logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 7

"HINDI!"
"Binibini ko..."
Napalingon agad ako sa nagsalita. Mabilis akong napabangon ng makita ko si Riyu na bahagya pang nakaangat sa ere ang dalawang kamay habang hawak sa magkabilang dulo ang tela.
Kinapa ko kaagad ang dibdib ni Riyu at tiningnan kong maigi kung may sugat ba doon. Pero malinis iyon. Pati ang mukha nya ay walang bahid ni isang patak ng dugo.
Nakahinga ako ng maluwag pero sunod sunod na tumulo ang luha ko dala ng sobrang saya.
"Binibini ko, kung ano man iyon nakakasiguro akong masamang panaginip lang iyon."
Binaba ni Riyu ang tela sa bao na may laman na pinakuluang herbal at inangat ang mukha ko. Pinunasan nya ang mga luha ko gamit ang hinlalaki nya. Nginitian nya ako at inalalayan ulit na mahiga.
"Nasa kalagitnaan pa lang ng gabi, binibini ko. Magpahinga ka pa. May kaunting lagnat ka pa din."
Piniga nya ulit ang tela saka inilapat ng maayos sa noo ko. Nakatingin lang ako sa kanya. Ayaw kong mawala sya sa paningin ko, kahit na hindi kami magkasundo ni Riyu ay ayaw ko pa din na masaktan sya ng dahil sa akin.
"Matulog ka pa binibini ko, malayo pa ang umaga." Sabi nya habang nililigpit ang ginamit nyang bao.
Patayo na sana sya ng hawakan ko ang isang braso nya.
"Pwede bang dito ka lang muna?"
Hindi ko alam kung paano ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin yon. Basta ang alam ko lang, ayaw kong mapahamak sya.
Baka kasi paglabas nya sa pinto ng kubong ito ay mangyari ang nasa panaginip ko. Ayoko. Ayokong magkatotoo iyon.
Lumapit naman sakin si Riyu at naupo ulit sa tabi ko. Nakatitig lang sakin ang lalaki at mayamaya ay ngumiti din naman.
"Sige binibini ko, kung yun ang gusto mo. Dito lang muna ako sa tabi mo kaya matulog ka na."
"Si Bel?" tanong ko.
Baka kasi pahiwatig ng panaginip ko na sinusumbong pala kami ni Bel.
"Kakatulog lang ni Bel. Sinabi ko sa kanya na ako na muna ang magbabantay sayo para makapagpahinga naman sya."
Inayos nya ang pagkakakumot sakin bago ulit nagsalita. "Kaya magtulog ka na din ulit, binibini ko."
Umiling ako.
"Ayoko matulog. Baka paggising ko magkatotoo yung panaginip ko."
Napabuntong-hininga naman sya. Hinawakan nya ang kaliwang kamay ko ng mahigpit. Para bang sa paraan na iyon ay sinisigurado nya sakin na hindi sya aalis. Nakaramdam din naman ako ng kapayapaan dahil doon at nakatulog din mayamaya.
----
Huni ng mga ibon ang gumising sakin. Nakapa ng kanang kamay ko ang tela sa noo ko. Natuyo na iyon kaya pala nangati na ang parte ng noo ko na natapalan noon. Hindi na din ako nilalagnat.
Napalingon ako sa kaliwang bahagi ng higaan ko. Patagilid na nakahiga si Riyu sa tabi ko, paharap sa akin. Hawak hawak nya pa din ang kaliwang kamay ko bagamat hindi na ganon kahigpit.
Dahan-dahan akong naupo para hindi magalaw ang pagkakahawak nya sa kamay ko. Ngayon ko lang napagmasdan ang maamong mukha ng lalaking ito. Makapal ang maitim nitong mga kilay, mahahaba ang pilik mata, matangos na ilong at mapula ang mga labi.
May kahabaan ang buhok ni Riyu di gaya ng normal na gupit ng isang lalaki. Kaya ng humangin ng kaunti ay may iilang hibla ng buhok ang napunta sa mukha nya. Hahawiin ko sana iyon ng magmulat sya ng kanyang mga mata.
Sa sobrang taranta ko, ang dapat na paghawi ng buhok nya ay nauwi sa pagsampal ko sa kanya!
Pagkasampal ko sa kanya ay bigla naman syang napaupo at bahagya pang hinihimas ang pisnging nasampal ko. Nakakunot noo din sya sakin at nakatingin ng may pagtatanong.
"Ano... pasensya na. May... may lamok kasi na dumapo. Oo tama! May lamok kaya pinatay ko kaagad bago ka pa kagatin. S-sorry..."
Inulit nya ang huling sinabi ko. "Sori? Anong ibig sabihin ng sori?"
Natampal ko ang noo ko. Oo nga pala! Hindi nila alam ang salitang ingles.
"Sorry, ang ibig sabihin ay magandang umaga. Hehe!"
Tumango tango naman sya.
Ay, uto-uto.
"Hindi ko alam kung saan mo nakukuha ang mga kakaibang salita na gaya niyan pero kung ganon, Sorry binibini ko."
Ngiting ngiti nyang sabi pagkatapos ay napahawak ulit sa pisngi nya.
Sorry din Riyu. Mukhang napalakas yata ang sampal ko.
----
"Binibini, kumain po kayo ng masusustansyang gulay na ito para bumalik po kaagad ang inyong lakas."
Hindi ko na nagawang tumanggi kay Bel dahil habang nagsasalita sya ay nilalagay nya din sa aking pinggan ang mga gulay. Halos gabundok na iyon!
Tatawa tawa naman si Riyu sa gilid ko habang pinagmamasdan kaming dalawa. Nakasimangot na ako habang kumakain.
Oo, mahilig ako sa gulay pero wag naman ganito kadami! Baka maging kulay green na din ang echas ko mamaya nito.
Pagkatapos namin kumain, nagpaalam si Bel na kukuha sya ng mga halamang gamot na pwede kong inumin para tuluyan na akong gumaling.
Nang mawala si Bel sa paningin ko, kinalabit ko si Riyu.
"Samahan mo ako sa tawid ng ilog."
Tinaasan nya ako ng kilay. "Ano naman ang gagawin mo doon, binibini ko?"
"Basta! May kailangan akong linawin. Siguradong hindi na sasakit ang ulo ko pagbinalikan ko yun doon."
"Hindi. Baka mamaya mas malala pa ang mangyari sayo, binibini ko."
"Sige na Riyuuuuu~"
Ilang minuto pa kaming nagpilitan ni Riyu. Nung una talaga ay ayaw nya. Kita sa mga mata nya ang matinding pagsalungat sa gusto ko. Buti na lang sumuko din sya at pumayag na samahan ako. Kasi ako wala akong balak tigilan sya.
----
Pagdating namin doon ay biglang nawala ang bulaklak na nakita ko. Mga halamang gamot at ibang halaman na lang ang nandoon.
Tumayo pa ako sa pinakaeksaktong lugar kung saan ko iyon nakita pero wala na talaga yon doon. Kahapon lang naman yun nangyari pero wala ni isang bakas doon na may binunot na halaman.
"Ano ba talaga iyon binibini ko?"
Hindi ko sinagot si Riyu.
Bakit ba ganon? Bakit biglang nawala yung bulaklak dito? At isa pa, hindi ko na maalala ulit ang mukha ng babaeng dumaan sa isipan ko kahapon.
"May dati bang nakatayong kubo dito?" Tanong ko kay Riyu ng humarap ako sa kanya.
"Me---"
"Binibini! Paparating po ang punong babaylan! Kailangan po nating magmadaling bumalik sa kubo nyo." tarantang sigaw ni Bel sakin habang kinakampayan akong lumapit sa kanya.
Tiningnan ko ulit si Riyu. Tumango lang sakin ang lalaki at nginuso si Bel.
"Binibini halina po kayo! Madali!"
Wala na akong nagawa at iniwan na lang doon si Riyu. Tumakbo ako papunta kay Bel. Hindi pwedeng makita ni Mathilda si Riyu dahil baka kung ano pa ang mangyari.
Tiningnan ko naman si Bel sa tabi ko na hawak ang kamay ko at tumatakbong kasama ko.
Sana nga hindi ka ganoon sa paniginip ko Bel. Sana hindi mo isumbong kay Mathilda ang tungkol kay Riyu.
Kapag nangyari ang bagay na iyon, hindi ko alam kung ano pa ang mararamdaman ko.
Saktong pag-akyat namin ay nakasalubong namin si Mathilda. Sabay kaming napatigil ni Bel. Ganon na naman ang tingin ni Mathilda, blangko. Hindi mo mahuhulaan kung ano ang nasa isip nya. At iyon ang bagay na ikinababahala ko sa tuwing kaharap ko sya.
"Saan kayo galing?" tanong nya.
Nakita ko ang pamumutla ni Bel at ang nakayukong paglapit niya kay Mathilda.
"N-namasyal po ang binibini... s-sa tawid po ng ilog." napapikit si Bel ng banggitin ang tawid ng ilog.
Nalipat naman ang tingin ko kay Mathilda. Walang nagbago sa ekspresyon nya.
"Hindi ba't sinabi kong wag mong hahayaan pumunta doon si Anastasia?" nabigla ako ng tumingin sakin si Mathilda at ngumiti. "Alam mong may kaakibat na parusa ang di pagsunod sa bilin ko... Bel."
Malinaw na kay Bel nya yun sinabi pero parang sa akin nya ipinaparating iyon. Base pa lang sa tingin at ngiti nya sakin, alam kong sakin pasaring yon.
Taas noo ko syang hinarap.
"Walang kasalanan si Bel. Ako ang nagpumilit na pumunta doon."
Saglit nya akong tinaasan ng kilay. "Hindi ko maintindihan kung bakit ka pa babalik sa lugar na--"
"Paumanhin po punong babaylan ngunit wala pong naaalala ang binibini. Kaya po siguro sya nagpunta doon upang mamasyal lang talaga."
Ano ba talagang meron sa lugar na yon? Bakit sa tuwing may mababanggit na patungkol doon ay biglang nauudlot. Bakit? Ano bang nangyari kay Anastasia?
"Ah, oo nga pala. Nakalimutan kong nagkasakit ka. Baka dala ng pagkakasakit mo ang sandaling pagkawala ng mga alaala mo. Hintayin na lang natin bumalik ang mga iyon ng maunawaan mo." tumalikod na sya samin at naglakad papunta sa kubo ni Bel. Sumunod naman kami.
"Naparito ako upang tingnan kung maayos ba kayo rito."
Tumigil sya saglit at itinaas ang kanan nyang kamay. Mayamaya ay may dumapo doong kalapati.
"May nakapagbalita kasi sakin na may nakapasok sa hangganan. Mukhang wala namang problema kaya babalik na ako sa aking kubol."
Inikot nya pa ang buong paligid bago sya tuluyang umalis.

Komento sa Aklat (41)

  • avatar
    Jhuvan Halili

    please rubax

    22/08

      0
  • avatar
    Lvan Cartativo

    wkuduajhsie

    09/07

      0
  • avatar
    lsnainClint Brads

    mahal ishsisisisuududududuud88diduududssy9s9yy9d9gd9f

    05/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata