logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 6

Pagkarating ng dalaga sa tribo ay agad siyang nagtungo sa kubo nina Amang Nilo at sinabi ang ibinibintang sa kanya.
"Itinulak mo si Marikit sa ilog?" hindi makapaniwalang tanong sa kanya ni Inang Sita.
Walang gana siyang tumingin sa babaeng pinuno. "Kapag sinabi ko po bang, hindi, maniniwala ba kayo?" 
"Mas lalong hindi kapani-paniwala ang sinabi mong tumalon siya sa ilog gayong alam ng lahat na may takot siya sa malalim na tubig."
"Alam ko namang hindi lang din kayo maniniwala sa akin. Tatanggapin ko na lang kung anong parusa ang ipapataw n'yo," hindi naman dahil sa atat siyang parusahan kaya niya nasabi iyon. Pagod lang siyang magpaliwanag sa mga taong sarado ang pag-iisip. She's physically and mentally exhausted kaya gusto niya nang magpahinga.
Nag-usap ang mag-asawa at napagdesisyunang ikulong siya sa piitan. Idinala siya sa piitan ngunit hindi sa piitang inakala niya. Nagtungo sila sa isang yungib na may nakaharang na bato. Pumasok sila sa loob at sinalubong siya ng ilang naglalaway na leon. Wala siya sa mood kaya hindi niya maa-appreciate ang nakikita. She loves animals pero hindi sa oras na 'yon. Matapos siyang ipasok sa isang silid ay binilinan siya na huwag siyang magtatangkang tumakas kung mahal pa niya ang kanyang buhay.
Umupo siya sa gilid at niyakap ang mga binti. Tahimik siyang umiyak sa dilim hanggang sa siya ay dalawin ng antok.
Pagkatapos umalis ni Eunice ay naisipan nina Kayan na bumalik na lang sa tribo at nang makapagpahinga ng maayos si Marikit.
Agad niyang pinuntahan ang mga magulang at sinabi ang nangyari. Sinabi ng mga itong binigyan na ng parusa si Eunice at kasalukuyan itong nakakulong sa piitan.
"Alam na ba ni Luna?" tanong niya sa ina.
"Sa tingin ko hindi pa dahil dito siya agad nagtungo.” 
Matapos magpaalam sa mga magulang ay nagtungo siya sa kanilang kubo. Nadatnan niyang kumakain ang asawa.
"Akala ko bukas pa ang uwi n'yo," agad itong tumayo at hinalikan siya sa pisngi. Mukhang hindi pa nga nito alam ang nangyari sa kaibigan.
"May nangyari kaya napauwi kami nang maaga," aniya.
"Anong nangyari?" 
Bumuntong hininga muna siya bago isinalaysay ang lahat.
"Nasaan si Eunice ngayon?" mahina nitong tanong ngunit tiyak niyang hindi ito natuwa sa nalaman.
"Sa piitan."
"Kumain ka na ba?" pag-iiba nito ng usapan. 
Umiling siya. Hindi niya alam kung ano ang itinatakbo ng isip nito kaya naman minabuti niyang huwag magsalita.
"Ipaghahanda muna kita," saad nito at nagsimulang ihanda ang kanyang pagkain. 
Matapos nitong ihain ang lahat ay nagpaalam ito at sinabing siya muna ang tumingin kay Yanna. 
Nagtungo si Luna sa piitan ngunit wala roon si Eunice. Nagtaka siya dahil ang sabi ng kanyang asawa ay nasa piitan ito. Kinausap niya ang nagbabantay at sinabing i-check nitong muli baka nasa loob lang ang kaibigan. Umalis ito at nang bumalik ay sinabi nitong wala roon ang kanyang hinahanap. Walang dinala sa loob nang araw na ‘yon. Kung wala sa piitan, nasaan ito?
Hanggang sa naalala niya ang ikalawang piitan. Oh no! Hindi naman ganoon kalala ang kasalanang ipinaratang sa kaibigan, bakit ito roon dadalhin? Kahit na hindi sigurado ay nagtungo siya sa ikalawang piitan. May dalawang bantay sa labas, tinanong niya kung may bagong pasok ba sa loob at sinabi nilang mayroon. Nakiusap siya na kung maaari ay papasukin siya ngunit hindi pinayagan dahil bawal tumatanggap ng bisita ang piitang iyon.
“Kumain na ba siya?" tanong niya.
Umiling ang mga ito. 
Bumalik siya sa kanilang kubo at kumuha ng pagkain. Pagkabalik niya sa piitan ay iniabot niya ito sa isang bantay.
"Sabihin mong si Luna ang nagbigay at kumain siya ng maayos."
Tumango ito at nagtungo sa loob. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas ito dala ang walang lamang lalagyan.
"Salamat naman at kinain niya." 
"Sabi niya, huwag daw po kayong mag-alala dahil wonder woman ang kaibigan n'yo," relay nito sa sinabi ni Eunice.
'She's lying,' anang isipan. Alam niyang sinabi lang nito iyon para huwag siyang mag-alala. Si Eunice 'yong tipo ng tao na kapag nasaktan sasabihin niya agad sa'yo, pero kapag doble ang sakit na naramdaman nito, doon nito kikimkimin ang lahat. Kung sa sugat, gasgas lang ang ipinapakita nito, pero 'yong malalim na taga iyon 'yong itinatago. 
Kung 'yong unang pagkain na ipinadala kay Eunice ni Luna ay kanyang naubos. Iyong ikalawa ay hindi na dahil sa tuwing may ipinapaloob siya ay agad ding lumalabas. Kaya naman sa oras na dinadalhan siya ng pagkain ay itinatapon niya sa isang gilid. Hindi 'yon nakikita ng bantay na naghahatid ng pagkain sa kanya dahil iba ang pinto ng piitang kinaroroonan niya. Puro itong tabla at natatakpan ang buong labasan maliban na lang sa maliit na siwang sa baba nito kung saan iaabot ang pagkain ng nakakulong. Dahil madilim sa loob, kailangan mong kumain malapit sa siwang ng pinto para mailawan gamit ang ilawang dala ng bantay. Iilawan ka naman nila hanggang sa maubos mo ang pagkain at maibalik ang lalagyan.
Hindi inaasahan ng dalaga na ang maghahatid ng pagkain sa kanya nang oras na 'yon ay si Limo. Nalamang niyang ang binata iyon dahil sa tunog ng mga yapak nito. Hindi niya maipaliwanag basta sinabi na lang ng kanyang pakiramdam na si Limo ang paparating. Hindi ito nagsalita, basta na lang nitong inilapag ang pagkain sa may siwang na dahan-dahan niyang kinuha.  
Nagkunwari na lamang siya na hindi niya alam na ang binata ito. Baka naman ito lang ang inatasan ng oras na ‘yon. O hindi kaya nais lang nitong malaman kung totoong naparusahan nga siya sa inakala nilang ginawa niya sa baliw na dalaga. Baka hindi sila masaya na ikinulong lang siya. Baka ang nais ng mga ito ay ipalapa siya sa mga leon o hayaang ubusin ng mga linta ang kanyang dugo. Ang daming 'baka' sa kanyang isipan ngunit hindi naman siya manghuhula para malaman kung alin doon.
Gusto niyang maiyak. Hindi lang gusto dahil kusang naglandas ang mga luha sa kanyang pisngi. Kung sabagay hindi siya nito nakikita kaya ayos lang na umiyak siya, kaya naman tahimik siyang umiyak. Matapos ilagay ang pagkain sa gilid, ibinalik niya ang lalagyan sa siwang at itinulak ito palabas. Kinuha iyon ng binata at umalis. 
Napahawak si Eunice sa kanyang ulo nang makaramdam siya ng hilo. Hindi niya tiyak pero may kakaibang nangyayari sa kanya, hindi siya makakain, ang kanyang pagsusuka, pamanmanhid ng kanyang katawan lalo na ang ibabang parte nito. Wala naman siyang ibang kinain maliban sa mga idinadala sa kanya. Posible kayang may lason ito? Baka naman hindi pa sila nakuntento na ikinulong siya kaya nais pa siyang pahirapan. O hindi kaya nakagat siya ng kung ano sa ilog? Nang sagipin niya si Marikit ay tila may tumusok sa kanyang binti ngunit hindi niya ito pinansin sa akalang sanga lang ito ng kahoy. Posible kayang ahas ito? igat? alimango? Pero kung iisipan, maari ngang sa ilog niya nakuha o doon nanggaling ang kakaiba niyang nararamdaman. Kung anu-anong senaryo ang pumasok sa isip ng dalaga hanggang sa siya ay makatulog.
Sa sobrang dilim sa loob, hindi niya alam kung umaga ba o gabi na. Ilang kainan na hindi siya kumain kaya ramdam na rin niya ang gutom. Kada oras ay kumakalam ang kanyang sikmura. 
Nagising ang dalaga dahil sa katok mula sa labas ng pinto. Kahit na nanghihina ang katawan ay pinilit niyang lumapit sa may pagkain at kinuha ito.
"Pasensiya na, kagigising ko lang. Kanina ka pa ba?" pinilit niyang gawing normal ang boses dahil maging iyon ay nanghihina rin.
Hindi umimik ang bantay. Malungkot siyang ngumiti dahil tiyak niyang si Limo ito. Matapos niyang alisin ang laman ng lalagyan ay ibinalik niya ito kung saan niya kinuha.
“Napansin mo ba?” tanong ni Sapiro kay Limo. Kasalukuyan silang nagbabantay sa bukana ng ikalawang piitan. 
“Ang alin?” sambit ni Limo.
“Parang hindi kinakain ng taong-labas ang idinadala sa kanyang pagkain.”
Naguguluhan niya itong binalingan. “Lagi namang ubos ang mga pagkain na ipinapadala ni Luna.”
“Yun na nga eh, lagi itong ubos. Ang nakapagtataka sa tuwing dinadalhan ko siya ng pagkain ay agad niyang ibinabalik ang lalagyan. Hindi naman siya sobrang gutom para ubusin ang laman nito sa loob lang ng ilang segundo. Wala ba itong kasama sa loob?”
Napaisip ang binata sa sinabi nito. Ilang beses niya lang na dinalhan ang dalaga at wala naman siyang napansin dito, maliban lang sa huling punta niya na nakatulog ito. Sinabihan niya ang kasama na siya ang maghahatid mamaya.
Inilapag ni Limo ang pagkain sa harap ng kulungan ni Eunice at kinatok ito. Hindi sumagot ang dalaga kaya iniwan niya na lang ang pagkain at ilawan sa harap ng pinto. Dalawang oras ang lumipas nang kunin niya ang lalagyan, ngunit hindi man lang nabawasan ang pagkain. Kinatok niya ang pinto ng ilang beses pero walang sumagot sa loob.
“Ilang araw na ‘yang nagdududuwal at kung minsan ay dumadaing sa sakit. Himala at tahimik yan kanina pa. Baka patay na,” wika ng nakakulong na katutubo sa kabilang silid.
Nataranta siya sa narinig kaya naman agad niyang binuksan ang pinto. Bumungad sa kanya ang hindi kaaya-ayang amoy. Tambak ang mga pagkain sa isang gilid, at ang iba ay nauuod na. Sa dulong gilid ay nakasandal ang dalaga. Gayon na lamang ang kanyang gulat nang makitang iba ang kulay ng balat nito. Sinubukan niya itong gisingin ngunit nabigo siya, kaya naman agad niya itong dinala sa kubo nito at tinawag si Tandang Isme.
Inutusan niya si Mutya na sabihin kay Luna ang masamang balita.

Komento sa Aklat (1)

  • avatar
    Aleli Biniza

    super Ganda ng story

    11d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata