logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

LOVERS: 4

Chapter 4: Nanay Natty is the Best
Pagtapos ng want-to-sawang kadramahan nina Marina at Mika, sa wakas nakauwe na din sa pinas. Mika was excited to see inay Natty.. This is his first time to meet nanay natty.
"Hoy umayos ka sa harap ni inay."
Sabi niya.
"I know."
Sabi naman nito.
"Baka paalisin ka ni Inay kapag may ginawa kang di maganda. Huwag kang pilyo."
Tumango naman ang binata sa bilin ni Marina. She was excited to saw her mother. This is the first time ever na nagdala siya ng lalakeng kaibigan para lang mananghalian. Oo manananghalian lang sila.
"Nay, nandito na po kami."
Nagulat si Marina nang si Hasmin ang bumungad sa kaniya.
"Best, sino naman yang tukmol na iyan sa likod mo. Omo!! Ikaw pala Mika. Long time no see! Pomogi ka yata ngayon ah."
Lumapit si Mika kay Hasmin.
"Gwapo naman talaga ko Hasmin. Ikaw lang kasi masyado kang choosy."
Balik tanaw nanaman. Sabi niya sa kaniyang sarili. Alam niyang may nakaraan ang dalawa. Sweet heart ang mga ito noong college palang si Mika sa Spain at si Hasmin. They stop seeing each other noong magstop si Hasmin sa course nitong law. At lumipat sa pilipinas para mag-aral ng nursing.
"Shut up egg."
Tumalikod na si Hasmin. At sinundan niya ito. Nakita niyang madaming hatag sa lamesa.
"Anong meron?".
Ang daming handa.
" Ay, nakalimutan ko nandito nga pala si Mr. Gutyerrez, gusto ka niyang kamustahin kaya nagsadya na siya sa akin para samahan ko siya dito sa inyu. Nandoon siya sa Kusina. Tinutulungan si Nanay Natty."
Agad-agad siyang pumunta ng kusina. Inabutan niyang parang close na close na ang dalawa.
"Tikman mo to iho kung okay na."
Kinuha naman ng binata ang kutsarita at sumimsim ng sabaw ng sinigang.
"Wow nanay natty is the best. This is my first time na malasahan ang sinigang. In my life walang nagluto ng ganito sa bahay. Kaya pagpasensyahan niyo na ko kung medyo ignorante ko sa ganito. Pero para sakin. Masarap po talaga."
Napayakap ito sa inay niya.
"Ang sweet naman ng batang to. Sana ikaw nalang ang boyfriend ng anak ko."
Parehas nagtawanan ang dalawa. Tumalikod na siya at dumiretso sa kaniyang kwarto para magpalit ng damit. Paglabas niya. Nakaupo na ang lahat at siya nalang ang hinihintay. Pero biglang nakaramdam siya ng antok.
"Mariana. Huwag."
Iyan ang huli niyang sinabi.
**
"Nanay."
Sambit ni Mariana sa kaniyang ina.
"Ohh anak kain na habang mainit pa ang pagkain."
Alam niyang nagtataka na si Hasmin at Mika. Sino naman itong lalake na ito. Infaireness gwapo ang kuya mo.
"Nanay, gusto ko po ng adobo."
Kinuha ng mama niya ang adobo na niluto nito para sa kaniya. Hindi man lang niya nagawang tumikim ng sinigang. She hate sinigang.
"Nak ayaw mo ba ng sinigang? Paborito mo to hindi ba?".
Umiling siya.
" Hindi nanay, mas gusto ko yong adobo. Mas masarap e."
Batid niyang nagtataka ang kaniyang nanay pero hindi niya iyon pinansin.
"Marina.."
Pinutol niya ang sinasabi ng lalakeng nasa tabi niya.
"Gusto mo magdate tayo. Sige later after natin kumain."
Napapitlag ang binata ng hawakan niya ito sa hita.
"Marina, hindi iyon ang ibig kong sabihin. Gusto ko lang tanungin kong okay na ba ang pakiramdam mo."
Medyu nawiwirduhan na sa kaniya ang lalake dahil sa inasta niya.
"Ahh ganun ba. Okay naman ako kakagaling nga lang namin sa flight ni Mika babe e."
Sinaway siya ni Mika.
"Hey wag ganun. Nandito yung tunay na babe ko."
Humalakhak lamang siya.
"Excuse me Nanay. Tulog muna ko may jetlag pa ko. Salamat sa foods."
Humalik siya sa kaniyang nanay at tuluyan nang umalis sa hapagkainan.
**
"I think something weird with her?".
Sabi ko sa gitna ng pagkain.
" pagod lang siguro si Marian—este si Marina."
Sabi naman ng kaibigan nitong nagngangalang mika. Parang may iba talaga. Pati sa kaibigan nitong si Hasmin at Mika tila may alam ang mga ito na hindi namin alam ng mama ni Marina.
"Siguro napagod lang siya. Malayo-layo din kasi ang pinuntahan nila."
Sabi ng mama ni Marina.
"Siguro nga."
**
Pagkadating niya palang sa kaniyang unit ay ibinagsak na agad niya ang katawan sa sofa.
"May mali sa kaniya. Bakit hindi ko makita yung Marina na una kong nakilala. Yung inosenteng medyo desperada. Nasaan na iyon. Yung palaban pero magalang na Marina. May iba talaga sa kaniya. Parang ibang tao siya ngayon."
Niyakap niya ang unan ng sofa. At iniisip pa din niya ang dalaga.
" Kamusta na kaya ang puso niya? Nakaget-over na kaya siya kay Anthony. Okay na ba siya? O nagpapanggap lang na okay siya. Pero bakit parang hindi niya ko kilala. May kakaiba talaga eh. Bakit ganoon. Hindi ko talaga siya kilala. Ibang-iba talaga siya kay Marina."
Nakatulog na lang siya kakaisip kung si Marina ba talaga iyon. O sadyang nagiging over-acting lang siya mag-isip.
"Marina. Namiss kita. Yung pagiging lasinggera mo. Namiss ko iyon."
**
"Marina, gising na. Punta ka dito sa clinic."
Sabi nang kaniyang kaibigan habang kausap niya sa phone.
"Bakit Hasmin anong nangyare? Inaantok pa ako. Pwede ba mamaya nalang."
Biglang nawala ang antok niya ng marinig ang sinabi ni Hasmin. Agad-agad siyang nagtungo sa club. Nakita niyang nakaupo si Facundo sa bench at may hawak na libro.
"Marina. Long time no see."
Sabi nito sa kaniya.
"Nagkita lang tayo kahapon. Long na ba iyon?".
Natawa naman ang binata. Marina was shock, ngayon lang kasi niya nakitang nakangiti ang binata.
"Oo nga naman. Anong meron saiyo, sobrang naguguluhan ako saiyo parang ibang tao ka."
Sabi ni Facundo. Nabuking na ba siya nito?
"Hah? Paanong kakaiba?".
Tanong niya dito. Kahit alam niya na ang rason kung bakit nagtatanong ang binata.
" Alam mo ganoon lang ako kapag pagod."
Sabi niya dito. Halatang nagtataka talaga ang mukha ng binata. Tiningnan niya ang kaniyang pambisig na orasan.
"Ahh wait lang puntahan ko muna si Hasmin, hinahanap niya kasi ako."
Palusot niya. Iyon naman din talaga ang reason kung bakit siya pumunta.
"Sino si Marian ba iyon? Iyon ang binanggit nung lalakeng nagngangalang mika."
Tatalikod na sana pero nabanggit nito si Mariana, alam kong si Mariana iyon. Pinigilan ko siya pero hindi siya nagpatinag.
"Hahaha Marina ako hindi marian. Nagkakamali lang ng tawag sakin iyong si Mika may mas sanay kasi iyon sa English name kaysa sa tagalog name."
Palusot niya. Para siyang naiihi sa kaba ng mga sandaling iyon lalo pa at napakagwapo ng kaniyang kaharap. 'Please stop teasing me'. Sabi niya sa kaniyang isip.
"Ahh ganun ba. Edi Marian nalang din itatawag ko saiyo. May lahi din naman ako at di din ako sanay sa tagalog name. Even my name isn't literal tagalog name. This is spanish name from my dad. But you can call me Cundo. And I call you Marian."
Nakahinga na siya ng maluwag nang mauto niya ang binata.
"Sige, dito na ko. Hinihintay na ako ni Hasmin."
Tumango naman ang binata at kumaway-kaway pa sa kaniya. Nanlumo naman siya ng tumalikod na siya at hindi nanaman niya nakita ang mukha ng binata. Nang makarating sa clinic. Inabutan niya si Hasmin na may inaasikaso na pasyente.
"Best. Bakit mo ko pinapunta agad-agad dito. Ano ba iyong importanteng ipapakita mo. Siguraduhin mong maamaze ako o masusurprise diyan sa ipapakita mo hah."
Sabi niya dito. Lumapit si Hasmin sa kaniya at hinila siya papunta sa isa pang ward doon. Nanghina ang kaniyang buto. Hindi lang familiar sa kaniya ang pasyenteng nasa kabilang ward. Kundi kilalang-kilala niya pa.
"Anthony."
Bumagsak ng di sinasadya ang kaniyang maiinit na butil ng luha. Nanlalabo ang kaniyang mata. Kapag naglalawa ng luha ang kaniyang mga mata, panigurado mayamaya magsisimula ng mamaga ang mata niya. Pinaglihi daw sa sibuyas asar ng mga kaklase niya noong elementary palang siya.
"Nalaglag siya sa sinasakyan niyang motor nung nasa golf area sila. Maging ako nagtataka kung paanong nahulog yang si Anthony. Sabi ng mga nakakita may nanadya daw na sirain yung break ng motor. Kaya tumilapon siya."
Nilapitan niya ang binata. Hindi pa din nawawala ang pagmamahal niya para dito. Kaya hindi niya maiwasan sisihin ang sarili. Kung sanay magkasama sila baka hindi nadisgrasya ang binata. Pero hindi naman siya ang dahilan ng break-up. Si Anthony naman ang may sala. Playboy ito masyado iyan ang rason. At pinalitan siya. Pero ano ito ngayon si Anthony, ni wala man lang nagmamahal, ni wala man lang bantay, wala man lang dalaw. Tanging siya lang ang taong makikita ni Anthony sa paggising nito.
"Magkakabalikan pa kaya kami neto?".
Tanong niya sa kaibigan.
" Seryoso ka? Bakit iyan pa ang iniisip mo? Palipasin mo muna Marina."
Tumango nalang siya at hinawakan ang kamay ni Anthony at nanalangin para sa kalusugan at para gumaling na ito.
"Sana maging okay din tayo yat".
(Yat — for payat. Tawag niya kay Anthony.)
Taimtim siyang nanalangin hanggang sa nakatulog siya habang hawak ang kamay nito.
--End of Part 4--

Komento sa Aklat (76)

  • avatar
    CastroMark

    thank you for your

    10/06

      0
  • avatar
    Miraflor Datchile

    ganda ng story

    11/04

      0
  • avatar
    GeneralCAVITE

    ●●●●>●●●●

    03/11/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata