logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 5

Alex's POV
Flashback
"Ayy potek!" Sigaw ko nang biglang may humawak sa likuran ko. Muntik ko pang matapon ang baon kong pagkain sa gulat.
"Bakit dito ka kumakain?" Tanong ni Sebastian na bigla bigla na lang sumulpot. Kahit anong pagtataboy na ang ginagawa ko, ayaw talaga akong tantanan ng lalaking ito. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Kung minsan nga, nagtatago ako kapag dumating na siya sa opisina para hindi niya makulit pero nahahanap pa rin niya ako. Pakiramdam ko pinapabantayan niya ako sa mga tao rito.
"Paano naman ako nahanap?"
"Sabihin na lang nating gumastos ako ng five thousand para malaman ko ang pinagtataguan mo." Nakangiti niyang sabi sa akin.
Sinuhulan niya ba si Sierra? Siya lang naman ang nakakaalam ng bago kong pinagtataguan. Hindi ko alam na five thousand lang ang halaga ng pagkakaibigan namin. Isa pa, adik talaga ang lalaking ito, gumastos pa para mahanap lang ako.
Oo na, siya na ang maraming pera. Sarap talaga ng buhay mayaman, kung ano anong walang kabuluhang bagay nalang ang pinagkakagastusan.
Umupo siya sa tabi ko at binaba ang bag niya, nanlaki ang mata ko nang maglabas siya ng apat na tupperware. "Baon mo 'yan? Huwag mong sabihing naghihirap ka na?" Hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.
Hindi naman sa hinuhusgahan ko siya pero si Sebastian ang tipo ng taong hindi mo mapapabaunan. Dagdag mo pa ang laki ng allowance niya sa isang linggo kaya impossible na maubos niya agad iyon.
"Alam mo judger ka talaga. Hindi ba pwedeng sinubukan kong magluto tapos gusto kong ipatikim sa'yo?" Sabi niya at isa isang binuksan ang tupperware. "Kakaawa ka naman kasi palagi na lang gulay ang ulam mo. Mukha ka na tuloy tangkay ng kangkong."
Nanlaki ang mata ko.
Hindi ko napigilan ang sarili kong hampasin siya niya. Impakto talaga. Ma-touch na sana ako dahil gusto niya akong patikimin ng luto niya kaso sinamahan pa ng insulto.
Nawala lang ang inis ko nang maamoy ko ang bago ng mga ulam na niluto niya. "Ohh, ito una mong tikman." Sabi niya bago ako sinenyasang lumapit sa kanya. Sinubuan niya ako ng unang putaheng niluto daw niya.
Infairness, bukod sa pangungulit may iba pa palang talent itong si Sebastian. "Anong masasabi mo?" Tanong niya sa akin.
"Masarap. Anong tawag dito?"
"Beef stroganoff." Sabi niya at napatango naman ako. Kaya pala pang-mayaman ang lasa, sosyal ang pangalan. Kukuha sana ako gamit ang kutsara ko pero pinalo niya ang kamay ko. "Ako na ang kukuha."
Akmang susubuan na niya ako pero lumayo ako. "Kailangan ba talagang subuan mo ako?" Tanong ko sa kanya. Ang awkward naman kasi, may sarili naman akong kamay. Kaya ko namang pagsilbihan ang sarili ko.
"It's part of the experience para mas lalong sumarap." Sabi niya sabay kindat sa akin. "Masarap 'yung luto pero mas masarap 'yung nagluto."
Hindi ko napigilang mapataas ng kilay sa banat niya. "Kaumay." Sabi ko dahilan para bigyan naman niya ako ng masamang tingin.
"Alam mo kapag nilalandi kita makipag-cooperate ka na lang, pwede ba?"
Hindi ko na pinansin ang huli niyang sinabi. "Ito, ano naman ito?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Beef stir fry with honey pepper sauce."
"Arte naman ng panga---." Hindi ko na natapos ang comment ko dahil sinubuan na niya ako. Kung anong kinaarte ng pangalan, ganun din ang lasa niya. Kapag mayaman talaga ang daming herb and spices ang nilalagay. Samantalang kami namang mahirap asin, suka, toyo at patis lang ang nilalagay. "Masarap!"
"Puro ka masarap, 'yung totoo!"
"Oo nga, masarap! Bakit ayaw mong maniwala?"
"Para kasing napipilitan ka lang."
"Anong reaction ba ang gusto mo?" Tanong ko sa kanya. Nilagay ko ang kamay ko sa tiyan ko at hinimas himas iyon. "Hmmmmmm. Ang sarap! Ganun ba ang gusto mo?"
"Ewan ko sa'yo, kumain ka na nga lang diyan." Sabi niya at tumigil na siyang subuan ako. Binuksan niya ang dalawang tupperware, may laman na kanin at 'yung isa naman ay cheesecake. "Mamaya mo na pag-interesan ang cheesecake. Ubusin mo muna ang mga hinanda ko."
"Ito naman, tinitignan ko lang. Para kasing ayaw magpakain ng cheesecake mo dahil sa ganda ng plating." Comment ko bago pinagpatuloy ang pagkain. "Pahingi ako ahh."
Tumango lang siya habang nagsimula ng kumain. Mukhang nainis talaga siya sa akin dahil ang tahimik niyang kumain. Dati kapag nagkakasabay kami, sobrang daldal niya, natatakot nga ako minsan baka mabulunan siya dahil ayaw niyang tumigil sa kakadaldal.
Kung nagkataon, sa kanya ko ma-apply ang natutunan ko sa Basic Life Support training namin.
"Ohh." Sabi ko at inangat ko ang kutsarang may lamang adobo.
"Anong gagawin ko dyan?"
"Titigan mo baka sakaling mabuhay ulit ang manok."
"Tss." Sabi nito at inirapan ako.
"Tikman mo naman 'yung luto ko. Hindi 'yan katulad ng luto mong pang-mayaman kaya huwag ka masyadong mag-expect na masarap." Sabi ko at agad naman niyang kinain iyon.
Unti unting sumilay ang ngiti niya sa labi, "Masarap!" Sabi nito at pinagpalit ang baunan naming dalawa. "Akin na lang ito ahh."
Wala na akong nagawa kaya naman kinain ko nalang din ang niluto niya. Na-appreciate ko naman ang mga ginagawa ni Sebastian sa akin. Hindi lang talaga ako handa ngayong sumabak sa relasyon.
"Pwera biro, masarap ang luto mo Sebastian." Sabi ko nang malapit ko na maubos ang niluto niya. "Pwede ka ng mag-asawa."
"Talaga?"
"Oo naman."
"Ikaw din masarap ang luto mo. Pwede ka na din mag-asawa." Sabi niya bago nilapag ang baunan kong wala ng laman.
Pakiramdam ko, namula ang pisngi ko sa sinabi niya kaya naman agad akong lumingon sa ibang direction. "S-salamat."
"So…"
"So?"
"Kailan mo na gustong magpakasal?" Halos mabilaukan ako sa huling tinanong niya sa akin at ang tanging sagot ko sa kanya ay…
"Gago ka ba?"
End of Flashback
∆ ∆ ∆ ∆ ∆
"Salamat sa paghatid." Sabi ko nang maihatid niya ako sa apartment. Nasa 3rd floor ang unit ko kaya naman muli niya akong binuhat para makaakyat.
Ngumiti siya at tumalikod na para umalis. Hindi naman ako masamang tao, nakakaramdam din ako ng konsensya. Una, sinuntok ko siya pero pinalagpas niya lang ako. Ngayon, hinatid at binuhat niya pa ako para makauwi ng maayos. "Gusto mong kumain muna." Alok ko sa kanya.
"Okay lang ba?" Tanong niya sa akin.
Tumango naman ako at binuksan ang pintuan ng apartment. "Pasok ka." Sabi ko at sumunod naman siya.
"Wala pa ring pinagbago." Sabi niya nang muling makapasok sa unit. Napansin ko ang ngiti niya sa labi na para bang naalala ang panahong nalagi siya dito.
Flashback
"Bakit may bag kang dala?" Tanong ko kay Sebastian nang pagbuksan ko siya ng pintuan. "Naglayas ka ba?"
Hindi niya pinansin ang tanong ko, sa halip ay kusa siyang pumasok at binuksan ang TV. Padabog siyang umupo sa sofa at binagsak ang bag niya sa sahig. Mukhang nag-away na naman ang mag-ama.
Sinarado ko ang pintuan bago pailing iling na lumapit sa kanya. Tinapik ko naman ang hita niya dahil sinakop na niya ang buong sofa. Akala niya dito talaga siya nakatira.
"Usog, uupo ako." Sabi ko pero imbis gumalaw ay hinila niya ako papaupo sa hita niya. "Oyy, anong ginagawa mo?"
Niyakap niya ako habang sinandal naman niya ang ulo niya sa balikat ko. "Tell me, isa ba akong disappointment?" Tanong niya na nagkumpirma sa hinala ko.
"Hindi."
"Sinasabi mo lang 'yan para pagaanin ang kalooban ko."
"Hindi ahh." Sagot ko sa kanya at naramdaman kong humigpit ang yakap niya sa akin. "Ano ba kasing nangyari?"
"Si Timothy."
Para bang nag-init ang ulo nang marinig ko ang pangalang iyon. Palagi siyang kinukumpara kay Sebastian dahil magkaedad sila at ang ama nito ang vice president ng kompanya.
"Sus. Kinumpara ka na naman sa lalaking iyon?" Tanong ko pero hindi siya sumagot. "Huwag kang mag-alala mas magaling ka doon."
"Magaling lang?"
"Mas matalino."
"Tapos?"
"Mas gwapo."
Nagulat ako nang hinalikan niya ako sa pisngi, 'yung nakakunot niyang noo kanina ay napalitan na ng ngiti sa labi. "Mas mahal mo din?" Tanong niya. Binuksan ko ang bibig ko pero hindi ko alam ang isasagot sa kanya.
Sana kaya ko ding aminin ang tunay kong nararamdaman sa kanya.
End of Flashback
Muntik na akong ma-out of balance nang biglang sumulpot si Sebastian sa likuran ko. "Kailangan mo ng tulong?" Tanong nito. Kung noong una, mabilis akong nakakaiwas kapag magkalapit kami dalawa, kabaligtaran ngayon.
"Iinitin ko lang sa microwave 'yung kanin at adobong niluto ko kaninang umaga." Sagot ko dahil wala akong ibang mapapakain sa kanya.
"Let me do it." Sabi niya habang inalalayan akong umupo. Hindi napigilan ang sarili kong panuorin siya. Malaki na ang pinagbago niya, malayo sa Sebastian na nakilala ko.
Mas umaliwalas ang mukha niya ngayon. Wala na ang dati niyang rakista look, wala ang piercing niya sa tenga at ilong pati facial hair. Sumisilip pa din ang mga tattoo niya sa braso kahit pa nakasuot siya ng longsleeves.
Umupo siya sa tapat ko at nabalot kami ng katahimikan. Lihim kong pinapagalitan ang sarili ko. Bakit ko pa kasi siya niyayang pumasok? Kung ano-ano na naman ang pumapasok sa isip ko.
"Alex."
"Ha?"
"About what happe…" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya. Alam kong mag-explain siya sa pang-iwan niya pero hindi ko alam kung handa na akong marinig iyon.
"Di ba sabi mo kalimutan na natin ang nakaraan?" Sagot ko sa kanya. Nilahad ko ang kamay ko upang magpakilala. "Magsimula na lang tayo uli. I'm Alexandra Ignacio."
Nag-aalangang tinanggap niya ang kamay ko.
"Sebastian Jacob Aragon. Nice meeting you."

Komento sa Aklat (99)

  • avatar
    AnnalexSandoval

    nag papa pansin si sir Sebastian at hindi na maoa fucos sa work si alex hayss kalimutan mona kasii

    22d

      0
  • avatar
    Cindy Araneta

    nakaka longkot

    06/08

      0
  • avatar
    Jhan Carlo

    thanks

    21/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata