logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata Dalawa

NAGISING ako dahil sa sinag ng araw na tumatama na sa mukha ko. Marahan kong minulat ang mga mata ko. Napapikit din agad dahil kumirot ang ulo ko.
Hang-over is real!
Hindi muna ako bumangon o umupo man lang. Mahirap ng biglain ang katawan ko dahil baka kumirot na naman ang ulo ko. Hindi naman ako gaano kalasing kagabi pero bakit ganito kasakit ang ulo ko? Hinilot-hilot ko ito para mabawasan man lang ang sakit. Madalas ko 'tong gawin dahil madalas naman akong nag-iinom. Effective naman.
Sa kalagitnaan ng paghihilot ko ay bigla akong may naalala. Parang biglang pumasok sa isipan ko ang isang alaala. Kahapon ba nangyari 'yon?
Nanlaki ang mata ko. Napabangon tuloy ako bigla kaya sumakit ng todo ang ulo ko.
"Aish!" Napapikit ako nang mariin. Hinilot ko ulit ang sintido. Medyo hindi na masakit kaya dumilat na ulit ako. Nilibot ko muli ang tingin sa kinaroroonan ko.
Kulay gray ang pintura ng sementong dingding ko. Ang mga cabinet at gamit na naririto sa kwarto ko ay modern na. Hindi tulad ng nasa panaginip ko. Kung panaginip nga lang ba?
Naalala ko ang memoir na napulot at kung paano ako nakauwi sa bahay namin. Sa totoong bahay namin.
Bumukas ang pintuan at pumasok na nga si Mommy na may pag-aalala ang mukha.
"Arylle..baby, are you feeling better now? May gamot akong dala if you need... Or you want to drink it." Umupo siya sa gilid ng kama ko. Hinawi niya pa ang iilang strands ng buhok ko na kumakalat sa mukha ko. Napangiti ako. Nakahinga ako ng maluwag dahil alam kong nasa bahay na talaga ako.
"I'm okay now, Mom. By the way... Paano ako nakauwi rito?" Wala akong matandaan na nakasakay ako sa kotseng nakuha ko sa Grab.
"Si Ryvo daw ang name niya baby... Siya ang naghatid sa'yo here 'cause you pass out. I'm worried baby, don't drink too much, okay? Hindi ka naman nahihimatay dati kahit na marami na ang inom mo." Alam kong worried siya dahil lalake pa ang naghatid sa'kin. Kahit ako. Baka mamaya ay ginalaw na pala ako ng hayop na Ryvo na 'yon. Mababasag ko talaga mukha niya if ever.
"Mommy, don't worry... I won't do that again." Hinawakan ko ang kamay niya at hinigpitan pa iyon. Niyakap niya naman ako.
Grabe! Pakiramdam ko ay isang taong akong nanaginip. Ang hindi ko maintindihan ay parang totoo ang lahat. Parang totoong nagising ako sa isang makalumang bahay. Parang makatotohanan ang paggagala namin ng isang babaeng nagngangalang Issa raw.
ILANG oras na akong naghahanap sa kwarto ko ng memoir na napulot. Nadala ko kaya iyon? Hindi kaya nahulog iyon sa pagkakahawak ko nang himatayin ako? Pwede rin naman na naiwan ko 'yon sa kotse ni Ryvo.
Ah! Isa pa ang lalakeng iyon! Bakit niya kaya ako hinatid? Naku! Baka pinagsamantalahan niya ang katawan ko. Ang pervert na 'yon!
Buti na lang dahil Sabado ngayon. Walang pasok kaya okay lang na ang gising ko ay mga alas dose na. Ngayon ay siguradong alas dos na. Mga isang oras na rin siguro akong naghahanap sa memoir na 'yon.
Nakikipagtaguan pa ata ang memoir na 'yon sa'kin. Lagot talaga 'yon kapag nagpakita dahil pupunitin ko talaga iyon with force. Ibibigay ko ang pwersa ko to the highest level.
Sumilip akong muli sa ilalim na kama ko. Natingnan ko naman na 'yon kanina pero malay lang, baka kasi hindi ko lang napansin. Ganiyan minsan e.
"Baby... May bisita ka!" Kumatok pa si Mommy sa pinto. "Teka lang Mom!" Inayos ko muna ang sarili bago ako lumabas. Dali-dali akong bumaba sa sala para alamin kung sino ang unexpected visitor ko. "Anong ginagawa mo rito sa bahay namin?" Iyon agad ang lumabas sa bibig ko nang makita ang bisitang tinutukoy ni Mommy.
Ngumisi siya nang makita ako. "Ganiyan ba ang pagwelcome mo sa bisita?" Sarkastiko niyang tanong sa'kin. Umarko ang kilay ko. Mas dumadagdag ang inis ko sa kaniya kapag nakikita kong nakangiti siya. "Hindi. Mabait ako sa bisita ko, eh hindi naman kita bisita." Umirap pa ako.
Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa mga labi niya. "Eh ano? Sa tingin mo ba ay...manliligaw mo ako?" Humalakhak pa siya. Psh! Asa! Sinamaan ko siya ng tingin. "Kung mang-iinis ka lang, umalis ka na. May hinahanap pa ako." Tumalikod na ako saka naman dumating si Yaya para iabot ang makakain ng bisita raw.
"Teka lang, mukhang nasa akin ang hinahanap mo." Kung sinabi niya lang iyon para hindi ako umalis, nagkakamali siya. Diretso pa rin ako sa paglalakad papuntang hagdan. "Ah! Baka hindi sa'yo ang libro na'to." Halata sa tono niya na nakangisi siya at nang-aasar. Pero sa sinabi niyang iyon ay hindi ko naiwasang mapalingon. Walang mawawala kung titingnan ko kung totoo ba ang sinasabi niya.
"Sa'yo 'to 'di ba?" Itinaas niya pa ang libro. Tama nga siya. Akin ang libro na 'yon. Not totally akin pero ako ang nakakita kaya may prebelihiyo na rin ako. Iyon ang memoir na nakita ko sa may daan. "Naiwan mo'to sa sasakyan ko kagabi nang ihatid kita rito." Hindi ako makalapit sa kaniya. Parang naestatwa ako rito sa kinatatayuan ko.
"O sige... Ilalagay ko na dito ha? Mukhang allergy ka talagang lumapit sa'kin. By the way, welcome Arylle." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nilagay niya na sa mesa ang memoir. Uminom pa siya sa juice at kumuha ng cookies na bake ni Mommy. "Masarap ang juice at cookies. Salamat. Alis na ako!" Kumaway pa siya kahit nakatalikod na. Gusto ko tuloy siyang sabunutan. Nakalimutan kong siya rin pala ang naghatid sa'kin sa bahay.
Bahala siya. Wala akong balak magpasalamat sa lokong 'yon. Napairap na lang ako.
KUNG hindi dahil sa konsensya ko ay hinding-hindi talaga ako magsasabi ng salamat sa lalakeng 'yon. Kulang pa ang tulong niya sa'kin kagabi at kanina sa ginawa niya noon. Napailing na lang ako.
"I'm not expecting this, magpapasalamat ka ba?" Ayan na naman sa pesteng mukha niya ang ngiting kinaiinisan ko. "Grabe, hindi ko inaasahan na icha-chat mo ako sa Facebook para makipagkita sa'kin dahil..." Pambibitin niya hanggang sa makalapit siya sa'kin. "... magpapasalamat ka lang?" Inirapan ko siya. Sorry siya, maldita ako kaya hindi ko kayang pagtiisan ang nakakainis niyang ugali.
"Salamat." Umalis na ako sa harap niya bago pa siya makapagsalita. Nasabi ko naman na ang gusto kong sabihin. Totoong chinat ko siya sa Facebook tutal friends kami roon. Doon lang. Ayon nga, para magpasalamat kahit fifty percent na labag sa kalooban ko.
"Iyon lang? Aalis ka na lang agad?" Hindi ko alam kung ano ang meron sa tinig niyang iyon pero napahinto ako sa paglalakad. "Hindi mo man lang ba ako papakainin?" Nag-init ang pisngi ko sa tanong niyang iyon. Bakit iba ang naging meaning niyon sa'kin? Hindi ko rin naman masisisi ang sarili ko, playboy itong nasa likuran ko. Hindi maiiwasang maging greenminded din ako sa mga sinasabi niya. "I mean... Hindi tayo kakain sa restau? Alam mo na, para naman makapag-usap ng maayos." Dugtong niya. Andyan na naman ang tono na parang nang-aasar.
Mas lalong umiinit ang dugo ko sa kaniya. "Wala na tayong dapat pag-usapan. Tutal, nakapagpasalamat naman na ako kahit hindi ako siguradong naging safe ba ako kasama ka. Alam mo na, baka mamaya ay may ginawa ka pala." Hindi pa rin ako humaharap sa kaniya. Ginaya ko rin ang tono niya nang sabihin ang 'alam mo na'. Syempre, pang-asar din pero ako pa yata ang naaasar.
Walang masyado dumaraan ngayon dito sa parke. Sinakto ko 'to dahil baka mamaya ay may makakita pa sa'min at isipin nilang babae ako ng playboy na'to.
"Oy. Hindi ko type katawan mo. Maghunos-dili ka nga..." Parang nandidiri pa ang boses niya kaya napaharap na talaga ako sa kaniya na agad kong pinagsisihan dahil ngayon ay nakangisi naman pala siya. "Ay, oo nga pala..hindi ako nasa standards mo." Tumango-tango pa siya. "Ang baba kasi ng standards mo. Ako kasi 'yung tipo na panghigh standards." Napasmirk pa ako nang mawala ang ngisi sa mukha niya. Kung lagi siyang ganiya ay mas ayos pa. Kung lagi siyang nakasimangot, hindi siguro ako ganito kairita sa mukha niya.
Pinagkrus ko ang braso. "Ngayon, sasabihin ko 'to sa'yo Ryvo..sa totoo lang, ayokong nakikita kang masaya o kahit makita man lang. Hindi pa ako nakalilimot at hindi ako manhid para sabihing hindi na ako nasasaktan. Kaya...huwag kang humarap sa'kin at ipamukhang makapal talaga 'yang mukha mo!" Tumalikod na ako sa kaniya. Ayoko ng magtagal nang malapit sa lalakeng iyon. Sabihin natin na kinamumuhian ko talaga siya. Iyon ang nararamdaman ko.
KINABUKASAN ay naghahanda na kami dahil pupunta kami sa birthday party ni Mr. Kios Lavigne. Kahit tinatamad ako pero sa kadahilanang party nga ito ay umuo na lang ako na sasama. Alam kong pinangako ko sa panaginip kong iyon na hindi na ako magiging uhaw sa party pero anong magagawa ko? Hindi ko kayang tumanggi. Saka 'di naman na ako ganoon kaexcited sa party na pupuntahan.
"Are you ready baby?" Tanong ni Mommy nang makatapos na siya sa pag-aayos. Tiningnan ko ang suot niya. Kung hindi ko nga siya kilala ay iisipin kong wala pa siyang asawa at anak. Sa katawan niya ay hindi halatang may anak na. Sexy pa rin si Mommy kaya hanggang ngayon ay grabe ang ingat sa kaniya ni Daddy. Ayaw na ayaw mawala si Mommy. Napapasanaol na nga ako e.
"Not yet, mom pero patapos na rin." Sagot ko at ibinaling sa reflection ko ang tingin. Isinusuot ko ngayon ang silver earings na binili pa ni dad sa Paris kahapon. Dumaan kasi siya roon bago umuwi galing sa isang branch namin doon. Maganda ang design niyon, dolphin na maliit at kulay silver.
"Ako na baby.." kinuha ni mom sa'kin iyon saka siya na mismo ang nagsuot sa'kin. "Hay, I don't want you to grow pa..ang bilis kasi ng panahon e. I want you to be my baby always." Nagulat ako nang sabihin iyon ni Mommy. Natawa na lang ako. Si Mommy talaga, kahit kailan. "Mommy, I'm always your baby naman...Kahit nga ay seventeen na ako ngayon, tinatawag niyo pa rin akong baby.." Pagbibiro ko. Nilagay niya sa likod ng tenga ko ang strands ng buhok na kumawala roon.
Naging tahimik kami. Pinagmasdan niya lang ang reflection namin sa salamin. Ang suot ko ay silver silk na gown. Revealing ito na nakikita na talaga ang cleveage ko. Hapit ito sa katawan ko kaya kitang-kita ang shape ng katawan ko. Si Mommy naman ay tube na red gown. Hapit din iyon sa katawan niya na maganda pa rin ang shape hanggang ngayon. Sa kaniya nga siguro ako nagmana sa katawan. Sabi ng iba ay kaunti lang ang nakuha ko sa mukha niya pero kuhang-kuha ko naman ang katawan ni Mommy.
Salungat nga lang kami ng ugali. Mabait talaga kasi si Mommy, hindi makabasag pinggan na babae at marunong tumahimik kahit na galit na galit na. Ibang-iba ako sakaniya. Sabi nga ng mga tita ko, lahat ng kasalungat daw ni Mommy ay nasa akin maliban na lang syempre sa maganda at sexy. Pareho kaming ganoon.
"Huwag ka munang magboboyfriend baby ha?" Nagulat ako sa pakiusap ni Mom. Hindi ko expected na ganoon ang sasabihin niya. Natawa tuloy ako ng todo. "Mommy naman? As if may maglalakas loob? Saka takot nila kay Daddy." Totoong isa sa rason si Daddy kung bakit walang may nanliligaw sa'kin. Hindi strikto si Daddy sa'kin kung gusto ko magparty basta dadaan muna sa kaniya kapag may nagkakagusto sa'kin. In short, bawal pa ako magboyfriend. "Eh? Malay mo, may brave dyan tulad ni Ryvo.." Ah! Kaya naman pala. Dahil pala roon sa lalakeng iyon. Dalawang beses ba naman nagpunta ang mokong na iyon sa bahay. Mabuti na lang hindi niya nakaharap si daddy.
DUMATING na nga kami sa party ni Mr. Lavigne. As expected, marami ang taong dumalo. Sinong magtataka kung bakit? Siya lang naman ang kilalang dating Mayor ng lungksod na hanggang ngayon ay tumutulong pa rin sa mamamayan kahit hindi na siya ang may hawak. Sanaol nga ay mabait. Sana lahat ay katulad niya na talagang gustong tumulong sa mamamayan at hindi naging Mayor para sa sariling interes.
Marami pa ang humaharang sa daan namin. May nakikikamusta, nakikipag-usap at nakikipagkilala. Hindi ko na lang pinansin. Ayokong plastikin sila tulad ng pagpaplastic nila sa ibang kausap.
Nakahinga na ako nang maluwag nang makarating na kami sa table namin. Blangko roon at walang tao. Mabuti nga.
"Honey... Punta lang ako kay pare." Mukhang alam naman ni Mommy kung saan pupunta si Dad kaya tumango siya. Nagpaalam din sa'kin si Daddy kaya tumango lang din ako.
Nagmasid lang ako sa buong lugar. Magara ang buong lugar na ito kung saan niya cinelebrate ang birthday niya. Ang motif ay black and red with white accent din. Matured na matured ang theme. Marami ang mga tables na hindi naman sobrang magkadidikit dahil malapad naman ang space ng venue na ito. Hindi rin naman sobrang layo.
Hindi puro mayayaman ang narito, may mga nasa gitnang estado at mga hindi gaano kapalad. Ang maganda lang dahil hanggang sa kaniyang birthday ay hindi siya nagdamot sa mga kapos-palad niyang kapwa. Kaya talagang hanga ako kay Mr. Lavigne.
"Are you okay?" Napatingin ako kay Mom. Ngumiti muna ako bago tumango bilang tugon. Inabala ko ang sarili sa pamamagitan ng pag-obserba sa mga taong naririto. Natuon ang atensyon ko sa dalagang babae na nakaupo sa 'di kalayuang table mula sa'min. Halata sakaniya na anak-mayaman. Sa postura saka pananamit niya. Walang duda.
"Is it okay to you baby...CR muna ako.." Natawa pa si Mommy kaya nadala na lang ako. "Oo naman Mom." Tumayo na siya at magtutungo na nga ata sa destinasyon.
Binalik ko ang atensyon sa babaeng nakita kanina. Naiinis ako sa kaniya ng walang dahilan. Basta naiinis ako sakaniya. Inaabangan ko na makagawa siya ng isang bagay na magiging dahilan ng pagkainis ko.
Mukhang hindi siya makabasag pinggan. Mukha lang naman. Looks are deceiving kaya.
Nagpasalamat naman ako sa server na naglagay ng wine sa wine glass ko. Sumipsip ako ng kaunti. Ayoko munang ubusin. Hindi pa nagsisimula ang palabas.
Ewan ko lang ha, pakiramdam ko lang talaga na lalabas ang tunay na budhi ng babaeng 'yon.
Tumayo siya sa upuan kaya umayos ako ng upo. Kaabang-abang talaga kapag ganito. 'Yung tipong may binabantayan ka sa kung ano ang gagawin.
Natawa ako sa naiisip. Sumimsim ulit ako sa wine.
"Hmm.. naandito ka pala?" Halos mapatalon pa ako sa upuan ko nang marinig ang boses niya. Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng inis. Hindi malabong naimbitahan din ang pamilya nila. Kung bakit kasi hindi ko naisip agad. "May pinapanood ka?" Pang-aasar niya pa sa'kin. Sigurado akong nakangisi siya. Hindi ko na kailangan tingnan pa. Kusa ng umikot ang mata ko.
Binalik ko ang tingin sa babae na ngayon ay nagpapahid na ng kaniyang gown. Mukhang galit pa. Napansin ko naman ang isang babae na mukhang kaedad ko lang din at ng babaeng mayaman. Mukhang kinakabahan na nga ang babaeng nakatapon ata ng juice or wine.
"Pasensya na... Hindi ko talaga sadya" halata naman na sincere ang babaeng nakatapon. Tumaas ang kilay ng babaeng mayaman. "Didn't you know that this gown is worth a million? Kahit buhay mo, hindi mababayaran ang pagkasira nito!" Hindi na ako nagulat kong iyon ang lumabas sa bibig ng isang tulad niya. Ayoko naman magjudge kahit madalas ay mapanghusga ako. Ang mga husga ko kasi ay tama naman. Madalas iyon.
"Hindi na sila nahiya.." Humalakhak pa itong katabi ko. Mukhang nasisiyahan sa pinapanood. Hindi sila nakakaagaw ng pansin dahil sa dami ba naman ng mga tao saka maingay ang lugar. Medyo hinihinaan lang din ng babaeng mayaman ang kaniyang boses. Naaawa ako sa babaeng nakatapon, oo nga't siya ang nakatapon pero humingi naman na siya ng sorry. Sincere naman iyon. Sadyang mapagmataas lang talaga ang babaeng mayaman. Binase niya rin siguro sa estado ng babaeng nakatapon. Mukhang hindi kasi ito mayaman. Nasa gitnang estado lang kumbaga.
Napagpasyahan kong tumayo at pumunta roon nang mukhang maiiyak na ang babaeng nakatapon. Ayokong masira ang gabi ni Mr. Lavigne kaya kailangan ko na silang awatin. Wala na rin naman sa katarungan ang pag-aalburuto ng babaeng mayaman. Walang buhay ang dapat na sabihing mas mababa lang ang halaga kumpara sa damit niyang million lang naman daw. Bakit ba kasi may mga taong ganoon mag-isip? Ang kikitid ng mga utak o kung may utak pa nga ba.
"Kayong dalawa? Ano ang sa tingin niyong ginagawa niyo? Hindi ito squatter area." Humarap sila sa'kin nang may pagtataka. "Who are you to talk to me like that?!" Nangigigil na tanong sa'kin ng impokritang babae. "I am Arylle, you're gorgeous referee.." Ngumisi ako na mas lalong nagpainis sa impokrita. Humihikbi na ang babaeng nakatapon. Nakayuko lang ito na parang hiyang-hiya sa ginawa niya.
Umayos ng pagkakatayo ang impokrita saka taas noo akong tiningnan. Taas din ang kilay niya na akala niya bagay sa kaniya. Like duh?
"Aba! Baka gusto mong ipakulong din kita kasama niyang hampas-lupa na iyan! Sabagay, pareho naman kayong basura pa sa basura." Nakuha niya pang ngumisi. Ayoko talaga sa lahat ang ngumingisi na tao lalo na kapag hate ko. Parang gusto kong burahan na lang sila ng bibig.
Ngumisi ako. Sinadya ko talagang ilabas ang ngisi na talagang magpapainit sa ulo ng kausap ko. "You woman, with a li'l brain. Do you really think that you're gown looks gorgeous? To be honest, parang hindi nga worth ng kahit isang piso 'yan." Tumigil muna ako para humalakhak. Halakhak na siguradong maaasar siya. "Saka duh? Walang bagay sa mundo na'to ang kasing halaga ng damit mo, alam mo kung bakit?" Pambibitin ko. Kalmado ang boses ko pero sinisigurado kong may diin iyon na talagang madidiin sa utak niya--kung meron.
"Dahil cheap iyang suot mo..." Saka ko siya tiningnan mula taas hanggang baba na alam kong naiinsulto siya. Saka ko tinuloy ang sasabihin. "..at walang papantay sa halaga ng buhay ng isang tao." Pagkatapos kong sabihin iyon ay tinulungan ko ang nakatapon na mag-ayos sa CR.

Komento sa Aklat (15)

  • avatar
    Pingwin

    the best story highly recommended

    17/06/2022

      0
  • avatar
    GonçalesJuraci

    eu gosto muito desse aplicativo meus parabéns

    3d

      0
  • avatar
    CuaMae

    salamat

    27/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata