logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

FOUR

Wala sa sariling pinanunuod ni Louise ang iniinit na tubig mula sa kanilang kalan. Hindi pa rin siya makapaniwala. Prinsesa siya. . .Isang totoong prinsesa.
Kunwari pa siyang natawa. Sa loob ng dalawampung taon, biglang isang araw, sasabihin sa kanyang na isa siyang prinsesa. Kung nananaginip man siya ngayon, gusto na niya magising.
She turned her head as she heard a loud knocked. Bumukas ang pintuan nila at pumasok si Yella kasunod si Faith, Marco at Alec.
"Makikikain kami!" masigla at sabay na bungad ni Yella at Marco. Gulat pang nagkatinginan ang dalawa dahil hindi nila siguro inaasahan iyon.
"A-ano ba, Marco! Ako dapat magsasabi no'n!" singhal ni Yella sa mismong muka nito.
"Ako ang naka-isip," giit ni Marco.
“Naisip ko rin 'yun!"
"Anong ginagawa niyo rito?" she asked them. Pilit niyang iniiwas ang tingin kay Yella, na ngayo'y nakikipagtalo kay Marco.
Kilalang-kilala siya ni Yella. Malalaman agad ng kaibigan niya na galing siya sa magdamag na pag-iyak hanggang sa magtatanong ito kung bakit. At kahit hindi siya sumagot ay pipilitin siya nito hanggang sa magsalita siya.
Inahon ni Louise ang takure dahil kumukulo na.
"Group mission," tipid na sagot ni Faith at naupo sa harap ng lamesa.
"Group mission?" she inquired in confusion. "Ilang tao ba ang target?" Binuksan niya ang thermos at isinalin doon ang ininit niyang tubig.
“Isang hideout,” natatawang sabi ni Alec.
Hindi alam ni Louise kung nagbibiro ba ito o ano.
"Patingin ng file,” seryosong sabi niya matapos isalin ang tubig.
Iniabot naman ni Alec sa kanya ang folder. Binuksan niya ito. Napaawang ang bibig niya matapos itong mabasa.
"Bakit niyo tinanggap?" nagpipigil ang inis niyang sabi.
Walang nakalagay na eksaktong dami ng target. Pero nang basahin niya ng ilang ulit pa ang file ay nakakasigurado siya na marami iyon dahil mas malaki sa cluster hideout nila ang hideout ng mga ito.
"Sa Cluster 5 yan,” si Faith. "Alam mong hindi sila makakakilos sa ngayon dahil kay Lin.”
Si Lin ay ang kapatid ni Lorenzo. Ito rin ang cluster leader ng cluster 5.
Napabuntong-hininga na lang si Louise. Wala na kasi siyang magagawa. Sa oras na nasa kanila na ang file, kailangan na nila gawin kung ano ang nakapaloob doon.
"Magpapaalam lang ako," aniya, at tinungo ang kuwarto ng kanyang ina.
Nagulat pa siya nang makitang gising ang kanyang ina pagbukas niya ng pintuan. Nakaupo ito sa kama. Ibig sabihin ay narinig nito ang pinag-uusapan nila sa labas.
“Umuwi ka bago mag ala sais.”
Sandaling natigilan si Louise. Muntik na niya makalimutan na ito na nga pala ang huling araw nila rito dahil aalis na sila mamayang gabi patungong Denmark. Nagpasya na ang kanyang ina na pumunta sila ng Denmark. Doon daw ang totoong tahanan nila at hindi rito. Isa raw siyang Prinsesa kaya dapat ay naroon siya.
Hindi na muli pang nagsalita ang kanyang ina kaya lumabas na siya roon.
"Nasa sasakyan na sila," ani Yella nang makalabas siya at makitang wala na ang kanyang mga kaibigan. Kaya pala si Yella na lng ang nasa loob.
Matapos ni Louise magbihis ay kaagad siyang bumaba. Inilagay niya sa lamesa ang mga kakailanganin ng kanyang ina para mamayang tanghali.
“Ang tahimik mo ata?” Yella looked at her weirdly, narrowing eyes at her.
“Tahimik naman talaga ako,” depensa niya sa sarili. Nilagpasan niya ito at naglakad na palabas. Agad naman sumunod ito sa kanya.
Isang sasakyan lang ang kailangan nila dalhin dahil iyon ang nasa file. Marco was on the driver seat while Alec was on the shotgun seat.
"Nasa ilalim ang mga gamit,” turo ni Marco.
Yumuko si Yella at hinila ang bag sa ilalim. Tinulungan siya ni Faith hilahin ito.
"Mga bago!" Yella grinned happily.
"Regalo ni Boss," si Alec.
"Ang sweet talaga ni boss. Faith, I crush him na!”
Nanatiling tahimik si Louise at tiningnan lang ang mga kaibigan. Hindi pa niya nasasabi sa mga ito ang tungkol sa kanya. Hindi niya rin kasi alam kung paano sisimulan sabihin ang bagay na iyon. Kahit kasi siya ay hindi pa rin makapaniwala hanggang ngayon.
Faith laughed and shook her head sa sinabi ni Yella. “Gaga, hindi ka type no'n. Ayaw niya sa magaslaw. Para ka pa naman bulate na binudburan ng asin.”
Malakas na natawa sina Alec at Marco sa sinabi ni Faith.
“Kita mo iyong nakita natin sa McDo noong nakaraang buwan, bago ka lumipad papuntang Queensland? Iyong maganda na mahinhin? 'Yun ang nililigawan niya."
Si Kae ang tinutukoy ni Faith. Isang guro sa private school.
"Seryoso?!"
"Oo. Nakita rin namin sila ni Louise sa sinehan one time noong galing kami sa isang café malapit sa Ortigas.”
Marco laughed louder. “Kawawa!”
Mabilis naman tumayo si Yella para maabot ang buhok ni Marco. "Am I talking to you, ha?” gigil na sabi nito at sinabunutan si Marco. “Sabat ka nang sabat sa usapan! Ang hilig mo umepal. E, hindi ka naman kausap!”
“Pucha, hoy! Aray—bitaw! Masakit! Mariella, masakit! Mababanga tayo!”
Agad din naman ito binitawan ni Yella at bumalik sa pagkakaupo nang mapagtanto na ito nga pala ang nagda-drive ng sinasakyan nila.
"Si Marco na lang kasi Yella," udyok ni Alec na lalong ikinainis ni Yella.
“No way! Di ko papatulan yan!”
“Parang lugi ka pa sa ‘kin, ah? Hindi rin kita papatulan, hoy!”
Pinanuod lang ni Louise ito mag-asaran ang dalawa at tumawa sina Faith at Alec. They had been friends with her for almost five years. She can still remember how their friendship started. Sa tuwing kinakapos sila ng kanyang ina sa pangangailangan sa pera ay hindi nagdadalawang isip ang mga ito na pahiramin siya. Importante at mahalaga ang mga ito sa kanya at alam niyang ganoon din siya sa mga ito. Para na silang magkakapatid, handang sumalo ng bala para sa isa't-isa. Kaya hindi madali ang gagawin niyang pag-iwan sa mga ito.
Matapos ang dalawang oras ay narating na nila ang probinsya ng Laguna. Hindi namalayan ni Louise na nakatulog pala siya sa biyahe.
Faith picked the machine gun at naglagay pa ng dalawang hand gun sa bewang, bago nagsuot ng bonet. Matapos ni Yella kumuha ng mga gagamitin ay si Louise na ang sumunod.
"Ginagago mo ata kami Marco, e. Gubat 'to!” angil ni Yella.
Inilibot ni Louise ang paningin sa buong lugar nang makababa siya. Tama nga si Yella. . .Nasa gubat nga sila.
"Wag ka nga sumigaw! Kaharap lang kita, naninigaw ka pa!" inis na sabi ni Marco.
"Kasi nga, engot ka! Sigurado ka ba na eto na 'yun? Bakit wala ang hideout?!"
"Eto nga 'yun!"
"Bakit nga wala?!"
"Hindi ko alam!"
"Hindi ba kayo titigil?" inis na rin si Faith sa dalawa.
Napalingon si Louise sa kanan niya nang makarinig ng ingay ng bakal. Mukhang narinig din iyon ni Faith dahil naglakad ito papalapit roon. Sumunod si Louise kay Faith, at sumunod naman ang mga kasamahan sa kanila.
Habang papalayo sila sa van ay papalakas naman ang ingay ng bakal na naririnig nila. Maya-maya pa, narating nila ang isang bodega. Kitang-kitang nila ang mga kalalakihan na nag-aayos ng gate. May mga baril itong nakasukbit sa likod, na tila ba handa na kung may susugod man.
"Dito sila gumagawa ng drugs?" baling ni Yella kay Louise.
Tago ang lugar na ito. Malayo sa kalsada at mga kabahayaan, para bang sinadya talaga na rito magtayo ng hideout. Those drug lord here has been growing and distributing their stuff all over the country. Ilang mga kabataan na ang naiimpluwensyahan ng mga ito. Sigurado silang dadami pa ito nang dadami kapag hindi naagapan.
"This is one of their factories where they grow their crops,” si Alec. "They're not just a typical drug lord. Kailangan natin mag-ingat.”
"Not just a typical drug lord?” Louise repeated. Nilingon niya si Alec, hinihintay ang paliwanag nito.
"Sigurista sila, sinisiguro nila na mauubos sa tamang oras ang mga gawa nila.”
"Paano?" si Yella.
"Nurse, engineer, pulis, waiter, crew at iba pang may trabaho ang nagbebenta para sa kanila. Hindi sila kumuha ng tao na walang trabaho."
"I don't get it. Bakit hindi sila kumukuha ng mga walang trabaho?" naunahan siya ni Faith itanong ito.
"Para mas mabilis. Iyong simpleng pagtawag ng pangalan sa isang coffeeshop para sa order, hindi mo paghihinalaan na may bentahan na nangyayari. Iyong akala mo magpapa-check up din ang katabi o kasunod mo, pero bibili pala.”
Pumapalakpak na si Louise sa isip niya. Sino ba naman nga ang mag-iisip na ganoon pala ang kalaranan ng mga ito? She had never heard of an entire country that had drug dealers stationed in every normal environment you could think of it.
"And no one noticed?" Yella questioned.
"Meron," sagot ni Alec. "But this drug lords is powerful. The witness of these deals keep their mouth shut and they don't end up with a bullet in their head for ratting the whereabouts of the dealers—”
Nanlaki ang mga mata nila ng mag-ring ang cellphone ng isa sa kanila. Rule #72, hindi puwedeng naka-on ang cellphone sa oras ng misyon.
Sabay-sabay nila binalingan ang may-ari ng cellphone. . .Si Marco iyon.
“Marco naman, bakit mo kinalimutan i-off 'yan?” mahinang singhal ni Faith.
Agad namang sinagot ni Marco ang tawag dahil sa takot na may makakita sa kanila.
"Si Boss," sabi ni Marco bago sinagot ang tawag. "Boss? Ha? T-teka—ano? Bakit? Boss naman. . .nandito na kami. Pero—sige, sige—oo, pabalik na kami. Yes, Boss.”
"Anong babalik?" tanong ni Alec, nakakunot ang noo.
"Pinababalik tayo ni boss.
"Bakit nga?”
"Hindi raw natin kakayanin ng tayong lima lang.” Tumawa pa si Marco at umiling-iling. “Pucha. . May mga private army pala yan sa loob?”
Nanlaki muli ang mata nila at nagkatinginan. Paniguradong hindi sila makakalabas ng buhay dito kung pinasok nila ang loob.
“Umalis na tayo,” ani Louise.
Marahan at ingat na ingat silang naglakad paalis at bumalik sa van.
“Taena! Susunod sana tayo ngayon kay Boss Lorenzo kung pumasok tayo sa loob no'n,” biro pa ni Marco.
Tinapunan ito ni Louise nang masamang tingin dahil hindi magandang biro ang sinabi nito
.
“J-joke lang.”
Pumasok na sila sa loob ng van at nag-drive paalis. Dumaan muna sila sa main hideout para magreport kay Charlie at sumilip kay Lorenzo. Hindi na rin sila nagtagal pa roon at umalis na.
Si Louise ang unang ihinatid ng mga kaibigan niya pauwi dahil ang bahay nila ang unang madadaanan kapag galing sa main hideout.
“Ingat kayo,” mabigat at labag sa loob niyang binitawan ang mga salita.
Ngumiti si Yella sa kanya. “See you tomorrow!”
Tumango siya. Kumaway pa ang mga kaibigan niya bago tuluyang isinarado ang pintuan ng van at nag-drive paalis.

Komento sa Aklat (16)

  • avatar
    Camacho Ma Diezel

    unexpected plot twist, I like it🫶

    06/08

      0
  • avatar
    CalaroLaurel Jan

    goods

    25/07

      0
  • avatar
    RoldanLourince

    ang ganda

    19/06

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata