logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Coffee

MAUDE VALERA.
“MISS, isang kape nga po,” Maude requested just as soon as she arrived at the coffee shop’s counter. Ang coffee shop na iyon ay ang coffee shop rin na pinuntahan nila ni Sarah noon nang sabihin sa kanya ng kaibigan ang tungkol sa job interview.
“What coffee, ma’am?” the barista asked politely, putting a smile on her face.
Nanlaki ang mga mata ni Maude sa tanong ng barista. “W-What coffee?” Tumango lang naman iyon.
Napakagat-labi ang dalaga nang maisip kung ano nga bang kape ang gusto ng CEO? Hindi kasi sinabi ng lalaki kanina at hindi rin naman natanong ni Maude kung ano ang kapeng lagi no’ng iniinom.
“Miss?” Maude regained her sense when the barista spoke again, tilting her head a bit so that Maude could notice her.
“Ah…uhm…c-coffee americano na lang, miss. Take out,” nag-aalangan na saad ni Maude. 
Iyon ang kapeng pumasok sa isip niya dahil naalala nitong puro kapeng americano ang binibili ng mga CEO o employees sa napapanood niyang drama kaya malamang na gano’n din ang gusto ng boss nila, pampaiwas antok. 
Binalak pa niyang tawagan ang kaibigan upang tanungin sana ngunit naisip rin na baka abala iyon at ano naman ang alam no’n gayong bihira niya lang namang makita ang CEO.
As soon as Maude gave her order, the barista quickly grab a coffee cup and ballpen which caused Maude to furrowed her brows. “Name po ninyo, ma’am?” the barista then asked.
“P-Pangalan ko?” Maude asked back, napaturo pa ito sa sarili. 
Tumango naman ang barista. “Opo, ma’am. Para po ‘yon nalang ang tawagin namin once your coffee is done,” paliwanag pa no’n.
Marahang napatango si Maude. “Ah, gano’n ba? Akala ko bibigyan mo nalang ako ng number. Iba na pala.” She smiled sheepishly as she scratched her nape. Matagal na rin kasi noong huling bumili siya ng kape sa mga coffee shop. Ang alam niya ay number palang ang binibigay at tatawagin nalang iyon pagkatapos gawin ang order.
“Maude po. M.A.U.D.E,” she spelled out kaya agad naman iyong sinulat ng barista sa papel na baso.
“Noted po, ma’am.  Upo nalang po muna kayo while waiting. Tatawagin nalang po namin ang pangalan ninyo. Thank you!”  she instructed politely before heading towards the espresso machine.
Umupo muna si Maude sa isang bakanteng upuan malapit sa counter para mas marinig nito nang maayos sakaling tawagin ang pangalan niya. As she waits, she can’t avoid watching the other customers being busy with their own businesses. Karamihan ay employees. May mga nag-uusap-usap at may iba naman na mag-isa lang sa table habang abala na nagtitipa sa laptop.
Ilang minuto rin itong naghintay at sa wakas ay tinawag na rin ang pangalan niya kaya mabilis itong nagtungo sa counter upang kuhanin iyon. 
Iniabot niya ang bayad sa barista bago umalis. Sarili niyang pera ang ginamit dahil hindi naman nito alam kung saan kukuha ng pambayad gayong bago pa lamang siya. She just deemed it as a treat to his boss for passing her in the interview.
Nang makasakay na ito sa elevator ay agad niyang pinindot ang floor kung saan naroon ang opisina ng CEO. Just after a few minutes, the lift finally opened so she immediately stepped out of it and headed to the CEO’s office. 
As soon as she reached the office, agad itong kumatok sa pinto. Nang bumukas iyon ay bumungad naman ang mukha ni Rafael kaya mabilis niyang iniabot sa sekretaryo ang kape.
“Ito na po ang kape ng CEO,” usal ni Maude.  Kinuha naman agad iyon ng secretary kaya agad ring umalis ang dalaga.
As soon as she arrived at their department office, tanaw na niyang puno na ng folder ang mesa niya at may sticky note na nakadikit sa screen ng computer niya kaya mabilis na itong humakbang patungo roon.
Pwede bang paki-translate ang mga ito and pakiprint afterwards. Thank you.
– Senior Jelia♡︎
Tumango nalang si Maude bilang sagot. She already expected that her seniors will take advantage of her, being an intern. Trabaho niya naman iyon kaya wala itong magagawa. Besides, she even got excited dahil pakiramdam niya ay hindi na panaginip ang lahat. May trabaho na talaga siya.
Nakangiti nitong binuksan ang computer bago tinignan ang mga dokumento na isasalin ngunit bigla ring nawala ang ngiti nang makita nito kung ano ang mga nakasulat sa dokumento.
l’hotel con la presente…?
“Jusko, pronunciation pa nga lang hindi ko na alam, translation pa kaya?” bulong nito na tila problemado.
Maya-maya ay ramdam niyang tila may papalapit sa kanya kaya napalingon ito. Ang kanilang manager.
“There are a translators here that you can use,” wika ni Manager Javier saka pinindot ang shortcut folder sa computer ni Maude kung saan naroon ang iba’t-ibang translator na gamit nila kaya umawang kaunti ang bibig ng dalaga sa mangha nang makita ang mga iyon. “You can use any of them,” dagdag pa ng manager.
Tumango ang dalaga saka nagpasalamat.
“If you have any questions, feel free to ask me. Nasa office lang ako. You can also ask your colleagues kung tinatamad kang pumunta ng office,” bilin nito saka umalis na. Sinundan nalang siya ng tingin ni Maude at nang makapasok na iyon sa kanyang opisina ay ginawa na ng dalaga ang trabaho niya. 
While everyone is busy doing their tasks, the office telephone suddenly rang which interrupted them.
“Ms. Intern, can you please answer the call?” one employee requested that’s why Maude quickly grab the telephone to answer the call.
Hindi pa ito nakakapagsalita ay narinig na nito ang boses sa kabilang linya. “Pakisabi sa intern na pumunta siya dito sa opisina ng CEO. Ngayon na.” Afterwards, the call has been ended.
“A-Ako?” nagtataka nitong tanong sa sarili but without further ado, she quickly bolted out of the room to go to the CEO’s office. Normal ba sa intern ng HR department na inuutusan ng CEO? 
While waiting for the elevator to open, biglang naalala ni Maude ang kapeng binili. Naisip nitong siguro mali ang nabili niya kaya siya biglang pinatawag.
Her heart rate increased as her hands started trembling when she reached the CEO’s office. Nagdadalawang-isip pa itong kumatok. Gayunpaman ay nilakasan nalang nito ang loob.
“Come in,” said the cold voice from the inside. Obviously, the CEO. Pinihit nga ng dalaga ang busol ng pintuan and as soon as she opened the door, she instantly mumbled wow in astonishment. 
The tiled-floor is shining as diamond that she can clearly see her reflection once she steps on it. However, she is even reluctant to enter.
When she shifted her gaze to the left part of the room, she saw a glass table between a two sofa, perfect with the big glass wall which enable the CEO and his visitors, if ever, to see the tall buildings outside while talking about business.
Kapagkuwan ay ibinaling niya ulit ang tingin sa kanang parte ng silid. There she saw the shelf that was fixed on the wall behind the CEO’s table. Madaming mga libro doon na tila tungkol sa business lahat.
Halos maglaway na ang kanina pang nakanganga na dalaga sa sobrang mangha dahil sa ganda ng opisina. Kulang na lang ay pasukan na ng langaw ang bibig niya.
Raddix abruptly cleared his throat causing Maude to quickly close her mouth and gulped. “Even if you welcome flies to enter your mouth, no one will come. You can’t find them here in my office.”
Napabaling ang dalaga sa mesa na puno ng nakatambak na papeles. Naroon si Raddix na kanina pa nakatingin sa kanya habang pinaglalaruan ang ballpen na hawak.
Kinakabahan na humakbang palapit sa mesa ng boss si Maude. “Good morni—” she was cut off.
“I don’t think this coffee is mine,” he interjected as he shows Maude the name written on the cup. Napalunok ang dalaga nang mabasa ang pangalan niya na nakasulat doon. It was the name that the barista wrote earlier.
“Besides, I don’t like coffee Americano,” he added and slides the cup of coffee forward his table.
“Pasensya na po, sir. Tinanong po kasi ng barista kanina kung anong pangalan ko. And besides, hindi niyo rin po kasi sinabi kung anong kape ang gusto ninyo,” dahilan ni Maude, bahagyang napakagat sa ibabang labi.
Napangisi ang lalaki. “So, is it my fault? You have a mouth to ask.”
“A-Ako po ba dapat?” she retorted. “Pwede naman niyang sabihin sa akin kanina kung anong gusto. Kailangan pa talagang tanungin? Disney prince ang peg?” sarkastiko niyang wika sa isipan.
“I like Latte. Buy another one,” Raddix ordered, ignoring her question.
“Yes, sir.” Maude nodded actively.
As she was about to leave, the CEO suddenly speak again. “Throw this.” He eyed the coffee on his table. Mabilis naman na naintindihan ng dalaga ang gusto niyang sabihin kaya tumango ito.
“O-Opo.” Humakbang palapit ng mesa ng lalaki si Maude upang kuhanin ang kape. Pagkatapos ay nagpaalam bago umalis.
Huminto ang dalaga at napaismir pagkasarado niya palang sa pintuan ng opisina. “Pera ko ang pinangbili dito tapos itatapos ko lang? Kung ayaw niya edi ‘wag!” gigil na sambit nito habang nakatingin sa hawak na kape.
“Akin nalang?” asked a familiar voice causing Maude to lift her head and look at him. She narrowed her eyes, —looking at the dimpled man who has a fluffy middle cut hairstyle and is currently smiling at her,—remembering where she had heard his voice.
Upon seeing his outfit which is a coffee colored button-up long sleeves with white shirt underneath paired with light khaki pants and white sneakers, she realized that it was the person who helped her to push the revolving door when she arrived at the company earlier. 
Maude smiled awkwardly as she handed the coffee to him. “O-Okay lang. Sa’yo na. Wala pang bawas ‘yan. Hindi pala kasi gusto ni Sir Raddix ng Coffee Americano,” mahabang litanya ng dalaga.
Kunot-noong kinuha ng lalaki ang kape. “But it is what he usually orders,” nagtatakang wika ng lalaki.
“T-Talaga po?” paniniguradong tanong ng dalaga. Tumango naman ang kausap.
Maude chuckled irritatingly and clenched her jaw afterwards. “Nananadya ba siya?” bulong nitong tanong sa sarili.
Pero mabilis rin itong ngumiti nang maalalang may pangalan ang kape. “Siya nga pala, may nakasulat rin po kasing pangalan diyan kaya ibinalik sa akin. Hindi ko naman po kasi alam na pangalan na pala ang nilalagay nilang pantawag kapag tapos na ang kape,” paliwanag niya kaya mabilis na tinignan ng lalaki ang baso ng kape.
Napangiti iyon nang mabasa ang pangalan ng dalaga kaya lumabas na naman ang biloy sa magkabilaan niyang pisngi. “Thanks for the coffee, Maude,” he thanked as he shows the coffee to her. Tumango naman ang dalaga kaya nagpaalam na ang lalaki at pumasok na sa opisina ng CEO.
Nagmadali nang lumabas si Maude sa kumpanya upang gawin ang utos ng boss na bumili ng bagong kape which is coffee latte. Hindi ko alam na mahilig pala sa gatas ang lalaki na ‘yon.
As soon as she reached the shop, she made sure that the name written on it is their CEO’s name. As usual ay siya na naman ang nagbayad ng kape dahil wala namang iniabot ang lalaki. Nang makabili na ito ay agad din siyang bumalik sa kumpanya upang ibigay iyon kay Raddix. Wala nang reklamo ang CEO kaya bumalik na rin agad si Maude sa department nila upang ituloy ang mga gawain.
Pagkarating nito sa table niya ay tambak na documents na naman ang naidagdag dito. She has no choice but to do all the things they give her. Besides, it is her duties as an intern kaya hindi na kaso sa kanya iyon. What’s important to her now is that she is working in a company that she dreamed of.
After spending her hours inside the HR department office translating documents, fixing documents, checking employees’ performances and buying coffee for seniors, she finally finished her working hours. Nag-overtime pa ito ng ilang minute para lang matapos niya ang lahat ng gawain.
Inayos na agad nito ang mga gamit para makauwi na rin. Pasado alas nuebe na at mag-isa na lang siya doon. Naisip niya kasing bukas ay tambak na naman siya so it is better to finish her tasks now kaysa matambakan ulit.
Well, ano pa ba? Sa laki ng RF Hotel at sa dami ng branches nila, malamang na laging busy ang mga empleyado roon.
Pagkatapos niyang ayusin ang mga gamit ay agad na nitong isinuot ang sling bag saka naglakad paalis. Hindi pa ito nakakalabas ng pintuan ay may nakita na naman siyang sticky note sa doorknob.
Ms. Valera, get the blue folder in my table and please give it to the CEO before you go home? Thank you. 
– Manager♡︎
Napabuntong hininga nalang si Maude. “May pahabol pa talaga? Pero no choice, makakatanggi ba ako?” turan nito na animo’y may kausap.
Agad na nitong kinuha ang folder na blue sa opisina ng manager at mabilis na dumiretso sa office ng boss nila. Nang makarating ito ay kakatok na sana ngunit napahinto nang marinig nitong tila may kausap iyon.
“I said I don’t want to attend to her birthday. Mahirap bang intindihin ‘yon?” halata sa boses niya ang pagkainis.
“Well, that’s it! I’m not interested! I won’t, Dad,” muling saad ng lalaki na tila galit na galit sa kausap. 
Maya-maya ay bigla nang tumahimik sa loob kaya naisip ni Maude na siguro ay tapos na silang mag-usap ng daddy niya kaya pwede na siyang kumatok. However, as she was about to knock again, nagsalita ulit si Raddix.
“I won’t change my decision. I’m not sorry, Dad.” 
Her hand stucked in the air, hindi itinuloy ang pagkatok dahil hindi pa pala tapos ang usapan. When the atmosphere inside became silent again, she decided to knock once more but the door suddenly opened even before she knock. 
Napaurong ang dalaga sa gulat nang bumungad ang CEO sa paningin niya.
“G-Good evening, sir,” utal nitong bati at tila nag-aalangan.
“What?” Raddix asked grimly.
“U-Uhm, itong files po. Pinapabigay po ni manage—” Raddix cut her off.
“Put it on my table then leave,” seryoso lang nitong utos, kapagkuwa’y lumabas na ng opisina.
Pumasok agad si Maude upang ilapag sa mesa ang dala at upang maakaalis agad. Hindi niya talaga kayang sumakay, kung sakali, sa elavator kasama ang boss nila.
As she turned her back on the table after putting down the folder, nanlaki ang mga mata nito nang makita ang CEO na nasa labas pa ng  silid, nakatayo at nakabulsa ang mga kamay sa bulsa ng kanyang trouser habang nakatitig sa sariling sapatos.
Her brows drawn together as she remembered her brother because of him. Gano’n din kasi ang kapatid niya noon tuwing hinihintay niya si Maude kapag maglalaro sila. Nakatayo habang seryosong nakatitig sa paa. Binubulsa rin ng kapatid ang mga kamay kapag may bulsa ang short na sinusuot.
“What? Do you want to be locked inside my office?”
Her thoughts suddenly broke when she heard the deep and frigid voice of their CEO. 
“Leave,” he added and gestured his hand, signaling her to get out of the office.
Lumabas na nga si Maude at agad nang naglakad patungo ng elevator. Mabilis siyang sumakay para hindi makasabayan ang CEO, pero bago pa man sumarado ang elevator ay nakapasok na si Raddix doon. Napaurong nalang kaunti si Maude.
A defeaning silence overwhelmed the whole corner of the elevator causing the atmosphere to become uncomfortable. Hindi maiwasan ni Maude na mapatingin kay Raddix kahit man pigilan niya ang sarili. Hindi kasi mawala sa isip niya ang nakita kanina. Why does he always remind her of her brother? Naisip tuloy nito kung ano ang hitsura ng kapatid kung buhay pa iyon ngayon. 
Palihim na napangiwi si Maude. “Malamang, mas attractive ang kapatid ko kaysa dito sa muskox naming boss,” she uttered inwardly.
“I am not a painting so stop staring at me,” biglang saad ng lalaki, diretso lang ang tingin sa pintuan ng elevator at walang kahit anong emosyon sa mukha.
Napalaki bigla ang mga mata ni Maude kaya mabilis nitong inalis ang tingin sa lalaki at ibinaling nalang sa sariling repleksyon sa pintuan ng asensor.
Hindi na muling lumingon sa kanya si Maude hanggang sa bumukas ang elavator sa first floor.
“M-Maude?” Pakurap-kurap na sambit ni Sarah habang palipat-lipat ang tingin nito sa dalawa nang makitang kasama ng kaibigan ang CEO sa elavator.
Hinihintay kasi ni Sarah na bumukas ang elevator dahil pupunta sana ito sa department nila Maude upang sunduin ang kaibigan.
“Good evening, sir,” bati pa ni Sarah saka pilit na ngumiti sa CEO pero hindi siya pinansin ng lalaki, sa halip ay naglakad na iyon palabas ng elevator at umalis.
Minataan agad ni Sarah ang kaibigan, tinanong kung bakit sabay sila sa elevator. Nagkibit-balikat lang naman si Maude saka inunahan na ang kaibigan sa paglakad.

Komento sa Aklat (25)

  • avatar
    Princess Heidy Bernardino

    good

    5d

      0
  • avatar
    Reniel Basit

    thanks

    21/07

      0
  • avatar
    Radha Eleanora Uccello

    Do read this!! This is a great story! I'm so curious about what will happen. Waiting for your update, Author!💚

    18/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata