logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Ika-anim na Kabanata

“WHAT are you doing here, Ms. Naveen?”
Tila ba nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa biglaang pagbukas ng pintuan ng office at iniluwa no’n ang Principal na diretso ang tingin sa akin.
“Ms. Naveen, ano ang ginagawa mo sa office ko?” pag-uulit nito.
Napalunok ako at napakapit sa upuang nasa likuran ko. Nanatili akong naka-chin up at confident siyang hinarap kahit na pakiramdam ko ay nasu-suffocate ako. Tumikhim ako at pasimpleng pinunasan ang pawis na malapit nang tumulo sa noo ko. Pinilit kong huwag ipakita sa kaniyang kinakabahan ako. Ngumiti ako nang matipid bago sinagot ang tanong niya.
“Dala ko po ‘yong mga projects namin…” Pinigilan ko ang sariling huwag mautal. “Na pinapapasa po ninyo.”
Ilang minuto niya akong tinitigan. Pinakiramdaman ko kung pinagdududahan niya ba ako o ano pero mukhang hindi naman. Sa tingin ko ay iniisip niya kung may inutos ba talaga siya.
Nang maalala niyang mayroon nga ay nawala ang pagkakunot sa noo niya. Doon lang ako nakahinga nang maluwag.
“Ah, gano’n ba?” pagkumpirma niya na dalawang beses kong tinanguan. “Ay, oo nga pala. Pasensya na at nakalimutan ko. Sige, iwan mo na lang d’yan, Ms. Naveen.”
“Sige po.”
Ngumiti siya. “Makakaalis ka na. Salamat.”
Sandali ko siyang pinagmasdan bago ako tumango at tuluyang lumabas. Pero bago pa ako makalayo ay sandali akong tumigil at muling lumingon sa office niya.
Ano ang tinatago mo, Principal?
***
Wala sa sarili akong naglalakad patungo sa room. Inaalala ko ang mga nakita kong pangalan sa lumang notebook na ‘yon na nakapaloob sa maliit na cabinet sa gilid ng table niya kanina. Balak ko sanang mag-research tungkol sa kanila at baka may makuha man lang ako kahit kaonting impormasyon.
Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit nandoon na naman ang pangalan ni Ms. Cuevas. Pangalawang beses ko nang nababasa ang pangalan niya sa office ng Principal.
Palaisipan para sa akin kung ano ba talaga ang mga nagawa niya sa school na ‘to o kung ano ba ang totoong pagkakakilanlan niya. Dahil halos lahat sa amin dito sa Mystica Elementa High ay walang alam ni katiting tungkol sa kaniya. Kahit pa ang mga estudyanteng matagal na talagang nag-aaral dito, kagaya ko.
Ang isa pang gusto kong malaman ay kung ano ang ibig sabihin ng nakasulat sa pinakaharapang bahagi ng notebook na ‘yon. Hindi ko masyadong maalala ang eksaktong salita. Iba rin ang lenggwahe no’n kaya hindi ko maintindihan pero sa palagay ko ay French iyon.
Pati na rin ang pinakahuling pangalan na nakalagay doon. Hindi ko man lang ‘yon nabasa. Marami akong gustong malaman kaya kailangan kong makahanap ng paraan at tyempo para makabalik sa office ng Principal at makita ang nasa dulong pangalan na nakasulat sa notebook pati na ang iba pang laman no’n.
Pero paano ko magagawa iyon nang hindi ako nahuhuli?
***
Wala akong imik hanggang sa makabalik ako sa loob ng classroom at naupo sa upuan ko. Halos buong klase akong nakatulala lang sa kawalan.
“Class dismissed. You may take your lunch.”
Napabuntong hininga ako at nakapangalumbabang tumitig sa dingding ng ilang minuto. Hindi ko nga mamamalayan na lunch break na pala namin kung hindi pa ako kinalabit ng ilang beses ni Pracy.
“Kanina pa kita kinakalabit, tulala ka na naman,” puna niya.
“Marami lang akong iniisip,” wala sa sariling tugon ko.
Maraming bumabagabag sa isipan ko. Hindi ko na nga halos ma-absorb lahat ng iyon dahil sa sobrang dami. Sabay-sabay sila at hindi ko alam kung ano ang dapat kong unahin at ihuli. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang dapat kong gawin. Naguguluhan ako at the same time ay nahihirapan.
Malakas ang pakiramdam kong marami pa akong hindi nalalaman tungkol sa paaralang ‘to pati na rin sa mga taong palagi kong nakakaharap at nakakausap araw-araw.
“Gaya ng?”
Natigilan ako sa pag-uusisa ni Pracy at napabalik sa wisyo. Umiling-iling kaagad ako sa kaniya.
Hindi ko maaaring sabihin sa kaniya ang mga pagdududa ko sa Principal hangga’t hindi pa ako nakakahanap ng ebidensya na magpapatunay na may tinatago talaga ito. Hindi niya rin pwedeng malaman ang tungkol sa mga nalaman ko hangga’t wala pa akong nakukuhang matinong sagot o eksplinasyon sa mga tanong ko.
“Ha? Wala,” pagsisinungaling ko at nginitian siya. “Huwag mo akong intindihin, Pracy. Pagod lang ako. Tara sa cafeteria.”
Hindi man siya naniniwala sa isinagot ko ay wala rin siyang nagawa kundi ang sumunod na lang nang hilahin ko siya palabas ng classroom.
Nagkukuwentuhan kami at nagbibiruan habang naglalakad patungo sa cafeteria. Gaya ng lagi naming ginagawa, gaya ng nakasanayan.
Hindi man mawala ang lungkot na nararamdaman namin dahil sa pagkawala ni Alora, pinipilit pa rin naman naming sumaya para pagaanin ang loob ng isa’t-isa at kahit papaano ay mabawasan ang pighati. Hindi pwedeng habambuhay na lang kaming nakakulong sa lungkot at sakit.
Kailangan naming mag-move on. Kailangan naming magpatuloy. Kailangan naming tanggapin kahit gaano pa katagal at kahirap ang proseso. Dahil kahit anong gawin namin ay hindi naman na namin maibabalik pa si Alora. Kahit anong gawin namin ay hindi na muli pang mabubuhay ang kaibigan namin. Mapait man ang katotohanang iyon pero iyon ang magpapatibay sa amin.
Nang makarating kami sa cafeteria ay nakipag-agawan pa kami ng mauupuan. Nang ipaubaya sa amin iyon ay kaagad kaming naupo at nag-order ng pagkain.
“Thanks,” pang-aasar ni Pracy sa dalawang babaeng kaagaw namin sa table kanina. Bakas ang inis sa pagmumukha nila.
Inirapan pa nila kami bago sila umalis. Natawa na lang kami ni Pracy. Mabilis lang din namang dumating ang mga order namin kaya nilantakan na namin ang mga ‘yon.
Sakto namang pagkatapos naming kumain ay biglang tumunog ang speaker ng school. Natigilan kaming lahat sa canteen at tahimik na nakinig doon.
“A pleasant afternoon, students! The Principal has an announcement. Please proceed to the school’s ground. Now…”
Nagkatinginan kaming dalawa ni Pracy at parehong kumibit-balikat. Marahil ay pareho kaming walang ideya sa kung ano ang dahilan at mag-aannounce na naman ang Principal. Tumayo na lang kami at umalis na sa cafeteria.
Halos takpan ko ang tenga ko dahil sa nakakabingi sa lakas at paulit-ulit na sinasabi ng speaker sa bawat sulok na nadadaanan namin. Nagpunta kami pabalik sa room kung saan namin naabutang nakapila na ang mga kaklase namin at kami na lang pala ni Pracy ang hinihintay.
“Quinn, Pracy, fall in line now,” utos ni Rika.
Tumango lang kami at pumila na sa dulo. Hindi rin naman nagtagal at pinalabas na kami lahat para magtungo sa stadium. Inayos pa kami ng mga Professor bago dumating ang Principal.
“Ikinalulungkot ko ang pagkamatay ng isa sa mga estudyante natin sa paaralang ‘to na si Alora Leona,” panimula nito. “Mabait ang batang ‘yon at matalino. Malinis ang mga record niya sa tagal niya nang nag-aaral dito. Consistent din ang rank niyang no. 1 at ang pagiging dean’s lister niya. Kaya masakit para sa akin, para sa akin, na ganoon na lang siya kaaga at kabilis nawala sa piling nating lahat.”
Napaiwas ako ng tingin. Ang totoo ay hindi ko maiwasang hindi siya isipin kada oras. Isa siya sa mga kilala kong may busilak na kalooban. Namimiss ko na ang kaibigan ko.
“Pero wala na tayong magagawa pa. Nangyari na ang mga nangyari. Kahit kailan ay hindi natin mababago kung ano ang nakatadhana sa atin,” pahayag niya habang ang paningin ay nasa akin na ikinatigil ko.
Mabilis niyang inilipat ang tingin sa lahat ng mga estudyante sa harapan at tumikhim.
“Anyway, kaya ko kayo muling ipinatawag ay dahil may mahalaga akong i-aannounce. Sa isang araw na ang acquaintance party ninyo. Marami pa tayong upcoming events na magaganap kaya hindi natin maaaring i-move o itigil ang party nang dahil sa nangyari.”
Naghiyawan ang mga tao sa tuwa pero kaagad silang napatahimik nang sawayin at tignan sila nang masama ng kani-kanilang mga Professor.
“So, back to what I was saying, tuloy ang acquaintance party. Wala kayong klase bukas bilang paghahanda ninyo para sa party,” dagdag ng Principal na mas ikinatuwa ng lahat. “Oh, and by the way, it’s a masquerade party. Put on your mask. Wear your fancy gowns and tuxedos. May special awards na makukuha ang magiging star of the night.”
“Oo nga pala, sa isang araw na nga pala ang party natin,” biglang pagsasalita ni Pracy sa gilid ko.
Tumango ako. “Sabay tayong mag-shopping bukas tutal ay wala namang klase.”
“Sure!” nakangiti at excited niyang pagsang-ayon.
“It’s already time to go home. Tapos na pala ang class hours,” sabi pa ng Principal kaya muli kaming napabaling sa harapan. “So, let’s make this fast. The other details about the party will be announced by your class adviser. If you still have questions regarding the party, you can ask your adviser and also your other Professors. That’s all for today. All of you can go now. Take care, students!”
Nagpalakpakan ang lahat sa galak matapos mag-announce ang Principal. Masaya sila dahil bukod sa walang pasok bukas ay matutuloy pa ang acquaintance party. Panibagong celebration na naman.
Pinapila kami nang maayos ng mga Professors para lahat kami ay makauwi na kaagad. Ang section pa naman namin ang huli sa pila at kami pa ni Pracy ang nasa pinakadulo.
Bago kami makaalis nang tuluyan sa stadium ay muli kong pinahapyawan ng tingin ang Principal na nasa stage pa at malayong tinatanaw ang mga umaalis na estudyante. Matalim akong napatitig sa kaniya.
Aalamin ko kung ano ang sikreto mo…

Komento sa Aklat (39)

  • avatar
    Dandan Dela Cruz

    that was so awesome

    20/07

      0
  • avatar
    Hanna Winx

    high school life. probably the happiest times in our lives many considers their collage life to be the best,but for me high school is better

    20/07

      1
  • avatar
    Misha Yuri

    ganda ng story

    30/05

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata