logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 2

Nauna na kaming bumaba ni mama kasi sa kabilang kanto pa ang bahay nila Angelou. Inihatid na sya ni papa para hindi na sya maglakad.
Pagkapasok namin sa bahay hindi agad ako pinadiretso ni mama sa kwarto ko. Pinaghintay nya ako sa sala, mayamaya lang may dala na syang ice pack at marahan na nilapat sa bukol ko.
"Anak siguro mas maganda kung mapatingnan natin yan sa hospital?" Pag-aalala pa din ni mama.
"Okay naman po ako ma. Hindi na din po ako nahihilo saka hindi naman po masakit ang ulo ko. Kung gusto nyo po, bukas ng umaga na lang po. Kahit half day na lang po tayo pumasok sa school. Pagod na po kayo ni papa sa trabaho, kailangan nyo din po magpahinga."
Ito ang ayaw ko, ang mag-alala sila mama.
Sobra sila kung mag-alala tuwing nasasaktan ako. Hindi ko naman sila masisi kung bakit. Nag iisang anak nila ako kaya ganon na lang sila kung alagaan ako.
Hindi na kasi kakayanin ni mama kung magbuntis pa sya ulit. Baka pareho na sila ng baby mapahamak. Masyadong maselan si mama magbuntis kaya hindi na ako nasundan.
Hinintay lang namin si papa at kumain na kami ng hapunan.
Around 8pm nagpaalam na ako na pupunta na ako sa kwarto ko para makapagpahinga.
------
4am
Iyon ang naaninaw kong oras sa wallclock na nasa kwarto ko.
"Ma?"
Nahihilo ako. Ang lamig lamig ng mga palad ko.
"Mama?"
Dahan dahan akong bumaba sa kama.
Bakit ganon?
Bakit ang dilim dilim?
Bakit ang lamig?
Bakit para akong dinuduyan?
Para akong lasing habang binabaybay ang kusina. Umiikot ang paligid ko. Hindi ko alam kung bakit. Nasusuka na din ako dahil sa nararamdaman kong pagkahilo.
Kahit na pasuray-suray ang lakad ko at muntik na akong matumba, nakahawak pa ako sa kanto ng lamesa.
Doon ako kumapit para makarating sa lalagyan ng baso. Kumuha ako ng isa noon at pinilit na marating yung ref. Bawat hakbang ko ay parang isang kilo ang bigat na nadadagdag sa mga binti at paa ko.
Iniling ko ng tatlong beses ang ulo ko baka sakaling umayos ang paningin ko pero...
pagbagsak ng baso ang narinig ko.
Basag!
Kasabay non ay ang malakas na pagtama ng pisngi ko sa malamig na sahig.
------
"Tweeet! Tweeet! Tweeet! Tweeet!"
Sinong nagbukas ng bintana? Silaw na silaw ako. Saka kelan pa nagkaibon sa kwarto?
"Bakit buhay pa din ang babaylan na yon?!"
Napaupo ako sa lakas ng pagkakasigaw.
Galit na galit ang boses ng lalaki na yon. Napansin kong nasa likuran ako ng mga nagtataasang damo at maliliit na puno ng kahoy.
Nakita ko sa unahan noon ang limang tao. May apat na lalaki sa harapan ng isang lalaking siguro ay mga nasa edad na mid 40's.
Nakatungtong sila sa pinutol na kahoy pero hindi pantay ang pagkakaputol niyon. Mula sa mababang putol hanggang sa pataas. Parang ranggo ng bawat isa.
Pinalipat ng medyo may edad na lalaki yung padalawa sa mataas na putol ng kahoy sa pinakamababa. Kung tama ang nasa isip ko at kung by rank nga sila, from 2nd rank bumaba yung lalaki na yon sa 4th rank.
Tumalikod ang may edad ng lalaki at ng biglang humarap ito ay hinagupit nya ng latigo ang dalawang nasa gitna.
Ang 2nd at 3rd rank!
Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. Ang nakakapangilabot, parang usok na naglaho ang dalawang tinamaan.
"Kapag hindi mo pa din nagawa ang inuutos ko, maglalaho ka din ng katulad nila... Riyu."
Dahan dahan akong tumayo at mabilis na tumakbo paalis sa lugar na iyon.
Hindi ko maintindihan.
Bakit ako nandoon? Bakit nasa gubat ako? At bakit parang alam na alam ng mga paa ko kung saan ako papunta?
Muntik na akong madulas ng mapaapak ako sa malalaking tuyong dahon ng may biglang humawak sa kaliwang braso ko.
Muntik na. Muntik na akong dumiretso sa bangin!
"Salama--"
Halos himatayin ako ng makita ko ang lalaking bumaba ng ika-apat na ranggo kanina. Alam kong sya yon. Nakita ko ang mukha nya ng lumipat sya ng pwesto!
Delikado ako sa taong ito. Kailangan kong makaalis at makalayo sa kanya.
Hinila ko ang braso ko sa kanya at mabilis na tumakbo palayo. Hindi ko alam kung paano ko sya tuluyang nalayuan. Basta ang alam ko, tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa narating ko ang dalawang kubo.
May dalagitang sumalubong sa akin. Meron pa syang yakap yakap na mga tuyong kahoy at mababakas sa mukha nito ang gulat at tingin na hindi makapaniwala.
"Binibini! Gising na po pala kayo."
Natigilan sya ng mapatingin sya sa paa ko kaya napayuko din ako doon. Madumi yon. Naghalo na ang putik at alikabok. Ni wala akong tsinelas!
"Mahabaging Bathala! Saan kayo galing binibini?!" aligaga nyang tanong at mabilis na binaba ang hawak hawak nyang mga kahoy.
Inalalayan nya ako papasok sa medyo malaking kubo at pinaupo doon. Hinugasan nya din ang mga paa ko at binigyan ako ng inuming tubig.
"Sino ka?" tanong ko sa kanya pagkatapos kong uminom ng tubig.
"Binibini..." malungkot nyang sabi.
"Ako po ito, si Bel. Ako po iyong ibinigay sa inyong tagapag-alaga at tagapag-silbi. Siguro po naapektuhan ng sakit ang inyong memorya kaya hindi nyo po ako maalala. Isang buwan din po kasi kayong nakaratay."
Nginitian nya ako saka inayos ang buhok ko.
"Pero wag po kayong mag-alala binibini. Babalik din po ang alaala nyo pagdaan ng mga araw. Pero binibini, wag na po ulit kayong tatakbo sa gubat lalo na po sa gawing pakanluran. Mahigpit pong ipinagbawal iyon ng punong babaylan."
Punong babaylan?
Sino yun? At bakit ako nandito? Anong lugar kaya ito?
Nananaginip ba ako?
Inabutan ako ni Bel ng salamin pagkatapos nyang ayusin ang buhok ko. Halos maitapon ko ang salamin ng makita ko ang repleksyon ko doon.
Masyadong perpekto ang kilay ko na akala mo ay nakaeyebrow tatoo ako. Ang mga mata ko, mabibilog iyon at kulay brown. Malalantik ang mahahaba kong pilik mata. Ang ilong ko ay iba ang pagkakatangos. Mapupula din ang manipis kong mga labi. At ang buhok ko! Tuwid at mahaba. Hanggang balakang ko iyon at kakulay ang buhok ng mais.
Ako ang babaeng ito na.... hindi ako?
Hindi ganito katangos ang ilong ko at kulay itim ang bilugan ko ding mata. Manipis din ang labi ko pero hindi ganito kapula. Kailangan ko pang magliptint para matakpan ang maputla kong labi.
Pero nahahawig ko ang babaeng ito.
Napansin ko din ang suot kong damit. Bestidang kulay puti. Longsleeve din yon at may garter sa bandang pulso.
"Binibini, kanina nyo pa po tinitingnan ang wangis nyo at ang inyong suot. May problema po ba?"
Tanong nya habang dinadampot isa isa ang mga kahoy na binaba nya kanina.
"Anong pangalan ko?"
Hindi nya napansin ang tanong ko dahil sa dumating na kulay puting kalapati. Pumatong iyon sa balikat nya. Agad nya namang kinalas ang nakataling papel sa paanan ng ibon.
Binasa nya yon at nanlaki ang mata nya.
"Binibini! Kailangan po nating pumunta sa punong babaylan ngayon din!" taranta nyang sabi at hinanap ang sapin ko sa paa.
Napatitig ako sa alpombra na nilapag nya sa harapan ko. Hindi ko alam kung saan gawa yon pero mukhang hindi naman masakit sa paa.
"Binibini sige na po. Kailangan po nating pumunta ngayon na."
Bakit ganon? Bakit may pakiramdam ako ng ayaw kong pumunta? Bakit may nag uudyok sa loob ko na wag akong sumunod? Bakit?
"Binibini?"
Pero kailangan ko ng kasagutan. Naguguluhan ako. Kung panaginip man to kailangan kong magising na. Kung dala naman ito ng imahinasyon ko dahil ng pagkakabagok ko, kailangan ko din humanap ng paraan para magising sa realidad.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at isinuot ang alpombra. Hahawakan ko sana sa braso si Bel kaso lumayo agad sya at umiling. Isinenyas nya sakin na sa bestida ko ako kumahawak at bahagya kong itaas para hindi yon lumapat sa lupa. Nauna syang maglakad habang ang kalapati ay nasa balikat nya pa din.
Kabaligtaran ng pinanggalingan ko kanina, pasilangan ang lakad namin ngayon.
-----
Hindi ganon kasukal ang nilakadan namin. At pansin kong mas maaliwalas dito kumapara sa kabila kanina. Medyo malamig ang simoy ng hangin doon at hindi gaano nasisikatan ng araw dahil sa naglalakihang mga puno ng kahoy.
Maliwanag ang paligid pero hindi maramdaman ang init ng araw. Siguro ay pinasayaw ng hangin ang mga puno kanina kaya tinamaan ng sinag ang mukha ko.
"Kaunting lakad na lang binibini at makakarating na tayo."
Pamilyar sakin ang lugar pero hindi ko matandaan kung saan at kelan ko ito nakita.
Masarap ang simoy ng hangin at hindi ganoon kasakit sa balat ang sikat ng araw na tumatama sa akin.
Konti pa ay narating na namin ni Bel ang lugar.

Komento sa Aklat (41)

  • avatar
    Jhuvan Halili

    please rubax

    22/08

      0
  • avatar
    Lvan Cartativo

    wkuduajhsie

    09/07

      0
  • avatar
    lsnainClint Brads

    mahal ishsisisisuududududuud88diduududssy9s9yy9d9gd9f

    05/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata