logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

First Day

MAUDE VALERA.
“A-ARAY,” kamot-ulo na bulalas ni Maude nang magising ito dahil sa biglang pagkahulog sa kama. Lasing na lasing kasi siya kagabi kaya magulo itong natulog dahilan kaya siya nahulog.
Even though she feels an extreme throbbing pain in her head, she still quickly bolted out of her room after seeing that some part of the sky is already florid orange. Naalala nitong unang araw niya pala sa trabaho kaya dapat ay hindi siya ma-late. Naisip niyang tila pasang-awa na nga lang ang dahilan kung bakit siya natanggap, tapos mahuhuli pa siya sa unang araw?
Una muna itong dumiretso sa kwarto ng kaibigan ngunit isang napakagulong paligid lang ang naabutan nito. Wala sa ayos ang kama at may mga damit na nakakalat sa sahig at pati na rin sa kama na tila pinagpilian ng kaibigan ng susuutin.
Wala na sa kwarto si Sarah. Siguro ay pumasok na ito sa trabaho. She really adores her friend for being workaholic that despite being drunk last night, she can still manage to go to work early. Isinarado na niya ang pintuan at akmang aalis na sana ito nang makita niya ang isang sticky note na nakadikit sa pinto.
Nauna na ako, Monde. I can’t wake you up, e. Just wait me at the lobby na lang and I’ll bring you to HR department office. Anw, I put your clothes in your closet. It’s a pink suit and I also put your sandal on your shoe rack. God bless on your first day! Fighting!^ 
- Sarah♡
Napangiti si Maude sa nabasa pero agad ring nawala ang iyon nang mapansin kung anong oras na. It’s already passed seven in the morning and their call time will be eight o’clock.
“Ayan, Maude. Uminom ka pa,” sarkastiko nitong bulong sa sarili bago tuluyan nang ginawa ang morning routines niya dahil kaunti na lang ang oras. She didn’t even eat breakfast. Agad na itong naligo at nang matapos ito ay agad siyang nagtungo sa closet upang kunin ang damit na tinutukoy ng kaibigan. 
Gayon na lang ang ngiti nito nang makita ang pormal na damit. She immediately wore it and as soon as she saw herself in the mirror, tila ba lumulutang siya sa tuwa. She really suits that pink blazer with white shirt underneath and it was also paired with pink trouser. Tila ba pares na ang binili ng kaibigan para sa kanya. Kinuha niya na rin ang sandals na tinutukoy ni Sarah at mabilis na isinuot. It is a black ankle strap two inches heels. It is her very first time wearing such wonderful clothes.
Akala niya ay no choice na naman siya sa susuutin na black blazer at black trouser. Buti nalang at meron ang kaibigan. 
Muli niyang pinagmasdan ang sarili sa salamin. She really looks like a different person. Napakapormal niyang tignan sa suot kahit na wala pa sa ayos ang buhok. She decided to just comb her hair on her way because she has really no time to do so, that’s why she just put a nude make-up on her face.
Isinuot niya rin ang nag-iisang relo na regalo sa kanya ng parents ni Sarah. Her friend also has the same wristwatch. Regalo sa kanila iyon noong graduation nila.
After wearing her watch, mabilis na nitong kinuha ang itim na sling bag at inilagay roon ang suklay bago tuluyang umarangkada palabas ng apartment. Tumakbo ito papuntang main road kahit hirap dahil sa heels ng sandals niya. Hindi niya na rin pinansin pa kung gurang ang hitsura dahil hindi pa ito nakasuklay. Wala siyang choice kun‘di ang magmadali dahil baka mahuli siya sa trabaho. Sana naman may bus pa.
Habang naghihintay ay paulit-ulit siyang tumitingin sa relo niya upang tignan ang oras. Hindi pa ito mapakali dahil wala pang bus na dumadating. Kinakabahan dahil baka nakadaan na lahat at wala na siyang masasakyan. 
Minutes had passed when she saw a bus coming that is why she heaved a deep sigh and instantly waved her hand to stop it.
Huminto naman sa harap niya iyon kaya nagmamadali na itong sumakay. Sa kasamaang palad, muntikan pa siyang madapa.
“Oh, dahan-dahan lang, miss. Mamaya bungi ka nang papasok sa trabaho mo,” pagbibiro ng driver sa kanya. Ngumiti lang si Maude saka mabilis nang naghanap ng mauupuan. Luckily, kaunti lang ang pasahero kaya may naupuan siya agad malapit sa likod.
Kinuha na niya ang pagkakataon upang suklayin ang buhok, patingin-tingin parin sa relo. Kinakabahan parin dahil medyo mabagal ang takbo ng bus.
“Manong, pakibilisan naman po,” sigaw nito upang marinig ng driver.
“Miss, wala ka sa taxi. Dapat kasi maaga kang nagigising,” the driver retaliated in a loud voice so that she can hear him. 
“Sana nga po, kaso nalasing ako. Kaasar naman kasi!” She slapped her forehead at the thought of being drunk last night.
Ilang minuto bago huminto ang bus. Fifteen minutes before eight o’clock. Agad na itong lumabas at tumakbo hanggang sa makarating sa kumpanya.
Magda-drama pa sana siya habang tinititigan ang kumpanya tulad nang mga napapanood niya sa drama kaso wala na talaga itong oras kaya agad na siyang pumasok. Unfortunately, she struggled again in pushing the revolving door. “Kaasar naman. Bakit kasi kailangan pa na ganito ang pintuan,” bulong nitong reklamo sa sarili.
Kalaunan ay may biglang sumingit sa kanya at itinulak iyon. “Miss, you can go first,” mahinahon niyong usal saka binigyan si Maude ng daan upang mauna itong pumasok. Mabuti na lang at may isang mabuting nilalang na tumulong sa kanya.
Mabilis na nagpasalamat ito sa lalaki pagkatapos ay tumayo muna ito sa tabi ng revolving door na parang isang gwardiya upang hintayin ang kaibigan. Pinadalhan niya na rin ng mensahe si Sarah na nasa lobby na siya.
Habang naghihintay ay inilibot niya ang kanyang tingin sa buong lobby at kita nito ang mga tao na parang langgam ka-abala sa kanilang mga ginagawa. May mga nagmamadaling naglalapat ng ID nila sa turnstile gate upang makapasok at ang iba nama’y may hawak na mga papeles habang naglalakad.
Napangiti ito sa nakita, hindi na makapaghintay pa na magtrabaho.
Maya-maya ay biglang napakunot ang noo niya nang magmadali na sa paglalakad ang mga iyon habang patingin-tingin sa labas. Naintriga si Maude kaya tumingin din ito sa labas.
Nakita nito ang kalalabas lang na lalaki sa isang kotse na pormal ang suot—purong black na animo’y makikiramay sa burol. His slightly long wavy hair is a bit messy, however, he suits it. Nakatalikod man iyon pero sa pigura nito at sa reaksyon ng mga tao ay halatang ang CEO iyon ng kumpanya.
Isang lalaki rin ang lumabas sa kanang pinto ng kotse sa likod. Nakasuot rin ng pormal pero hindi itim. Charcoal gray ang kulay ng suit niya at may button down sleeve na puti sa loob at itim na necktie. Naglakad na ang mga ito papasok ng kumpanya. 
At dahil nasa tabi ng revolving door si Maude ay inayos niya ang sarili dahil malamang na dadaan sila sa harapan niya. Siyempre, babatiin nito ang CEO nang buong puso dahil sa pagpapasa niya sa kanya. Kahit pasang-awa lamang.
Nang malapit na sila ay humugot muna ng malalim na hininga si Maude saka bumati, “Good morning, Sir!” She even bowed cheerfully.
Malamig lang na tumingin sa kanya si Raddix at nang magtama ang mga mata nila, nagsimula na namang pumasok sa isip ni Maude ang kanyang kapatid na si Rix. However, she instantly regained her sense when Raddix rolled his eyes at her.
Nang makadaan na ang dalawa sa harap ay biglang napangiwi si Maude. “Talaga ba? Inirapan ako?” bulong nito, hindi makapaniwala sa inasta ng lalaki.
“Hoy, Monde. Bakit ang sama ng tingin mo sa CEO?” Agad na napabaling ang tingin niya sa nagsalita, si Sarah.
“Ikaw kaya ang bumati nang buong puso tapos iirapan ka lang?” Maude complained sneeringly.
Sarah chuckled as they started to walk. “You need to get used to it. Lagi ‘yang gan’yan,” paliwanag niya pa kaya napaismir nalang si Maude. 
Sarah put her ID on the barcode scanner in the turnstile gate as soon as they reached the area before they entered. Actually, wala pang identity card si Maude kaya ‘yong kay Sarah na muna ang ginamit nila para makapasok.
Nang makasakay na sila ng elevator ay agad na pinindot ni Sarah ang sixteenth floor dahil doon ang HR Department.
Ilang minuto lang naman ay bumukas na iyon. Mag-isa na si Maude na lumabas dahil may biglang tumawag sa kaibigan niya at kailangan nitong agad bumalik sa department nila.
“Sabay tayong mag-lunch mamaya,” paalala pa ni Sarah sa kanya bago tuluyang sumarado ang elevator.
She breathed out first before started walking. Inilibot niya ang tingin sa buong department, tinatanong ang sarili kung saan kaya ang HR office. Luckily, nakita nito ang isang employee na tumawag sa kanila noon. Nakasuot iyon ng gray na shift dress na pinatungan ng kulay maroon na blazer. Sa hitsura ay parang nasa late 20s lang ito. Nilakasan na lang ni Maude ang loob upang lumapit sa kanya.
“Good morning, ma’am. Tanong ko lan—” hindi natuloy ng dalaga ang sasabihin nang biglang magsalita ang babae.
“Ms. Intern. I’ve been waiting for you here for almost twenty minutes. I thought you wouldn’t come,” taas-kilay niyang turan kay Maude.
Namilog ang mata ng dalaga sa gulat. “P-Paano niyo po n-nalaman na intern ako?” she asked, being shocked and confused.
“Why? Am I not supposed to know every person we hired?” she questioned back causing Maude to smile sheepishly. 
Afterwards, ngumiti rin ang babae sa kanya. Umawang ang bibig ng dalaga nang makita iyong ngumiti. Maganda na nga iyon kapag seryoso, mas gumanda pa nang ngumiti.
“Sorry for being late po, ma’am,” Maude apologized.
Tumango ang babae. “Next time, don’t be late. Siguro naman alam mo na ang ugali ng CEO natin. He is a time-concious person. Ayaw niyang late ang mga empleyado niya na pumapasok at mas lalong ayaw niyang nasasayang ang oras niya,” paliwanag nito. Tumango na lang si Maude. Kalaunan ay nagsimula na silang maglakad.
Habang sumusunod siya sa babae ay hindi niya maiwasang sipatin ito. Sobra ang hanga niya dito. Maputi siya at napaka-propesyonal ng dating.
Nang lumiko sila pakanan ay agad na tumambad sa paningin ni Maude ang isang silid na salamin ang pader kaya kita nito ang mga tao sa loob na nakatayo’t nakayuko, tila pinapagalitan ng taong nasa harapan nila. Ang CEO.
“Why is he here all of a sudden?” Narinig ni Maude ang nagtatakang bulong ng kasama. Gayunpaman ay tinahak nalang nila ang daan patungo doon.
As soon as they entered the room, everyone’s attention immediately diverted towards them. Even the CEO who was just cut off because of their sudden enter.
“Good morning, sir. Sorry for interrupting. I just wan—” the late 20s woman was also cut off when the CEO suddenly look at Maude and speak.
“You’re the intern, right?” malamig na tanong nito sa dalaga. Ang mga mata ay tila mas malamig pa sa yelo habang nakatingin sa kanya.
“Yes, sir.” Tumango si Maude.
“It’s your first day but you are late? Is that what you mean when you promise to become dedicated to you work but coming late on your first day?” May pagka-sarkastiko sa boses ni Raddix pero seryoso parin ang titig nito kay Maude. Napayuko naman ang dalaga at humingi ng tawad.
Umirap lang ang binata, not accepting her apology. Afterwards, he diverted his gaze at Maude’s companion and gave her a look of reproach. “Next time, Ms. Manager, don’t tolerate your subordinates to behave like that or else, you will be responsible for that,” he scolded.
Tumango ang Manager. “Yes, sir.”
Naglakad na ang CEO papuntang pintuan habang ang mga kamay ay nasa bulsa ng kanyang trouser. Sumunod naman ang secretary nito. Bago pa man siya lumabas ng silid ay huminto muna ito at tumingin kay Maude. His eyes are so intimidating as he glares at her deeply as though they are harshly piercing her causing her to avert her gaze from him. “Bring me a coffee to my office,” he commanded before finally leaving the room.
Namilog nalang ang mga mata ng dalaga bago sinundan ng tingin ang palabas na employer at secretary niyon. Nang mawala na sila sa paningin niya ay mabilis itong bumaling sa kasama niya na manager pala nila.
“Sorry, Manager. Nadamay ka pa tuloy nang dahil sa akin,” agad niyang paghingi ng tawad.
“No, it’s fine. We already used to his attitude. Though, it is his first time coming here out of nowhere,” kunot-noong pagtataka ng Manager habang bahagyang nakakiling ang ulo nito. Sumang-ayon naman ang ibang kasamahan. 
Tuwing nagkakaroon kasi ng job interview bawat department sa kumpanya at may iilang natatanggap, meron silang sinusunod where in the CEO must visit the department and welcome their new employees on their first day. However, throughout his three years as a CEO in that company, ni hindi pa nito ginawa ang bagay na iyon. He always says he’s busy, that was why everyone was shocked when he suddenly came. 
“Anyway, that’s your table.” Itinuro ni Ms. Javier ang bakanteng mesa malapit sa printer. “Go ahead and translate these files after you bring the coffee to the CEO.” Iniabot pa nito ang files kay Maude saka umalis na sa harapan niya at nagtungo sa opisina nito.
Bumilis ang tibok ng puso ni Maude sa sobrang excitement bago naglakad patungong mesa niya. Nakangiti nitong inilapag ang mga files saka umalis upang bilhan na ng kape ang CEO.

Komento sa Aklat (25)

  • avatar
    Princess Heidy Bernardino

    good

    6d

      0
  • avatar
    Reniel Basit

    thanks

    21/07

      0
  • avatar
    Radha Eleanora Uccello

    Do read this!! This is a great story! I'm so curious about what will happen. Waiting for your update, Author!💚

    18/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata