logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Under the Moonlight (Agravante Series #3)

Under the Moonlight (Agravante Series #3)

jhelly_star


Simula

Simula
Plan
--
Sa totoo lang noong una masaya naman, e. Because I love playing with their hearts! And for me, it’s all just a game.
"He rejected me. Nagpapakita siya ng motibo pero nang sinabi kong gusto ko siya, lumayo siya tapos sinabing hindi kami pareho ng nararamdaman!" iyak ng kaibigan kong si Allison.
Hinimas ko ang likod niya. Nandito kami sa field ng school at kasama namin ang iba pa naming kaibigan, dinadamayan siya sa first ever heartbreak niya. Ito ang kauna unahang pagkakataon na nagkagusto siya pero nawasak agad ang puso niya. Sobra tuloy ang iyak niya at ang mga kaibigan namin ay galit na galit. Lalo na ako!
"He needs to pay!" si Jade.
"Oo nga! Dapat hindi ka niya pinaasa kung hindi ka naman talaga niya gusto! Walang hiyang lalaki 'yon!" si Trina.
Nakatayo silang pareho sa harapan namin habang nakaupo kami ni Allison sa bench.
Bumaling sa akin si Allison. "Please do this favor for me?"
"Oo nga, Johanna. Madali lang naman sayo 'to, e," ngumisi si Trina.
"I'm sure mahuhulog agad sayo ang lalaking 'yon!" si Jade naman.
Ngumisi ako. "Sure! This is very easy!" sabi ko.
Napangiti silang lahat doon. Tumingin ako kay Allison at ngumisi sa kanya. Kayang kaya ko siyang ipagtanggol. Ako ang gagawa ng paraan para pagbayarin ang kung sino mang lalaki na 'yon!
"Thank you, Johanna. The best ka talagang kaibigan!" anya.
Allison is the softest of all of us. Kaya siya rin ang palagi naming pinoprotektahan. At ngayong may nanakit sa kanya syempre ako agad ang tatakbuhan nila. Lalo na at lalaki 'yon. They know how good I am at hurting men.
I know most of the students here are calling me 'The Playgirl of all'. I'm not proud of it but I don't deny it either. Hindi naman kasi sa nananakit ako. Umaasa lang sila.
Kapag naglalakad ako sa hallway, pinagtitinginan agad ako ng mga estudyante. They were always amazed and couldn’t take their eyes off me. Bukod kasi sa kilala ang pangalan, maganda rin daw ako. Kulang pa nga daw ang salitang maganda para i-describe ako. At totoo naman 'yon.
Fashionista, malakas ang dating, mapang akit, girl crush. Ilan lang 'yan sa mga naririnig kong sinasabi sa akin ng mga estudyante rito. Wala, e. Eto lang ako.
"Are you gonna watch my practice?" Dylan asked as I was arranging my things, uwian na at hinihintay na ako nina Allison sa labas.
"Nope," sagot ko at nilagay na sa balikat ang bag.
"Come on, Johanna! Ano bang gusto mo?"
Tinignan ko siya at nginisihan. "We're done, Dylan. How many times do I have to say that?"
"No, we're not done yet. As far as I know, I'm not doing anything wrong."
"Wala nga."
"So why are you breaking up with me? Don't tell me isa lang ako sa mga lalaking pina iyak mo?"
Bakit umiyak ka ba? Hindi ko na tinanong dahil baka umiyak nga.
I just shook my head and walked out of the classroom. We were in the same class and when we were still together I always watched him play basketball. Noong isang linggo pa kami break at hindi ko alam kung bakit hindi pa rin siya tumitigil.
"We're not yet done talking, Johanna!" sumunod siya sa akin sa labas.
The other students looked at us. I closed my eyes sharply and turned to him.
"Pwede ba? You're embarrassing me!" I whispered irritably.
"Anong pinapahiya? Kinakahiya mo na ako ngayon?" lumapit siya sa akin.
"I said we're done! Bakit hindi mo maintindihan 'yon?"
"Give me one fucking reason why! Wala akong ginawa na hindi mo nagustuhan sa pagkaka alala ko, Johanna!"
"Ito! Itong pangungulit mo, hindi ko nagugustuhan! Kaya pwede ba tumigil ka na? You're looking so stupid, Dylan."
Umiling siya. "I can't believe you..." sabay talikod at umalis.
Umirap ako at umalis nalang rin dahil may importante pa kaming usapan ng mga kaibigan ko. Nandoon na sila sa labas ng school kanina pa at paniguradong kanina pa ako hinihintay. Ang tagal kasi ng professor magpalabas tapos ngayon dumagdag pa ang Dylan na 'yon.
Gustong gusto ko naman talaga dati si Dylan. Crush na crush ko pa nga! Pero noong naging kami na, napaka higpit! Pinagbabawalan pa akong makipag kaibigan sa mga lalaki at dapat daw mga babae lang ang lagi kong kasama! Kapag may lumalapit sa akin na lalaki nagagalit agad at gumagawa pa ng kung anong gulo! Muntik pa nga akong mapa guidance dahil sa kanya noong nakipag away siya kaya tinapos ko na. Duh! Hindi ako magtitiis sa ganoong klase ng lalaki, noh!
"Taga saan ba 'yon?" tanong ko kay Allison.
"Malapit lang ang lugar nila rito. Sigurado akong nakauwi na 'yon galing school."
"Where is he studying?"
"Sa kabilang school. Sa Lacosta University!"
Tumango tango ako. Nilakad lang namin ang daan dahil malapit lang naman daw. Nagpaalam na ako sa driver ko at sinabing mamaya na ako magpapasundo sa kanya. Si Mina nalang muna ang iuwi niya.
"Sabi mo mahirap lang 'yon? Buti doon siya nag aaral?" tanong ni Jade.
"Nagtatrabaho ang Tatay niya. Ginagawa ang lahat para sa kanya," sagot ni Allison.
"Mahirap lang naman pala pero ang lakas ng loob manakit ng isang tulad mo! He should regret what he did to you!" si Trina.
"Kaya nga dapat maging maayos itong plano natin. Sigurado akong magagawa ito ng maayos ni Johanna!" si Jade.
"Playgirl never fails," tumawa si Trina at sumabay sa kanya si Jade.
Tumawa na rin kami ni Allison kasabay nila. I'm so excited! I'm also angry so I want to do this too. Ha! Magbabayad ang lalaking 'yon! What right did he have to hurt and make Allison cry? Ang ganda ganda nitong kaibigan ko. Halos lahat nasa kanya na! Kaya paano niya nagawa 'yon? Ang kapal naman ng mukha niya!
"There he is..." bulong ni Allison habang nagtatago kami sa mga halaman.
"Saan?"
"Hindi ko makita!"
Tinignan ko ang tinuturo ni Allison. Nahaharangan ng mga halaman ang harapan namin kaya nahihirapan kaming makita. Nagtutulakan pa sina Jade at Trina sa likod.
"Wag nga kayong magulo!" saway ko sa kanila.
"Teka lang kasi, Trina. Hindi ko makita!"
"Ako muna kasi ang titingin para pareho nating makita!"
Naaninag ko ng kaunti ang lalaking tinuturo ni Allison. Nagwawalis ang lalaking 'yon sa harap ng bahay nilang hindi ganoon kalakihan. Sakto lang ang laki at base palang sa bahay nila, parang may kaya naman sila kahit papaano.
"Nakita mo?"
"Teka!"
"Bakit ba kasi tayo nagtatago? Pwede namang magkunwari nalang tayong dumadaan!"
"Edi nakita niya si Allison? Stupid!"
"Hindi naman kasama si Allison, Trina. Tayong tatlo lang!"
"Wag kayong magulo!" saway ko ulit sa dalawa.
"Baka marinig tayo. Wag na kayong maingay, Jade, Trina..." si Allison.
Nanahimik ang dalawa at pabulong na nagsisihan. Nanliit ang mga mata ko at pilit tinitigan ang lalaking lumapit sa maliit at halos masira nang table. Kinuha niya ang pitcher doon at nagsalin ng tubig sa kanyang baso. Uminom siya.
The man is kinda... handsome. Kulay brown na t-shirt ang suot niya at naka  shorts lang. Magulo ang buhok and I could see the sweat on his forehead down to his chest. Pinikit ko ang mga mata ko at pagkatapos dinilat nang mabuti para hindi umawang ang bibig at hindi masabing... so hot!
Oh my gosh! Stop it, Johanna!
"Ano?" tanong sa akin ni Allison.
I smirked. "Sure! Ako na ang bahala sa kanya."
The three of them looked at each other and smiled at what I said. We left the plants and moved a little away from the man's house.
"His name is Zairus. Suplado at walang pakialam. Baka hindi ka pansinin pero alam kong kaya mo 'yan," bulong ni Allison.
Tumango ako at ngumisi. Suplado? I can handle that! Mas gusto ko nga ang suplado dahil gusto ko ng hard to get! At anong baka hindi ako pansinin? Wala pang kahit na sino ang tumanggi sa isang Johanna Agravante! Walang may kaya!
Tumikhim ako at naglakad sa harap ng bahay nila Zairus na para bang normal lang ang lahat. Inaayos ko pa ang bag ko at deretso ang paningin. Sakto at may nakita akong bato kaya sinadya kong apakan 'yon at nagpanggap na natalisod. Umupo ako sa sahig at dumaing sa sobrang sakit!
"Ouch!" maarte kong daing at talagang pinaka lakas pa para marinig niya.
I saw him look at my way. I was so sure he would come up to me and help me but my whole face almost boiled up when he didn't even move from where he was standing! Sandali niya lang akong sinulyapan at nagpatuloy lang siya sa pagwawalis!
Walang hiya nga!
Iritado akong tumayo. Parang naapakan ang ego ko! Hindi niya ba ako kilala? Ako si Johanna Agravante! Johanna Gabriella Agravante! All the boys at school are waiting for this opportunity just to get close to me at para na rin mapansin ko! Tapos siya wala manlang pakialam?!
O baka naman nagpapanggap lang 'to para nga mapansin ko?
"Hey!" sigaw ko, walang pag aalinlangang lumapit sa kanya at wala nang pakialam kung pumasok na ako sa bakuran nila.
He turned to me. Kunot noo siyang tumingin na para bang mali ang pumasok ako sa pamamahay nila.
"Ikaw!" turo ko sa kanya. "Lalaki ka ba?"
Hindi siya sumagot. He faced me and his head furrowed as he looked at me from head to toe.
"Bakit hindi mo ako tinulungan? Nakita mo nang natalisod ako pero hindi ka manlang gumalaw dyan? Lalaki ka ba talaga? Wala kang galang sa mga babae, ah!" sunod sunod kong sigaw sa iritasyon.
"Sino ka ba?" tanong niya.
"Ha!" halos matawa ako. "Hindi mo ako kilala?"
"Magtatanong ba ako kung kilala kita?" bara niya.
Aba't!
"I'm Johanna Agravante! Ngayon kilala mo na ako? Bakit hindi mo ako tinulungan?"
He looked at my foot. "Mukhang okay ka lang naman."
I immediately lifted my foot and pretended it hurt. He grinned and looked at me.
"Kahit na! Nakita mo pa rin akong nadapa kaya sana naman tumulong ka! Tsaka sa harap ng bahay niyo ako nadapa, oh! Bakit ba may bato do'n?"
"Kasalanan ko pa at kasalanan pa ng bato? Sino ba ang may mata sainyong dalawa?"
Umawang ang bibig ko dahil nabara ako do'n, ah!
"M-May mata ka rin naman, ah! You saw me fall but you didn't even help me?"
"Una sa lahat, Miss, alam ko na ang mga moves na ganyan."
Moves?!
"Kaya hindi kita tinulungan kasi alam kong nagpapanggap ka lang."
My eyes widened at what he said. Nawala na ako sa plano at nairita pa lalo sa lalaking 'to!
"Ang kapal ng mukha mo, ah! Anong sinasabi mo ngayon? Na nagpapapansin ako sayo?"
"Wala akong sinabing ganyan."
"Don't you know me? My name is Johanna! Ang mga lalaki ang nagpapapansin sa akin at hindi ako!"
Tumango siya. "Okay."
Ha! I can't believe this! The plan is for me to be kind to him and use my charm to make him fall for me but I don't think I can do that now that this man has this attitude! How dare he do this to one and only Johanna Agravante?!
"Hindi ka manlang ba magso-sorry sa hindi mo pagtulong sa akin?" iritado kong tanong.
"Fine. I'm sorry. Now can you leave, Miss? This is my house," suplado niyang sinabi.
Matalim ko siyang tinignan at umayos ng tayo. Inayos ko ang pustura ko at ganoon na rin ang uniform kong nadumihan dahil sa pagpapanggap kong natalisod kanina para lang sa kanya! Ugh! I can't believe I'm doing this! I can't believe someone like him can do this to me!
Suplada akong tumalikod at sinigurado kong lumipad ang mahaba kong buhok para malaman niyang nagtataray ako. Iritado akong umalis roon.

Komento sa Aklat (47)

  • avatar
    VillagenReymalyn

    ang Ganda po story niu po nakakalig

    20/05

      0
  • avatar
    Sirch Enaj Pe

    Super Ganda ng story nyu po..

    03/05

      0
  • avatar
    Marilyn Cabalida Balic

    This is so romantic

    23/04

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata