logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 7: Part ways

Ilang linggo na rin ang lumipas after the canteen incident, kung saan parang tutang inabanduna si Nhick sa sobrang takot sa akin like duh kala mo naman ‘di pa sanay at ‘di niya alam na ginu-good time ko lang din siya HAHAHA!
Those weeks have been so drupiferous as in sobrang exhausting talaga but it’s worth it naman kahit pa ‘di kami napabilang for Nationals, ang mahalaga ginawa namin yung best namin at nag enjoy kami, enough na rin ang mga na received naming awards like second best anchor and such.
Honestly, hindi na talaga namin inisip na kailangan naming mag champion kasi alam naman namin na if its meant for us, then kami iyong mananalo kaya tanggap namin na iba ang nagchampion since deserved naman din nila ‘tsaka sa contest kasi ‘di naman lagi mananalo tayo, minsan we need to accept defeat and have a sportsmanship. Yun bang gawin nating motivation itong bawat pagkatalo natin to strive harder para mapunta sa top and also kailangan natin i- accept na hindi lahat ng gusto natin ay makukuha natin in just one snap kun’di kailangan natin itong paghirapan.
At minsan kailangan din nating i-let go yung mga bagay at taong kailangan nang bitawan to move forward kahit pa mahirap.
Well, nagtataka siguro kayo kung ba’t biglang napunta sa let go-let go ang pinagsasabi ko ‘no?
Its been also almost a month or 2 since he talked to me after we lost communication since nagvacation from school.
Actually, ‘di ko in- expect lahat, lahat ng nangyari, it was just like parang you know, kahapon lang you two are both okay then suddenly biglang gano’n ang mangyayari.
June 24 at 5:30 PM -------- ‘yan iyong time na I received a message from him. Actually for me even we lost communication those times the connection is still there, kasi para sa akin okay Lang since kailangan namin both ng separate time for our family, friends and such yung tipong just like before, noong ‘di pa kami alam niyo ‘yon—ayaw ko i-deprived sakanya iyong mga bagay na ginagawa niya before, so ‘di ko rin siya kinukulit cause I understand.
That time for me gusto ko lang din intindihin siya since most of the time, siya kasi talaga ang mas understanding saming dalawa, sobrang tyaga niya lalo sa mood swings ko.
{Hi?} I was actually doing nothing when I received a message from him so I reply agad since ngayon lang kami mag uusap.
The conversation then went on until I ask—
{ Are we fine? I mean.. kumusta tayo, ang relationship natin? Tayo pa ba?} actually kanina pa kasi ako kinakabahan na parang may something na mangyayari na ‘di ko lang maintindihan kung ano,  so nagtanong na ako since parang kanina pa siya may gustong sabihin like hindi niya lang alam kung paano sisimulan.
{Cool off}
Dalawang salita— salitang nagpatulo ng luha ako.
Ewan ko, I should be happy right?
He’s just asking for space ‘di ba?
Pero bakit parang may iba?
Something   struck me! Patuloy lang ang pagtulo ng luha ko as if new falls had been made and discovered because of my eyes na ayaw huminto sa kaluluha.
An'sakit! ewan ko pero iba talaga ang pakiramdam ko.
Alam ko mali, mali na gan'to ang nararamdaman ko pero kasi why would he asked for that ‘di ba?
Dahil sa pag iyak ko I stopped replying to his messages. Tinatanong niya kung okay lang pero wala akong masabi kahit pa gusto kong sabihing hindi as in hindi ako okay, Hindi okay 'yong gusto niyang mangyari, hindi okay kasi 'di ko maintindihan.
Wala akong magets na kahit ano na parang nabobo ako bigla at kahit anong isip ko walang nangyayari.
{ I'll call okay?} mas naiyak pa ako lalo because of that kasi alam niya nang hindi ako okay, kaya gusto niya mismong marinig iyong boses ko to confirm.
{'Wag na! I need to rest na kasi masakit ang ulo ko, goodnight.}
{Nah! You're crying Kaya masakit ulo mo. Come on let's talk please?}
Ang bvbo ko talaga ba't ko ba sinabi iyon. Tsk sinabi ko na lang sanang busy ako para ‘di niya nalaman na umiiyak ako shte!
Bakit ba nakalimutan kong basang-basa niya na ako, na like every time he'll ask to call and I was crying nase-sense niya agad dahil sa mga choice of words ko, I'm such a boba.
Well, ano pa bang magagawa ko e mas sinasaktan ko lang ata iyong sarili ko dahil sa pag iisip ng kung anu-ano.
Nakalipas na ang ilang oras pero umiiyak pa rin ako like ewan ko lang huh kung anong meron sa mga matang ito at tila di ata napapagod.
Nasa gan'yang lagay ako magdamag at ‘di ko na rin inabalang punasan ang luhang tumutulo since wala rin namang silbi if I do, hanggang sa makatulog na lamang ako sa sobrang bigat ng pakiramdam ko......
---------------------------------------------------------------------
You've got a text message!
'Wag kayong tatawa HAHA message ringtone ko yarn!!!!
Ohh? Tanghali na pala shems obobs ko naman, kung 'di pa ako naka- received ng text hindi pa ako magigising the fact na almost 7 na pala hehe !
Actually, ang sakit ng ulo ko!
Ba’t ba kasi ako umiyak kagabi kashungahan ko talaga e ‘no!
Nakalimutan ko yatang may pasok pala kami ngayon huhu.
{Hi! Good morning}
Pagkabasa ko niyan napangiti ako like kala mo 'di ako umiyak magdamag 'no HAHAHAHA. Sorry na marupok eh, so ayon imbis na bumangon na.. inuna ko pa ang makipagtext!
{Hmmm--- kumusta? Okay lang ba iyong kagabi?} maingat na tanong niya since alam niya talaga na 'di ako okay kagabi kahit pa hindi ko sinabi
So, para mapanatag siya sinabi kong okay lang since okay na naman ang pakiramdam ko pero mali atang sinabi ko na okay kase—
{Break na tayo?} Owh shte! Bigla akong natigilan dahil sa tanong niya.
So ito 'yon? Ito iyong dahilan kung bakit kahapon pakiramdam ko may ibang mangyayari? HAHA
Nagreply naman ako ng "Hindi" but then bigla akong napaisip so agad kong dinugtungan iyong text ko saying....
"HINDI... PERO KUNG SAAN KA MASAYA SIGE OKAY LANG. KUNG 'YAN ANG GUSTO MO 'DI KO PIPIGILAN AS LONG AS YOU ARE HAPPY. HINDI KO PIPIGILAN KUNG ANO ANG MAGPAPASAYA SAYO AND THANK YOU FOR BEING THERE WHEN I NEEDED YOU THE MOST, I LOVE YOU!"
Then after that I'm about to go to school na as if nothing happens.
Ewan, pero 'di na ako naiyak siguro kasi naiyak ko na lahat kagabi.
Like parang wala na in-accept ko na lang na this is our end  at naintindihan ko naman iyong reasons niya.
Maybe we are still too young.
Maybe masyado kaming nagmadali....
Maybe Hindi pa kami gano'n kahanda to enter a serious relationship...
Pero kahit gano'n totoong minahal ko na siya..
10 months is enough para masabi ko na naging totoo naman kami sa isa't isa.
At alam kong tama siya na, hindi pa kami ready.
"Siguro 'di pa ito iyong time for us! Baka masyado tayong nagmadali, pero hindi pa pala natin Kaya but remember I really love you, okay? Maybe if the time is right pwede na at kung talagang tayo fate will find its way right!"
That's actually what he told me.
At parang gusto ko ulit umiyak but nothing came out tho.
And I already accepted naman e that he's right but not on part na 'hindi pa TAYO handa and masyado TAYONG nagmadali' kase I knew na AKO at hindi KAMI  'yong hindi handa because I know he is sa mga efforts niya.
It's not the "it isn't you it's me" reason but rather the time isn't just perfect for us.
I was silently walking when I suddenly bumped into someone.
I was about to cry right after I averted my sight to him.. looking straight to those debilitating eyes that used to stare at me with so much adoration and appreciation before.
He seems so happy today na nakakapanghina kasi ako nahihirapan akong magpanggap na 'di apektado, like ang totoo is kanina pa gustong kumawala ng mga luha sa mata ko right after kong matitigan ang mga mata niya na nag-gloglow.
Bakit parang ako lang yata iyong nasasaktan?
May iba na Kaya?
Oh here comes again, me over thinking about everything hayst!
He's about to hold my arm but I turned my back on him immediately, kasi baka makita pa niya ang mga luhang malayang naglalandas sa mukha ko.
Akala ko ba tapos na!
Why does he seems to care?
Pwede bang 'wag na lang kasi mas nahihirapan ako pag gan'yan siya.
"Khashirra w-wait!" abot Niya sa akin ng panyo bago pa ako makalayo nang tuluyan.
Why of all times ngayon pa niya ako nakitang umiiyak, bakit ngayon pa sa dami ng pagkakataong before, why now?
"Thanks! I'm fine no worries.." I said more to myself, convincing that I am.
Ni hindi na ulit ako makatingin pabalik sakaniya dahil hindi talaga nahinto ang mga mata ko sa pagluha.
"Khash! Please....l-look at me will you?" NO! Ayaw ko, ayaw ko—Hindi ko kaya kasi oras na tumingin ako deretso sa mga mata niya, alam kong hindi ko kakayanin at baka magmakaawa ako for him to fix us na baka pwede pa....
Pero mali, hindi ko iyon gagawin kasi Mahal ko siya and the best thing to do is to accept na hanggang dito na lang kami kaya dapat mag let go na ako, because once he see me hurt alam kong babawiin niya lahat ng sinabi niya just not to see me hurting because of him.
"A-Ahmm.... Sorry but I have to go may klase na kasi kami." patuloy na pag iwas ko ng tingin dito at nagsimula nang maglakad palayo sa taong minsan kong tinuring na pahinga at tahanan.
"C-Can we please talk?" I can sense how broke he is, knowing that he hurt me and made me cry through his voice but I need to continue walking away—away from the man I love bago ko pa maisipang yakapin siya at lumuhod sa harap Niya to take me back.
I need to be tough!
My classes continue dzuhhhh, alangan naman na ihinto at i- suspend nila ang klase dahil sa heart broken ako ngayon ‘di ba? HAHA!
Pero in fairness sa akin, kinaya ko magpanggap sa harap ng lahat na okay lang ako as if I didn't just cry endlessly earlier eh ‘no.
Hmmmmmmft! Mabigat pa rin pakiramdam ko, actually ‘di ko na nga kinakaya ang sakit ng ulo ko eh kaya pupunta na lang muna ako sa clinic, magpapasama sana ako Kay Kharizza kaso ‘di ko siya mahagilap ngayon, ako ang broken hearted pero siya iyong absent kung kailan naman kailangan kong may kakwetuhan 'tsaka walang nangungulit sa akin.
"Khashhhhhh!!!!!!" Oh mali pala ako, there's the annoying men I knew kuya Cyie and the trops. Tch!
"Hey panget, okay ka lang?" agarang tanong ni kuya Hajayn nang makalapit na sila sa akin.
"Yeah, bakit?" matamlay kong sagot kasi pagod na ako, magpanggap na mukhang 'di affected 'tsaka hindi naman nila ako ij-judge kaya siguro okay lang para sa akin to loosen up a bit.
"Oo daw, e ba't mukhang hindi?" pangungulit naman ni kuya Gelo
Napasimangot na lang ako sa kanila since 'di rin naman nila ako titigilang kulitin.
"Punta akong clinic, sama kayo?" pagtatanong ko dahil alam kong susundan din naman nila ako
"Ge, gusto ko ‘yan," agarang tugon sa akin ni kuya Cyie.
"Gusto ka ba‽" pambabasag ko naman kaya tinaliman niya ako ng tingin HAHAHA.
Nakatambay lang kami dito sa clinic since wala namang ibang tao at talagang kami kami lang, naisipan na rin naming dito na lang kumain. Actually nagbangayan pa sila kung sino ang pupunta bibiling pagkain namin tapos nang tumayo ako nag unahan naman silang lumabas para bumili. Hayss! minsan talaga napakagulo ng mga 'to tch..madalas pala.
Saktong pagpikit ko pa lamang ng mga mata ko, nakabalik na sila agad kaya naman no choice ako kun'di bumangon na lamang at sabayan sila dahil sobrang iingay nila jusq!
"Oh! E bakit nga ang tamlay mo 'tsaka nasan iyong jowa mo?" pang iintriga ni kuya Hajayn habang masidhing nakikinig at naghihintay ng sagot iyong dalawa sa tabi ko, hayst akala ko pa naman nakalimutan na nila,'di pa pala.
"Wala," simpleng sagot ko sabay subo uli ng kanin
"Ah—'di pumasok?" pagtatanong pa ni kuya Gelo
"Di—wala na kami," mahinang banggit ko habang nakangiti ng mapait
"Ah okay!—pero WHATT??? WALA NA KAYO??"  pagsigaw ni kuya Cyie at Hajayn na ngayon lamang naproseso iyong sinabi ko Kaya naman natawa na lamang ako sa kanila.
Bigla kaming nanahimik when suddenly the clinic door open, and to our surprised it was him..akala pa naman namin iyong school nurse na kaya biglang umayos din ng upo itong mga kasama ko na sobrang gulo, as in itong clinic mukha nang bodega kanina chaaar HAHAHA pero  honestly ang gulo kasi nila, iyong mga throw pillows kung saan saan na nakalagay, tapos si kuya Gelo nakahiga na rin sa bed na akala mo nasa bahay lamang nila nagulo tuloy iyong mga beddings dito samantalang iyong dalawa naman nagbatuhan pa ng mga pagkain, mga isip bata talaga.
"Oh, bro ikaw pala 'yan! Ano kailangan mo, gamot? Wala si nurse." bago pa man ako makapagsalita, naunahan na ako ni kuya Hajayn.
"Tss! Okay lang si Khash, alis ka na!" pare-pareho kaming nagulat sa sinabi ni kuya Cyie, kaya naman biglang naging awkward dito sa loob.
Luh napaka talaga nitong lalaking ito, kung ano-ano sinasabi mamaya isipin pa niyang nagdadrama ako dito, kainis naman kasi si kuya e 'di matahimik.
"KUYAAA!!" pagsigaw ko dahil 'di parin ako makapaniwala sa sinabi niya.
"What‽" balik tanong naman niya sa akin.
Bakit ba galit ito ngayon, kanina lang para silang mga bata dito tapos ngayon biglang ang bigat ng atmosphere na agad- agad my gosh!!!
"Labas na muna tayo? Iwan muna natin sila para makapag-usap" kalamado ngunit seryosong anas ni kuya Gelo habang inaaya nang lumabas iyong dalawa.
After they left us alone ramdam ko na iyong awkwardness between us dahil sa silence.
"Khashirra, A-Ahmm.. I'm really sorry! you know that I really love you right? But it doesn't feels right na kasi, I mean Wala ka namang kasalanan, it just that maybe the time isn't just for us," mahabang paliwanag niya habang ako nakayuko at nakikinig lamang sa kaniya.
"Yeah I know, I'm sorry it's just that 'di naman gano'n kadaling makamove on right? Don't worry, hindi ako galit sayo or what kasi tanggap ko na naman and I know that you are right," pampalubag loob ko sa kaniya kasi I knew na parang sinisisi niya iyong sarili niya,   maybe nakadagdag pa iyong binitawang salita ni kiya Cyie kanina.
"So—I guess I should let go of you now right?" pagtatanong ko just to assure na tapos na talaga, na wala na akong panghahawakan at kailangan kong marinig na—oo, kailangan ko na siyang bitawan kasi hanggang dito na lang muna kami.. na 'di na ako pwedeng dumipende sa kaniya. But I was confused by his answer.....
"Y-Yes?" he said sounding so unsure.
Kasabay nang pagsagot niya ay ang tuluyang paglandas ng masasaganang luha mula sa aking mga mata patungo sa aking pisngi. Bakit kailang gano'n siya sumagot? Bakit kailangang bigyan niya ako ng kaunting pag-asa? 'Di ba pwedeng tumalikod na lamang siya at iwan ako? Dahil mas kaya ko iyon kumpara sa ginawa niya ngayon....
—End of Chapter 7: to be continued..

Komento sa Aklat (10)

  • avatar
    Marc Lui Ramil

    thankyou

    09/08

      0
  • avatar
    Cris Sha

    I really like it 😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝❤️😍😍😍😍😍😍💗❤️❤️💗😍😍💗❤️❤️😍💗😍❤️❤️❤️💗😍😍❤️❤️💗💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝❤️❤️❤️💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤

    18/01

      0
  • avatar
    Jay Ar Butac

    sobra nakakaiyak

    13/01

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata