VeNa's POV Pista ngayon dito sa South part ng Encido na tinatawag namin na siyudad ng Ceres.. Lumaki akong taga Ceres at masaya akong maging parte sa siyudad na ito. Isa lamang akong anak ng katulong sa Palasyo ng Ceres Empire. Tumutulong narin ako sa mga gawain doon para hindi na mahirapan ang aking mga magulang. Hindi ko maipagkakaila na pasaway akong anak dahil totoo naman iyon. Dinadala ako ng kyuryosidad para gawin ang matinding ipinagbabawal sa akin. Isa lang ang pinapangarap kong puntahan simula nung bata ako at yun ay ang ENCIDO PALACE. Ito ang palasyo na mailap sa mga tao dahil laging nakasara ang mga bintana at mga naglalakihang pintuan at gate nito. Ang Encido ay ang sentro ng apat na siyudad at ito ang may pinakamalaking palasyo dahil dito nakatira ang mga pinuno sa mga lugar dito. Ito ay binubuo ng apat na siyudad: Ceres city sa South na kinabibilangan ng katulad kong normal na tao lamang. Farix city sa North na kinabibilangan din ng mga Hunters at magagaling sa palakasan ng katawan. Axel city sa West kung saan ang lugar ng mga taong may kapangyarihan at kabilang na iyon ang mga taong nagmamay-ari ng apat na elemento. Prion City naman sa East na lugar ng mga hindi normal na tao at mga uhaw sa dugo.It means Vampires and wolves are living at that place. Kasalukuyan akong nag aaral ngayon sa Ceres University pero wala kaming klase ngayon sa pista na magaganap dito. Marami ang mga tao ngayon na nagkakasiyahan at isa na ako dun kasama ang kaibigan ko na si Reina. "Reina, pagod na ako gumala.Magpahinga muna tayo kahit isang saglit lang." wika ko sa kaniya at tinabihan niya ako sa upuan. "Ikaw naman kasi, pupunta ka na nga lang dito tapos wala ka pang kagana-ganang gumala.Ano ba naman yan!" pagmamaktol nito na para bang hindi napagod kanina. "Hay nako 'Reinaya Guevarra' hindi kasi ako katulad mo, okay?"wika ko sa kaniya at binigyan ng diin ang pagkakabigkas ko sa pangalan niya kaya binatukan ako nito. "Huwag kang epal dyan Venice Natasha na walang apelyido." pang aasar din nito sa akin kaya napairap nalang ako sa kaniya. "Florin ang apelyido ko abnormal." wika ko sa kaniya. "Edi Florin! Akala ko kasi pinalitan mo na yung totoo mong apelyido mo sa apelyido ng lalaking kinababaliwan mo. HAHA" biro nito sa akin kaya napairap ako sa kaniya. "Pwe! Kahit kailan hindi ko naisip iyan Reina. Tsaka hindi ko na nagugustuhan ang lalaking iyon." pagtatanggi ko sa sinabi niya kahit na ang totoo ay gustong gusto ko ang lalaking tinutukoy niya. "Vena! Si Terron Montrel oh!" wika nito sabay turo sa likod ko kaya napalingon ako agad doon pero wala naman akong nakita. "Reina tumigil ka na nga diyan.Hinahangaan ko lang siya sa okay?" wika kokay Reina at binatukan siya. "Ah basta kaibigan mo ako kaya alam ko na ang pasikot-sikot ng pag iisip mo.Halatang-halata naman kasi na gusto mo si Terron pero tinatanggi mo parin." wika nito sa akin kaya namula ako. "Oo na! Gusto ko na siya!" pag-aamin ko sa kaibigan ko na napakakulit. "What if aminin mo kay Terron ang totoo mong nararamdaman. Maganda ka naman at may ibubuga kaya malabong mareject ka.Tara?" alok nito sa akin at tumayo na tsaka pinatayo. "Natatakot ako Reina." wika ko sa kaniya nang magsimula kaming maglakad sa kung saan. "Huwag kang mag-alala nandito lang ako lagi sa tabi mo." wika nito sa akin at nagulat naman ako ng nakita sina Terron at ang apat na kaibigan nito na nakatambay sa may bench dito sa Legendary Garden ng Ceres. "Hi Terron!" agaw-pansin na wika ni Reina sa lalaking kaharap namin ngayon. "Oh Hello Reina and Vena." bati sa amin ni Terron. Kilala na kami ni Terron dahil laging nagpapansin sa kanila si Reina at pinipilit akong mapalapit kay Terron. "May sasabihin daw yung kaibigan ko." wika ni Reina at inapakan ang paa ko na para bang may isinesenyas sa akin kaya napatingin sa akin si Terron. Kinakabahan ako dahil ngayon ang kauna-unahang makalapit ako ng ganito kay Terron habang nakatingin ito sa akin. Wala ng urungan ito dahil nasa harap na ako mismo ni Terron kaya aamin nalang ako. "Ah-ahm gustokitaterron!" wika ko sa kaniya. "Huh? Ano iyon?Hindi ko naintindihan, ang bilis mo kasi magsalita." nagtatakang wika nito sa akin pero napapikit nalang ako. "Ahm gusto kita Terron." mahinahong wika ko sa kaniya kaya nagulat itong napatingin sa akin at napatahimik naman ang mga kaibigan niya. "Gusto rin kita Vena....." wika nito sa akin kaya bumilis ang tibok ng puso ko na parang gusto kong tumalon sa saya. "Pero bilang kaibigan lamang." dagdag nito kaya mabilis na napalitan ng lungkot ang saya nanaramdaman ko kanina. "Wews,ouch." komento ni Lawrence na kaibigan niya. Parang gusto kong umiyak pero ayaw lumabas ng luha ko, kaya salamat nalang dahil nakisama ang mga luha ko. Baka magmukha lang akong kawawa kapag umiyak ako sa harap nila. "Ah ganon ba? Okay."garalgal ang boses na wika ko sa kaniya at tumalikod na sa kanila. Matagal ko na siyang nagugustuhan pero hindi ko alam kung bakit sa isang iglap lang na pag aamin ay nasira ang mga ilusyon sa isip ko. Naglakad lang ako ng naglakad at batid ko rin na hindi na ako sinundan ni Reina dahil alam kong alam na niya agad na gusto kong mapag-isa. Hindi ko alam ang nangyayari at kung saan na ako idinala ng aking paa. Alam kong nakakalayo na ako sa kanila pero panay parin ang paglalakad ko papalayo sa lugar kung saan ako nareject. Dumidilim na ang paligid pero hindi ko napansin na bumaba ang araw. I didn't witness the sunset at this place. Napapansin ko narin na puro puno nalang ang nakikita ko. What the hell! "How dare you to cross the line!"sigaw sa akin ng isang nakakatakot na boses kaya nagulat ako. Napatingin ako sa sign na nasa gilid na hindi ko napansin kanina dahil lutang ako sa kakaisip. EASTSIDE PRION? Iyan ang nakalagay sa sign kaya nagsimula na akong kabahan sa takot. "I-i-I'm sorry.A-aalis na p-po a-ko."nauutal kong wika sa kaniya pero hindi ko man lang siya nakikita dahil nasa madilim na parte ng kagubatansiya. "Ipinagbabawal sa mga taong katulad niyo ang pumunta dito pero sinuway mo! Mukhang mapaparusahan ka ngayon HAHA."nakakademonyo wika at tawa nito kaya nagsimula na akong lumuha sa takot. Lumalapit ito sa akin pero hindi ko makita ang bulto nito pero nararamdaman ko ang presensya niya. Napatingin ako sa kamay at katawan nito na nasinagan ng buwan,hindi ko nakita ang mukha nito dahil nakahoodie siya. Natatakot ako ng sobra ngayon dahil napansin kong ang kaharap ko ngayon ay isang lobo. Galit na galit siya sa bawat bigkas na sinasabi niya sa akin kaya nagsisisi na ako sa ginawa ko. "Parang awa mo na po,aalis na po ako dito basta hayaan niyo lang po ako." pagmamakaawa ko sa kaniya pero patuloy parin siya sa paglapit sa akin. 'Katapusan ko na yata Ina at Ama.'wika ko sa isip ko at napapikit nalang dahil sa takot. "Itigil mo na ang pananakot sa babaeng ito Lupe. Hinahanap ka na ng Pinuno."rinig kong boses ng ibang lalake pero nanatili parin ako nakapikit dahil ayokong makita ang mga hitsura nila. "Masusunod ryu." wika ng lalaki kanina sa bagong kadadating lamang. Nananatiling tahimik ang lugar pero hindi ko parin iminumulat ang aking mata. Para bang nararamdaman ko na mayroon pa ang lalaking tumigil sa una kong nakaharap. "Alam mo bang masama ang ginawa mo? Isa kang Cerenian at purong tao lamang.Kaya ka naming patayin kahit sa isang segundo lang." nakakatakot na wika nito. "Hindi ko na po uulitin basta pabayaan niyo na po ako." naluluha kong wika sa lalaki habang nakapikit parin ako. "Stupid." wika nito kaya napakuyom ako sa kamao ko. Tumalikod na lamang ako at iminulat na ang aking mata tsaka naglakad na. Nararamdaman ko parin na nakatingin siya sa akin sa likod kaya naguguluhan ako kung bakit. Nanghihina parin ang mga tuhod ko dahil kanina at hindi napansin ang mga sanga na nakaharang sa daan kaya nadapa ako. Nasugat ang tuhod ko at may lumabas na dugo pero kakaunti lamang. "You really are stupid!" rinig kong wika ng lalaki sa likod ko at pumunta sa harap ko. Tumingin na lamang ako sa gilid at iniwasang tingnan ang kaniyang mukha. Nanlaki ang mata ko ng marinig kong sumisinghot ito na para bang may inaamoy. "Anong ginagawa mo?" garalgal ang boses na wika ko sa kaniya habang nakatingin parin sa kawalan. "Who are you?" biglang tanong nito at pinaharap ang mukha ko sa kanya. Pareho sila ng suot ng lalaki kanina pero hindi nito suot ang kaniyang hoodie. Nakikita ko ang kabuuuan ng kaniyang mukha. Sobrang puti niya pero nakakatakot ang mga mata nito. Ang mga pangil nito ay napakatulis na para bang gusto ko nang maihi sa takot. 'Sobrang malas ko naman ngayon! Lobo kanina tapos bampira naman ngayon. Ina!Tulungan mo ako.' Dahil sa sobrang takot na nararamdaman ko ngayon ay napatakbo ako sa dan papunta sa siyudad namin. Buti nalang at nahimasmasan ako kaagad at nakatakbo kanina dahil baka maubos pa ang dugo ko dahil sa bampira na iyon. Kung lungkot at pighati ang nararamdaman ko kanina, ngayon naman ay takot. Nakakatakot ang mga nakasalamuha ko kanina, nakakatakot sila. Nalabag ko na naman ang utos sa akin ni Nanay. Totoo nga na nakakatakot ang pumunta sa silangang bahagi ng Encido, dagdag mo pa na bali-balita dito ang sunod sunod na krimeng nangyayari sa Ceres. Bawal ang lumabas sa siyudad kapag gabi kung ayaw mong mapahamak. Ang mga bampira at lobo ang kinakatakutan ng mga tao dito sa siyudad dahil anumang oras ay pwede nila kaming patayin. Mabubuti ang mga tao sa ibang lugar at sila ang laging tumutulong sa amin kapag may sakuna. "Vena! Sa wakas at nakita rin kita. Kanina pa kita hinahanap." biglang wika sa akin ni Reina kaya napangiti nalang ako. 'Hay salamat at nakaalis rin ako sa lugar na iyon' "Uwi na tayo Reina, inaantok narin kasi ako." yaya ko sa kaniya. "Tara." pagsasang-ayon nito kaya umuwi na kami sa sarili naming bahay. Sana ay hindi na maulit pa ang nangyari kanina. Iyon pa lang ang naranasan ko na sobrang pinagsisisihan ko. Kung minamalas nga naman tsk! tsk! tsk!
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
Thank you
11/10/2024
0maganda ang kwinto
10/10/2024
0goods
09/10/2024
0Tingnan Lahat