard Wilhem asked. Hindi ko na masyadong napagtuunan ng pansin ang naging reaksyon niya dahil sa daliri kong kumikirot.
Nang lingunin ko si Miguel ay nakataas na naman ang kilay nito.
"Ate Kimmy is here, kuya." Miguel uttered. Still, his eyes were staring at me sharply.
I swallowed hard when I slowly looked on the girl beside the kid, the one whom they called Kimmy. My forehead creased as I saw the wide smile on her lips. Mukha naman siyang hindi galit at parang masaya pa habang bahagyang umiiling.
Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi nito nang dumapo ang tingin sa akin. Mas lalo tuloy kumunot ang noo ko habang nanlalamig pa rin ang mga kamay ko.
"Stop being naughty, Miguel." The girl said, tousling the kid's hair.
And even her voice was pretty adorable.
"What are you doing here, Kimmy? Where's Jacob?" Wilhem asked the girl, his brow is a bit furrowed.
"I came here to see you. Bawal ba?" Kimmy answered. Nanatili ang mata nito sa kinatatayuan ko na para bang binabasa ang buo kong pagkatao. "O nakakaabala ba ako?" She retorted, grinning.
My lips were apart. I'm literally baffled.
I stood up quickly when Kimmy moved her feet towards us. But then she laughed when she saw what I did.
"Don't be scared. I won't bite naman." She said to me. I bit my bottom lip and played with my fingers behind my back. "I'm not Wilhem's girlfriend. Don't be nervous."
Nahigit ko ang paghinga ko dahil sa narinig.
"Ate Kimmy!" Protesta ni Miguel.
Kimmy chuckled. She patted Miguel's head. "Your kuya Jacob won't be happy if he hears you saying that I'm your kuya's girl, Miguel. Stop that, okay?" She uttered softly, trying her best not to make the kid upset.
Akala ko ay matatanggal ang kaba sa dibdib ko nang malaman na hindi naman pala girlfriend ni Wilhem ang babae pero mali ako. Nakatatak parin sa isip ko na nahuli nila kami sa gano'ng posisyon. Baka lang iba ang isipin nila.
Nang lingunin ko si Wilhem ay lihim akong napasimangot. Nangingiti pa kasi ito at bahagyang umiiling. Para bang hindi man lang nito nararamdaman ang nararamdaman ko ngayon. Ang unfair!
"Pumayag si Jacob na pumunta ka rito?" Wilhem asked Kimmy. There was an amused smile curved on his lips.
"Tapos na issue no'n sayo, I think." Kimmy replied. He glanced at Wilhem for a second bago muling bumalik sa akin ang tingin.
I heard Wilhem's laughter. "You think so?" He muttered.
"Yeah," Kimmy replied. "Pero sino siya?" She asked while eyeing me with a grin plastered on her lips.
"A-Ah, she's Amariah." Wilhem answered.
I swallowed the bile in my throat. I forced myself to smile.
"She's not kuya's girlfriend, Ate Kimmy." Singit agad ni Miguel. Batang 'to, tutol na tutol talaga sa 'kin, e.
Sinipat ko ang oras sa suot kong relo. Maaga pa para umuwi ako. Pero dahil sa sitwasyon ko ngayon ay parang gustong gusto ko ng umuwi.
"Are you two on a date? Nakakaabala ba kami?" Tanong ni Kimmy sa maloko at makahulugang paraan.
Mabilis akong umiling. But then she chortled when she saw my reaction.
"Tumigil ka nga, Kimmy. You're making Amariah uncomfortable." Suway ni Wilhem. Napanguso naman si Kimmy.
Nang muling humakbang ang babae papalapit ay mabilis akong gumilid.
"U-Uh, I need to go." I said when I finally mustered a lot of courage to open mouth.
"Why? Did I really made you uncomfortable? Uh, sorry." Sambit ni Kimmy.
I shook my head. "May gagawin pa kasi ako." Pagdadahilan ko.
"May sasakyan ka ba? I can drive you home." Kimmy suggested but I quickly shook my head once again.
"Malapit lang ang bahay ko dito." I replied.
"Are you sure?" Ani Kimmy. Bahagyang nakakunot ang noo nito na tila ba binabasa ang bawat kilos ko.
I let out a feeble smile as I nodded.
"Sorry, Amariah..." sambit ni Wilhem na tila ba nahihiya dahilan para mapalingon ako sa gawi niya.
"Wala namang dapat ika-sorry," wika ko at bahagyang tumawa. "See you sa saturday, then?" I retorted while eyeing him. He really looks apologetic.
He nodded. "Yeah, see you."
"Anong meron sa saturday?" Kimmy asked. Her voice was filled with curiousity.
"Bawal tsismosa," Wilhem immediately replied before I could even open my mouth. Nahihiyang ngumiti na lamang ako kay Kimmy. "Umuwi kana nga, baka awayin pa ako ni Jacob." He continued.
Nagpaalam na akong muli sa kanila bago humakbang papaalis. Lumuwag lamang ang paghinga ko nang makalayo sa kanila. Napahawak ako sa dibdib ko dahil pakiramdam ko ay tatalon na ang puso ko mula roon.
"Amariah!"
Napatigil ako sa akmang paghakbang nang marinig ang maliit na boses ng batang si Miguel. Matalim ang tingin nito sa akin nang lingunin ko siya.
"Oh?" Sambit ko at sinabayan ang titig niya
Ilang segundo ang lumipas at hindi siya nagsalita. Pero mababasa ang pinaghalong inis at galit sa maliit niyang mukha. Tinaas ko ang isa kong kilay para iparating sa kaniya na naghihintay ako sa sasabihin niya.
"Ugh, you're so annoying." He exclaimed while stamping her feet on the ground.
"Ako pa talaga ha?" Hindi makapaniwalang bigkas ko. Kung hindi lang talaga 'to bata, napatulan ko na 'to.
"Just stay away from kuya!" Sigaw nito na para bang bingi ang kausap niya.
I rolled my eyes. Feeling naman ng batang 'to may gagawin akong masama sa kuya niya. Na parang sa isang iglap ay mamamatay ang kuya niya kapag kasama ako. Hindi niya ba nakikitang harmless akong tao?
"A-Anong meron sa sabado?" Tanong niya pagkaraan ng ilang segundo. Bakas sa boses niya ang pag-aalinlangan.
The side of my lips arched and formed a grin. "Tsismoso ka?"
Mas lalong tumalim ang tingin nito sa 'kin.
"Saan kayo pupunta?" Tanong niya na nagpipigil ng inis.
Hindi ako sumagot at nagkibit-balikat lamang sa kaniya. Kung nakakamatay lang ang tingin niya ay siguradong kanina pa akong nakalupasay.
"Sasama ako." Mariin niyang bigkas.
"Sige lang," I replied. Mas lalo lang akong natuwa dahil sa naging reaksyon niya.
He stamped his feet on the ground once again as he murmured something that I didn't heard. Bubuka pa sana ang bibig niya at may balak pa yatang sabihin pero mas pinili na lang na manahimik bago tumalikod at tumakbo papalayo.
Kagat ko ang pang-ibabang labi at naiiling nang muli akong maglakad papaalis.
Malapit lang ang bahay ko sa lugar na ito at kayang lakarin na lamang. Pero kung nagmamadali ka naman, may mga pampasaherong trycicle ang dumaraan na pwede mong parahin. At dahil pakiramdam ko ay masipag ako ngayon, nilakad ko lamang ang papauwi.
Mahigit labin-limang minuto ata ang ginugol ko sa paglalakad. Sandali kong pinahid ang ilang butil ng pawis sa aking nuo bago kapain ang susi sa bulsa ng unipormeng suot ko.
Akmang sususian ko na ang pinto nang bigla iyong bumukas. Bumungad sa akin ang mukha ni Nanay Azon, ang siyang tanging kasambahay at nagbabantay sa akin. Bakas ang bahagyang pagkagulat sa may katandaan na niyang hitsura.
"Amariah, bakit ngayon ka lang?" Tanong nito ng mahimasmasan.
Pilit akong ngumiti sa kaniya. "M-May tinapos pa ho kaming project." Nakagat ko ang labi ko dahil sa pagsisinungaling.
Kumunot ang noo nito pero agad ring nawaglit nang tila ba may naalala. "Dumaan dito si Fatima, hindi mo ba nakita?"
"Hindi ho, e." Nagtatakang tugon ko. "Bakit daw ho?"
Bahagyang humilig patagilid ang ulo ng matanda. "Wala namang sinabi. Ikaw na lang daw ang kakausapin 'pag nagkita kayo." Sagot nito. "O'siya, ako'y uuwi narin. May sakit ang apo ko, e. May niluto na akong hapunan d'yan, kumain ka muna bago ka pumanhik sa itaas."
Tumango naman ako bago gumilid patabi para makadaan siya.
Nang makaalis si Nanay Azon ay agad na rin akong pumasok sa loob. Ibinaba ko muna ang bag ko sa ibabaw ng sofa bago dumiretso sa kusina.
Gaya ng sabi ni Nanay Azon, kumain muna ako ng hapunan bago pumanhik sa itaas. Alam kasi ng matanda na kapag nakapasok na ako ng kwarto ay tatamarin na akong bumaba para pumuntang kusina. Ako lang mag-isa ang nakatira sa may kalakihang bahay na ito simula ng sabay na mamatay ang aking mga magulang sa isang aksidente.
And it was weird. I don't remember how my parents died. I don't even remember their funeral. Tanging mga kwento lamang ng ibang tao ang tanging pinaniniwalaan ko sa kanilang pagkawala. But I can still remember how happy our family is way back then. I never had some of my memories either. Ayon sa mga kamag-anak ko, marahil dahil iyon sa trauma ng sabay na pagkawala ng mga magulang ko sa akin.
"Ate Amariah! Wake up!"
Mabilis kong naimulat ang mga mata ko dahil sa malakas na sigaw na narinig ko. My vision was blurry. My head was spinning and throbbing in pain. Pakiramdam ko ay naliligo na ako ng pawis.
"Ate Amariah, are you okay?"
Hindi ko na nagawang sagutin ang tanong na iyon. I held my head and tried to get up from bed. I closed my eyes and endured the pain.
It took a minutes before I finally went stable. I opened my eyes and blinked a lot of times until my vision becomes clear.
Agad kong nakita ang bata kong pinsan na si Menchie, nakasampa na ito sa ibabaw ng kama ko at mariing nakatitig sa akin. Sa maliit niyang mukha ay may pinaghalong takot at pag-aalala.
Maya-maya lang ay bumukas ang pinto ng kwarto ko. Napatungo ako nang marinig ang ilang yabag ng tao na papalapit sa pwesto ko.
"Are you okay? Did you had a bad dream again?" Tita Maggie's worried voice filled my ears.
I slowly nodded my head.
"Anong nasa panaginip mo, 'nak?" Muling tanong ni Tita Maggie.
Tumunghay ako at hinarap siya. Nakaupo na siya sa gilid ng aking higaan at marahang pinipisil ang aking palad. Ang pinsan ko namang si Dale ay mataman din akong pinagmamasdan habang nakahilig sa hamba ng pinto ng aking kwarto. Sinubukan kong hanapin si Tito Derick pero hindi nila ito kasama.
"W-Wala po akong... m-maalala." Sagot ko sa tanong ni Tita Maggie.
Totoo iyon, pilit ko mang balikan kung ano ang mga pangyayari sa panaginip ko pero kagaya noong mga nakaraan, wala talaga akong maalala. Magigising na lamang ako na sobrang sakit ng ulo ko at basang basa na ako ng pawis. Daig ko pa lagi ang sumabak sa gera dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ako.
"Kahit konti—"
"Wala po talaga." Sunod-sunod akong umiling.
Puno ng awa ang mga mata ni Tita habang nakatingin sa akin.
"You're crying..." Menchie muttered as she cupped my face using her small hands.
Dinama ko ang pisngi ko, at tama nga si Menchie, basang basa ang pisngi ko ng luha. Mabilis ko iyong tinuyo at tipid siyang nginitian.
"Have you talk to Dr. Salvatera last week? May schedule ka sa kaniya 'di ba?"
I bit my bottom lip. Hindi ko magawang sagutin ang tanong ni Tita Maggie.
"Tell me, hindi ka—"
"Wala naman po siyang naiitulong." I cut her off. She sighed. I averted my gaze and played with my fingers. "H-Hindi po ako baliw."
"Who told you na baliw ka? Hindi porke't komukonsulta ka sa doktor ay baliw kana, Amariah." Tita Maggie calmly explained.
I smiled bitterly. Naalala ko ang tanong ni Kiel sa akin noong nakipaghiwalay siya sa akin.
'Baliw ka ba?'
"I know, Tita." I said and smiled at her. "Normal po ako. Panaginip lang naman po 'yon. Wala pong kakaiba sa 'kin. Hindi ko po kailangan si Dr. Salvatera o kung sino mang doktor."
Mariing napapikit si Tita Maggie dahil sa sinabi ko. Parang marami pa siyang gustong sabihin sa akin pero pinipigilan niya ang kaniyang sarili.
"Ayaw mo ba talagang sumama sa Canada?" Tanong niya. Hindi ko alam kong ilang beses na niyang naitanong ang tungkol sa bagay na 'to pero pareho naman lagi ang isinasagot ko.
Marahan akong umiling. Ayukong umalis.
Tita Maggie heaved a deep sigh once again. She held my hand and caressed it. Sinubukan niyang muling ngumiti.
"Nanay Azon told us na may sakit ang apo niya kaya hindi siya makakapunta dito," she said, changing the topic. "We brought foods. Let's eat."
"Si mommy ang nagluto, Ate Amariah. Everyone knows that mom is a great cook!" Pagmamalaki ni Menchie sa ina niya. Bahagya namang napatawa si Tita dahil sa anak.
Naiiling namang tumalikod na si Dale para umalis. Sa lahat ng pinsan ko, si Dale ang siyang laging seryoso na aakalain mong siya ang may pasan ng lahat ng problema sa mundo.
"Mauna na po kayo sa baba, susunod na lang po ako." Saad ko kay Tita Maggie na matamang nakatingin sa akin.
She smiled then nodded at me.
Inalalayan niyang bumaba ng kama ang anak na si Menchie bago sila sabay na lumabas ng kwarto ko.
Malalim ang buntong-hininga na pinakawalan ko. Nag-iisang anak lamang ako. Simula ng maulila ako, ang pamilya ni Tito Derick ang gumabay sa akin. Kapatid ni Papa si Tito Derick na siyang asawa ni Tita Maggie. Dalawa lamang ang anak nila, ang panganay na si Dale at ang bunso na si Menchie.
I placed my palm above my chest. Until now, it feels heavy. Sinubukan kong alalahanin kung ano nga ba ang panaginip ko pero agad na sumakit lang ang ulo ko.
Bumaling ang tingin ko sa picture frame sa ibabaw ng side table. It was me together with my mother and father. Nasa pagitan ako ng mga magulang ko at bakas ang saya sa mukha naming tatlo. Base sa natatandaan ko, kuha iyon noong unang araw ko sa high school.
Humulma ang ngiti sa aking labi nang maalala ang tagpong iyon. Kung gaano pinuno ni Mama at Papa ng habilin at paalala ang tainga ko. Lalong lalo na sa mga lalaki. Ayon pa kay Papa, hindi lahat ng lalaki katulad niya kaya dapat akong mag-iingat. Sabay pa nila akong ihinatid sa school na akala mo'y isa akong kinder.
We were always happy in my memories. And God knows how much I miss them.
Mabilis kong pinahid ang luhang pumatak mula sa mga mata ko. Huminga ako ng malalim bago nagpasyang umalis ng higaan.

Komento sa Aklat (50)

  • avatar
    Jhannel Pagapong

    So good

    29d

      0
  • avatar
    Carl Andrei Angeles

    krkrjrrkrkrkktktktkktktkkrkekekekkskwkdkmfmkgkktkkrkkkfkkgkmgmmgmmgmmgmgmfmmfmmfmmmfmmfmmfmmfmmfmmfmcmmcmmccmmmcmmcmmmcmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmgb7yb7ub8hv8hv8hv8hv8jv8j j9 9k 9kb9kb9jbi9bd9br9bribr9hrhon9in9kb9ibin9ib9ininrirb9irb9irb9ieb9ibe9ibr9brihi9br8br9b9ib9iirb9i9irni9nr9ii9irn0iirno0nonojeidjifnifnidn jjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjndjfodkrggg.f9rc39frb3rc3r9g 2rf8 4f82 8nfi9rn39ng93r9m2rcm2ef0m2f0i2mimfirg344oom4gmrgm3rr.39gnr2gn39rgn39ign39rg 39i3rr9ni9n3r9gn39gin3j9g 3rj39 3r8j 39v 3r9j3rr9 2rg9

    22/08

      0
  • avatar
    ValorozoRey Alden

    500

    28/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata