logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 2: Si James

James's P.O.V.
Ako si James Andrew Sandoval, ang childhood friend ni Rei. Nagkakilala kami noong time na iniwan sila ng tatay niya. Lagi ko siyang nakikitang nag-aabang sa pagbabalik ng kaniyang ama sa harap ng kanilang bahay. Uupo lang siya doon maghapon habang may hawak hawak na sketch pad at nagdudrawing. Unang tingin ko pa lang sa kanya alam ko nang mabait siya. Nahihiya man ay nagawa ko siyang lapitan at nginitian. Gumanti rin naman siya ng ngiti sa akin. "Hi! Pwede bang umupo sa tabi mo?" tanong ko sa kanya. "Hi din! Sige upo ka dito oh..." sagot niyang tinatapik tapik pa ang pwestong katabi niya.
"Ako nga pala si James. Anong pangalan mo?" pakilala ko sa kanya. "A-ako si Reiko, pero tawagin mo nalang akong Rei." ang naging sasot naman niya. "Ang ganda naman ng pangalan mo!" ang sabi ko sa kanya. "Salamat! Ikaw din naman, James Andrew, mmm, James nalang itawag ko sa iyo pwede ba? O kaya bro nalang, gusto ko kasing magkaroon ng kapatid na lalaki." nakangiting sabi at tanong niya sa akin. "Oo naman tawagin mo ako kahit sa anumang gusto mo. Simula ngayon magkaibigan na tayo ha?" ang sinabi ko sa kanya. "Sige!" masayang sagot niya.
Araw-araw ay lagi ko siyang pinupuntahan sa kanila, Masaya kaming naglalaro ng habulan. Parang buong maghapon ay wala kaming kapaguran na dalawa. Sa murang edad namin alam kong noon pa man ay nahuhulog na ang loob ko sa kanya dahil sa taglay niyang tapang at pagiging positibo sa buhay. Iniwan man sila ng ama niya hindi siya nagpakita ng kahinaan at 'di ko siya nakitang umiyak. Magmula pa noon hanggang ngayon ay lihim ko na siyang minamahal. Pero natatakot akong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko dahil takot akong masira ang pagkakaibigan naming dalawa. Ayokong iwasan niya ako dahil hindi ko kakayanin 'yon. Hanggang sa magdalaga at magbinata na kami ay magkasama parin. Pati nga ang school na pinapasukan ay parehas. Araw-araw kaming nagkakasabay na pumasok.
"Bro, hoy!!! andyan kana pala, hintayin mo ko ha!" Ayun siya, bro ang mas napili niyang itawag sa akin, para kasing lalaki kung kumilos. Dumungaw siya sa may bintana nila para kausapin ako. "Ok, sige hintayin kita!" saad ko naman sa kanya.
Masaya na akong nakakasama siya ng ganito. Hindi ko man masabi ang totoong nararamdaman ko ay kuntento na akong ganito. Maligaya na ako makita ko lang siyang nakangiti.
Hihintayin ko na lang siya ngayon at sabay na mag-aabang ng jeep na sasakyan namin papuntang school. Kahit sa loob ng jeep ay patuloy parin kami sa kwentuhan. Madaldal siya pagdating sa akin pero sa school ay tahimik lamang dahil natatakot siya makipagkaibigan dahil sa mga kaklase naming mapanghusga. Pagdating sa school ayun at magsisimula na ang mga nanlalait sa kanya.
"Hoy mga classmates! tingnan niyo andyan na 'yung taong grasa, hahaha! Kapal ng mukha kasama pa niya ang prince charming nating si James." Sigaw ng mga kaklase namin pagdating namin ni Rei. Alam kong maraming nagkakagusto sa akin pero hindi ko sila magawang pansinin dahil kay Rei lang nakatuon ang pansin ko. Laging pang-aasar ang pambungad nila kay Rei pagdating sa school. Ewan ko ba sa mga kaklase ko, ang hilig manukso, hindi naman kagandahan. Kung tutuusin ay mas maganda pa si Rei sa kanila kung mag-aayos lang siya... napapangiti ako sa iniisip ko.
"Magsitigil nga kayo d'yan, ang aga aga inaasar niyo si Rei, wala ba kayong ibang magawa sa buhay? Nagkulang ba kayo ng almusal sa inyo kanina? Maghanap kayo ng pwede niyong magawa d'yan, huwag si Rei ang pinagdidiskitahan niyo! Eh kung ginagawa niyo kaya mga assignments niyo baka sakaling tumaas pa ang mga grades niyo. Asar kayo ng asar sa kanya mga wala naman kayong binatbat sa kanya..." saway ko sa kanila... Pinakaayaw ko ang ginagawa nilang pang aasar kay Rei. "Hayaan mo na sila James, magsasawa din ang mga 'yan, huwag mo nang patulan..." ang lagi niyang sinasabi sa akin. Deadma lang siya sa mga nanunukso sa kanya, walang epekto sa kanya ang mga pang-aasar nila, balewala lang ang mga iyon. Kaya nga bilib ako sa best friend ko, sobrang tapang niya. Umupo na kami sa mga pwesto namin at sakto naman pagdating ng teacher namin.
"Good morning class!" bati ng teacher namin. "Good morning Ms. Sanchez!" sabayan naming lahat. "Okay, you may have your seats and be ready for our recitation. When I call your name, stand up and answer my question..." sabi ni ma'am
Ano ba yan ang aga-aga naman pambungad nito oh, hmp, kainis! Bakit ba ang sipag sipag magpa recitations ng mga teachers? Almusal ba nila 'yon? Hehe! Naisip ko lang naman. Kumusta naman kaya itong best friend ko, ready kaya siya? Malamang, matalino naman siya...
Makapagtago na nga lang... Sana lang hindi ako mapansin ni ma'am, 'di pa naman ako nag-aral kagabi, alam niyo naman napuyat sa paglalaro ng online games, Genshin Impact at Axie Infinity, iskolar lang naman po ako 'don, pandagdag lang sa pambaon ko. Kailangang maglaro ng maayos dahil nakakahiya sa manager ko kung wala akong makukuhang SLP. Baka mamaya tanggalin niya ako sa pagiging iskolar, mawalan pa ako ng pambaon. Walang hiya no, mas inuna ko pa ang paglalaro kaysa mag-aral, tsk! Syempre kailangan ko kasi ng pera. Mahirap lang din kami kagaya ni Rei kaya ayoko ng masyadong umasa kina nanay, nakakahiya naman. Ayan na at magsisimula ng magtawag na si ma'am, makapagtago nga muna, hihi!
"Mr. Sandoval... where is Mr. Sandoval?" tawag ni ma'am sa pangalan ko.
Kainis naman! Bakit ako ang naunang tawagin? "Hindi umubra ang pagtatago ko..." bulong ko.
"Yes ma'am nandito po ako! kapag minamalas ka nga naman oh!" Huminga ako ng malalim at wala sa sariling tumayo nalang kahit alam kong 'di ko naman masasagot ang itatanong sakin.
"Mr. Sandoval, here is your question. What is the wavelength of an UV ray with frequency 1.5 × 10¹⁷ Hz? Go to the board and solve the problem. I'll give you five minutes to answer."
"Um, sorry po ma'am... 'Di ko po alam yung sagot..." Nahihiyang sabi ko habang nagkakamot ng aking ulo.
"What? Diba I told you to review? Okay, you may take your seat. Don't do this again, make sure to review all of your lessons, be thankful that I told you this recitation. What more if it was a surprise exam?... Anyways, anyone who knows the answer to this question, class?"
Nagtaasan naman ng kamay ang lahat nang may alam sa sagot. At sa huli ang natawag ay si Mia. Sa sobrang pagkapahiya, 'di ko na narinig kung ano man ang sinagot ni Mia. 'Di ko na din alam kung ano ang mga nangyari sa paligid ko. Tsk, zero tuloy ako Sa recitation ngayon. Sa sobrang kaba ko kanina nagutom tuloy ako, biglang nagrambulan ang mga alaga ko sa tiyan, kaya naisipan kong yayain na si Rei sa Cafeteria.

Komento sa Aklat (33)

  • avatar
    Ongjoco Yulimar

    thank you din po😊

    20d

      0
  • avatar
    Reggie Cobar

    yes

    22d

      0
  • avatar
    Kayang Shiee

    50 p

    03/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata