logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata Tatlo

Pagkatapos ng pagsupalpal ko sa impokritang iyon ay sinama ko sa CR ang babaeng nakatapon. Isabela pala ang pangalan niya. Gaya nga ng hula ko ay hindi sila gaano kayaman kaya ganoon na lang siya alipustahin ng babae kanina.
Mas lalo talagang nag-init ang ulo ko sa impokrita dahil si Isabela pa pala ang mas natapunan. Siya talaga ang basang-basa. Ang kwento niya pa nga sa'kin ay ang impokrita ang may dala ng wine glass na may laman. Hindi daw iyon tumitingin sa daan kaya nabangga siya at iyon nga, natapunan siya. Nakatalikod kasi si Isabala raw nang bigla na lang may bumunggo sa kaniya at natapunan pa siya ng wine pero dahil sa natapunan din ang impokrita, edi ayon, umakting na akala mo artista sa sikat na palabas.
Kulang sa pansin. Kaloka!
"Hintayin mo lang, padating na rin ang damit na pinadala ko sa Yaya namin."  Seryoso kong sabi. Humarap ako sa salamin para ako naman ang makapag-ayos. Medyo gumulo na kasi ang buhok ko. Nastress din siguro sa impokrita. "Naku, miss Arylle! Nakakahiya na po.." halata pa nga na nahihiya siya. Hinarap ko siya. "Mas nakakahiya na ganiyan ang itsura mo paglabas dito." Mataray kong sagot na ikinatahimik niya na lang.
Ilang minuto pa ang hinintay namin bago dumating ang damit. Dali-dali naman siyang nag-ayos. Pagkatapos ay lumabas na kami sa CR at pumunta na sa kaniya-kaniyang pwesto.
Hindi ko na nga nakita ang impokritang babae. Siguro ay nag-inarte nanaman. Hiyang-hiya naman kami sa kaniya. Napairap na lang ako sa hangin.
"Baby...hindi man lang tayo nagkita roon sa banyo, sana sabay na lang tayong pumunta" bungad ni Mommy nang makabalik na ako sa table namin. Nasa tabi niya pa rin si Ryvo. Nakangisi. "May sinamahan lang ako Mom. Nga pala, si daddy hindi pa rin ba bumabalik?" Kanina pa 'yon ah?
"Not yet. Hayaan mo na...Nawili na siguro.." Mahinhin na humalakhak si Mommy. Bumaling siya kay Ryvo. "Oh, hijo...Musta ang parents mo?" Sumimsim si Mommy sa wine niya.
"Their fine po..baka nga daw po doon sa restaurant niyo po ganapin ang anniversary nila." Kung titingnan, akala mo talagang mabait at inosente si Ryvo habang kausap si Mommy. 'Yun pala kabaliktaran. Pasimple akong umirap. Kulang na lang talaga ay maduling na ako.
"Wow! I don't know what to say... Don't worry, sisiguraduhin kong magiging masaya ang anniversary nila." Hindi na ako nakinig sa pinag-uusapan pa nila. Wala akong interes doon.
PAGKATAPOS ng party ay umuwi na rin agad kami. Wala naman akong ginawa roon kun'di umupo pero napagod pa ako. Nagbihis na muna ako ng damit bago pabagsak na humiga sa kama.
Napatingin ako sa kisame. Para bang doon ko mapapanood ang imagination ko.
"Ah! May handog nga pala ako sa iyo aking munting dyamante.." Pinaupo niya muna ako sa kaniyang kama. May kinuha siya sa aparador nila. Nang lumapit siya sa'kin ay may hawak na siya. "Sana'y iyong magustuhan ito anak" binigay niya sa'kin ang isang bagay na napakapamilyar sa'kin. Hindi ako makapaniwala nang kunin ko iyon sa kaniya. Sinuri ko pa ang pabalat niyon.
Halos lumabas ang eyeballs ko nang manlaki ang mata ko dahil sa napagtanto.
Ito nga!
Agad ko namang kinuha ang librong napakapamilyar sa kamay ng Ginang. Alam kong ito talaga iyon. Pagkatapos kong magpasalamat sa kaniya ay nagpaalam na akong magpapahinga na.
Ang totoo ay hindi pa naman ako inaantok. Gusto ko lang mag-isa para makapag-isip-isip. Hindi ko maintindihan kung bakit nasa lugar akong ganito. Kakaiba ang pagsasalita at pagdadamit nila kumpara sa bagong panahon.
Nagpaikot-ikot ako sa kwarto ko.
Panaginip lang ba ang lahat ng ito? Dahil lang ba sa alak na nainom ko kagabi kaya feeling ko ay parang totoo ang lahat? Malabo kasi na mapupunta ako sa sinaunang panahon. Hindi pa ako nababaliw, ano!
Nang makaramdam na ng pagod ay nagpasiya na akong matulog na lang. Bukas ko na lang itutuloy ang pag-iisip.
PINAG-UUSAPAN namin ngayon nina Mommy at Daddy ang birthday ko. Pinag-iisipan nila kung ano daw ang magiging party ko.
"Saan kaya tayo? Sa Hongkong? Magandang doon ka magdedebut" kumibit-balikat lang ako sa suhestiyon ni Daddy. "Hmm..In Paris, what do you think? Maraming botiques doon. I'm sure, marami kang magugustuhang damit." Ayos din naman pero hindi ko feel bumili ng damit ngayon.
"Sure ka ba na ayaw mong magparty? You know, it should be grandoise. 18th birthday mo 'to anak." Gusto talaga kasi ni daddy na engrandeng party na lang daw. Humindi na ako pero pinipilit niya pa rin ako. "Agree..baby, what's wrong?" Mukhang nag-aalala pa si Mommy dahil sa biglaan kong pag-ayaw sa party, eh noong isang linggo ay galing pa ako sa bar dahil nga sa birthday party. "Wala po, sadyang gusto ko ay special ang debut ko kaya para maiba, mas napili kong huwag magparty na usually nating ginagawa 'pag birthday ko." Napatango naman sila sa sinabi ko. Gusto kong memorable ang 18th birthday ko. Iyong tipong hinding-hindi ko makakalimutan.
Gusto kong tumatak sa utak ko ang pangyayari sa birthday ko.
Kakaiba kumbaga.
Sa totoo lang, ayoko ng magparty pa. Palagi naman na kasi saka mas gagastos pa. First time na ayaw kong magparty dahil mas gusto kong pumunta sa isang probinsya. Gusto kong magbakasyon. Gusto kong maramdaman ulit ang peaceful tulad nang sa panaginip ko.
"Mom...gusto kong magbakasyon na lang tayo sa isang province." Nagpatahimik sa kanila ang pagsalita ko. Nagkatinginan naman silang dalawa. Siguro, nag-iisip kung saang probinsya dahil wala nga kaming probinsya. Hindi ko na kasi maalala ang pangalan ng probinsya na nasa panaginip ko.
"Saan mo ba gusto anak?" Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Kahit ako ay walang ideya kung ano ang pangalan ng probinsyang iyon. "Hindi ko pa alam dad..." Nagpaalam na muna akong lalabas. Pinayagan naman nila ako.
NAGLAKAD-LAKAD lang ako sa may parke. Hindi gaano karami ang tao rito. Hindi sobrang ingay kaya alam kong makapag-iisip ako.
Makulimlim na ngayon ang langit. Parang kanina lang ay sobrang init pa. Bipolar na nga ata pati ang panahon.
Paborito kong place rito sa lungsod namin ay ang parke bukod sa bar or clubs. Mapuno kasi ang parke. Ang mga upuan ay gawa sa kahoy at hindi sa semento kaya parang probinsya ang vibes. May iba't ibang klase rin ng bulaklak sa mga sementong nagsisilbing paso ng mga iyon.
Naalala ko nanaman tuloy ang panaginip kong iyon. Sa bawat araw na nagdaan ay parang lumalabo sa alaala ko. Isang linggo nang mapaniginipan ko iyon. May ibang part na hindi ko na matandaan. Gusto kong alalahanin pero hindi ko na talaga maaalala. May iba pa naman na klaro talaga. Tulad ng alaalang nakatingin ako sa malapad na lupain at nakaupo ako sa kahoy na bench na nasa ilalim ng malaking puno.
"Ang lalim naman ata ng iniisip mo?" Okay na sana ang mood ko kahit pa hindi okay ang panahon pero nang marinig ko ang boses niya ay nasira na agad ang hapon ko. "Pake mo? Edi sisirin mo para naman malunod ka na." Mataray kong saad. Akala ko pa naman ay makakapag-isip na ako rito.
"Hahaha..galit ka talaga ano?" Hindi ko siya pinansin. Tumigil ako sa paglalakad at naghanap ng mauupuan. Sakto naman dahil wala pang nakaupo sa bench na malapit lang sa kinatatayuan ko ngayon. Naglakad na ako papunta roon at padabog na umupo. "Bakit ba sumunod ka ha?!" Ginagalit niya talaga ako. Hindi man lang humihingi ng consent kung pwede siyang tumabi sa'kin. Ngumisi lang siya at sumandal sa sandalan nito.
Tumayo na lang ako dahil nang-aasar lang talaga siya. Hindi pa ako nakakalayo sa harap niya nang hawakan niya ang pulupulsuhan ko kaya hindi ako natuloy sa paghakbang. Nakapikit siya. "I'm sorry...Arylle." Hindi niya pa rin binibitawan ang wrist ko. Tumawa ako ng peke kaya ayon nagmulat siya ng mata niya. "Really? Ngayon lang?!" May sarkastiko sa tono ko. Tumingin siya sa'kin nang diretso. Hindi ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko. "Hindi...kahapon, kahapon" nahablot ko ang kamay ko sa kaniya nang mamilosopo pa siya.
"Ha! Nainis mo na ako ngayon. Okay na ba? Alis na'ko." Inirapan ko pa siya at aakmang aalis na pero hinawakan niya nanaman ako sa wrist ko. Tatayo pala siya kaya ang ending ay na-out of balance ako kaya napalapit ako sa kaniya.
Agad ko naman siyang tinulak dahil sa pagkabigla. Tumawa pa ang loko.
"Tigil-tigilan mo'ko, Ryvo." Madiin kong sabi sa kaniya. Kahit kinakabahan ako sa 'di malamang dahilan ay sinikap kong tumingin ng diretso sa mga mata niya. Tumigil naman siya sa pagtawa pero nakangiti pa rin siya.
"Saan ka pupunta?" Pagbabalewala niya sa sinabi ko. Kaunting-kaunti na lang talaga ay masasampal ko na siya. "Ihahatid kita."
WALA akong nagawa nang pilitin niya akong ihatid. Talagang hindi niya kasi ako tinigilan. Maraming tao na ang nagsisitingin sa gawi namin dahil sa mga nakahihiyang ginagawa niya.
Kung pwede lang tumalon ay tatalon talaga ako palabas mula sa sasakyabg niyang ito.
"Kung binabalak mong maging action star, tigilan mo na. Ayaw mo bang maabutan ang debut mo?" Humalakhak pa ang loko. As if naman na gagawin ko talaga ang iniisip. Ayokong mamatay, ano! Kung kailan pa bang nasa wastong edad na ako sa susunod na linggo? No way! Gusto kong makapasok na sa bar o clubs nang hindi na kailangan pang magsinungaling. O 'di kaya ay paulit-ulit pumunta sa bar ni Tito Henu dahil doon lang naman ako nakakapasok nang hindi na kailangan pang tanungin ang edad dahil nga kilala nila ako bilang pamangkin ng may-ari.
"Look, hindi ko gustong iwan ka. Okay lang kung hindi mo'ko paniniwalaan." Naging seryoso na ang boses niya. Hindi ko pa rin siya nililingon. Nakatingin lang ako sa bintana at tinitingnan ang dinaraanan namin. Malay ko ba kung ihahatid niya ba talaga ako sa pupuntahan ko o baka kung saan niya ako dalhin.
"Natakot din kasi ako, Arylle. Walang tao doon, walang may nakakaalam sa kung saan tayo... Kung anong lugar man iyon. Labag sa loob ko na iwan ka pero kailang--" Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya. "Tumahimik ka na. Ayoko ng maalala pa 'yon." Hindi naman na siya nagsalita pa ulit na ipinasalamat ko.
Hinatid niya nga ako sa Mall. Unbelievable pero hinayaan niya na akong mag-isa. Umalis na rin agad siya nang makapasok na ako sa loob. Mabuti na lang talaga dahil pagod na akong makipagbayangan sa kaniya. Pagod na akong mainis sa tuwing nakikita ko siya.
Kumain lang ako saka bumili ng mga gamit na magustuhan. Wala rin naman akong kasama kaya hindi rin enjoy pero okay naman. Okay lang. Nagpasiya na rin akong umuwi nang malapit ng dumilim.
AYOKO sanang sumama sa dinner na'to pero mapilit si Mommy kaya sumama na lang ako. Wala akong magagawa kung kada oras ay pipilitin nila ako.
May mga guards sa labas at loob ng gate nila. Binuksan na muna ni daddy ang bintana ng kotse sa side niya. Nasa backseat kasi ako at si mommy ang nasa frontseat. May sinabi pa muna si daddy bago binuksan ng mga guards ang malaking gate. Dahan-dahan naman ang pagmaneho ni daddy papasok.
Talagang magara ang bahay. May malapad na garden sa kaliwa't kanan ng malapad na daan na dinaraanan namin. May fountain sa pinakagitna ng kaliwang bahagi. Ang patutunguhan namin ay isang mansion na may kulay white at blue ang pintura. Hanggang tatlong palapag lamang pero sobrang lapad.
Nakarating naman kami sa lugar kung saan pwede i-park ang sasakyan. Para ito sa mga bisita.
Unang pinagbuksan ni daddy si mommy at sumunod naman ako.
Sa pintuan pa lamang ay nakaabang na ang pamilyang may-ari nito. May mga ngiti sa labi nila habang pinagmamasdan ang paglapit namin.
"Jaime..I'm happy to see you." Unang nilapitan ng lalakeng siguradong padre de pamilya ng bahay na ito si daddy. "Laveign, salamat sa pagtanggap sa imbitasyon namin." Tumango lamang si Mommy. "Ito na ba ang unica hija ninyo? Napakagandang dalaga na!" Lumapad ang ngiti niya pagkakita sa'kin. Ngumiti rin ako. Well, napakaganda ko raw e. "Salamat po..." Tumikhim naman ang lalakeng katabi niya. Napatingin ako sa kaniya at nang magkasalubong ang mata namin tinaasan ko siya ng kilay.
"Siya nga pala, pumasok na muna tayo..." Naging magkasundo naman agad si Mommy at ang asawa ng lalake kanina. Medyo nauuna na sila dahil may pinag-uusapan na agad tulad nina daddy na mukhang may nakakatawang topic dahil naghahalakhakan na sila.
Nahuhuli na tuloy ako kasama ang nag-iisang anak nila.
"Akala ko 'di ka makakapunta." Humalakhak pa siya. Nakakairita talaga ang boses niya. "Akala mo lang 'yon." Medyo lumayo-layo ako sa kaniya. Nakakasabay ko na sa paglalakad sina Mommy.
Dumeretso agad kami sa may kusina. Tutal dinner ang pinag-usapan kaya malamang ay kakain muna.
May mga pagkain na ang nakahanda sa mesang mahaba. Akala mo naman may birthday or fiesta sa dami ng pagkain sa hapag.
Pinaupo na nila kami sa mga upuang nasa gitna banda. Si Mommy at daddy ang magkatabi. Ako ang nasa kanang gilid ni Mommy. Ganoon din ang posisyon ng pamilya ni Mr. Guillermo.
Mukhang sinasadya ng mokong na'to kaya magkatapat kami.
Paano ako kakain ng mabuti kung kaharap ko siya? Baka mabilaukan pa ako.
"Ano na pala ang year mo, hija?" Tanong sa'kin ni Mr. Guillermo. "Second year na po.." Pinunasan ko ng table napkin ang bibig ko. Mahirap na, baka mamaya ay may dumi, nakahihiya naman. "Aba! Pareho pala kayo ng unico hijo ko. Ano ang kurso mo, hija?" Nagulat ako nang may makatapak ng mahina sa paa ko. Alam ko naman kung sino ang katapat ko kaya tiyak na siya ang may gawa. "Business Management po.." Tumango naman siya. Satisfied na siguro sa pag-iinterview sa'kin.
Binaling niya ang tingin kay daddy. "Nasa ibang bansa na pala ang ibang branch niyo?" Masayang tanong niya kay papa. Siguro ang ibig niyang sabihin ay ang shops niya ng perfumes. "Oo, Kris. Hindi ko nga expected na lalago ng lalago iyon." Tumawa si daddy at nakitawa na rin ang dalawang babae. Nakangiti naman si Ryvo habang nakikinig sa usapan ng mga matatanda.
Ako lang ata ang hindi nag-eenjoy. Itinuon ko na lang ang pansin sa mga pagkain. Marami pa ang pinag-usapan nila.
"Naku! Akala ko talaga ay nililigawan na ng anak ko ang anak niyo pare." Biglang sabi ni Mr. Guillermo. Kaya hindi tuloy natuloy ang letson sa lalamunan ko dahilan para maubo ako. Dali-dali naman akong inabutan ni Mommy ng tubig. "Dahan lang baby.." Pang-aasar ni Mommy. "Akala ko nga rin, nakwento ng asawa ko na dalawang beses na raw magpunta sa bahay si Ryvo." Natatawang kwento ni daddy. Napatingin tuloy ako kay mommy. Ngumiti lamang siya.
"Dad, uncomfortable na si Arylle sa mga sinasabi niyo.." Humalakhak si Ryvo. "Saka hindi ako pumunta roon para manligaw. May hinatid lang ako ng gamit niya." May pang-aasar pa rin sa mata nilang lahat kaya alam kong binigyan nanaman nila ng malisya ang paghatid niya ng gamit ko. "Talaga bang walang namamagitan sa inyo?" Pang-aasar ni daddy. Palipat-lipat ang tingin niya sa'min ni Ryvo. "Wala po talaga. Hindi nga kami magkaibigan, 'di ba?" Sagot ni Ryvo. Mas lalo tuloy silang hindi naniwala.
LUMABAS muna ako sa bahay nila. Gusto ko kasi ng sariwang hangin. Kanina ko pa rin gusto magpunta rito sa garden nila. Ang ganda talaga tingnan. Peaceful.
Lumapit ako sa may fountain. Malaki at malapad iyon. May statue sa gitna. Tatlong babae na may mga pana. Ang nasa gitna ay nakatayo at nakatutok ang pana sa itaas. Nakatingala siya. Ang nasa kanan naman ay naka luhod at nakatutok sa kabilang side ang kaniyang pana. Ang nasa kaliwa ay nakabend lang at nakatutok din ang pana sa kabila niyang side.
Hindi ko alam kung ano ang meaning niyon o kung meron nga ba. Malinis ang tubig sa fountain. Napansin ko rin na nanggagaling pala sa mga pana nila ang iba pang tubig.
"Hindi 'to swimming pool ha? Baka magulat na lang ako nagtatampisaw ka na diyan." Humalakhak pa siya ng todo. 'Yung tipong nakakasira ng eardrums at ng mood. Panira talaga ng araw, hapon at gabi! "Hindi ako tanga para isipin 'yan." Sinamaan ko siya ng tingin. Ngumisi lang ang bwisit.
"Kalma lang...nagjojoke lang ako." Tumawa ulit siya. Kung joke 'yon para sa kaniya, aba! Hindi siya bagay maging isang joker. "Lagi ka kasing seryoso. Hindi ka na ba marunong ngumiti?" Yumuko pa siya ng kaunti para pagmasdan ang mukha ko. Kung pwede ko lang siyang ilublob sa fountain nila, baka ngayon ay patay na siya. "Sa tingin mo?" Iyon na lang ang nasabi ko.
Malimit lang talaga akong ngumiti. Ayoko ng ngumiti masyado, mahirap na ang dagsain ng manliligaw. Wala pa akong balak magboyfriend.
"Marunong...pero ayaw mo." Umupo siya sa harang ng fountain. Sabagay, pwede naman talagang upuan. "Mas gumaganda ang babae kapag ngumingiti, 'no!" Pakialam ko? "So? Ayokong mas gumanda." Nagfliphair pa ako. Kung pwede ko lang siyang itulak. Hay! Parang mamatay tao na tuloy ako!
Tumawa siya. "Alam mo ba ang meaning ng statue na 'yan?" Tanong niya sa'kin. Umiling lang ako. Curious din naman akong malaman kung ano.
Natahimik siya ng ilang minuto. Nag-antay din ako ng sagot niya.
"Gano'n? Hindi ko rin alam e." Napafacepalm na lang ako sa sinagot niya. "Bakit mo pa ako tinanong?!" Hindi ko na napigilang magtaas ng boses. Umasa pa naman ako na sasabihin niya nga. Hindi niya rin naman pala alam. "Kasi hindi ko nga rin alam.." Inosente niyang sagot. Napairap na lang ako. Wala na talaga siyang pag-asang tumino.

Komento sa Aklat (15)

  • avatar
    Pingwin

    the best story highly recommended

    17/06/2022

      0
  • avatar
    GonçalesJuraci

    eu gosto muito desse aplicativo meus parabéns

    3d

      0
  • avatar
    CuaMae

    salamat

    27/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata