logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata 05

Kabanata 05
Mikihan
NAKATULALA AKO sa Prof kong nagtuturo sa harapan habang malamim ang iniisip sa sinabi ni Leo kanina sa canteen tungkol doom sa babaeng kasama ni Autumn.
Girlfriend? May girlfriend na si Autumn? At... matagal na?
Iyon ang kanina pa tinatanong ng utak ko sa sarili nito. Para bang, hindi nito mapaniwalaan ang nalaman at ayaw nitong maniwala na ganoon nga ang sitwasyon ng reyalidad.
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Sa mga nakalipas na araw simula nang pumunta ako dito sa Manila para dito mag-aral at tumira mag-isa sa isang condo kasama si Autumn ang dami ko nang nahahalatang pagbabago sa akin.
Kahit ang sarili ko hindi ko na rin maintidihan minsan. Hindi naman ako ganito dati. Hindi naman ako nakakaramdam ng ganito kahit kailan sa isang lalaki dati...
Total, kinaiinisan ko pa nga sila kaya sa buong high-school years ko, mga babae ang nakakasama ko dahil ayaw kong makipag kaibigan sa mga lalaki dahil lumaki akong galit sa mga ito.
Ngayon lang nag-iba nang college na ako dahil nagagawa ko nang makipag-kaibigan sa kanila. Si Leo ang proweba no'n. At ngayon naman, ang bagong pakiramdam na ito na patuloy lumalago at namumukadkad.
Bago ito sa akin kaya hindi ko alam kung paano ito isasalarawan. Basta ang alam ko lang, dapat kong patayin kung ano man ito ngayon pa lang dahil masama ito para sa akin.
Sobrang sama, dahil sa lahat ng lalaki na puwede pang magtanim ng ganitong pakiramdam sa akin, ay... bakit siya pa? Bakit... ang kagaya niya pang straight at may girlfriend pa...?
Bakit... si Autumn pa?
Huminga ako ng malalim. Tumuwid ako ng pagkaka-upo at napabuga ng malalim na hininga.
Hindi ko dapat iniisip ang ganitong mga bagay. Una sa lahat, hindi ko pa alam kung ano bang nararamdaman ko kay Autumn. Siguro nga ay wala naman talaga akong nararamdaman para sa kanya dahil baka nabigla lang ako nang marinig kay Leo kanina na may girlfriend na pala siya at mali lang siguro ang kutob ko; Tama. Gano'n nga siguro iyon...
Natapos ang klase ko ng hapon na hindi ako medyo nakapag-participate sa klase dahil sa kasabugan. Miske ang mga kinu-kuwento ni Leo sa daan na nakakatawang bagay ay hindi ko masyadong naririnig at naiinitindhan dahil nasa kabilang kalawakan ang utak ko. Lumilipad. Malalim ang iniisip.
"Hoy, Zain! Ayos ka lang ba?"
"H-Huh? Ano nga ulit sinasabi mo Leo?" Tuliro kong binalingan ang kaibigan sa gilid ko ng kalabitin niya ako.
Suminghap siya at umiling. "Wala. O siya, sige na. Mauuna na ako, huh. Ingat ka sa pag-uwi." ngiti niya na lang sa akin ng tipid bago ako tapikin sa balikat at talikuran.
"Leo sandali-" Pigil ko sana sa kanya dahil akala ko nag-tatampo na siya sa akin kasi kanina pa ako hindi nakikinig sa mga kuwento niya.
Pero nang ma realize ko na nasa parking lot na pala kami ng Unibersidad. Ako na rin ang pumigil sa sarili ko pigilan si Leo sa pag-alis niya.
Bumuntong hininga ako.
Bukas na lang siguro ako babawi sa kanya. Isip ko, bago kunin ang susi sa bulsa ko at pinatunog ang kotse ko.
Habang nasa byahe, hindi ko maiwasang hindi mainis sa sarili ko dahil ang dami kong hindi nagawang bagay ngayong araw dahil lang sa nalaman ko at nakita kanina sa canteen.
Dumiin ang kapit ko sa manibela. Habang nasa traffic jam, sinampal-sampal ko ang kaliwang pisnge ko. Nagbabakasaling sa pamamagitan ng pananakit ko sa sarili, bumalik ako sa dating wisyo.
"Umayos ka Zain! Ayusin mo ang sarili mo, hindi ka ganito. Umayos ka. "
Nang malapit na ako sa condominium building. Nalingat ang mata ko sa isang stall na nakatayo malapit sa park. Hininto ko ang kotse ko sa gilid ng kalsada para matanaw ng maigi kung ano ba ang tinitindang pagkain do'n.
"Miki?" Taka kong ika nang mabasa ang kahoy na karatula sa gilid ng stall. Napangiti pa ako ng makitang maraming customer ang kumakain do'n. Lubog na rin ang araw ng mga oras na iyon, kaya naisip ko na baka dito na lang siguro ako kumain ng panghapunan.
Sa hiwaga ng kuryusidad. Napababa ako ng kotse ko at pa-jog na tinakbo ang kinaroroonan ng mikihan. Pagkarating ko do'n, sinalubong ako ng isang manang na hanggang dibdib ko lang ang laki.
Malawak niya akong nginitian. " Abay, kagwapo-gwapo naman nireng totoy na ito. Ang tangkad tangkad pa, ay!" Tuwang-tuwang puri pa sa akin ni Manang at pinisil pisil pa pareho ang dalawa kong balikat nang may malawak na ngiti sa kanyang mga labi.
Nginitian ko rin si Manang bilang balik. Pero natunaw rin ang ngiti sa aking mga labi nang mapansing ang mga mata nang customers ni Manang na sa amin na nakatuon ang pansin.
Napayuko ako sa hiya. Napakamot batok pa ako. "Nay? Puwede po bang maka-order ng miki n'yo po?" halos pabulong na lang ang nagawa kong pagsasalita dahil sa sobrang hiya.
Buti na lang malapit lang sa akin ni Manang kaya narinig niya ang sinabi ko. Napakamot batok siya at tila nakonsensya ng makitang nahihiya ako sa atensyon na nakukuha galing sa mga customers niya na karamihan ay mga babaeng high-school student lang at naka-uniform pa.
Ginayak niya ako sa loob ng tent kung saan mas unti ang tao at doon nanghingi ng pasensya. "Nakuu, ijoh. Pasensya ka na sa 'kin, huh? Hindi ko alam na mahiyain ka pala. Patawad..."
"A-Ay, ok lang po 'yon Manang. Wag n'yo na lang po intindihin 'yon, ayos lang po ako." Iling ko agad ng ulo ko dahil ako pa ang mas nakokonsensya ng makitang lumungkot ang matanda.
Sumilay ulit ang ngiti niya at napatitig ito sa akin. Nginitian ko si Manang ng matamis para ipakita sa kanyang ok lang talaga ako sa nangyari.
"O sige na, ijoh. Mamili ka na lang ng upuan mo at ihahanda ko na ang miki mo," aniya bago lumakad palabas at papasok ng stall niya.
Sinunod ko naman ang sinabi ni Manang. Naghanap ako sa mga bakenteng puwesto ng magandang uupuan. Kalaunan, Napili ko ang malayo sa mga tao na puwesto dahil doon mas satingin kong komportable ako.
Ilang minuto ang lumipas, pumasok ulit sa tent si Manang dala-dala ang isang malaking mangkok ng miki gamit ang dalawa niyang kamay.
Tumayo agad ako ng makalapit si Manang sa puwesto ko. Tinulungan ko siyang malapag ang mangkok na punong-puno ng miki sa maliit na wood table. Kumalam agad ang sikmura ko nang makitang umuusok-usok pa ang miki!
"Ijoh, tawagin mo lang ako sa labas kung gusto mo pa mag-round two, ok?" malawak na ngiti ni Manang.
Tinunguan ko siya agad. "Sige po! Salamat po ulit sa pagkain!"
Pagkatapos no'n, masaya akong iniwan ni Manang. Kumain naman na ako pag-alis niya dahil nagutom ako lalo nang pumapasok sa ilong ko ang sarap ng amoy ng miki.
Sa unang subo ko pa lang. Nanuot agad sa buong bibig ko ang halo-halong pangpalasa ng miki dahilan para mapasunod sunod ang subo ko dito.
Buti na lang, sa malayo ko napiling pumwesto kaya na-enjoy ko ang paglantak ng miki na walang iniisip na mga matang nakatingin sa akin.
Hindi ko namalayan ang pagtakbo ng oras. Na-enjoy ko talaga kasi ang miki ni Manang na ubod ng sarap. I even post it in my instagram story so my friends can know this hidden gem place.
"SIGE PO manang, una na po ako!" Ani ko nang makapag bayad na ako ng kinain. Nahihiya pa ako dito kay Manang dahil talagang hinatid niya pa ako sa harap ng kotse ko at nakipag kwentuhan pa sa akin ng unti sa daan.
Kinapitan niya ang balikat ko at tumungo. "Ijoh, bumalik ka dito, huh? Hindi puwedeng hindi ka bumalik dahil mag-tatampo ako sa iyo!" Pananakot niya pa na siyang ikinahalakhak ko.
Tinunguan ko si manang. "Sige po manang! Asahan n'yo pong babalik ako. Wag kayo mag-aalala!"
"Oh siya, siya! Sige na. Alasyete na! Umuwi ka na at baka may naghahanap na sa 'yo." agap niya.
Nag-paalam ulit ako bago sumakay ng kotse at pinaandar ito pauwi sa condominium na malapit na lang dito. Bago pumasok ng condo, napangiti ako ng maalala kung gaano kadaldal si Manang na may-ari ng mikihan sa akin kanina.
Napawi lang ang ngiti sa aking labi ng madatnan ko si Autumn sa kusina pagpasok ko ng condo. Nagluluto. Topless at matamang tumingin agad sa direksyon ko.
Napalunok ako ng mariin nang dumako ang mata ko pababa sa kanyang perfect chest up to his well defined v-line. Umiwas ako ng tingin ng marating na ng mata ko ang unting umbok sa gitna nang legs niya.
"Ginabi ka na ata ngayon," malamig niyang ika. Dahilan para bumalik ang tingin ko sa mukha niyang naka-side view sa gawi ko dahil tutok ang mukha niya sa niluluto na sa amoy pa lang na umaalingasaw. Alam ko nang masarap ito.
Napatagal ang titig ko sa kanya ng hindi inaasahan. Nag-aalinlangan kasi ako kung sasagutin ko ba siya o hindi.
Bumuntong hininga ako. "Oo, eh. Nag-stop by kasi ako sa isang mikihan na malapit lang dito. Doon na ako kumain,"
Napatigil si Autumn sa ginagawa niya. Bumaling siya sa akin na medyo gulat sa nalaman. "You eat dinner already?" matabang niyang tanong.
Tinunguan ko siya kahit medyo nagtataka sa inasal niya. Tumagal ang titig niya sa akin. Sunod, binaba niya ang tingin sa niluluto niya at matabang itong nginisian.
"Ok... then. I guess, I need to eat all of this," malamig na may katabangan niyang ani.
Napangiwi ako. Dahil sa totoo lang, sinadya ko talagang magpakabusog bago umuwi dito para hindi na kami magkasabay ni Autumn sa hapag kumain. Hindi ko rin alam sa sarili kung bakit naisip kong gawin iyon.
Pero, 'di ba...? Mas pabor ang ginawa kong ito para sa kanya dahil hindi niya na pipilitin ang sarili niyang paglutuan at pakisamahan ako ngayong gabi?
Tama. Kaya dapat, ipagpatuloy ko ang sinimulan ko ngayong araw para hindi niya na pahirapan ang sarili niya pakisamahan ako kahit na ayaw niya naman talaga.
Nang gabing iyon. Pikit mata ko siyang tinalikuran sa kusina para pumasok sa kuwarto ko. Nagpahinga na ako pagkatapos ko magbihis ng pangbahay. Hindi na ako lumabas pa dahil ayaw ko munang makita si Autumn pansamantala para tuluyan ko siyang maiwasan sa mga susunod pang mga araw.
Kinaumagahan. Gano'n ulit ang nadatnan ko paglabas ko ng kuwarto. Walang Autumn sa buong paligid kaya nakakilos ako ng maayos. Nakita ko pa sa ref nang kukuha sana ako ng malamig na inumin na may tirang ulam sa gabing niluto niya.
Balak ko sana iyong kukunin kaso ang kamay ko na ang kusang huminto sa pag-abot nito nang maalala na dapat kong iwasan si Autumn at kasama sa pag-iwas na plano ko ay ang hindi pagkain ng mga niluto niya.
Ang kahinatnan tuloy ng ginawa ko, lantutay at gutom akong pumasok ng University. Buti na lang, suwerte pa rin ako nang araw na iyon dahil nakasalubong ko sa hallway ng engineer department si Leo na kunot noong tinatanaw ako.
"Oh, Zain? Natetano ka ba? Bakit ang putla mo ngayon?" Pangbungad niyang bati na hindi ko na lang pinatulan. Hinatak ko na lang siya papuntang canteen para makapag-almusal na ako at makahabol sa paparating kong klase na magsisimula na mamaya-maya!
"Hoy, Zain! Magdahan-dahan ka nga. Mamaya mabulunan ka pa n'yan, eh!" sita ni Leo nang nasa canteen na kami. Pinapanood niya ako ngayong sunod-sunod na nagsasalpak ng pagkain sa bunganga ko.
Hindi ko na lang siya pinansin at nagtuloy lang ako sa paglantak para makahabol sa oras ng unang klase ko!
Pinagsingkitan niya ako ng mata. "Zain, umamin ka nga. May nangyari ba sa 'yo-"
"Tapos na ako!" masigla kong sigaw na pumutol sa pang-iintriga niya sana. Tumayo agad ako at iniwan na si Leo.
"Hoy, Zain! Saan ka pupunta!" Sigaw nito.
"Papasok na! Mamaya na lang tayo mag-usap Leo!" agap ko at halos takbuhin na ang papuntang engineering buidling. Sa takot na malate ako.
Buti na lang, pagkapasok ko ng classroom. Kakarating pa lang ng Prof namin na lubos kong ipinagpasalamat. Tumakbo ang pang-umagang mga klase ko katulad ng mga nakaraan.
Nong mag-lunch break, sabay ulit kami ni Leo kumain sa canteen. Ipinaliwanag ko rin sa kanya kung bakit sobra ang pagmamadali ko kanina na kaya hindi ko na siya nahintay pa.
Humagalpak siya ng tawa. "Gago, Zain! Hindi mo naman ikakamatay kung male-late ka ng unti sa first class. OA mo!"
Inarapan ko na lang siya at sa pagkain na lang tinuon ang atensyon. Kalaunan, umugong ang bulong-bulungan sa loob ng canteen kaya napatingin kami ni Leo sa glass door para alamin kung sino ang pumasok.
"Iyan na naman sila," ani Leo. Nang matanaw namin sila Denzel, Autumn, at... Carla pati ang tatlo pa nilang kasamang lalaki na naglalakad sa gitna nang hallway katulad kahapon.
May mga tumili sa kilig na mga kababaihan. Meron naman nag-bubungisngisan. Napabuntong hininga na lang ako at napa-iling.
Bumalik na lang ako sa pagkain at hindi na sila binigyan ng pansin. Hindi katulad kahapon, mas maluwag ang dibdib ko ngayon. Malamang tama ang hinala ko na nabigla lang talaga ako sa nalaman kaya nakaramdam ako ng gano'n.
Tama, iyon lang 'yon...
"Leo..." Tawag ko sa atensyon ng kaibigan na nakatingin pa rin ng seryoso sa grupo nila Autumn.
Bumaling ito sa akin nang taas ang dalawang kilay. Nilunok ko muna ang pagkain sa bibig ko bago magsalita.
"Ano yung sinasabi mo kahapong mga pillars?" Kuryoso kong tanong nang maalala na may sinabi siya sa akin kahapon patungkol sa kanila.
Ngumiti si Leo nang malisyoso. "At bakit mo naman tinatanong, hmmm? Ikaw, huh!" asar niya sa akin at tinaas-taas pa ang kaliwang kilay.
Napasinghal na lang ako sa inis. "Leo, tumigil ka nga sa pagbibigay ng kahulugan sa lahat! Nagtatanong lang ako! Ano ba!" Iritado kong ani bago sumubo ng pagkain.
Humagalpak si Leo sa tawa bago magsalita. "Ito naman si Zain. Nagbibiro lang, eh. Masyado talagang mainit 'yang ulo mo!"
Inirapan ko siya. "Pakyu," gigel kong unsad habang nanguya. Natawa ulit siya doon kaya napailing na lang ako sa iritasyon. Bwisit talaga na Leo 'to!
"Pero ito, seryoso na..." Napatingin ako sa kanya.
"Yung nakita mo kanina na limang lalaki. Sila ang Pillars ng A University. Tinawag silang mga Pillars dahil sila lang naman ang puso at pride ng limang department dito. Binubuo sila ni Denzel, Isaiah Vonn, Lycantrophe, Jhin, at panghuli..." Binigyan niya ako ng mapangasar na tingin. "-ang ka-room mate mo. Autumn Joseph."
Tumungo-tungo ako.
"So, ang pillar ng engineer department ay si..." Hinanap ko muna ang gawi kung nasaan ang grupo nila Autumn. Mabilis ko naman silang nahagilap dahil sa gitna sila nang canteen naka-puwesto at kumakain. "-Denzel?" pagpapatuloy ko nang matitigan ko si Denzel na nakikipag tawanan sa ibang mga kaibigan nito.
"Oo, siya ang pillar natin. Siya rin ang bestfriend ni Autumn sa lima. Ayon sa source ko, since high-school magkasama na 'yang dalawang 'yan."
Nagulat ako do'n kaya natanggal ang titig ko kay Denzel at napabaling ako kay Leo na prenteng lumalamon habang nakatingin rin doon sa table ng mga pillars.
"Grabe? Seryoso ba? High school pa sila magkaibigan?" Tinignan ako ni Leo at tinunguan.
Nang makuha ko ang sagot niya, sumubo ulit ako ng pagkain. Ibinalik ko ang tingin kay Denzel habang nginunguya ang pagkain sa bunganga ko.
Ang sarap niya siguro maging kaibigan.
Iyon ang naisip ko habang nakatitig sa kanya dahil sa chismis sa akin ni Leo. Humanga ako lalo sa kanya, dahil ang bait niya na nga tapos napaka solid pang kaibigan kasi hindi siya nang-iiwan. Siguro, kilalang kilala na nila ang isa't-isa? Si Autumn at Denzel.
Sa buong hapon, iyon lang ang tumatakbo sa utak ko bukod sa mga lesson na tinuro ng Profs.
"Zain, wag mo kalimutan magdala ng raketa at sports attire bukas, ah! Bukas na yung try out sa badminton club! Masasapak kita kapag hindi ka nagdala!" Paalala ni Leo nang nasa parking lot na kami.
Tinunguan ko siya. "Sige Leo, magdadala ako. Thank you sa pagpapaalala! Ingat, ah!" tapik ko sa braso niya bago pinatunog ang kotse ko.
"Oo, ikaw rin. Ingat! Sige, bukas na lang Zain!" Tumalikod na siya sa akin at lumakad palayo.
Habang nasa byahe, naisip ko ulit na kumain sa Mikihan ni Manang para sa hapunan. Kaya katulad kahapon, pinark ko ang kotse ko sa tabing kalsada ng park at pa-jog na pumunta do'n.
Pagkarating ko, maraming tao kesa kahapon. Karamihan pa ay mga estudyanteng babae na naka-uniform at high-school students. Napakunot ang noo ko ng makita silang naghahagikhikan habang nakatuon ang mga mata sa tent.
Nawala rin ang lukot sa mukha ko nang salubungin ako ni Manang nang may malapad na ngiti.
"Ijoh! Bumuti naman at bumalik ka! Nakuu, umuulan ng mga guwapong binata ngayon sa kainan ko. Pinagpala ata ako ngayon!" Masayang-masaya niyang sabi na ikinakunot lalo ng noo ko.
Mga pogi? May pogi?
"Nay, kakain po sana ako. May bakante pa po bang table at upuan?" nahihiya kong tanong kay Manang na agad akong tinunguan at katulad kahapon, ginayak niya ako paloob ng tent.
Pero hindi pa man ako nakakapasok ng tuluyan sa tent ay kusa nang tumigil ang mga paa ko sa paghakbang ng makita ang isang pamilyar na lalaki na agad bumaling sa gawi ko.
Tinitigan ako nito ng may gulat na ekspresyon. Nilabanan ko rin naman siya ng gulantang rin. Napakurap kurap pa ako saglit dahil hindi ko inaasahan ang kagaya niyang halatang may masasabi sa buhay ay nandito at kumakain ng miki!
Bago ko ma-realized ang lahat sa isip ko kung bakit nandito siya. Iginayak na pala ako ni Manang sa gawi niya at mamulat mulatanan ko na lang, magkaharap na kaming dalawa.
"Zain?"
"Senior Denzel?"
Sabay naming sambit sa mga pangalan namin bago magkatitigan ng mata sa mata.
Itutuloy...

Komento sa Aklat (53)

  • avatar
    NatocEmily

    kkhsjsksjsjsjssjsjdjdjsusiwihssiusbsowjsnsksjkfkkykyjyfiyffikykyggkysgksfkuosjykdkfecdnvkjnbnjivfvnbjnjnonughuvfodouguoobebgtbthnthmymyjyjymytntjjtthjytnthjttjtjtmtjmtmthhttjmhhn kmk k. k vnj vnmvf kvfvfvfmkovmkmkfff rrgfrirgr ekgrniewnotnrenfbebfhgngmmjtmjmhmhrnngbgbgohvfnivfnjvfhjfenjbfnjbfohbfohebhubenjbghjbgvfgebnjbnjjjnjjihuvduovfjovfnjfvnjvfnjvfnjfejovnjvfovfnjfevvvfuieoowowisliiosiaaaaaaaakkakakakkakakskskskkskskskskkskkskskakakakakfenknjvwvwvnjdofdhjjijijijojijkjjjijiiojiiofdjjsalamat sa

    22/07

      0
  • avatar
    MendozaJoelito

    1000

    25/06

      0
  • avatar
    RH EA PE RO

    very nice story

    21/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata