logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Imperfectly Perfect

Imperfectly Perfect

Mics Artemia


BEGINNING CHAPTER

  "Heaven!"
  "Ito na, bababa na!"
  Nagmamadali pero may pag-iingat akong bumaba sa hagdan dahil ilang beses na akong tinawag ni mommy. Siguradong sermon na naman ang aalmusalin ko pagdating sa kusina. Paano ba naman kasi, mag-aala-sais pa lang ng umaga pero kung makapag-sabing late na ako ay wagas.
  Seven-thirty pa lang ang simula ng klase namin at sigurado naman akong wala kaming ibang gagawin kundi magpakilala kaya ayos lang din kung ma-late. Ewan ko ba dito kay mommy at masyadong excited. Katuwiran nya ay ito daw kasi ang unang araw ko sa klase bilang senior high school student.
  Eh, ano naman ngayon? Wala namang nakaka-excite doon. Papasok lang naman sa eskwela, makikipag-plastikan sa mga bagong kaklase at sisipsip sa mga teacher para pumasa, tapos uuwi na sa bahay pagsapit ng alas quatro y medya.
  "Ito na, nandito na ako."
  Gaya ng inaasahan ko ay nagsimula na nga si mommy sa sermon nya, dinaig pa nya si Elmo Magalona at Glock 9 sa bilis nyang magsalita. Napa-iling na lang ako at nagsandok ng friend rice. Hindi ko naman ugaling kumain ng kanin sa agahan pero siguradong madodoble ang sermon ko kapag hindi ako kumain.
  "Hay naku ka talagang bata ka. Tingnan mo, imbes na aayusan natin yang buhok mo, pinagupitan mo na naman." puna nya sa buhok kong hanggang balikat na naman ngayon ang haba.
  Noong isang araw ko pa ito pinagupitan, sinermonan na nga nya ako noon at ito na naman ngayon. Alam naman nyang ayaw na ayaw ko ang nagpapahaba ng buhok.
  "Mom, alam mo namang ayaw kong nagpapahaba ng buhok ah. Saka, ang sakit kaya sa anit kapag inaayusan nyo yung buhok ko." sagot ko.
  "Eh, maganda nga yon eh. Tingnan mo yang ID mo, ang ganda-ganda mo diyan."
  Sinulyapan ko ang id ko na nakasabit sa leeg ko. Hanggang sa taas ng siko ang haba ng buhok ko dito, may bangs, hindi naman iyon nawawala, at naka-tirintas na nakatago sa likod ng tainga. Parang headband.
  "Maganda nga, pero mas gusto ko pa rin na maiksi yung buhok ko."
  Umiling-iling sya. "Ewan ko sayong bata ka, kaunti na lang at iisipin ko na hindi ka babae eh."
  And that made me smile.
  Madalas talaga nilang isipin at sabihin na para daw akong hindi babae dahil sa pananalita ko at kilos ko. Well, anong magagawa ko? Eh, ito ako. Alangan naman pilitin ko yung sarili ko na magbago, hindi na ako yon kung ganon.
  Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako kay mama. Kinulit pa nya ako na ayusan daw namin ang buhok kahit papaano pero umayaw ako dahil nga ayaw na ayaw ko talaga ang inaayusan ng buhok. Kaya nga ako nagpagupit eh.
  Tamang suklay lang ang kailangan.
  "Sige na, ma. Alis na ako."
  "Yung allowance mo,"
  "Naibigay na ni daddy kagabi."
  "Ingat ka!"
  "Opo!"
  Patakbo akong lumabas ng gate at hindi na nag-abala pang isara yon dahil kasunod ko lang din naman sya at kinukulit-kulit akong ayusan ng buhok. Medyo malayo na ako nang marinig kong sumigaw sya na,
  "Sigurado ka bang hindi ka na magpapahatid?"
  I shook my head, "Hindi na, sasabay na lang ako kina Sofie."
  Muli akong tumakbo papunta sa bahay nina Sofia na hindi rin naman kalayuan sa amin. Nasa iisang street at village lang naman kasi kami. Sa kanya ako madalas sumabay dahil ayokong nakikitang hinahatid ako ni mommy.
  Sa tuwing makikita kasi nila kami ni mommy na magkasama, agad nila akong tatanungin na bakit daw si mommy ay magaling mag-ayos sa sarili samantalang ako ay hindi.
  Well, hindi naman sa hindi ako marunong mag-ayos ng sarili. Hindi lang talaga ako girly mag-ayos katulad ng ibang teenager. Nagsusuot pa rin naman ako ng skirt at bestida, pero madalang.
  Halos madapa na ako sa kakatakbo nang makitang paalis na ang kotse nina Sofie, binuksa nya ang bintana at kumaway sa akin at sinabihan akong bilisan ko. Mabuti na lang at naka-flats ako.
  "Whooo!"
  Hinihingal ako nang makapasok na sa kotse at agad kong pinasara sa kanya ang bintana para maramdaman ko na ang aircon. Tumawa sya at ginawa ang sinabi ko.
  "Bakit ba naman kasi tumatakbo ka?" tanong nya.
  "Eh, si mommy, tinatakasan ko. Alam mo naman yon, nagpagupit na nga ako ng buhok pero nagpipilit pa rin na ayusan ako."
  Tumawa sya, "Alam mo naman si tita eh. Wala ng bago doon. At saka, natural lang naman sa kanya ang pag-aayos at pagpapa-ganda. Alam mo namang iyon ang kinahihiligan nila ni mommy."
  I shrugged.
  Kunsabagay.
  Magkakilala naman at magkaibigan ang mga magulang namin kaya alam na alam nya. Ang mga daddy namin ay business partners at parehong doctor, ganun din sina mommy. Iyon nga lang, hindi doctor ang mga mommy namin dahil pareho silang journalist.
  "Ready na natin yung utak natin para sa Calculus." biglang sabi ni Sofie na ikinatingin ko sa kanya.
  I shook my head and leaned back, "Masyado pang maaga para diyan. Siguradong introduce yourself lang ang gagawin natin sa maghapon."
  "Uso ba yan sa Holy Angel?"
  Tumawa ako, "Hindi school ang pupuntahan natin kung hindi uso ang introduce yourself sa unang araw ng klase."
  "Baliw ka talaga,"
  "Totoo naman."
  Umiling-iling sya bago nanahimik at inabala ang sarili nya sa cellphone nya. Sinulyapan ko sya at ako naman ang napailing nang makitang may manipis na layer sya ng make-up habang ang buhok nya ay may baby pink na headband na may pearl design at naka-tirintas na katulad ng kay Queen Elsa sa Frozen.
  Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at pinakaramdaman ang galaw ng sasakyan hanggang sa makarating kami sa school.
  Gaya ng inaasahan ay dagsaan ang mga estudyanteng pakalat-kalat. Malawak ang ngiti ni Sofie habang naglalakad sa tabi ko, samantalang ako naman ay as usual, walang imik at wala kang makikitang kahit anong emosyon sa mukha ko.
  Para akong multo na naglalakad lang at diretso ang tingin habang hawak ang strap ng backpack ko.
  "Heaven, wait!"
  Kumunot ang noo ko nang maramdamang hinila ni Sofie ang manggas ng uniform ko at pinilit akong lumingon sa tinitingnan nya.
  Saka ko napagtanto na nakatingin pala sya doon sa tatlong lalaki na pinagtitinginan din ng ibang estudyante. Mas lalong kumunot ang noo ko dahil doon.
  Who are they?
  Nasagot ang tanong na yon nang magsalita si Sofie sa tabi ko.
  "Totoo pala na dito papasok yung sikat na male vlogger at tiktoker kasi lumipat na sila sa Pampanga."
  Kumunot ang noo ko, "Sikat na male vlogger at Tiktoker? Sino?"
  Hinila nya ako para mas lalong lumapit sa kanya at may itinuro, inayos ko naman ang salamin ko para mas makita ng maayos ang tinuturo nya.
  "Ayun, oh. Si Mikael Mendoza, yung matangkad na moreno at kulay ash brown ang buhok."
  Siningkit ko ang mata ko para mas masipat ang mukha nito pero nahirapan ako dahil andaming naka-side ito at nagsimula na ring lumapit ang mga estudyante sa kanya para magpa-picture.
  Hanggang sa hindi na namin sya makita dahil dinumog na sya.
  Bumuntong hininga na lang ako at tingingnan si Sofie na ngayon ay kumikinang na ang mata at nakatingin pa rin sa direksyon nung sinasabi nyang sikat na vlogger at Tiktoker.
  "Huwag mong sabihing gusto mo din magpa-picture sa kanya?" tanong ko.
  Nagniningning pa rin ang mga matang tumango sya ng hindi tumitingin sa akin. Umiling na lang ako ng ilang beses at pabirong pinalo ang braso nya.
  "Bahala ka sa buhay mo. Basta, papasok na ako. Hindi ka naman matutulungan ng lalaking yan sa introduce yourself eh."
  Hindi ko na hinintay na makasagot sya at iniwanan na sya sa kinatatayuan nya. Hindi naman kami magkaklase kahit na parehong STEM ang strand namin, kaya okay lang.
  Diretso akong naglakad papunta sa unang klase ko. Nang makarating ako sa classroom ay marami-rami na rin ang naroon at dinig na dinig kong pinag-uusapan din nila ang lalaking pinagkakaguluhan ng mga estudyante kanina.
  Naiirita akong marinig ang mga matitinis nilang boses kaya naman kinuha ko na lang earpods sa bag ko at inilagay yon sa tainga ko sabay adjust ng volume sa pinakamalakas nitong adjustment.
  Nasa tatlong kanta na rin ang napakinggan ko nang dumating ang teacher namin. And the usual introduce yourself started.
  At kapag pinaglalaruan ka nga naman ng tadhana, hindi ko inaasahang kaklase ko pala ang Mikael na sinasabi ni Sofie at sa akin pa naisipang tumabi gayong napakaraming vacant seats sa paligid. Ngayon tuloy ay napapadalas ang tingin sa amin ng mga kaklase ko na hindi ko nagugustuhan. Ayoko pa naman na ako ang tampulan ng pansin.
  When it was already my turn, I stood up and put on my I-don't-give-a-damn face as I told my name and age, according to our teacher's instruction.
  "Good morning, my name is Heavenly Ladesma and I am seventeen years old. Hope you all feel okay."
  Pagkatapos non ay walang gana akong bumalik sa pagkaka-upo habang ang teacher naman namin ay nakatingin pa rin sa akin.
  "That's all, miss Ladesma? Wala ka man lang bang sasabihin na iba? Like, give us an insight about yourself?"
  "Ma'am, ang sabi nyo lang po ay pangalan at edad kaya iyon lang ang sinabi ko." pangangatuwiran ko.
  Mukhang hindi nito nagustuhan ang isinagot ko pero wala na itong sinabi pa. Ang mga kaklase ko naman ay tumingin sa akin na animo ay mula ako sa ibang planeta.
  I shrugged and the day went on. Dahil sa ginawa na namang Magpakailanman ng teacher namin ang unang araw ng klase ay nag drawing na lamang ako sa sketchbook ko ng kung ano-ano.
  At dahil busy ang teacher namin sa pagku-kwento ng buhay nya na hindi naman interesting ay hindi nya ako napansin na syang ikinatuwa ko.
  Hanggang sa matapos ang klase ay wala akong pinakinggan na kahit ano sa mga sinabi ni Mrs. Garcia. Wala naman kasing sense ang mga sinasabi nya, sinayang lang ang oras namin sa madrama-rama kuno nyang buhay.
  Napabulong ako ng, "Hay, salamat." nang sabihin nyang tapos na ang oras namin para sa klase nya.
  Ibinalik ko ang sketchbook at ballpen sa bag ko at handa ng lumabas ng classroom nang marinig kong magsalita ang katabi ko.
  "Hi, your name is Heavenly, right?"
  Binigyan ko ito ng tamad na tingin at hindi sumagot, pinaparamdam sa kanya na ayaw ko syang kausap at wala akong balak sagutin ang tanong nya.
  Pero ang loko, parang manhid na jowa sa tabi-tabi at hindi man lang naramdaman na hindi ako interesado sa kanya. Ngumiti pa ito at ini-angat ang kaliwang kamay nya para sa isang handshake habang ang kabila ay nakatukod sa mesa.
  "My name is Mikael, I'm a vlogger and a Tiktoker. Perhaps we can be friends?"
  I smirked and strapped my backpack, "Hindi ko tinanong kung ano ang pangalan mo at wala akong paki-alam kung sino ka."
  Then I walked away, leaving him hanging.

Komento sa Aklat (21)

  • avatar
    AlimatarNajif

    thank you 😊

    31/01/2025

      0
  • avatar
    Matt Afable

    nyak

    15/10/2024

      0
  • avatar
    CornitaMarlon

    awesome

    30/08/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata