VeNa's POV Kabibihis ko lang ngayon at kailangan ko nang pumasok sa unibersidad ngayon ng maaga. Mahirap lamang kami pero masaya ang buhay namin hanggat magkakasama kami ng pamilya ko. Ngayon ang araw ng pagtatapos namin sa high school kaya bihis na bihis kami ngayon. "Nay! Tay! Tara na po. Baka mahuli pa tayo sa seremonyas."yaya ko sa mga magulang ko. "Ano ka ba naman anak. Hindi pa nga ako nakakapili ng magandang susuotin eh."wika sa akin ni Nanay. "Huwag ka ngang ganiyan Rose. Alam mo naman na kahit anong susuotin mo ay babagay sayo."panlalambing sa kaniya ng aking tatay kaya napangiti ako. 'Eto na naman yung mga katamisan nila tsk tsk tsk.'wika ko sa isip ko. "Hay nako, tara na nga po baka malamon pa ako ng katamisan niyo."wika ko sa kanila kaya napatawa nalang sila. Kasalukuyan na kami ngayong naglalakad papuntang unibersidad. Excited ako sa araw na ito dahil gusto kong maging proud sa akin ang aking mga magulang. Nakarating kami sa unibersidad at bumungad sa amin ang mga kaklase kong nagkakasiyahan kasama ang pamilya nila na kumukuha ng litrato. "Reina!"tawag ko sa kaniya ng makita ko siya kasama ang pamilya niya. "Ang ganda mo Vena."bungad nito ng makalapit sila sa amin. "Gaga.Huwag mo akong pagtripan."biro ko sa kaniya at napatawa naman ito. "Totoo yon babaita." natatawang wika nito na nakapagpatawa rin sa pamilya namin. "Totoo ka sa sinabi mo Reina iha pero pareho kayong maganda." sabat sa amin ni tiyo Ramon na tatay nito. Napangiti kaming dalawa sa sinabi nito at pumunta sa Hall kung saan gaganapin ang seremonyas ng aming pagtatapos. Nakakapagod pero nakakasaya sa loob dahil sa araw na ito. Panibagong buhay sa kolehiyo naman ang mararanasan namin sa susunod. Sana ay mas lalo ko pang mapasaya ang mga magulang ko. =FASTFORWARD= Nandito na kami ngayon sa bahay at nagkasalo-salo sa mumunting handa ng aking mga magulang. "Nay! Tay! Salamat po dahil hindi po ako makakarating sa ganito kung wala ang tulong niyo." pagpapasalamat ko sa kanila. "Ano ka ba naman anak. Syempre anak ka namin kaya ibibigay namin lahat ng aming makakaya para matulungan ka." wika sa akin ni Tatay Ben. "Totoo ang tatay mo anak." sabat naman ni Inay kaya mas lalo akong napangiti. "Kain na po tayo." wika ko sa kanila at kumain na lamang kami ng tahimik. Katatapos lang naming kumain at nasa labas ako ngayon ng bahay habang naupo sa kahoy na upuan. Naaalala ko na naman ang lalaking bampira na nakaharap ko noong nakaraan. Hindi mawala sa isip ko ang imahe ng kaniyang mukha. Nakakatakot ang mga mata nito na para bang gusto kang patayin sa isang iglap lang. Hindi ko na hihilingin pang makaharap siya ulit dahil baka hindi na ako makakauwi pa ng buhay. "Anak."biglang tawag sa akin ni Tatay kaya nagulat ako. "Oh bakit gulat na gulat ka yata."tanong sa akin nito at tinabihang umupo. "Wala lang po Tay."wika ko sa aking Ama kaya tumango tango na lamang siya. "Tay, Ano pong mangyayari kapag sinaway mo ang ipinagbabawal na pumunta sa Eastside Prion?" pambabasag ko sa katahimikan. "Yan ang mahirap anak dahil napakahigpit sa siyudad nila. Pinaparusahan ang kung sino man na lumabag sa babala nila." paliwanag sa akin ng aking Ama. "Bakit naman po?" tanong ko uli sa kaniya. "Dahil iba ang mundong kinagagalawan nila anak. Hindi sila pangkaraniwang tao lamang at may kakayahan silang pumatay kapag gugustuhin nila. Marami na ang sumubok na labanan sila pero masyadong malakas ang kanilang presensya idagdag mo pa na kasama nila ang mga taga Axel City na may mga kapangyarihan."mahabang paliwanag nito kaya mas lalo akong napaisip. "Bakit po magkasama sila eh masasama ang mga taga Prion samantalang napakabait ng mga taga Axel?" dagdag kong tanong sa aking Ama. "Diyan ka nagkakamali anak. Minsan ko ng narinig ang pinag uusapan ng pinuno sa Palasyo ng Ceres empire pero ni minsan ay hindi naging masama ang turing nila sa mga taga Prion." sagot sa akin ng aking tatay. "Pero nananatiling masama ang paniniwala ng mga tao dito sa siyudad sa katauhan nila." wika ko sa sinabi nito. "Masyado ng gabi anak,matulog kana." wika sa akin ni Tatay at ipinagsawalang bahala ang aking tanong. Sinunod ko na lamang ang sinabi ng akin Tatay at pumunta na sa aking silid. Napakamisteryoso naman ng siyudad nila. Pinipilit kong alalahanin ang mga pangalan na binigkas nila noong nakaraan. 'Lupe at Ryu' wika ko sa isip ko. Kung kanina ay ayoko nang makaharap pa sila pero ngayon ay gustong gusto ko na. Hindi naman siguro masama na alamin ang katauhan nila. Dahil sa mga naiisip ko ngayon ay naglakas loob akong nagbihis at kumuha ng Flashlight. Hindi ko namamalayan ay tinatahak ko na pala ang daan papunta sa boundaries ng aming mga lugar. Isang tapak nalang at malalagpasan ko na ang line boundaries namin kaya ginawa ko na. "At talagang napakapasaway mo eh 'no. Binalaan ka na ng iyong ama kanina pero ginawa mo parin."rinig kong boses na pamilyar sa gilid kaya napatingin ako at napagtantong siya iyon. "Binantayan mo ba ako buong maghapon para malaman mo pati ang bagay na iyon?" naiinis kong wika sa kaniya. Kung sa nakaraan ay para akong maiihi sa takot, ngayon naman ay hindi na dahil sa kagustuhang malaman kung sino nga ba talaga sila. "Kung iyon ang inaakala mo ay baka ganon nga." wika ng lalaking nagngangalang Ryu. "Nang aasar ka ba ha." wika ko sa kaniya habang pinapatatag ang aking sarili dahil nagsisimula na akong matakot. Lumapit ito sa akin at isang maling galaw na lamang ay baka maglapat na ang aming mga balat. "Lu-lumayo ka nga!" wika ko sa kaniya at napaatras ako. Hindi siya nagsalit at naglakad na naman papalapit sa akin. Sobrang lapit na niya kaya nagsisisi na ako kung bakit pa ako bumalik dito. "Isa kang Cerenian at kailangan mong maparusahan." pananakot nito sa akin kaya walang salita ang lumalabas sa aking bunganga. Napapikit nalang ako ng tuluyan siyang makalapit lalo sa akin. 'Katapusan ko na talaga!' wika ko sa aking isipan. Nagulat nalang ako ng wala pa akong nararamdamang parusang ibinibigay niya pero mas nagulat ako. Mas nagulat ako ng biglaan niyang inilapat ang kaniyang labi sa aking labi. Nanlaki ang mga mata ko at halos mapaduling ako ng tingnan kung siya nga ba talaga. 'Ang aking unang halik ay kinuha lamang ng isang bampira! Hindi ito maaari.'wika ko sa aking isipan. Sabihin niyo na panaginip lamang ito. Hindi ito maaari! Kailangan ko nang magising sa pagkakatulog. Hindi ito maaari!
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
Thank you
11/10/2024
0maganda ang kwinto
10/10/2024
0goods
09/10/2024
0Tingnan Lahat