VeNa's POV Hindi ako makapaniwala sa nangyari kanina at hindi matanggap ng aking sistema sa ginawa niya. Nandito parin ako malapit sa lugar nila pero hindi na ako nakalagpas sa pagitan ng aming siyudad. Para akong pinagsakluban ng langit dahil doon. Mas lalo pa akong nagalit ng umalis siya ng walang pasabi at iniwan akong nakatunganga. Isang halik! Isang pagkakamali! "Kalimutan mo na iyon Vena!"wika ko sa aking sarili at umalis na sa lugar na iyon. Naglalakad na ako papunta sa aming bahay na walang ibang inisip kundi ang halik na iyon. 'Talaga ngang masasamang tao ang mga taga Prion.' "Anak! Saan ka ba nagsusuot kanina ka pa namin hinahanap ng iyong Ama!" sigaw sa akin ng akin Nanay ng makita ako nito. "Kanina pa nag aalala ang iyong Ina'y Vena. Magpaalam ka naman kung may pupuntahan ka." paalala sa akin ni Tatay. "Paumanhin po,kinuha ko lang po yung mga gamit ko kina Reina. Magpapaalam na po ako sa susunod Ama."wika ko kay tatay. "Dapat lang anak dahil mag-aalala talaga kami sa'yo lalo na't pagala-gala yung mga nilalang na pumapatay nalang bigla." pananakot sa akin ni Tatay Ben. "Opo." wika ko sa kanila habang inaalala parin ang nangyari kanina. "Oh siya! Sige na,magsipasok na kayo sa bahay dahil masyadong gabi na." turan sa amin ni Inay kaya pumasok na kami sa bahay. Kasalukuyan na akong nakahiga sa aking kama,nakapikit ang mga mata ko pero ang aking sistema ay gising na gising. KINABUKASAN Nandito ako ngayon sa bahay nina Reina dahil inaya niya akong samahan siya sa bahay ng pinsan niya. "Ano bang gagawin natin dito Reinaya. Pupwede mo namang ipagpaliban siguro ito." Wika ko sa kaniya. "Alam mo Vena. Ang OA mo masyado, sinabi ko naman sa'yo diba na importante 'to kaya magtiis ka dyan!" Wika nito sa akin na para bang naiinis. "Ang OA mo rin Reina, may sasakyan naman ang tiyuhin mo pero bat hindi ka pa nagpasundo." Sambit ko sa kaniya dahil kanina pa akong napapagod kakalakad. "Hindi ko naman alam na kaunti lang pala ang nagpapasada ngayon. Kung pwede lang sana magshortcut edi ginawa na sana natin." paliwanag nito. "May shortcut naman pala eh, bat hindi mo sinabi agad!" Wika ko sa kaniya na para bang nabuhayan ako. 'Sa wakas,hindi na namin kailangan pang maglakad ng malayo.' wika ko sa aking isip. "Hindi ko alam na may katangahan ka pala Vena. Subukan mong magshortcut ng mag-isa at ng mamatay ka kaagad."pangu-ngutya nito sa akin kaya napatingin ako sa kaniya. 'OA talaga kahit kailan.' "Sabihin mo na kase para makapunta na tayo agad sa bahay ng pinsan mo."wika ko sa kaniya na para bang hindi na ako makapaghintay. "Osige magshortcut ka mag-isa mo. Simple lang naman Vena, kailangan mong tahakin ang daan patungong silangan at sa dulo non ay malapit na ang bahay ng pinsan ko." paliwanag nito sa shortcut na sinasabi niya. "Oh tara na Reinaya! Ang bagal mo naman. Maglakad nalang tayo ng walang shortcut na tinatahak." Pang aanyaya ko sa kaniya na para bang takot na pusa. "Oh bakit natakot ka yata bigla? HAHAHA" tanong nito sa akin at biglang tumawa. 'Kahit kailan, hinding hindi na ako aapak sa silangang bahagi ng Encido. I swear!' wika ko sa isip ko. "Saan ba ang bahay ng pinsan mo na pupuntahan natin?"pag-iiba ko ng usapan. "Malapit na tayo doon. Sa kanlurang bahagi lamang, pero mas mabilis kase kapag sa silangan tayo dumaan dahil may portal sila doon na ginawa ng mga taga Axel City na may mga kapangyarihan." paliwanag nito sa akin kaya maraming tanong na naman ang pumasok sa aking isipan. 'So ibig sabihin non ay sa Axel city kami tutungo! Ang lugar kung saan ang mga taong nakatira doon ay may mga kapangyarihan.' Wika ko sa isip ko. "Buti sana kung may kapangyarihan tayo 'no? Para hindi na tayo mahirapan sa mga bagay-bagay. Ang astig siguro magkaroon ng ganoon." namamanghang wika ko sa kaniya habang may namumuong imahinasyon sa isip ko. "Buti sana kung ganon pero hanggang sana lahat nalang tayo." Wika nito na para bang gusto rin niyang magkaroon ng kapangyarihan katulad ng iba. 'Ang kapangyarihan lamang ng taga Axel at taga Farix ang hinahangad ko pero never kong aasamin na maging isa sa mga taga Prion!' wika ko sa aking isip habang pinapatay sa aking imahinasyon ang lalaking humalik sa labi ko. Patuloy parin kami sa paglalakad at ramdam na ramdam ko na ang uhaw. Tumigil kami sa tapat ng isang mansyon na bahay. "What the hell! Ang ganda naman ng bahay na ito." namamanghang sambit ko sa kawalan. "Sabi sayo eh! Hindi ka magsisisi sa hinaba haba ng linakbay natin. So ito yung bahay ng pinsan ko, tara sa loob!"wika nito sa akin at nagsimula na siyang naglakad papasok sa bahay na nasa harap namin kaya sinundan ko ito. Malawak, napakasimple pero elegante ng bahay na ito at kakikitaan na mayaman ang may ari nito. Napakaganda ng ayos ng kanilang hardin, may mga fairies rin akong nakikita at sumusunod sila sa amin. "Hello!" "Hello!" "Hello visitors!" mahihina ang mga boses nila pero rinig na rinig ko ang ingay nila. "Hello din sa inyo." nakangiting wika ko sa kanila dahil sa pagkamangha. "Anong pinagsasabi mo dyan? Sino kinakausap mo?" Nagtatakang tanong sa akin ni Reinaya. "Huh? Sino pa ba edi yung mga fairies, kanina pa nga sila naghe-hello eh." natatawang wika ko sa kaniya. "Abnormal ka Vena. Anong fairies ang sinasabi mo dyan? Super tahimik nga nila oh!" Wika nito sabay turo sa mga fairies na nakangiti sa akin habang nagdidilig sila ng halaman. Hindi nalang ako umimik dahil mukhang seryoso si Reinaya na wala siya narinig. Baka guni-guni ko lang siguro iyon. "Oh Reina hija. Anong rason at napadalaw ka!" Nakangiting bungad sa amin ng matandang babae na kakikitaan ng ganda sa mukha at buong parte ng katawan. "Ahm kukunin ko lang po sana iyong gamit ko kay Loren, tita" sagot ni Reina sa kaniya. "Nasa taas ang pinsan mo at nag eensayo sa kaniyang ability. Sino itong kasama mo hija?" Biglaang tanong ng tita ni Reina sa kaniya habang nakatingin ito sa akin. "Ah kaibigan ko po tita. Tita si Venice Natasha po inshort Vena, Vena si Tita Karyl." pagpapakila nito sa akin at sa tita nito kaya pilit na lamang akong ngumiti sa nakakatandang babae sa harap namin. "Nice meeting you hija." Nakangiting wika nito sa akin. "Nice meeting you too po." Wika ko rin sa kaniya. "So Tita, bubulabugin muna namin ang pag eensayo ng pinsan ko HAHA. Tara sa taas Vena." Pang aanyaya nito sa akin at sabay kaming nagllakad sa hagdan pataas. Napatigil kami sa ikalawang palapag ng bahay na ito at nakaharap sa isang pintuan namay nakasulat na 'Training Room'. Nagulat ako ng bigla biglaang binuksan ni Reinaya ang pintuan, bumungad sa amin ang isang lalaki na nakatalikod at nakaupo na tila ba ay nagmemeditate. "Ikinagagalak kong makita kang muli, mahal kong pinsan!" Pambubulabog ni Reina sa lalaking nakapokus sa ginagawa nito kanina. Napalingon ang lalaki sa amin na naging dahilan para makita ko ang kabuuan ng mukha nito. Para bang bumagal ang orasan kasabay ng pagtibok ng aking puso habang inaalala ang nangyari noon. Siya! Siya na naman! Sa Kanlurang bahagi ng Encido ay nakita ko na naman ang taong nangahas na humalik sa akin sa Silangan. Papaano na nagiging malayang nakakapunta ang isang taga Prion sa bayan ng Axel? Minsan lang tayong nagkita tapos naging sunod-sunod na! Isa itong bangungot na ayaw kumala sa isipan ko.
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
Thank you
11/10/2024
0maganda ang kwinto
10/10/2024
0goods
09/10/2024
0Tingnan Lahat