logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Ensaymada

Kabanata 1
Ensaymada
--
Okay! Masyado akong nairita roon. Dapat hindi ako nagalit agad dahil may plano pa kami. I just couldn't help it because that man's attitude was really annoying! Anong karapatan niyang hindi ako tulungan? Hindi niya rin daw ako kilala! I can’t believe someone doesn’t know me!
"Calm down, Johan. Sige. Siguro ngayon wag ka munang pumunta sa kanila. Magpalamig ka muna," ani Allison.
"Nakakainis ang lalaking 'yon! Alam mo mabuti nalang talaga hindi ka napunta do'n kundi kawawa ka. Hindi bagay sayo ang ganoong klase ng lalaki!" iritado kong sinabi.
"Mukhang hindi ka lang talaga niya kilala, Johanna. Sigurado akong kapag nakilala ka na no'n, mahuhulog na sayo 'yon!" sabi ni Jade.
"Yeah. Who wouldn't fall for someone like you, right?" si Trina naman.
"They're right. But for now, magpalamig ka muna, Johanna. Masyado kang nainis kay Zairus. Sabi sayo suplado 'yon, e..." si Allison.
I didn't return to Zairus' house for three days. Our plan hasn't yet begun. At kapag lumamig na ang ulo ko, sisiguraduhin ko talagang mahuhulog 'yon sa akin. Ngumisi ako. Walang kahit na sinong kayang tumanggi sa akin.
Allison:
Nandyan ka na?
Johanna:
Yup.
Allison:
Do your best! Wag ka na ulit magpadala sa iritasyon mo. You just have to be kind to him for him to fall for you!
I looked at Zairus' house and took a deep breath. Sa tatlong araw kong hindi nakita ang pagmumukha niya ay lumamig naman na ang ulo ko kahit papaano. Nakalimutan ko na rin ang nangyari at handa na ulit akong humarap sa kanya.
Nakita ko ulit siyang nagwawalis sa bakuran nila. Mukhang masipag 'tong isang 'to, ah? Palaging nagwawalis. Madumi ba palagi ang bakuran nila?
Sa bagay. Ang daming puno sa paligid nila. Siguradong ang daming nahuhulog na dahon doon araw araw.
"Hi!" I sweetly said.
Nasa harap na ako ng bahay nila. Walang gate ang bakuran nila kaya naman malaya akong nakapag lakad palapit. Lumingon siya sa akin at hindi manlang nagulat sa presensya ko. Kumunot lang ulit ang kanyang noo.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya nang nakalapit ako.
Nakita kong dahon nga ang winawalis niya. Ang dami siguro no'n. Ang lalaki naman kasi ng puno nila.
"Nothing. I just like it here because it’s windy. Ang dami niyong puno, noh?" kunwari kong sinabi.
"Hindi ka welcome rito kaya umalis ka na, Miss," he said bluntly and continued sweeping.
I was irritated again by what he said but I just took a deep breath and tried to calm myself. I smiled.
"Grabe ka naman... Hindi ba pwedeng magpahangin dito sainyo? Besides, I have a name. Bakit ba Miss ka nang Miss? I'm Johanna."
He did not speak and just continued sweeping.
"Are you alone here?" I asked.
Hindi pa rin siya sumagot.
"I heard your name is Zairus. Hi, Zairus. My name is Johanna Agravante," I held out my hand.
Nilingon niya na ako. Hindi siya mukhang natutuwa sa pagiging makulit ko pero kahit ganoon ay ngumiti pa rin ako sa kanya. I gave him my sweetest smile I only give to some people. Nakalahad pa rin ang kamay ko para sa kanya.
"Hind ko alam kung bakit nandito ka pero wala akong panahon sayo, Miss. May ginagawa ako, kung hindi mo nakikita," he said, not accepting my hand.
"Alam ko. Magpapahangin nga lang ako. Dito lang kasi maraming puno sainyo. Bawal ba?"
"Bahay namin 'to."
"Kaya nga nagpapa alam ako. Bawal ba?"
Ilang sandali siyang hindi sumagot. Tinitigan niya lamang ako habang ngumingisi na ako dahil alam kong papayag siya. Hindi naman siguro siya ganoon kasama para hindi hayaan ang isang babae na magpahangin dito. Unless kung talagang maselan siya.
"Magpahangin ka kung gusto mo pero wag mo akong abalahin dito," he said and continued what he was doing.
I smirked. Binaba ko ang kamay ko at sumunod sa kanya.
"Sorry nga pala sa pagsigaw ko sayo nung huli nating pagkikita. Nairita lang ako dahil nadapa ako tapos hindi mo manlang ako tinulungan. Pero ayos na sa akin 'yon. Wag ka nang mag alala," sabi ko.
Hindi siya nagsalita, parang wala namang pakialam sa mga sinasabi ko. Nilagay niya sa dustpan ang mga dahon at tinapon iyon sa basurahan sa malapit.
"I know our first meeting didn't go well but we can still get along, you know. Kung gusto mo lang naman..."
Humarap siya sa akin. Pero sandali lang iyon at nilagpasan ako para magwalis pa ng mga dahon sa likod ko.
Ngumuso ako at sumunod sa kanya.
"Ayaw mo? Sige, ayos lang naman. Saan ba pwedeng maupo dito?"
"Pwede kang umupo roon," turo niya sa lamesa nilang mukhang marupok na. May upuan roon.
I smirked. "So ayaw mong makipag ayos sa akin? You just talked to me now I asked for a seat."
"Kung magpapahangin ka lang, tumahimik ka nalang."
Ouch! I really can’t believe someone would tell me this!
"Okay," sabi ko nalang at naupo sa silya na tinuro niya.
Magsasalita pa sana ako nang nasulyapan ko ang pagpasok ng isang matandang lalaki sa loob ng bakuran. Kabababa niya ng tricycle at may mga dala siyang plastic na naglalaman ng nga tinapay. Napatayo ako nang naisip na baka ito na ang Tatay ni Zairus.
"Pa..." si Zairus at sinalubong ang kanyang ama. Kinuha niya ang mga plastic na dala nito.
Tama nga ako!
The old man looked at me. Actually he's not that old yet. Wala pang kulubot ang kanyang mga katawan. He's obviously still strong and look very much like Zairus.
"Oh? Magandang araw, hija. Hindi ko alam na may bisita ka pala," nilingon niya si Zairus.
Zairus looked at me. I smiled at her father and introduced myself.
"Good afternoon po! Ako po si Johanna Agravante," lumapit ako at naglahad ng kamay sa kanya.
"Magandang hapon rin, hija. Kaklase ka ba ni Zairus?" tinanggap niya ang kamay ko.
"Ah, no! I'm just his friend. Bumisita lang po," sabi ko sabay tingin kay Zairus na nakakunot na ang noo sa akin. Ngumisi ako.
"Gusto mo muna bang mag meryenda? Sakto may mga binili akong pagkain," alok ng Papa niya.
"Talaga po? Sige po!"
"Pa..." pigil ni Zairus.
"Nagugutom na rin po kasi ako. Hindi pa po ako kumakain mula kanina, e..." agad kong sinabi para hindi mapigilan ni Zairus ang Papa niya.
Nilingon ako ni Zairus at kumunot lalo ang noo niya sa akin. Halatang naiinis na siya. Pinandilatan ko siya at hinawakan ang tyan ko para ipakita sa kanyang nagugutom ako. Nagugutom naman talaga ako! Nagmamadali akong pumunta rito pagkauwi ng school na hindi na ako nakakain!
"Ganoon ba? Osige. Sandali lang, hija. At pwede mo nalang rin akong tawaging Tito Halton," ngumiti siya sa akin.
"Sige po, Tito Halton!" nakangiti ko ring sinabi.
"Anong ginagawa mo?" lumapit sa akin si Zairus nang nakapasok na sa loob ng bahay nila si Tito Halton.
"Bakit?" pa-inosente kong tanong.
"Ang sabi mo magpapahangin ka lang. Bakit nakikikain ka pa?"
Ngumuso ako. "Nagugutom na ako, e. Umalis kaya agad ako sa school para lang puntahan ka rito..."
Madlim niya akong pinagmasdan. "Puntahan ako rito?"
"Oo..." I smirked.
"Sino ba kasing nagsabi sayo na pumunta ka rito?"
"Gusto ko nga kasing magpahangin at..." ngumisi ako, hindi na tinuloy ang sinabi.
Matalim niya akong tinitigan at parang alam na agad ang dapat na sasabihin ko. Tumalikod siya sa akin pagkatapos ng ilang sandaling pagtitig. Pinagmasdan ko siyang kunin ang walis at magpatuloy sa ginagawa niya. Hindi ko napigilan ang pagngisi ko dahil alam kong naiintindihan niya ang ibig kong sabihin.
"Maraming salamat po!" sabi ko kay Tito Halton nang lapagan niya ako ng hindi ko kilalang tinapay at juice.
Nagwawalis pa rin si Zairus sa di kalayuan pero alam kong nakikinig siya sa amin.
"Walang anuman, hija. Kumakain ka ba niyan?" tanong ni Tito.
"Kahit ano po kinakain ko kapag gutom ako."
Tito laughed a little at what I said. Zairus turned to us and raised an eyebrow at me. I also raised an eyebrow at him. Umiling siya at nagpatuloy sa pagwawalis.
Feeling welcome ako dito. Gutom din kasi ako kaya malakas ang loob ko, noh. Hindi na ako tumanggi. Masamang tumanggi sa grasya.
"Zairus, kumain ka na muna rito," si Tito Halton.
Binaba ni Zairus ang mga hawak niya at lumapit na sa amin. Busy na ako sa pagkain ng tinapay na pabilog. Meron iyong asukal at yung kulay dilaw na parang cheese or something. Hindi ko alam. Basta masarap kaya kinain ko nalang.
"Hindi mo kaklase itong anak ko, hija?" tanong ni Tito sa akin.
"Opo," sagot ko, puno ang bibig.
"Pero sa school ka niya nag aaral?"
"No. I'm studying at Georgina University. Malapit lang rin po sa school nila."
Kumuha ng tinapay si Zairus at pinagmasdan ako.
"Georgina University? Kung ganoon isa ka sa anak ng mga may ari ng school na 'yon? Agravante ka, hindi ba?" nanlaki ang mga mata ni Tito.
"Opo. Wag po kayong maingay. Shh shh..." nilagay ko ang hintuturo sa bibig ko.
Kilala naman na ako ng lahat. I just want to be humble... just for once. Hehe.
"Paano ka naging kaibigan ng anak ko? Mabuti at nagkikita kayo?"
"Actually kakikilala palang po namin. May pinuntahan po kasi ako noon na kaibigan dito tapos natalisod ako sa isang bato dyan sa harapan ng bahay niyo. Nakita po ako ni Zairus at naging magkaibigan na po kami."
Umirap si Zairus sa mga pinagsasasabi ko at hindi nalang nagsalita. Ngumisi ako.
"Ganoon ba. Nagagalak akong makilala ka, hija."
"Ako rin po! Uh... saan niyo po nabili 'tong tinapay na 'to? Ano pong pangalan nito?" kuryoso kong tanong dahil ang sarap no'n! Ngayon lang ako nakatikim ng ganitong klase ng tinapay!
"Ensaymada, hija. Nabili ko 'yan sa palengke."
"Ensaymada..." tumango tango ako.
Magpapabili ako nito! Or should I ask Mina to bake this for me? Baka sakaling alam niya 'to. Ang sarap!
Nasulyapan ko si Zairus na nakatingin sa akin habang sarap na sarap ako sa pagkain. Hindi ko na siya naalala dahil sa sarap ng pagkain ko. Nagtaas ako ng kilay sa kanya at pinakita ang mapang akit kong ngisi. His eyes narrowed at me but quickly averted his gaze.

Komento sa Aklat (47)

  • avatar
    VillagenReymalyn

    ang Ganda po story niu po nakakalig

    20/05

      0
  • avatar
    Sirch Enaj Pe

    Super Ganda ng story nyu po..

    03/05

      0
  • avatar
    Marilyn Cabalida Balic

    This is so romantic

    23/04

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata