Nagluto kami ni Ate Senya ng sinigang na manok at adobong manok. Nakapag-saing na rin. Si Manang, Ate Senya, ako at ang matandang lalake kanina ay nakaupo na ngayon sa hapag kainan. Akala ko nagluto kami para sa amo, bakit kami ang nakapwesto rito? "Pwede po ba akong magtanong?" Salita ko at tumingin sila sakin. "Ilan po ang amo? Saka sino-sino po?" Pagpapatuloy ko. Baka mamaya makasalubong ko, wala akong kaalam-alam na amo pala yun. Palayasin pa ako, sabihin bastos kapag hindi na bati. "Isa lang ang amo at ang Senyor iyon. Mamaya pa kakain yoon dahil hindi pa gutom. Saka ayos lang din na kumain na tayo dahil binigyan tayo ng karapatan ng Senyor." Sagot sa akin ni Manang. "Ilang taon na po ang Senyor? Saka gusto ko po sanang magpakilala para----" "Twenty-one Aia. Makikilala mo rin ang Senyor, busy lang siya." Putol sa akin ni Ate Senya. Ahh mas matanda pala sa akin, pero konti lang ang agwat. Pero sa ganong edad ay college palang, tama? "Ikaw Ate Senya, ilang taon ka na?" Dahil sa tingin ko ay magkasing edad lang sila. "Twenty-two, at fourth year na. Single and ready to mingle." Nagtawanan kami, masaya silang kasama. Magagaan kausap kahit si Manang maypagka-masungit ang itsura. Solidad ang pangalan ni Manang at ang matandang lalake naman ay Felipe, kanang kamay ng Senyor dito sa bahay. Matapos kumain ay ako na ang naghugas ng mga pinggan. Hindi naman talaga ako marunong nito, pinagtyagaan lang ako ni Sky. "Ito pa, hugasan mo. Ayokong may dumi pang natira ah." Lapag niya sa pinagkainan nila ni Sean. Kaloka, tinatamad na ako. Ayoko na. "Kailangan ba talaga 'to? Nangangati na kamay ko." Reklamo ko. Sinasanay niya akong maghugas, maglinis, mag-ayos ng bahay. Dahil ipapasok niya nga ako isang bahay at mangangatulong. Sa una hindi ako pumayag dahil pakiramdam ko hindi ko kaya yun, at isa pa sa tingin ko pwede naman ako dito dahil mag-iisang linggo na rin ako sa lugar na 'to. "Para masanay ka, loka! Hahahaha, hindi ka pwedeng magtagal dito dahil binawalan ko lang sila pumunta dito, babalik din mga yun." Saad niya na parang nabasa ang iniisip ko. "Siya?" Tinuro ko si Sean. "Baka nakakalimutan mong tumulong siya sayo. Bilisan mo na lang dyan at magwalis at lampaso ka pagkatapos." Natapos ako sa paghuhugas at pumasok sa kwarto namin. Tulog na si Manang, si Ate Senya naman ay may binabasa sa laptop, nagaaral ata. Pumunta na lang ako sa drawer ko para kunin at lotion. Binigay sa akin to ni Sky, para daw hindi ako mangati pagtapos maglinis. Pumunta akong higaan at nahiga na. Ang ingay ni Manang, naghihilik. Humarap na lang ako sa pader. Bukas papalitan ko tong punda, orange. Nakalimutan ko, ia-update ko pala si Sky. Kinuha ko ang phone ko sa ilalim ng unan. Nagpalit ako ng phone, maliit na touch screen. Ayoko ng de-keypad, yoon ang unang bingay sakin ni Sky. Tsaka hindi naman makikita ito kaya okay na. Huwag ko raw ipapakita eh. Nag text ako sa kaniya ng mga nangyare, lalo na about sa Senyor. Nag-reply din naman agad ng 'ok', tinamad na naman ang babaeng yun. Hindi ako makatulog. Lumabas muna ako at pumuntang garden, makalanghap lang ng fresh air. Malamig na rin kasi, nine na. Naupo ako sa swing. Malakit ito, walang bubong, four seater at may lamesa sa gitna. Nangalumbaba na lang ako at pumikit. Nalala ko kanina ang binata. Napatingin ako doon. Sarado na ito ngayon. Kaninong kwarto yun? Sa Senyor? Sa kaniya siguro, dahil wala namang ibang natutulog sa taas. Nakalimutan ko ring itanong sa kanila ang pangalan ni Senyor. Biglang bumukas ang ilaw sa kwartong yun. Namatay din ka agad. Dumukdok na lang ako. Nangmedyo na ngawit ako ay tumayo na at pumasok. Napansin kong bukas ang ilaw sa kusina kaya pumasok ako. Nagulat ako sa lalakeng nakatalikod. Nakasuot ng hood at kumakain. Huminto siya sa pagkilos at nagsalita. "Manang. Call Manang." Napako ako sa aking kinatatayuan sa lamig ng boses. Katahimikan. Tulala lang ako sa kaniya. Nagising lang ang diwa ka noong kumatok siya sa lamesa. "Ta--tawagin ko-- po, saglit lang." Yumuko pa ako. Papunta na akong kwarto. Bakit ako yumuko? Hindi naman need nun. Pumasok na ako at nakitang tulog na si Ate Senya. Paano 'to? Gigisingin ko ba? Pero pagod na ang matanda at malalim na ang tulog. Si Ate Senya ay pagod na rin dahil nag aral pa. Napakamot na lang ako sa ulo. Bahala na. Lumabas ako at bumalik sa kusina. Nakaupo parin siya, hindi na kumakain. "Pasensya na po Senyor. Natutulog na po si Manang, pati rin po si Ate Senya. Gigisingin ko pa po ba?" Naghihintay ako ng sagot ng tumayo siya. "Go back to your room. After 20 seconds, clean these things." "Sige po." Yumuko ulit ako. Ano ba yuko ka ng yuko! Mabilis akong pumasok at nag bilang. Natapos magbilang ay bumalik ako sa kusina. Wala na siya roon, niligpit ko na lang ang pinagkainan niya. Weird, just weird. ////////// Lumipas ang tatlong araw ay nag-aabang ako dito malayo ng konti sa gate. Nagpaalam ako kay Manang na kikitain ko ang pinsan ko para sa iba pang gamit ko, pero ang totoo si Sky. Dumating si Sky sakay-sakay sa kaniyang bebe, buti hindi gaano nasira ang bebe. Binigyan niya ako ng helmet, sinuot ko naman agad at umalis na. Mahigit isang oras din ang byahe. Walang nagsasalita sa amin hanggang marating namin ang lugar nila. Walang tao ngayon dito, wala din si Sean. Hinubad ko ang helmet at sinuklay ang buhok. Maikli na ito, dati aabot hanggang bewang, ngayon hanggang balikat. "Balita?" Saad niya habang nakain ng cookies, binigyan niya rin ako at kumagat. "Ayos naman. Basta ang wierd talaga ng Senyor. Hindi ko na ulit siya nakita pagtapos nung gabing yun." Hindi na naulit ang pangyayaring yun, dahil noong lumabas ako ng ganon oras ulit ay hindi na siya lumabas. Dinadalhan na rin lagi ng pagkain sa kwarto. "Mag observe ka na lang." "Sino ba yun? Kilala mo?" "Hindi, wala akong makitang info about sa amo mo. Doon lang sa mga kasambahy. Pero wala namang kinalaman sa mga White." Speaking of White, ano na kaya ganap doon? Ngayon ko lang naalala, may tinakasan pala ako. Masyado ata akong nawirduhan sa amo namin. "Kamusta sila? Sila Kuya Ion? Sana mapatawad nila ako, hindi ko naman gusto ito pero wala akong mapagpipilian." "Our Ate can't marry that guy, kasi walang kwenta. This is so ridiculous!" Sigaw ni Lilian sa mga White. "Are you pranking us, Mommy? Daddy? This is not funny!" Baling niya sa kanila. "Enough! This is all true! This is her fate, you need to accept it." Ayoko nang pahabain pa, gusto ko nang matahimik. Dito rin naman mauuwi ang lahat, papatagalin pa ba? Hindi na mapipigilan, buo na ang desisiyon nila. Wala na akong magagawa. "I'll accept it. Magpapakasal ako." "Ate? Ate you can't!" Reklamo ng kapatid ko. Basta basta nalang akong tumayo at umakyat sa kwato. Hindipinapansin ang pagtawag sa akin. I'm sorry, patawarin niyo ako mga kapatid ko. This is all I can do, I'm sorry. "Hello? Sky. I plan to run away, please help me." Napahagulgol ako. Ito na lang ang nakikitang kong paraan, hindi na mapapakiusap ang magulang ko. "Is it final? Seryoso ka?" Tumango ako kahit hindi niya ko nakikita. "Oo, please. Tulungan mo ako. Ayokong makasal." "Arrasseo. Gawin mo lang pinapagawa nila, normal kang kumilos. Sa gabi, bago ka ikasal, contact me again, okay?" *Arrasseo - Alright* "Yes. Thanks." "Pinapahanap ka syempre." Kinabahan ako. "But don't worry, malayo ang Baliuag dito sa Le Serras." "Ikaw? Hindi ka kinuwestyon?" Umiwas lang siyang tingin. Lumapit siya sa isang bag at kinuha at binigay sa akin. "Nandyan ang punda. Low quality lang para hindi halata. Mga t-shirt at pants din na pambahay. Ito din pera." Humugot siya sa wallet ng limang libo at inabot sa akin, kuniha ko naman ito. "Salamat nanay!" Ngiti ko pa, natawa na lang siya. Tumunog ang kaniyang phone at tumingin sa akin. "Let's go. Paparating na sila." Sinuot na namin ang helmet saka lumabas. Binitbit ko na ring ang bag, nilagay ko rin doon ang pera, saka umalis na. Ilang minuto rin ay nagsalita siya, hindi ko maintindihan dahil sa helmet. Binuksan ko ang salamin saka nagsalita. "What did you said? I can't hear you." Halos pasigaw ko nangsabi para marinig din niya. "Your phone, don't leave it. Lagi mong dalhin yoon. Huwag mo ring pahahawakan." Sigaw din niya pabalik. "Narinig mo na?" Bumitaw ako sa pagkakahawak sa balikat niya at nag thumbs up sa harap niya. Binaba ko na rin ang salamin. Matagal-tagal rin ay nakarating kami, malayo ng konti sa gate niya ako binaba katulad kanina. "Ang bilin ko, huwag mong kalimutan." Tumango na lang ako at hindi na nagtanong pa. "Babye! Ingat." Kumaway-kaway ako. Hinintay ko muna siyang umalis saka ako naglakad. "Aia?" Napatalon ako sa gulat. Humarap ako at nakita si Ate Senya.
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
Thank you po and keep writing. ♥️
17/04/2022
0plss
07/11/2024
0maganda story
11/09/2024
0Tingnan Lahat