logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 6

Sa araw ding iyon ay tuluyan nang hindi nakapasok si Eunice. May mga asignatura kaming hindi tugma pero karamihan ay magkapareho. Ngunit ni isa sa subject namin ay hindi ito nagpakita. Ni anino nito ay hindi man lang nagparamdam.
"Heart." Kinilabit ako ng kung sino sa likod ko. It was Irithel, an introvert classmate of mine. Kaklase ko ito sa iilang minor subjects.
"May naghahanap sa iyo sa labas," dagdag pa niya. Nakayuko lang ito na parang takot na takot. Bugok na introvert, ampota! Introvert ito pero very approachable, hindi ko lam na pwede pala yung ganoon. Basta 'wag mo lang itong iisturbohin kapag nagbabasa ito ng libro which is most of the time. The irony, approachable pero ayaw na ayaw ang naiistorbo kapag nagbabasa na lagi nitong ginagawa. Bobo mo Heart. I mentally laughed at my own thought. "Hey, nakikinig ka ba?" Halatang iritado na ito bse sa boses at pagkunot ng noo niya.
"A-Ah... O-oo... Lalabas na," Sagot ko sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ako takot sa kaniya. Ang kinatatakutan nga nilang school bully ay pinagtulog ko tapos itong babaeng ito na di naman masyadong umiimik ay takot ako. Well, maybe because they say that introverts are more dangerous than extroverts.
Dali-dali akong umalis sa harapan niya at tumakbo palabas. Hindi pa ako tuluyang nakakalabas ay tanaw ko na ang pigura ng isang Calyx Vergara. Mas lumulutang ang features nito lalo na sa height. Halos hanggang balikat niya lang ang mga dumadaan. His fair skin made him glow compared to others. Nasa probinsiya kami, karamihan sa mga nakatira rito ay sa bukid ang trabaho kaya karamihan ay mga bilad sa araw ang balat.
He rolled his eyes when he saw me
"Huwag mo naman ako masyadong titigan," he stated with confidence. Yes, that's my Calyx este that's Calyx. Masyadong mataas ang self-cofidence mukha namang bugok. "Tara na, ikaw naman magbabayad ngayon."
"What? Ako na naman kahapon ah," angal ko sa sinabi niya. Nitong mga nakaraang linggo, lagi niya akong hatid-sundo. Ihahatid tuwing umaga, matapos ang recess, after lunch break habang sinusundo naman tuwing recess, lunch break at uwian. Hindi tuloy maiwasan ang mga bulunb-bulongan lalo na sa grupo nilza Eunice.
"Baka gusto mong umuwi mag-isa?" tanong niya sa akin. Ang childish nyemas.
"Kaya ko umuwi mag-isa," sagot ko naman tsaka yumuko. Sa mga nagdaang mga araw laging ganito ang tagpo namin tuwing lunch break pero hindi pa rin ako nasasanay. I sould be, right? Tahimik lang akong nakasunod sa kaniya nang bigla itong huminto na naging dahilan ng pagka-untog ko sa likod nito. Masakit iyon lalo pa at parang pader sa tigas ang katawan nito. Napakamot tuloy ako sa bandang tuktok ko.
"Anong sabi mo?" Kunot ang noong humarap ito sa akin. May nasabi ba akong mali? May nagawa? Hinayaan ko munang lumagpas ang kumpol ng mga studyante.
"Ang sabi ko, 'kaya kong umuwi mag-isa." Tuluyan nang nakaalis ang mga studyanteng dumaraan sa hallway nang sabihin ko iyon. Sa mga nagdaang araw ay ipinakita niya sa akin kung gaano siya kaalaga. Kung gaano siya ka-sweet. Ipinakita niya sa akin ang mga mabubuting ugali nito. Pero ngayon, parang hindi ko ito kilala. Parang ibang katauhan ito. Ito ba yung isang parte ng ugali niya? Hindi ako sanay!
"Edi, umuwi mag-isa," nakapamulsang sambit niya bago ito tumalikod at nagsimulang naglakad palayo. Tuluyan na itong nakababa sa hagdan pero hindi pa rin ako nakakibo mula kanina. Masyado akong nagulat sa nangyari. Ikaw ba naman pakitaan ng mga mabubuti tapos bigla-biglang mag-iiba ng ugali.
Bumilis ang tibok ng puso kasabay ng munting kirot sa bawat pitik niyon. Naglolokohan naman kami dati a. Nagpipikunan. Pero bakit parang masyadong sineryoso yung ngayon?
I'm too clouded with my own thoughts and decided to go back at our classroom.
Habang pabalik ako doon ay hindi ko mapigilang hindi maisip ang nangyari at sa inasal ni calyx kanina.
"Aray!" anas ko nang mabangga ako sa pader. Napakabwisit naman. Lagi-lagi na lang.
"S-sorry," paghingi ng tawad ng baritonong boses sa harap ko. Unti-unti kong ini-angat ang tingin ko sa kung sinong nasa harap ko.
"Ikaw?" I asked in a shocked tone with eyes wide open.
"K-kilala mo ako?" hindi makapaniwalang tingin ng lalaki.
"Hindi, IKAW yung nakabangga ko e," I explained.
He looked at me with amusement. Baka hindi nagproseso sa munting utak niya ang sinabi ko. Jusko lord, kung kailan nago-overthink ako tsaka ka na naman nagpadala ng isang bugok. Anong maitutulong nito sa akin? Mambwisit?
"Tara canteen?" he asked. I looked at him straightly at the eye. Walang panlolokong mababakas sa mga ito. Parang sincere na sincere ang pagkakasabi ang pagyaya niya sa aking kumain. Hindi ako sumagot sa kaniya at tinaasan lang ito ng kilay. "Chill, iniimbita lang kita tsaka, my treat."
Dahil sa ginawa ni Calyx kanina ay paran umurong ang gutom ko. Hindi ko alam kung paano pero nang mag-aya itong kaharap ko ay bigla akong nakaramdam ng gutom. Pisteng yawa. Bakit kasi kung kailan buo na ang desisyon natin sa buhay tsaka pa may manggugulo.
"Hindi ako gutom," I managed to let out a firm boice para mas mukhang sincere. But to my surprise, he just laughed at my statement.
"By the way, I'm Caleb, BSHM student," pagpapakilala niya. He also extended his right arm.
"H-heart, BSHM," tipiid na pagpapakilala ko sa lalaki bago ko tinanggap ang kamaynitong nakalahad.
"Hel, inuna mo pa talaga ang landi no?" it was someone behind me. Hindi ko maiwasang hindi gawaran ito ng sarkasmong tingin. Iniwan niya ako kanina tas babalik siya? Galit ito sa akin hindi ba? Tsaka, eh ano naman kung nakikilandi ako sa iba?
"Oh, bumalik ka? Bakit? You left remember?" Pinaulanan ko ito ng mga tanong. Bumaba ang tingin niya sa kamay namin ni Caleb na nakakonekta pa rin sa isa't isa. Ilang segundong katahimikan ang lumipas bago ako magsalita ulit. "Tsaka ba't di ka pa nauna?"
"Malilintikan ako kay mama kapag hindi ka nakapag-tanghalian." Kalmado ang tono ng pagbigkas niya pero ang kinakalaban ito ng sarili niyang mga mata. Madilim ang titig niya sa mga kamay namin ni Caleb. Ikinuyom na rin nito ang mga kamao niya, tanda na nagpipigil ito sa galit.
"Sino ba nagsabi sa iyong hindi ako manananghalian? Kakain ako, PERO HINDI IKAW ANG KASAMA," saad ko ng may pinalidad. Hindi ko na nakita ang reaksiyon niya dahil tumalikod na ito habang binabanggit ang huling pangungusap ko.
Nagsimula na itong naglakad palayo sa amin. Mabilis ang mga yapak niya na akala mo ay may hinahabol o may humahabol sa kaniya.
Pwersahan kong tinanggala ng mga magkakonektang kamay namin ni Caleb. Hindi rin nakatakas ang mahinang ungol niya dulot niyon.
"Hoy, saan ka pupunta?" tanong ko nang tumalikod ito sa akin at akmang hahakabang palayo.
Unti-unti itong humarap. "Babalik na sa room," paliwanag ito.
"Tara sa canteen! Ililibre mo 'ko." Ilan pang mga mumutong na mura ang narinig niya sa akin bago ko ito napapayag.
Nauna na itong naglakad habang ako naman ay nakasunod lang sa likod niya. Ilang minutong hakbang lang mula sa building namin ay narating na namin ang pambansang CR ng mga studyante, ang canteen. Parang palengke iyon sa ingay. Mukhang remittance center ang itsura ng pinag-o-orderan ng pagkain. Hindi siya tulad ng mga karamihang canteen, salamin ang barrier nito samantalang kung ano-ano naman ang ginagawang barrier ng mga karamihang canteen. Ang paaralang ito publiko sa papel pero kung tinitignan ay parang pribado ito. Maihahambing ang mga pamamalakad at patakaran nila sa mga pribado.
"Una ka na doon, ako na bahala bumili." Ngumuso ito pinakadulong bahagi ng mahabang mesa kung saan ay walang kumakain doon. At kung mamalasin ka nga naman, doong parte nakaupo si Calyx! Madilim ang mga titig niya sa amin. Hindi pa nakatulong na nakahawak ako sa braso ni Caleb.
Pasimple kong inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niyon. Hindi ko alam kung anong rason.
"Ah... hindi, pipili ako ng kakainin ko," I lied. Ang totoo ay gusto ko lang iwasan si Calyx at ang mga tanong na maaari niyang ibato sa akin. Kunot-noong tumango si Caleb sa pahayag ko.
Bago sumapit ang pagkakataon naming umorder ng pagkain namin ay muli akon napalinggon sa direksiyon ni Calyx. Naroon pa rin yon pero hindi na nakatingin sa amin. Mataman na niyang tinitignan at nilalaro azng pagkain niya. Bumaba naman ang tingin ko sa pagkain niya na halos walang bawas. Mukhang wala itong gana sa pagkain o di kaya naman ay nasasayangan ito sa pinambili ng pagkain niya. Well, if the latter is the case, he should finish eating his food, right?
"Anong oras sunod mong subject?" tanong ni Caleb nang maupo ako sa harap niya. Nasa kaliwa ko naman si CAlyx na patuloy pa rin sa paglaro ng pagkain niya. Sa ganitong position namin ay hindi ko maiwasang ma-awkward, kagagaling namin ni CAlyx sa away 'di ba?
"Wala, gala lang," I answered.
"Ha?"laglag pangang tanong niya.
Nyemas, ngayon lang rumehistro sa isip ko na bugok pala itong kausap ko.
"I mean, wala na akong klase mamaya. Gagala na lang,"maikling litanya ko. He just nodded on my answer. Nagsimula na akong sumubo, ganoon din naman ang lalaki.
Halos patapos na kaming kumain nang huminga ng malalim at humalukipkip ang lalaki sa kaliwa ko.
"Hel, can we talk?" Base on his voice, he seemed still pissed. Dahil ba iyon sa nangyari sa building kanina? Well, wala akong pakialam kung iyon nga. He's too much.
I just raised my brow to him without muttering a single word. Pabagsak niyang inilapag ang mga kubyertos na hawak niya. Dahil sa ingay na gawa niyon ay napatingin ang karamihan sa mga esudyanteng kumakain. Tumayo ito at nagsimulang naglakd ulit palayo. I looked at Caleb, asking him what should I do. He motioned his as if telling me to follow him. But instead of following his suggestion, umiling lang ako at ngpatuloy sa pagkain.
"Sundan mo na," basag ni Calyx sa katahimikan na ilang minutong naghari sa loob ng canteen. Sa ginawa ni Calyx kanina, ang mala-palengkeng canteen na ito ay naging isang payapang kagubatan, walang kahit anong ingay na maririnig maliban sa mga nagbabanggaang kubyertos at pinggan.
"Hayaan-"
"Wow."
Sasabihin ko sanang hayaan na lang ni Caleb pero may kung anong bugok na naman ang pumutol niyon mula likuran ko. Fuck, ayokong nasisigitan ako kada magsasalita ako.
"Noong una, si Calyx ang nilalandi mo tapos si Caleb naman? Kalmahan mo 'yang alaga mo 'te," maarteng saad ng kung sinong nasa likod ko. It seems weird since ilang beses lang kaming nagkikita tapos noong araw na iyon ko lang siya narinig ang boses niya pero kabisado ko ang boses na iyon.
Alam kong hindi maganda ang pupuntahan nito kaya hindi ko na lang siya inintindi. She's Eunice, a person with small brain. Dali-dali kong tinapos ang pagkain ko at tumayo para kumuha ng tubig. Ngumunguya pa akong tumalikod dito.
"Aba! Punyeta, kinakausap kita. Huwag mo akong talikuran!" sigaw nito nang lagpasan ko siya. Hinawakan pa nito ang braso ko upang pigilan ako sa paglalakad. Ulit ay napatingin na naman ang mga estudyante sa amin. Tumingin ako sa kaniya, my mouth is still full. Ngumunguya pa lmang ako at kailangan ko ng tubig upang matulungan ang sarili ko sa paglunok niyon.
Ang mga sumunod na nangyari ay hindi ko inaasahan. Sinampal niya ako ng napakalakas na naging dahilan upang mailuwa ko sa mukha niya ang mga pagkaing nginunguya ko.
"Yucks!" diring-diring sambit ni Eunice. Naging maingay ang singhap ng mga tao sa loob. Napakaraming kanin na nagkalat sa mukha niya na may halong ulam. Mamasa-masa ang mga iyon dahil may halo iyong laway. She looks gross but I'm not sorry, kasalanan niya iyon e. Kung hinayaan niya muna akong makainom ay sana hindi humantong sa ganoon.
She wiped the food off of her face with tissue. Yucks nga! Umirap ito at maiyak-iyak na tumakbo palabas ng canteen.
Walang karea-reaksiyong sinundan ko siya ng tingin. Nang nasa pintuan siya ay napatigil ito sa pagtakbo dahil may taong nakaharang doon. Tuluyang umiyak ang babae bago nito iniyapos ang mga kamay sa katawan ng lalaki.
Madalim ang titig ni Calyx sa akin habang nakayakap sa kaniya ang babae. Parang wala lang ang yakap ni Eunice sa kaniya habang humihikbi ito.
I turned the table pero bakit parang ako yung talo? Bakit ako nakakaramdam ng kung anong tumutusok sa puso ko? I should be happy, right? Imbes na ma-bully ako ni Eunice ay nabaliktad, I shoud be happy!
Pero bakit ako nakakaramdam ng sakit habang nakikita kong nakayakap sa kaniya ang babae? Hindi ko na lubos na kilala ang sarili ko nitong mga nagdaang araw. Parang dayuhan ako sa sarili kong katawan at nararamdaman.
With that sudden and unknown pain, my head once again starts to spin. Sumasakit na naman iyon. Gayundin ang pagbalik ng mabilis na pag-agos ng mga memorya. Ang sakit na nararamdaman ko ngayon ay ang sakit na naramdaman ko nang nalaman ko ang kalagayan ni lola na itinago sa akin ng pamilya ko.
Nang matapos ang mabilis na pag-agos ng mga ala-ala ay siya namang unti-unting pagdilim ng paningin ko. Hindi nagtagal ay tuluyan nang nagdilim ang paligid.

Komento sa Aklat (8)

  • avatar
    Lēxy MB Mēnôr

    I like it

    12d

      0
  • avatar
    BoumerdassiKhadija

    🙂🖒

    18/08

      0
  • avatar
    Maria Elizabeth Gozum

    ang saya

    27/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata