logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Cecille`s POV

---------
"Hindi d'yan! Putangina!" Sigaw ni Esay sa akin pagkatapos kong tumakbo.
Alam kong hindi dito ang daan na napag-usapan namin na dapat kong takbuhan.
Pero anong magagawa ko kung dito ako dinala ng mga paa ko dahil sa takot? Iniisip ko kasing kapag tatakbo ako sa kabilang direksiyon ay baka hindi pa ako nakakahakbang ay nahawakan na ako ng mga tomboy na kasamahan ni Manon.
Nakakatakot sila at ang bilis nila tumakbo.
Niyakap ko ang plastic na hawak ko nang muntik nang mahulog ang mga laman n'yon sa pagkakatakbo ko.
"Esay! Pa'no na'tong mga manok?!" Sigaw ko sa kanya habang hindi siya nilingon. Mahirap na dahil baka pagharap ko ay mangudngod ang mukha ko sa magaspang na kalsada.
Mas masakit pa 'yon kaysa sa break up.
"Tulong! Manong? Tulong!" Sigaw ko sa traysikel driver na dumaan pero winagayway lang niya ang kamay niya sa akin na ibig sabihin ay hindi siya nagpapasakay ng pasahero.
Hindi na sana siya nagmaneho.
Huminto muna ako saglit sa outpost sa may waiting shed para sana humingi ng tulong pero nakalimutan kong tuwing gabi lang pala ito bukas.
Hindi na sana sila kumuha ng mga tanod kung tuwing gabi lang naman pala sila present sa dami nila.
Tumakbo ako papunta sa isang lalaki na nagtitinda din ng manok sa crossing. Nakita na niya akong hinahabol pero wala man lang siyang pakialam. Masyado siyang loyal sa pagtitinda niya.
Nasaan ba ang mga tao? Kung kailan kailangan ko ng tulong ay saka naman walang mga taong naghihintay ng masasakyan sa waiting shed.
Ngayon, naniniwala na ako sa sinabi ni Mama sa akin na malas nga talaga ang araw ng biyernes.
"Anong gagawin ko dito?" Natatarantang tanong ni Manong na nagtitinda ng manok pagkatapos kong maibigay sa kanya ang plastic na dala ko.
"Kuya ingatan mo 'yan! D'yan nakasalalay ang kinabukasan ko!" Malakas na sabi ko sa kanya saka tumawid sa kalsada at tumakbo papunta sa Santo Rosario Heights.
Isa itong village pero hindi naman nakasirado dahil may daan din ito papunta sa kabilang barangay.
Kahit hindi ko nakita ang pangyayari sa likuran ko ay alam kong napahinto ang dalawang tomboy na humahabol sa akin base sa naririnig kong mga malalakas na busina ng mga sasakyan at mura ng mga driver. Iyon din ang nagbigay sa akin ng chance para mapalayo sa kanila.
Pinili kong tumakbo sa kanang bahagi ng daan kung daan patungo ito sa Southern Junob. Kung saan ito ang pangalawang parte ng barangay Junob. Southern Junob kasi ang sa amin. Wala kaming East at West dahil ibang mga barangay na 'yon.
"Ahuhu! Kuya! Kuya!" Parang batang baliw na tawag ko sa Kuya ko kahit wala siya. Hindi ko na mapigilang mapaiyak.
Sa isang taon kong pag-aaral sa Junob ay ngayon pa lang nangyari sa akin 'to.
Hinihingal akong huminto sa ilalim ng punongkahoy habang nakayuko at napahawak sa nga tuhod ko.
Lumingon ako at namangha pa ako sa sarili ko nang makita kung ang layo-layo na din pala ng tinakbo ko.
Nakita kong nasa malayo pa rin ang dalawang tomboy na naghahabol sa akin kaya nagpahinga muna ako saglit.
Lihim akong nagpasalamat sa Mama ko kasi nagpaubaya siya. Iyong tipong nagpatalo siya sa dugo ng Papa namin kaya matatangkad kaming magkakapatid. Mabuti na lang at ilong lang ang meron ako mula sa Mama ko dahil mahirap na kapag pati height. Siguro kanina pa akong nalitson.
"Mukhang malaki ang kasalanan mo ah!" Rinig kong sabi ng boses ng isang lalaki sa likuran ko.
"Sinabi mo pa! Buti na lang at nai-save ko na 'yong manok-"
Natigilan ako at mabilis na nilingon ang lalaking nasa likuran ko.
"Mama!" Gulat na sigaw ko nang makita ko ang matangkad, makisig at gwapong lalaki.
Kilala ko siya. Siya 'yong lalaking nagngangalang James na kinwento sa akin ni Esay na bobong-chicksboy.
Nakilala ko siya dahil naalala ko siya noong nangyayaring riot sa harap ng stage.
Lumingon ako sa naghahabol sa akin at nagulat nang mas lalo na silang napalapit kaya tumakbo ako pero hindi pa ako nakakalayo ay nahawakan na niya ako sa bag pack ko.
"Kuya pwede bang patakbuhin mo muna ako saka tayo maghabulan bago n'yo ako parusahan?" Pakiusap ko sa kanya habang pinag-abot pa ang dalawang palad ko sa harapan niya.
Hindi niya ako sinagot at kinunutan lang ng noo na parang bang sinusuri niya ang mukha ko.
"Teka, kilala kita ah-"
"Kilala din kita pero kung gusto mong makipagkamustahan. Pwedeng bang sa lunes na lang natin gagawin? Nasa peligro po ang manok- este! Ang buhay ko ngayon!" Sabi ko saka tumakbo ulit nang nakangisi nang naglalakad ang mga tomboy na papalapit sa akin.
Pero nakahawak pa rin siya sa bag ko kaya napabalik ulit ako at muntik pang madapa.
"Piste!" Mura ko saka pumikit ng mariin kasabay nang mabilis na pagluhod sa harapan niya.
"Kuyang mabait na ubod ng kagwapohan na anghel na hulog ng langit. Tulungan n'yo po ako. Handa po akong maging tulay sa inyo ni Elizabeth. Basta tulungan n'yo lang po ako at saka si Esay na din pala." Parang batang pagmamakaawa ko sa kanya.
Wala na akong pakialam sa mga sinasabi ko. Dahil ang mahalaga ngayon ay maligtas kami.
Sayang din ang manok kapag hindi ko 'yon makuha mamaya. Mapapanis 'yon o di kaya ay baka iuwi pa ni Kuyang tindero 'yon.
"Bakit? Ano bang nangyayari kay Elizabeth? Nasaan siya?" Tanong niya sa may pag-aalalang boses at nakita ko rin ang biglaang pagbabago ng reaksiyon ng mukha niya.
Iba talaga kapag ma-charisma ang ganda.
"Naiwan siya doon kasama ng iba pang mga kasamahan ni Manon na miyembro ng Bloodz. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero pakiramdam ko sinasaktan nila si Esay-"
Hindi ko pa natapos ang sinabi ko ay agad na niya akong pinatayo saka galit na hinarap ang dalawang tomboy nang makalapit sila sa amin.
"James, anong ginagawa mo? Hindi ka kasali dito. Problema namin 'tong mga Bloodz. Nakalimutan mo ba ang kasunduan ng mga grupo natin na hindi kayo makikialam sa anumang meron kami tulad ng mga problemang meron din kayo?" Sabi ng isang tomboy na hindi ko alam ang pangalan pero pamilyar sa akin dahil palagi ko siyang nakikitang may paiba-ibang girlfriend.
"Tama. Pero girlfriend ko ang sinasaktan n'yo at kaibigan siya ng girlfriend ko." Tukoy niya sa akin.
So totoo ngang feeling ang isang 'to tulad ng sabi ni Esay.
Tumawa ang isang tomboy na pamilya din sa akin.
"Lahat naman ng mga babaeng magaganda ay inaangkin mong girlfriend mo. Ibigay mo na lang siya sa amin kung ayaw mong lumaki ang gulo."
Chicksboy nga! Feeling pa!
Nagtago ako sa likuran ni James nang sulyapan ako ng isang tomboy. Hinawakan naman ako ni James at siniguradong safe ako.
Iba ka talaga Esay! Ganda mo pa lang nagkakaroon ka na ng Knight in shining armor!
"Baka nakakalimutan mo Ann na pinsan siya ni Andreah kaya may karapatan akong ipagtanggol si Elizabeth at itong kaibigan niya." Pagkasabi no'n ni James ay para namang natakot ang mga tomboy nang mapagtanto ang sinabi niya.
"Hindi ba 'yon alam ni Manon?" Bulong ng nagngangalang Ann sa kasama niya.
"Hindi ko alam." Pabulong namang sagot ng huli saka bahagyang napaatras.
"Pasensiya na." Hinging paumanhin ng nagngangalang Ann saka sila sabay na mabilis na tumakbo pabalik. Kaya sumunod na din kami.
Sobra ang kaba ko nang makita kong pinagtatadyakan ng mga kasamahan ni Manon habang nakapalibot sa nakahiga sa kalsada na si Esay.
Diyos ko!
"Elizabeth!" Malakas na sigaw ko nang mapalapit na kami sa puwesto nila. Saka naman sila napalingon at kita ko ang mukha ni Manon na parang hindi mapakali pagkatapos na may ibinulong ang nagngangalang Ann sa kanya.
"Totoo ba 'yan?" Paniniguro niya.
Nang tumango ang nagngangalang Ann ay mabilis siyang umatras.
"Bebekoh!" Malakas na sigaw ni James at naunahan akong lumapit kay Elizabeth.
Nilukob ako ng sobrang kaba nang mapagtanto kong hindi siya gumagalaw kahit pa noong bahagya ng tinapik-tapik ni James ang pisngi niya.
"Diyos ko! Esay! Anong nangyayari sa'yo?! Gumising ka!" Natatarantang bulalas ko pagkatapos kong lumuhod para i-check ang katawan niya.
Kasalanan ko 'to. Iniwan ko kasi siya.
"Anong ginawa n'yo sa kanya?!" Halos mabingi ako sa malakas na sigaw ni James sa kanila.
Kitang-kita ko kung paano bahagyang naglabasan ang mga ugat niya sa leeg at pamumula ng mga mata niya dahil sa galit.
Mas galit pa siya sa akin sa ginawa nila kay Esay gayung wala naman silang relasyon.
"P-pasensiya na. H-hindi-"
"Sinasabi ko sa'yo kapag nalaman 'to ni Andreah. Siguradong ubos ang mga kasamahan mo, Manon!"
"James-"
"Umalis na kayo!"
"Pero James-"
"Sinabi ng umalis na kayo! Habang nakakapagtimpi pa ako!" Galit na sigaw ni James sa kanila na nagpaigtad pa sa akin dahil sa sobrang lakas n'yon.
Hindi ko kasi inaasahan ang reaksiyon niya.
Tiningnan pa muna kami ni Manon ng ilang sandali bago siya umalis kasama ng mga kasamahan niya.
Samantalang tumayo naman si James pagkatapos ko siyang tulungan na buhatin si Esay sa likuran niya.
"May pera ka ba?" Tanong sa akin ni James.
Matagal ako bago nakasagot at nakatingin lang sa manok na hawak ko na kinuha ko pa sa tindero kanina.
"Wala akong pera-"
"Ibalik mo 'yan doon at palitan mo ng pera para pamasahe natin patungong hospital!"
Napapikit ako dahil sa pagsigaw niya.
"Pwede ba! Hinaan mo boses mo! Kanina ka pa sigaw ng sigaw! Wala ka din namang pera-"
"Ang ingay n'yo. Iuwi n'yo na lang ako sa bahay." Mahinang sabi ni Elizabeth sa amin.
Para naman akong nabunutan ng tinik.
"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya habang nagsimula na kaming maglakad pauwi.
Tango lang ang naging sagot niya sa akin habang nakapikit.
Nag-shortcut lang kami at hindi na dumaan sa bahay ng Gobernador dahil masyado ng malayo doon.
"Sigurado ka bang papunta 'to sa bahay n'yo at hindi sa kagubatan? Bakit wala akong masyadong nakikitang bahay dito? Maliban sa mga punong saging at malalaking punong kahoy na daig pa palasyo ng mga engkanto?"
"Shortcut nga kasi 'to. Tumahimik ka na lang kung ayaw mong parusahan ka ng mga engkanto at nuno sa punso na nakatira dito." Sabi ko sa kanya na agad naman niyang sinunod.
Nang makarating kami sa bahay ay nataranta naman si Mama kung ano ang unang gagawin pagkatapos naming mailagay si Esay sa kwarto niya.
"Ano ba kasing nangyayari? Sigurado ka bang okay lang siya?" Tanong ulit ni Mama sa akin habang nakatayo siya sa nakabukas na pinto sa kwarto ni Esay.
Samantalang ako naman ay agad na ibinagsak ang buong katawan sa sofa namin.
Ngayon ko lang naramdaman ang sobrang pagod at sakit ng mga binti at hita ko kaka-marathon ko kanina. May kutob akong sobra ang sakit ng katawan ko bukas o baka hindi ako makalakad ng maayos.
Umayos naman ako ng upo nang maalala kong may kasama pala ako at sinenyasan siyang umupo habang hindi pa rin niya inaalis ang tingin kay Esay na natutulog sa kama nito na kitang-kita lang mula sa inuupuan namin.
"Pasensiya na po. Huli na po kasi akong dumating." Hinging paumanhin ni James habang nakayuko.
Pinagmasdan naman siya ni Mama.
"Sino naman 'to? Boyfriend mo?"
Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na napa-sign of the cross dahil sa tanong ni Mama sa akin.
"Jusko naman ma! Kilabutan ka nga d'yan sa sinasabi mo! Siguradong mapapatay ako ni Kuya kapag narinig niya 'yan!"
"Ano ba kasing nangyari?"
Huminga ako ng malalim.
"Ganito kasi 'yon. Papauwi na kami nang makasalubong namin ang grupo ng mga Bloodz sa daan. Mabuti na lang at nakatakbo ako at na-saved ko din 'yung mga manok. At mabuti na rin nakasalubong ko siya. Si James nga pala ma." Turo ko kay James.
"Pero 'yon nga, noong bumalik ako kasama siya ay nakita na lang naming nakahiga na siya sa kalsada habang pinagtutulungang tinadyakan ng mga grupo ng Bloodz."
"Diyos ko!" Napatakip sa bibig na sambit ni Mama saka sinulyapan ulit si Esay sa kwarto.
"Paano ko sasabihin 'to sa mga magulang niya." Natatatarang nagpalakad-lakad si Mama sa harapan namin parang hindi alam ang gagawin sa hawak niyang cellphone niyang de-keypad na Nokia.
"Ano pong gagawin n'yo?" Tanong ko sa kanya.
"Kailangan malaman nina Senyora at Senyorito ang nangyayari anak nila." Sagot ni Mama saka idinikit ang cellphone sa tainga pagkatapos mag-dial at lumabas ng bahay.
"Bakit Senyora at Senyorito?" Kunot-noong tanong sa akin ni James.
Matagal ako bago sumagot at sinulyapan ulit si Esay.
"Anak siya ng amo ng Mama ko. At saka mayaman sila." Pabulong kong sagot.
Lumaki ang mga mata ni James sa sinabi ko. Alam kong hindi siya makapaniwala lalo na at sa bahay namin nakatira si Esay at sa Junob pa nag-aaral sa halip na sa maganda, malaki, tahimik at magarang paaralan siya dapat mag-aral.
"Bakit siya dito sa bahay n'yo nakatira gayung mag-pinsan naman sila ni Andreah?"
"Hindi ko alam. Siguro para magbago siya? Posible kasing magtitigas pa rin ang ulo niya kung sa bahay siya nina Andreah titira sa isipin na kamag-anak niya ang mga ito. Hindi ako sigurado kung iyon ang dahilan. Pero maraming beses na kasi siyang nagpalipat-lipat ng paaralan."
"Totoo pala ang sinabi niya noon habang nagpapakilala siya sa amin sa harapan ng klase. Ano daw bang dahilan kung bakit siya palaging lumilipat ng paaralan?"
Chismoso lang?
Lumapit ako sa kanya ng bahagya para ibulong ang sagot sa kanya nang pumasok si Mama sa bahay habang nakikipag-usap pa rin sa kabilang linya at pumasok sa kwarto ni Esay.
"Balita ko. Palagi daw siya napapa-away. Gangster daw kasi siya." Bulong ko sa kanya at bumalik ulit sa inuupuan ko.
"Saan mo naman narinig ang mga balitang 'yan? Baka naman usap-usapan lang 'yan."
"Hindi ka naniniwala?"
"Hindi."
"Apir! Ako rin. Pareha tayo. Iniisip ko baka kaya lang siya napapa-away dahil sa ugali niya."
Oo. Hindi ako naniniwala kahit sinabi na 'yon ng Mama ko na isa siyang gangster na palaging napapaaway. Sinabi rin sa akin ni Mama na marunong din siya sa larangan ng karate dahil bata pa lang daw si Esay ay tinuturuan na siya ng Lolo niya na ama ng Daddy niya na nagtuturo ng mga kabataan na gustong sumali sa larangan ng karate. Pero hindi pa rin ako naniniwala kasi hindi ko naman siya nakitang nakikipag-away. At mas lalong hindi ako naniniwala pagkatapos ng pangyayari ngayon.
Iyong ugali kasi niya ang problema. Iyong tipong hindi siya basta-bastang tatahimik lang kapag may tumatapak sa kanya. Iyong tipong wala siyang batas na sinusunod. At ang nakakainis sa lahat ay ang bibig niya. Iyong tipo ng pananalita niya na hindi mo alam kung nagbibiro ba dahil kalmado at seryoso siya magsalita kaya madalas mapagkakamalan talaga siyang maldita at siga.
She beats people with her mouth. Ganun!
"Wala akong pakialam sa yaman at reputasyon niya basta simula ngayon ay poprotektahan ko siya." Seryosong sabi ni James habang nakasulyap kay Esay.
Galing! Sana may gumanyan din sa akin.
"I'm be welleng to be hes-here black nayt."
Hindi ko mapigilang ikutin ang mata ko at panis na ngumiti sa kanya dahil sa huling sinabi niya.
Okay na sana eh. Dinagdagan pa ng english. Nakakaturn-off tuloy.
Totoo nga ang sabi ni Esay na isa siyang bobong-chicksboy.
Tumikhim ako saka mabilis pa sa alas-kuwatrong tumayo nang marinig ko ang pamilyar na motorsiklong dumating sa labas ng bahay namin.
Halatang pagod na pagod si Kuya nang alisin niya ang helmet niya pero nang makita niya ang mukha ni James na nakatayo na rin sa tabi ko ay biglang nagbago ang reaksiyon ng mukha niya.
"Anong ginagawa mo dito?" Matigas ang boses na tanong ni Kuya kay James.
Agad naman akong lumapit sa kanya at kinuha ang helmet na dala niya.
"Kuya kalma lang. Kasama ko siya dito pagkatapos niyang tulungan si Esay-"
"Bakit?! Ano bang nangyari sa kanya?!"
"Shh! Hinaan mo ang boses mo. Kausap ni Mama sa cellphone ang mga magulang niya." Mabilis na sabi ko kay Kuya na agad tumingin sa loob ng kwarto ni Esay.
Nang makita niyang seryoso si Mama na nakikipag-usap sa cellphone ay sinarado niya ng bahagya ang pintuan at hinarap kami ni James.
"Anong nangyari? Bakit putok ang bibig ni Elizabeth?" Mahina ang boses na tanong niya sa amin ngunit nasa tono pa rin ang galit.
Huminga ako ng malalim saka sinabi sa kanya lahat ng nangyari kanina.
"Gaga ka ba?!" Malakas na tanong niya saka hininaan ulit ang boses nang mapatingin si Mama sa amin.
"Bakit mo siya iniwan?" Galit na tanong niya sa akin.
"Alangan namang magpapagulpi din ako? At saka anong magagawa ko kung automatic na tumakbo ang mga paa ko pagkatapos niya akong pagsabihang tumakbo?"
"Ang tapang mo pagdating sa akin tapos tumakbo ka lang pagdating sa kanila? Asa'n na ang tapang mo?"
Hello? Pito sila. Dalawa lang kami.
"Kuya, iba ka kaysa sa kanila. Hindi ko naman sila pwedeng asarin at pagsabihan ng mga masasakit na salita tulad ng ginagawa ko sa'yo dahil baka suntok agad ang balik sa akin."
Iba kasi si Kuya. Iyong tipong kahit anong masakit na salitang ibabato ko sa kanya ay hindi pa rin naman niya ako pinagbutan ng kamay kailan man.
"Tumahimik ka. Bakit kasi hindi n'yo na lang ako hinintay kanina?" Inis na sabi niya saka umupo sa sofa.
"Pasensiya na brad. Huli na din akong dumating. Hindi ko rin malalaman ang pangyayari kung hindi ko nakita itong kapatid mo na tumatakbo at hinahabol nina Anna at Katrina." Sabi ni James saka umupo sa tabi ni Kuya.
Hindi siya sinagot ni Kuya pero nakikita ko naman sa reaksiyon ng mukha niya ang paghupa ng galit at pag-alala.
"Okay ka lang ba? Sinaktan ka ba nila?" Tanong ni Kuya sa akin habang pinagmamasdan ang katawan ko lalo na sa mukha ko.
Lihim akong napangiti at umupo din sa tabi niya. Kahit galit siya ay hindi pa rin niya kinalimutang tanungin kung okay lang ako. Kaya mahal na mahal ko ang Kuya ko kahit hindi kami palaging magkasama.
"Okay lang." Sagot ko.
"Mabuti kung ganu'n." Sabi niya pagkatapos niyang suriin ang mukha ko at hinarap si James.
"Kailangan kong ipaalam kay Andreah ang ginawa ng grupo nina Manon sa pinsan niya." Seryosong sabi ni James saka tumayo.
"Tama. Pero huwag sana kayo sa paaralan mag-away." Sang-ayon naman ni Kuya sa kanya saka tumayo din at lumapit kay Mama.
Duda akong may gagawin si Andreah sa nangyayari sa pinsan niya.
Iniwan nga niya kahapon si Esay sa presinto. Pero malalaman din naman namin 'yon ngayong lunes kung anong gagawin ni Andreah sa grupo nina Manon.
Sa totoo lang hindi ko kasi siya gusto. Ngiti pa lang kasi niya kay Esay ay alam ko na ang ugali niya.
-MissPhilosopa

Komento sa Aklat (243)

  • avatar
    Gena Detosil Bruzola

    i like this story,merong action.and love story meron pang comedy sa eksina,i love it thanks and keep writing a good story.πŸ’“πŸ’“

    23/08/2022

    Β Β 0
  • avatar
    AngananganFebamor

    I love this novel...maganda at nakaka aliw...gusto ko yung pagbabatuhan nila ng mga salita,they made me laugh...di sya yung effort magpatawa..matatawa ka na lang talaga habang binabasa mo mga palitan nila ng words...matatawa ka sa mga painosente nilang ways...sa kabuuan maganda ang kwento at nakakaaliw...kudos to the author! πŸ‘πŸ‘πŸ‘πŸ‘πŸ‘‹ to the author...meron ka pa bang ibang novel na na published na complete?😊

    11/03/2022

    Β Β 8
  • avatar
    RayelaElizer James

    I want to give novelah 100 pts

    20d

    Β Β 0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata