logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

FIVE

“Maalaga siya. . .Siya ang tipong mamahalin mo, hindi dahil sa prinsepe o magiging hari." Tumingala ang ina ni Louise na animo'y inaalala nito ang mga kahapon kasama ang ama ng anak. "Mamahalin mo siya dahil sa pagiging maalalahanin, mapagbigay, at mapagmahal sa kapwa niya," dagdag pa nito at hinawakan ang kamay ni Louise. “Siya ang tipong, ayos lamang kahit walang matira sa sarili. Basta nakikita niyang masaya ang mga nasa paligid niya, masaya na rin siya.”
Lahat ng tungkol sa ama ni Louise ay ikinuwento ngayon sa kanya ng kanyang ina. Her father ain't just only the best son, but also a best leader and brother. Iyon pa ang sabi ng Lolo niya. Mahal na mahal nga raw ito ng mga taong bayan ng Denmark. Hindi na halos mabilang kung ilang tao na ba ang natulungan ng kanyang ama noon.
Matagal na gusto makarinig ng kuwento ni Louise tungkol sa kanyang ama. Kung anong klase ba itong tao—At heto nga ngayon, mismong Lolo at ina niya pa ang nagkuwento. Nakakalungkot lang isipin na sa mga kuwento na lang niya ito makikilala.
Louise sighed. Bumaling siya sa bintana na nasa tabi niya at pinanuod ang mga ulap na nadadaanan nila. Narito sila ngayon sa private plane na pagmamay-ari raw ng kanilang pamilya.
Konti na lang daw at naroon na sila sa Denmark.
Hindi pa rin talaga makapaniwala si Louise sa mga nangayayari. Sa isang iglap, nabago ang lahat sa buhay niya.
Bigla naman niya naalala si Yella. Nasisiguro niya na bukas ay pupunta ito sa bahay nila at hahanapin siya nito roon.
"Your operation is ready, Lora.”
Louise flashed a quick smile dahil sa narinig mula sa kanyang Lolo. Ito ang isa sa dahilan kung bakit niya tinanggap ang alok ni Lorenzo noon, na sumali sa grupo. Nasabi kasi ng doktor nang pinatingnan niya ang kanyang ina na puwede pa ito makakita kung mao-operahan. Pero malaking halaga raw ang kakailanganin nila.
Ilang sandali pa, narinig na nila na nagsalita ang piloto. Pinapasuot na ang kanilang mga seatbelt dahil lalapag na daw sila.
Ang mga nakahilera na sundalo sa magkabilang gilid ang bumungad sa kanila paglabas ng private plane. Sabay-sabay itong sumaludo nang bumaba ang hari.
"They're here!" yelled a very excited girl pagbaba na pagbaba nila. Namangha si Louise sa babae.. Sobrang ganda nito na para bang hinulma.
"Aunt Lora!" the other girl, enthusiastically while running in front of them. Niyakap nito ang kanyang ina. Katulad ng unang babae, maganda rin ito.
"Who are you?" nakangiting tanong ng kanyang ina at saka kinapa-kapa ang mukha ng yumakap.
Nakasimangot na bumitaw ang babae. "Aunt Lora," nagtatampong tono nito. "It's me! See this pretty face? It's me!”
"Your Aunt Lora wasn't been able to see, Yasmin,” ika ng Lolo niya sa babae na nagngangalang Yasmin.
Namilog ang mata ni Yasmin. Kumaway-kaway pa ito sa harapan ng ina ni Louise, para tingnan kung totoo nga. “W-what happened to you Aunt?"
"Yasmin, stop asking your Aunt,” suway ng Hari. "She's tired. She need to rest. Now, let's go home.”
Sa isang saglit, biglang kay Louise napunta ang tingin ni Yasmin. Bahagya nitong ipinihig ang ulo. A porcelain brow furrowed and eyes narrowed.
Tiningnan si Louise ni Yasmin mula ulo hanggang paa. Tumingin din sa kanyang ina at inilipat ang tingin sa kanya.
"Hun er smuk, Wanda," Yasmin said and giggled.
Translation: She's beautiful, Wanda.
Nginitian si Louise ni Wanda. "Faktisk er hun vores fætter?"
Translation: Indeed. Is she our cousin?
"Selvfølgelig! kig på hende, hun er smuk som os. Ingen tvivl om."
Translation: Of course! Look at her, she's beautiful like us. No doubt.
Napatunganga si Louise sa dalawa. Daig niya pa ang nanunuod ng isang movie na walang sub title.
"I said, let's go!" Malakas na tawag ng Lolo nila, na ngayo'y papasok na sa loob ng van kasama ang ina ni Louise.
Akmang maglalakad na si Louise nang pigilan siya ni Yasmin. Humarang ito sa dadaanan niya. “What's your name?" nakangiti nitong tanong.
"Louise," tipid niyang sagot.
Louise glanced at them one more time, bago sumunod papasok sa loob ng sasakyan. Bago umandar ang sasakyan nila, nakita niya pa na naglalakad na rin sina Wanda at Yasmin papunta sa kabilang sasakyan.
Habang nasa biyahe sila papunta roon sa palasyo ay nakatingin lang si Louise sa bintana, pinapanuod ang mga nadadaan nila. Hindi rin nagtagal pa, huminto na ang sasakyan.
May nagbukas ng pinto sa labas. Louise slowly got out of car at inalalayan ang kanyang ina palabas. Halos lumuwa ang mga mata niya nang makita ang nasa harapan nila. Alam niyang sa palasyo nakatira ang mga Royal. Alam niya rin na malaki ang palasyo. . .Pero hindi niya naman alam na sobra pala talaga ang laki nito. This place is so beautiful.
Sinalubong sila ng isang Ginang, ngunit ganoon pa man, litaw pa rin ang kagandahan nito. Her white skin was glowing at her straightened hair looked softly and shiny. Sa tingin ni Louise ay hindi nalalayo ang edad nito sa kanyang ina. Sa tabi nito ay naroon ang isang lalaki na may di kakapalan ang bigote at nakahawak ang Ginang sa braso nito.
"Welcome back, Lora," ani ng Ginang at niyakap ang kanyang ina.
"Victoria,” bati ng kanyang ina sa yumakap rito. Ilang taon rin nawala rito ang kanyang ina niya at nakakatuwa na hindi pa nito nakakalimutan kahit boses man lang ng mga taga rito.
Nagtama ang paningin ni Louise at ng Ginang. Agad naman siya nito nginitian. “You must be my brother's daughter." Dumalo ito sa kanya at niyakap siya. “I am your Aunt Victoria,” pagpapakilala nito sa sarili. “And this is your Uncle Octavio." Iyong lalaking kasamahan nito.
Nakangiting humarap kay Louise ang Hari. “Welcome to your home, Your Highness.” At saka ito naglakad papasok.
"Tag dem til deres værelse!" Dinig ni Louise na sabi ng kanyang Aunt Victoria bago ito naglakad papasok sa loob kasunod ang Lolo at Uncle Octavio niya.
Translation: Dalhin sila sa kuwarto nila!
Lumapit sa kanila ang apat na babae. Napatingin si Louise sa mga suot nito. Pare-pareho iyon. . .Ito ba ang tinatawag nilang servants dito?
Naglakad papasok ang mga servant sa loon. Sumunod naman si Louise at ang kanyang ina. Nahilo siya pagpasok nila. Kung namangha na siya sa labas nito ay mas lalo pa siyang namangha rito sa loob. Ganitong-ganito ang mga napapanuod niya sa mga palabas. Ang nakaagaw ng pansin niya ay ang crystal chandelier na nasa itaas—Sobrang ganda no'n.
Sa tuwing may nakakasalubong sila ay humihinto ang mga ito para yumuko sa kanila. At saka lang ng mga ito iniaangat ang mga ulo, at naglalakad muli kapag nakalampas na sila.
Lumiko sila sa kanan. Hindi maiwasan ang hindi umawang ng bibig ni Louise sa mga nakikita niya. She stopped in front of a large frames that was hanging on the wall. Apat iyong frame na magkakasunod. Ang unang frame ay litrato ni Yasmin. Her chestnut hair was curled stylishly beneath a lace-trimmed hat, and she wore half-dozen layered patterns of this plaid and that, looking very trendy and businesslike. Nakasuot pa ito ng tiara at baby blue na sash. Ang kaliwa nitong dibdib ay merong apat na nakadikit na medal.
Ang sumunod na frame ay si Wanda. Her blonde hair hung in a single elegant spiral behind one ear, and her lashes were curled, casting shadowhers over her cheeks. Wanda wore a piercing dress with spills of white lace at each sleeve and collar. May tiara at sash din ito. Kung si Yasmin ay may apat na medal, ito naman ay may anim.
Ang pangatlong frame naman ay ang isang babaeng may maamong mukha. Tulad ni Yasmin at Wanda ay may suot din ito na baby blue sash at tiara. Her hair was fixed at the nape of her neck, and she wore a fine silk and linen day gown. Ang kaliwa nitong dibdib ay may labing dalawang medal.
Ang pang-apat na frame ay babae pa rin. Kumikinang ang damit nito. Kagaya ng naunang tatlo, nakasuot din ito ng tiara at sash. Sa kanilang apat, ito ang may pinakamaraming medal sa kaliwang dibdib.
"Louise?”
Nilingon ni Louise ang kanyang ina. Hindi niya namalayan na nabitawan na pala niya ito. Muli naman niya itong inalalayan at naglakad.
Pumanhik sila sa malaking carpeted na hagdan. Pakiramdam niya, maliligaw siya rito kapag mag-isa lang.
Nang marating nila ang pinakadulo ng hagdan ay malawak na espasyo ang narito. Sa gitna nito ay naroon ang malaking flower vase na may dilaw na nag-gagandahang mga bulaklak.
Muli na naman silang lumiko. Nilakad nila ang napakahabang pasilyo. Apat na hagdan pa ang nadaanan nila bago narating ang kuwarto na sinasabing para sa kanya.
Kulang na lang ag pasukan ng langaw ang bibig ni Louise matapos makita ang magiging kuwarto niya. Hindi niya alam kung kuwarto pa ba iyon o bahay na. Ang kuwarto na iyon ay halos triple ng bahay na inuupahan nila roon sa Pilipinas. Puwedeng-puwede na tumira ang isang pamilya rito na may isang dosena na miyembro.
May sariling comfort room ito. . . May sariling shower. May napakalaking walk in closet. Merong hagdan-hagdan na mga sapatos at hindi mabilang na mga alahas. Nandito na lahat.
Lumapit siya sa kama at umupo. Halos lumubog ang puwetan niya sa sobrang lambot. Bakit ba magkahiwalay pa sila ng kwarto ng kanyang ina? Puwede naman na rito na lang rin ito sa kwarto niya.
A knock sounded at the door. Louise startled. Mabilis siyang umayos ng upo. The door opened and Yasmin walked in.
"Hi! You like it?" nakangiti nitong tanong habang nakaturo pa sa kwarto.
“This is too much,” pag-aamin niya.
Natawa si Yasmin. “Too much? You're a Danish Royal, Louise. This is not too much. You deserve this.”
Napangiwi si Louise. She almost forgotten na prinsesa nga pala siya.
"Oh, by the way. I came here to invited you to join us for snack."
Napatitig si Louise rito. Yasmin reminded her of Yella. Siguradong malulungkot ang kaibigan niya sa oras na malaman nitong wala na siya roon.
"Louise?" Yasmin snapped. She threw her hands in the air in a dramatic manner, emphasising just how unhappy she was when just stared at her.
"Thank you, but I'm still full.” Masyadong naparami ang kain niya kanina sa eroplano.
"Oh, okay. How about you go to have a tour here in Amalienborg Palace?"
Louise stared at her again, but Yasmin gazed out the window, a small smile and genuine upon her lips.
"Sure," she answered.
Lumabas sila ng kwarto niya at sinimulan siyang ilibot ni Yasmin sa buong palasyo. Hindi pa rin maalis sa kanya ang pagkamangha. At kung patuloy siyang mamamangha ay maiiwan siya ng pinsan sa paglalakad.
"You know what?" tanong ni Yasmin.
"What?"
"Amalienborg is famous for its Royal Guard, called Den Kongelige Livgarde," nagmamalaki nitong sabi habang naglalakad sila papunta sa tinatawag nitong Frederik VIII's Palace.
"What's with that Royal Guard?"
"Well, every day you can experience the changing the guards, as they march from their barracks in 100 Gothersgade by Rosenborg Castle through the street of Copenhagen and end up at here Amalienborg.
"
Parang sa Luneta Park rin. . .
“And what do you mean by Rosenborg Castle? Another Danish Royal Castle?”
“Yes, another Castle of the Danish Royal,” mayabang nitong sabi. “We have twelve best, and famous Castles and Palaces, Louise. The first one is our residence, the Amalienborg Palace. All in, we owned seventy one castles and ninety five palaces.”
Nanlaki ang mga mata ni Louise dahil sa sinabi ni Yasmkn. Ganoon karami?!
Pero iba pa ba ang Palace sa Castle? Ang alam niya pareho lamang iyon.
“What's the differences between Palace and Castle?"
Nilingon siya ni Yasmin. "Castle is a generally older building—fortified building," Yasmin explained. "Palace is generally newer building. Non-fortified building used primarily as a residence."
Louise slightly nodded. Noon, akala niya ay pareho lamang ang dalawa. Ngayon, alam na niya ang pinagkaiba nito.
Nang madaanan nila ang mga nakahilera na guwardya ay agad yumuko ang mga ito sa kanila.
"Our residence,” muling panimula ni Yasmin. “The Amalienborg is made up of four identical buildings which stand around an octagonal courtyard. First, the Christian VII's Palace, or known as Moltke's Palace, it is used for the guests. Aunt Lora's room is in Christian VII's Palace."
Lumiko sila sa kaliwa. Meron ulit mga guwardya. Katulad ng ginawa ng mga nauna, yumuko ulit ang mga ito nang dumaan sila.
“Second, the Frederik VIII's Palace, also known as Brockdorff's Palace, it was the home of The late Crowned Prince— Uncle Stephen, your father."
Kaya ba siya nito dadalhin doon?
Nagtuloy-tuloy sila sa paglalakad. Magkabila ang lingon niya. Hindi ni Louise maipaliwanag, pero parang ang sarap sa pakiramdam. . .
“The other one is Christian IX's Palace or Schack's Palace, it is the home of His Majesty The King and Her Majesty The Queen—our Grandmother and Grandfather.”
Umakyat sila ng hagdan. Hindi na alam ni Louise kung ilang hagdan ang nadaanan niya simula kanina nang pumasok sila rito.
"This is the Amalienborg Museum." Ituro ni Yasmin sa isang malaking silid sa gilid nito, na salamin ang dingding. Mula rito sa labas ay Kitang-kita ang mga nasa loob. "It's in this building you'll find the Christian VIII's Palace, it is used as guest Palace for our cousin Princess Thyra and her husband, The Crown Prince Aamir of Morocco.”
Nasa ganoon silang sitwasyon nang marinig niya ang malakas na tunog ng kampana. Agad niyang hinanap kung saan ito nagmula.
Ikinumpas naman ni Yasmin ang kamay sa ere at hinila siya sa balcony. "Don't mind that. It's just 3 o'clock. See that statue?" Itinuro nito ang statue na nakatayo roon sa gitna sa labas. Isa iyong statue ng lalaki na nakasakay sa kabayo. "That was our great great great great grandfather. He is, His Majesty The King Frederik V from 1771."
Mula rito kung nasaan sila ay tanaw ni Louise ang harapan ng Amalienborg, kung saan sila pumasok ng kanyang ina kanina. Kita niya rin mula rito ang mga taong naglalakad-lakad.
"The second to the twelve castles and palaces here in Demark is the Kronborg Castle. Do you know Shakespeare?"
Tumango si Louise. Kilala niya si Shakespeare. Nakadikit pa ito sa classroom nila noong high school siya.
"Kronborg Castle was the actual castle that Shakespeare set Hamlet in his famous play. Whether or not Shakespeare ever visited Kronborg Castle remains a mystery."
Medyo alam ni Louise ang tungkol doon dahil napag-aralan nila ito sa subject na MAPEH.
“In Hamlet Shakespeare called Kronborg Castle 'Elsinore'. Consequently, Elsinore has become the English name for 'Helsingør', the town, where Kronborg is situated. Kronborg Castle in Helsingør goes all the way back to 1420. However, the castle has been burned to the ground and rebuilt since, but it has always retained its vital position at the head of the Øresund Sound. Helsingør was once one of the Europe and ships passing into the Baltic Sea. In 2000, Kronborg Castle became a UNESCO World Heritage Site. And every summer, you have opportunity to enjoy live performance of Shakespeare's greatest plays from Danish and international companies, among these Royal Shakespeare Company. . ." Napahinto si Yasmin nang may matanaw na sasakyan na parating. Huminto ang sasakyan sa harapan ng palasyo, at bumaba mula roon ang isang babae at lalaki. Bumagsak ang mga balikat ni Yasmin at mahinang napabuntong-hininga.
Nilingon ni Louise ang pinsan niya. Sa tingin niya ay may inaasahan ito na tao na dadating.
"The third one is Egeskov." Pilit ang ngiting pagtutuloy ni Yasmin. Hindi na ito masigla katulad kanina. "Egeskov is no ordinary castle. It is one of Europe's finest Renaissance buildings, featuring a real moat, spires, a knight's hall and ghastly in its masonry."
Bawat sinasabi ni Yasmin ay inilalagay ni Louise sa isipan at tinatandaan niya. Kailangan niya malaman ang lahat ng may kinalaman sa kanyang ama dahil sa mga ganitong bagay niya na lang ito makikilala.
"Our family loves having a guests at the castle. Egeskov Castle is one of my favorite. Egeskov is also one of Europe's most beautiful historic garden.” Muling nabuhayan ng loob si Yasmin nang may paparating na naman na isang sasakyan. "You should visit Egeskov tomorrow." Ngiti ulit nito sa kanya.
Pumarada ang sasakyan sa harapan ng palasyo at lumabas roon ang isang lalaki. Muli, bumagsak na naman ang magkabila balikat ni Yasmin.
"The fourth one is Christianborg Palace," pagtutuloy ulit ni Yasmin. Tumalikod na ito sa balcony at hinila siya paalis doon. Naglakad sila sa pasilyo at bumaba ng hagdan. "Christianborg is located on the tiny island of Slotsholmen. Part of the Christianborg Palace are used by the Danish Royal Family for various functions and events. The Royal Reception Rooms include The Tower Room and The Oval Throne Room where foreign ambassadors to Denmark are received by the King. The Throne Room gives access the balcony where the Danish monarchs are proclaimed. The Great Hall of Christianborg Palace is the most imposing room in the Palace. This is will you find the Her Majesty The Queen, our grandmother's tapestries."
Huminto si Yasmin kaya huminto rin si Louise. Itinuro ni Yasmin sa kanya ang isang malaking pinto at napatingin naman siya roon.
“This is your father's room, Louise."

Komento sa Aklat (16)

  • avatar
    Camacho Ma Diezel

    unexpected plot twist, I like it🫶

    06/08

      0
  • avatar
    CalaroLaurel Jan

    goods

    25/07

      0
  • avatar
    RoldanLourince

    ang ganda

    19/06

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata