logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 3

Shanaia's POV
Walang lingon likod akong naglakad palabas ng gate ng bahay.
Wala pa akong kongkretong plano. Ang nasa isip ko lang ngayon, ang malayo sa lugar na ito. Sa lugar na kinalalagyan ng sarili kong pamilya. Lugar na pilit kong isinisiksik ang sarili ko pero patuloy din akong isinusuka.
I didn't get anything from their money. Kinuha ko lang ang nga bagay na naipundar ko gamit ang sweldo ko tulad ng cellphone at kaunting damit.
Saktong paglabas ko ng subdivision namin ay may dumaang taxi. Alas nuebe palang naman pero alas-otso kasi umiidlip na ang pamilya para daw maintained ang healthy body. Healthy body yet toxic relationship. Ironic.
Pinara ko yung taxi. Nang lumagpas ng kaunti sa akin ay kinuhanan ko ng picture yung plate number saka sinend kay Kuya Gem, bago sumakay.
"Sa hotel nalang mo malapit sa Fresco Dine," saad ko at pinaandar naman agad ng driver.
Doon kasi ako nagta-trabaho. Sikat ang resto na 'yon dito maging sa ibang bansa. Walang nakakakilala sa may-ari pero panigurado baka matanda na. Tanda ko pa, childhood favorite ko yung FiChi burger nila do'n eh.
Bukas hahanap nalang ako ng apartment na mauupahan na malapit din doon.
Di na ako tulad ng dati na mayaman, kailangan ko ng magtipid kahit man lang sa pamasahe.
Nakatitig lang ako sa bintana kasabay ang pag-iisip na ano kaya ang magiging reaksyon nila pag nalaman nilang naglayas ang kinamumuhian nilang anak.
Malulungkot kaya sila sa pagkawala ko?
Napailing nalang ako sa iniisip ko.
Panigurado magse-celebrate pa ang mga 'yon bukas. Wala na ang patapon nilang anak. Hindi na sila mamomroblema sa araw-araw na pagsilay nila sa pangit kong mukha.
Napahinto ako sa pag-iisip ng tawagin ako ng driver.
"Ma'am nandito na po tayo. 380 po lahat," he said, politely.
Dahil sa pag-o overthink ko di ko na namalayan na nakarating na pala kami sa hotel na tinutukoy ko. I quickly paid him and got in to the hotel.
It's just a mini hotel. Ilang kantong lakaran lang ay Fresco Dine na.
Sanay na ako sa pasikot-sikot dito. Kahit pa namulat akong may gintong kutsara sa labi. Sinanay ko talaga ang sarili kong mamuhay ng normal.
Nung college palang ako, araw-araw isinasampal sa akin ni Mommy ang katotohanang hindi ako kailanman ipapasok sa kompanya nila. Kaya nag-sikap talaga ako upang mapataas ang marka ko at ma-justify ko na malaki ang matutulong ko sa kompanya.
Pero, kahit anong taas, wala pa ring silbi dahil hindi na talaga nila ako mapapapasok sa kompanya nila.
Sinubukan ko rin sa ibang kompanya ngunit tandang tanda ko yung pag-kausap ni mommy sakanila na huwag na huwag akong tanggapin.
Ultimo graduation ko, ni isa sakanila walang dumalo. Si Manang kasi umuwi sa probinsya niya. Naaalala ko pa, pigil na pigil ang luha ko nung graduation dahil parang nawala lang ng parang bula lahat ng pinaghirapan ko. Yung pag aalayan ko kasi ng sakripisyo't pagod ko sa pag-aaral hindi ako sinipot.
Mabuti na lang, may isang lalaking nag-abot sa akin ng panyo noon. Hindi ko nakita ang mukha niya pero nagpapasalamat ako na kahit papaano, may nakapansin ng nararamdan ko.
Isa pa, nakikinita ko kasing darating ang araw na itatakwil nila ako o hindi kaya'y lalayas ako sa puder nila.
At heto na nga, nangyari na.
"Good evening Ma'am. Any reservations?" tanong ng isang babae sa desk na sumasalubong sa mga taong papasok ng building.
"Uhm, No. Are there still rooms that's free to rent just for one night?" I honestly said.
Napangiti naman siya saka sumagot.
"Yes ma'am. We actually have three level of rooms which one would you like?"
"Uhm, the cheapest one?" I asked, unsure.
"Okay ma'am. Just sit at the sofa behind you. Any minute now, someone will comeover to guide you. Here's your key and room number. Thank you and have a nice stay," she happily said. Tipong akala mo ako lang ang nag-iisang uupa ng buong hotel.
Napatigil nalang ako sa mga pinag-iisip ko ng may dumating na gwapong nilalang. Oh gosh, mahuhulog ata panty ko.
Ang tangos ng ilong. Yung buhok, itim na itim. Ang panga, pwede nang kutsilyo sa tulis. Ang pula-pula ng labi at ang mas agaw pansin sa kaniya ay ang kulay ng mata niya. It's freaking grey!
Yung kalandian ko umaatake! Tangina mag tigil ka Shanaia!
Lumapit siya dun sa babaeng todo ang ngiti sa akin kanina. Mas lumaki naman ang ngiti niya ng mapansing papalapit sa kaniya yung lalaki.
"Uy Grey! Uhm, a-a-uhm-ka-ka-s-," halla nagkanda utal-utal na.
"Misty, relax," natatawang saad naman nung Grey na tinawag niya.
Tuwang-tuwa si gaga. Parang gusto ko tuloy hablutin palayo sa kaniya and baby Grey ko.
Teka grey? grey na mata, Grey ang pangalan? Mga magulang niya ha. Sipag gumawa ng bata, tamad mag-isip ng pangalan.
Napabalikwas naman ako sa pagpapantasya ng may pumitik sa harapan ko.
Si Grey!
"Good evening Ma'am, this way please," saad niya saka binuhat ang maliit na travelling bag na dala ko.
Walang imik akong sumunod sa kaniya. Isang metro lang ang layo namin sa isa't isa kaya amoy na amoy ko ang pabango niya.
Shet, Pandora! Taas naman ng sweldo sa hotel na 'to! Try ko nga mag-apply bukas, kahit part-time lang.
Nawala ako sa malalim na iniisip nang tumama ang noo ko sa isang matigas na bagay.
"Araay!"
Ang sakit no'n ha!
"Halla sorry po Ma'am," sabi ni Grey saka ako nilapitan at walang paalam na inilapit ang mukha ko sakanya saka hinimas himas ang noo ko sa may bandang hinihilot ko.
Napatitig naman ako sa guwapo niyang mukha.
Kung ganito rin lang ang babangga sakin araw araw, game ako!
Winarak niya ang dulo ng suot niyang polo na uniform pa ata nila, saka dali-daling tumakbo sa malapit na cr. Binasa niya yung tela saka idinampi sa bukol ko.
Gusto ko sana siyang tawanan kasi parang di naman gagana yung ginagawa niya pero sinusulit ko pa ang pagkakataong natititigan ko siya ng malapitan.
"Mukhang 'di naman masakit. Nakaka-ngiti ka pa naman po," magalang na aniya.
Hindi ko namalayan napapangiti na pala ako. Tanginang kalandian to.
"Warakin mo rin ako," bulong ko.
"Huh?" he said slightly smirking.
"Uhm, a-a-I mean, salamat... s-sa pagtulong. Sige una na ko yun na pala yung room ko oh, Salamat," sabi ko pero di ko talaga alam kung saan ang kuwarto ko.
Putangina nakakahiya! Okay na rin 'to kesa nagtitimpi siya doon na pagtawanan ako.
Putanginang kalandian Shanaia!
Now, I don't know where to go.
Room 152 ang nakalagay sa card na binigay kanina sa front desk. Pagtingin ko sa tapat ko ay 135 ang nakalagay.
Loko kasing bibig to, walang tigil. Naligaw pa tuloy ako. Problemado akong nakatayo doon nang may makita akong dumaan na babae. Tulad ni Grey, ganoon din ang suot niya. Tinanong ko kung saan yung kwarto at itinuro niya naman. Hindi na ako nakapag-pasalamat dahil umalis na siya agad, itatanong ko nalang sa front desk bukas.
Sa wakas, nahanap ko rin.
Pagpasok ko sa kwarto ay walang pagdadalawang isip kong ibinagsak amg sarili ko sa kama.
Una, dahil sa pagod at pangalawa, dahil sa kahihiyang nangyari kanina. Kama lamunin mo na ako!
Pumikit lang ako pero hindi ako makatulog. Ano bang meron sa Grey na 'yon! Ayaw umalis sa isip ko! Nakakainis!

Komento sa Aklat (63)

  • avatar
    Mariefe Rodriguez

    nice Ang ganda❤️❤️❤️

    12/04

      0
  • avatar
    Hann-jeff De Fiesta

    pwede ba ung mag ano kahit 2 days old palang ang baby? hehehe btw ang ganda☺

    06/02

      0
  • avatar
    Jenny Alminion

    need

    07/10

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata