logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 5: Relief

CHAPTER 5: Relief
Nang makapasok na kami sa loob ay nagpahinga na muna ako sandali sa kwarto ko at saka ako nagimpake ng mga gamit ko. Mabuti na lang may mga gamit na rin ako roon sa mansion kaya hindi ko naman kailangan magdala ng masyadong maraming gamit.
Simula noong nag-college ako saka lang naman kami bumukod ng bahay, dahil simula pagkabata ay sa mansion kami nakatira at magkakasama kami roon. Sa tuwing nasa medical mission sina Daddy at Mommy ay sa mansion din kami namamalagi.
Mas panatag sila kapag nandoon kami sa tuwing wala sila…
Kaya nasubaybayan namin ang paglaki naming magpinsan, noon pa man ay may pagkamasungit na si Kuya Cielo at palaging seryoso dahil sa aksidenteng nangyari noon...simula ‘non naging seryoso na siya sa buhay niya.
Madalas siyang nasa kwarto at nag-aaral, bihirang makipag-bonding sa amin. Kaya kung minsan ay uutusan pa ako ng Mommy niyang tawagin siya sa kwarto para bumaba at makipag-bonding sa amin.
Pero gano’n pa man, nakikita ko siyang ngumingiti sa tuwing kinukulit ko siya, mabuti na nga lang hindi siya napipikon sa kakulitan ko. Kaya nga ‘nong lumipat kami ay nalungkot si Tita Celeste dahil bihira na niya kami makakasama, at wala na raw makakapag-patawa at magpapangiti kay Kuya Cielo gaya ng ginagawa ko.
Hindi ko nga alam sa pinsan kong iyon, kung bakit sa tuwing ako ang kasama niya ay nagiging mas normal siya, nakakatawa at nakakangiti siya ng normal.
Nababawasan ang pagiging seryoso niya…
Pero moody talaga siya dahil minsan ay hindi na lang niya ako papansinin, sinusungitan niya ako sa hindi ko malaman na dahilan. I remember when I was in third year high school, I brought my male classmates in the mansion to do our group project.
Ako lang kasi ang babae sa grupo namin, puro lalaki ang naging ka-group ko kaya sinabi ko sa kanila na sa’min kami gagawa ng project. Hayun, nang makita ni Kuya Cielo ang mga classmates ko ay biglang nagsusungit sa kanila maging sa’kin. Isang linggo niya akong iniwasan ‘non at hindi kinausap.
Minsan naisip ko ngang nagselos siya ‘non pero mukhang malabo mangyari ‘yon…
But I never saw him with any other girl, ni hindi nga siya nagkaroon ng girlfriend, e. Paano ba naman kasi sobrang busy siya sa kakaaral niya, palaging laptop at libro ang kaharap niya. Kung hindi ko pa siya guguluhin at pipilitin minsan ay hindi siya titigil sa pagbabasa ng libro.
Maraming nagkakagusto sa kaniyang mga babae ‘yon nga lang natatakot silang lapitan siya, dahil sa kasungitan niya at palaging seryoso ang mukha…bihira siya kumausap ng mga babae, it depends on the girls actions kapag hindi niya nagustuhan ang ugali at ang way ng pananalita ng babae ay hindi niya pinapansin. Masuwerte na ang iilang babaeng kinakausap niya.
**
Matapos kong magimpake ay nakatulog ako, ginising lang ako ni Mommy para pumunta na sa mansion. Sabay-sabay kaming naghapunan roon, wala nga lang si Kuya Cielo dahil nasa hospital pa rin siya at may duty pa.
Hindi ko nga alam kung anong oras na siya uuwi, ang aga niyang pumasok kanina pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakauwi, malamang ay nag-overtime na naman siya…

After our dinner, dumeretso na ako sa room ko para magpahinga. Kailangan ko ng maraming energy dahil start na bukas ang practicum namin. Maaga ring aalis sina Mommy at Daddy kasama si Chairman Park bukas, baka nga hindi ko na sila maabutan bukas paggising ko.
Saglit pa akong nagtingin sa social media accounts ko, scroll-scroll, nood ng videos hanggang sa inabot na ako ng 12 AM nang hindi ko namamalayan.
I was about to sleep when my phone suddenly vibrates, nagulat ako nang makitang nag-message ang pogi kong pinsan. Binasa ko agad ang message niya;
@CieloPark: “Still awake?”
Nangunot ang noo ko nang mabasa iyon, bakit hindi pa rin ba siya nakakauwi? It’s already 12 midnight over naman na yata ang pagtatrabaho niya. Mabilis akong nagtipa sa phone ko at sinagot ang message niya.
@EstrellaPark: “Hmm, yes. Are you still on duty?”
Agad naman niyang na-seen ang message ko mabilis din siyang nakapag-reply.
@CieloPark: “No, I’m at home already, here at backyard.”
@CieloPark: “Come here?”
Napangiti ako sa message niya, mabuti naman at nakauwi na siya…
@EstrellaPark: “Okay, I’ll be there.”
Mabilis akong nagpalit ng t-shirt at shorts, dahil nakapantulog na ako kanina na nighties. Tulog na ang lahat ng tao sa mansion nang bumaba ako, nagmamadali akong pumunta sa backyard namin. Ano naman kaya ginagawa niya roon?
Bakit hindi pa siya umakyat sa kwarto niya at magpahinga na, hindi naman siguro siya mag-swiswimming sa pool ngayon dahil past 12 na ng madaling araw.
Nang marating ko ang backyard ay nakita ko na siyang nakaupo sa bench, nakatalikod siya kaya hindi niya napansin ang pagdating ko. Dahan-dahan akong naglakad at naupo sa tabi niya, bahagya pa siyang nagulat sa presensiya ko nang makaupo ako.Ngumiti agad siya nang makita ako, ngunit mapungay na ang kaniyang mga mata, bakas ang pagod at antok rito…
“I thought you would never go down,” he chuckled.
“Hmm, pwede ba naman ‘yun? Why are you here, oppa?”
He smiled that I could not see his eyes. “Papahangin lang…”
Napailing ako sa kaniya. “In the middle of the night?” then, he suddenly leaned his head on my shoulder. “Oppa? Are you okay?” nag-aalala kong tanong.
He shook his head still on my shoulder. “I’m tired…”
Bahagya kong tinapik ang braso niya. “Why are you still here? Why don't you go up to your room so you can rest?”
Pagod pala siya pero nandito pa siya sa backyard, bakit hindi na lang kasi siya magpahinga sa kwarto niya at matulog na…naawa tuloy ako sa kaniya dahil ramdam kong pagod nga siya. Bakas sa kaniyang itsura ang pagod at antok niya.
“I’m already resting…” he said softly.
“Hmm?”
“Here…with you…every time I’m with you I am at rest—relax. You’re my relief…” he said tenderly.
Hindi agad ako nakapagsalita, sandali pa akong natulala at pilit na iniintindi ang sinabi niyang iyon…nang mapagtanto ko ang kaniyang ibig sabihin ay napangiti agad ako. Marahan kong hinaplos ang kaniyang buhok.
“Sige, dito ka sa’kin magpahinga…” nakangiti kong sambit habang hinahaplos-haplos ang kaniyang buhok.
“Buhatin mo ako kapag nakatulog ako, ah?” he chuckled.
“As if naman kaya kitang buhatin!” hinampas ko ang braso niya.
Inangat niya ang ulo niya at napahawak sa braso niya. “Ouch! Pahinga ang kailangan ko, Ella…hindi ‘yang pananakit mo,” he pouted.
“Masasaktan ka talaga! Kaya tumigil ka na—char!” I stuck my tongue out at him.
Nakangiti niyang ginulo ang buhok ko. “May pasalubong pa naman ako sa’yo…tapos inaaway mo ako.”
“Weh? What did you buy for me?”
“Here,” inabot niya sa akin ang paper bag na may lamang kimbap, japchae, corndog at kimchi.
“Hindi naman ako gutom, e…wait kumain ka na ba, oppa?” takang tanong ko sa kaniya.
Nakangiti siyang umiling. “Not yet.”
“Edi, kainin mo ito…bakit hindi ka pa kumakain? Anong oras na, ah!” taas-kilay kong sambit.
“I was just busy—and wala rin akong gana kumain kanina.”
“Kung susubuan ba kita gaganahan ka nang kumain?”
Natawa siyang bigla. “Hmm—if you insist? Sabayan mo na lang akong kumain,” kinuha niya ang paper bag at agad na binuksan iyon. Kumuha siya ng isang kimbap. “Here, say ahh…” at sinubo sa akin iyon, nakangiti ko namang nginuya iyon.
Kumuha rin ako ng isang kimbap at sinubo sa kaniya iyon, pinagsaluhan namin ang dala niyang pagkain. Ngunit konti lang ang kinain ko dahil busog naman ako at matutulog na rin naman, ayokong matulog nang sobrang busog.
Gusto pa niyang ubusin ko ang dala niya pero wala siyang nagawa dahil hindi ko naman kayang ubusin ‘yon nilagay na lang namin sa refrigerator ang natirang pagkain.
“Thanks for the food, oppa,” nakangiti kong sambit. Kasalukuyan kaming nasa tapat ng kwarto naming dalawa, magkatapat lang kasi ang kwarto namin dito sa mansion.
He sweetly smiled at me. “You’re welcome, Ellatot,”
“Sige na matulog ka na at magpahinga…” pilit ko siyang tinutulak sa tapat ng pinto ng kwarto niya at sadyang nagpapabigat naman siya.
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. “You don’t need to push me because I already fell…good night, Ella…” at marahan niyang hinalikan ang noo ko.
Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niyang iyon, hindi ko inaasahan iyon. Tila nanlambot ang mga tuhod ko dahil sa kuryenteng dumaloy sa katawan ko.
“G-good night, o-oppa,” utal kong sambit nang bitawan na niya ako.
He gestured me to go inside first kaya nauna akong pumasok sa loob ng kwarto ko, hinintay niya pang maisara ko ang pinto ng kwarto ko bago siya pumasok sa loob ng kwarto niya.
Napasandal ako sa pintuan na nakahawak sa dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng kabog nito. Patalon akong nahiga sa kama ko at niyakap ang unan ko, kinikilig akong sobra…it was just a kissed on a forehead pero iba ang pakiramdam ‘non sa akin, iba ang dulot nito sa akin…
“What does he mean? That I don’t need to push him because he already fell? Daebak!” sinubsob ko ang mukha ko sa unan habang nagpapadyak sa sobrang tuwa at kilig na aking nadarama.
It’s the little things that he does that make me crazily in love with him…
**
Kinabukasan, hindi ko na naabutan sina Mommy madaling araw pa lang ay umalis na raw sila. Kasarapan naman kasi iyon ng tulog ko. At oo sobrang sarap at himbing ng tulog ko dahil sa nangyaring iyon…hanggang ngayon ay hindi ko maalis sa isip ko ang binitawan niyang salita at ang paghalik niya sa noo ko.
Kilig na kilig pa rin ako… pero dahil kasabay kong kumakain ng breakfast ang kapatid ko at si Tita Celeste ay nagpipigil akong mapangiti.
Baka kasi kung ano pang isipin nila. Isipin pa nilang nababaliw ako…
Malamang ay tulog pa siya dahil hindi pa rin siya bumababa, napuyat kasi at pagod ring talaga. Magpapahatid na lang ako sa driver namin maaga kasi ang duty ko ngayon 8 to 4 pm lang naman ako ngayon. Baka wala ring duty si Kuya Cielo dahil anong oras na siyang nakauwi kagabi…
“Noona?” tawag sa’kin ni Cyrus kaya natigil ang pag-iisip ko ng kung anu-ano.
“Oh?” nagtatakang tanong ko.
“Sasabay ka sa’kin pumasok?”
“Hmm, sige.”
“Eat more my babies,” nakangiting sabi ni Tita. Nakangiting tinanguan ko na lang siya, ang totoo ay busog pa naman ako kaya hotdog at bread lang ang nasa plato ko, uminom lang din ako ng hot chocolate drink.
“Good morning…” he said in a husky voice. Gulat akong napaangat ng tingin sa kaniya dahil hindi ko namalayang bumaba na pala siya.
“Good morning, hyung!” masiglang bati sa kaniya ng kapatid ko.
“Oh, baby…” si Tita.
He frowned. “Aish, Mom…”
“Sit down, sabayan mo na kaming kumain. I thought you don’t have a duty? Ginabi ka na masyado ng uwi kagabi,” she pouted.
Naupo na siya sa tabi ni Cyrus at bahagya pang sumulyap sa akin. “Ah—no, mom. I have a duty now.”
“Ahh, baby! Baka naman kulang ka pa sa tulog niyan?”
“It’s fine, mom. In fact, I slept well last night…” nakangiti niyang sabi na bahagya pa siyang sumulyap sa akin.
“It looks like you have a very nice morning too, hyung…” nakangising sabi ni Cyrus.
Natatawa niyang ginulo ang buhok ni Cyrus. “Of course…nakapagpahinga kasi ako nang maayos paguwi ko last night,” deretso siyang nakatingin sa akin. Naiilang na kinagatan ko ang hawak kong hotdog, hindi ako makatingin sa kaniya ng deretso dahil pakiramdam ko ay nahihiya ako.
Bakit ba panay ang tingin niya sa akin? Hindi ko kinakaya ang kagwapuhan niya…
“Oh, well, that’s nice, son. I’m glad na may—na nakapagpahinga ka…” nakangising sagot ni Tita na sumulyap sa aming dalawa. Hindi ko alam kung bakit parang nanunukso ang tingin niyang iyon.
“Cyrus, finish your food. Baka ma-late ako,” utos ko sa kapatid ko.
He pouted. “Ah…it’s too early, noona.”
“Ella, sabay na tayong pumasok,” Kuya Cielo sauddenly snapped kaya gulat akong napatingin sa kaniya.
“Mabuti pa nga, baby. Sabay na kayong pumasok ni Ella. First day niya as intern today baka ma-late siya, baka mapagalitan siya ng resident doctor nila…”
“No worries, mom, I’m the resident doctor…” nakangiti niyang sambit kaya lumawak ang ngiti ng mommy niya sa sinabi niyang iyon.
Matapos naming kumain ay nagpaalam na kami kina Tita Celeste para pumaosk, naiwan si Cyrus dahil magpapahatid na lang daw siya sa driver dahil masyado pa raw maaga kung sasabay siya sa amin. Hindi ako mapakali habang nasa sasakyan kami, ewan ko ba, nahihiya ako na hindi ko maintindihan ang sarili ko.
“Oppa, you should go home and take a rest,” sabi ko nang makapag-park na siya rito sa hospital.
Ngumisi siya. “I’m fine, Ella. Don’t worry nakapagpahinga naman na ako, right? And besides, I need to drop you here.”
“Eh, pwede naman kasi akong magpahatid sa driver.”
“But I want to take you…don’t worry I can still rest at my office. You can also drop by there?”
“H-ha?” gulat kong tanong sa kaniya.
He chuckled. “Para hindi ka na mag-alala.”
“So, wala ka talagang duty ngayon?”
“Hmm, I guess?” natatawa niyang sagot.
Agad ko siyang hinampas sa braso. “Oppa! Bakit ka pa papasok wala ka naman duty?!”
Bakit kasi pumasok pa siya? Wala naman pala siyang duty, parang gago ‘tong pinsan ko. Pwede naman kasi akong magpahatid sa driver kung wala naman siyang duty. Imbes na makakapagpahinga siya, e kinailangan pa niya tuloy ako ihatid.
“Ouch! I just want to be with you—I mean, I w-will check if you’re doing good on your first day,” he stuttered at bahagya niya pang nakamot ang leeg niya.
“Fine…don’t worry pagbubutihin ko, oppa. Huwag lang akong pahirapan ng mga nurse na patay na patay sa’yo rito,” I smirked.
He suddenly grabbed my hand. “I told you. I’m always at your side…” he said sincerely. “But if you are having a hard time—just shout 'Oppa, saranghae! I need you!” he mischievously said.
Agad kong hinampas ang braso niya, hindi ko mapigilan ang tumawa, hindi ko akalaing makukuha niyang magbiro. Malaki na talaga ang pinagbago niya, malaki na rin ang pinagbago ng nararamdaman ko sa kaniya…mas lalo na yatang lumalalim ito dahil sa mga pinapakita niya sa akin ngayon.
Paano ko pa bang pipigilan ito? Ano bang gagawin ko sa nararamdaman ko para sa kaniya?
But one thing for sure I know; I love this feeling that arose without any notice…

Komento sa Aklat (24)

  • avatar
    CarabidoAiza

    good

    28/06

      0
  • avatar
    Michael Jay

    bohol

    18/04

      0
  • avatar
    ManRg Trigger

    this app is amazing

    01/04

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata