logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata 04

Kabanata 04
Girlfriend
"HERE." Lapag ni Autumn ng isang plato na may lamang steak sa harap ko bago nilapag rin ang kanya sa harap ng upuan niya.
Nilingon ko siya at nginitian. "Salamat sa pagkain,"
Katulad kahapon ang puwesto namin. Ako sa gilid niya at siya naman sa pinaka dulo ng long table naka-upo.
Tinunguan niya lang ako at nag-umpisa na sa pagkain. Gagayahin ko na siya sa pagkain ang kaso ay napatulala ako sa steak na nasa harapan ko na umuusok pa dahil bagong luto.
Napalingon ako sa kanya at napatulala.
Grabe, paano ang kagaya niyang ka-edaran ko lang ay nakakapagluto ng ganitong klaseng pagkain na sa mga mamahalin restaurant ko lang nakikita at sa mga commercial sa tv.
The well perfect cooked steak with half toasted burn butter on the top together with basil and rose marry for dressing and clean plating... this guy.
"May problema ba?" Tanong niya nang mahuli niya ang mga titig ko sa kanya.
Napakurap-kurap ako at inilingan ko agad siya. "W-wala naman Autumn, ano lang... na-astigan lang ako sa 'yo kasi nakakaluto ka ng mga ganitong klase ng pagkain." ngiwi ko sa kanya bago itungo ang ulo at hiniwa na ang steak ko into mouth sizes.
Naramdaman kong hindi niya inalis ang kanyang purong itim na mga mata sa akin. 
"About cooking ba ang course mo?" Simple kong tanong ng mahiwa ko na ang steak na well cooked sa labas pero medyo rough ang loob.
Pinagtaasan ko na siya ng tingin ng hindi siya sumagot sa tanong ko. Akala ko kasi busy na ulit siya sa pagkain, pero mali pala ako. Dahil hanggang ngayon, nakatitig pa rin siya sa akin.
"No, I'm a 3rd-year medical student." baritonong ingles niya at hindi pa rin tinatanggal ang nakakapaso niyang tingin sa mukha ko.
Akward akong ngumiti at tumungo-tungo. "Ahh, gano'n ba? Talented ka pala talaga no? Magaling ka na nga mag-basketball, magaling pa magluto, at med student pa." pakawala ko pa ng tawa sa huli para hindi masyadong awkward ang paligid namin dahil parang simula pa kanina, ako lang ang nagsasalita.
Nagsimula na lang akong kumain ng wala akong narinig na kahit ano mula kay Autumn. Ginawa kong matibasyon ang kahihiyan para bilisan ang pag-ubos ko ng steak para nang makapag-hugas na at makatulog!
"Baka mabulunan ka, dahan-dahan lang." malamig niyang usal nang makita ang ginagawa kong pagmamadali sa pagkain.
Nginitian ko lang siya bilang sagot at hindi sinunod ang sinasabi niya dahil hiyang hiya na ako para sa sarili ko sa gabing ito!
Naisip ko. Simula bukas talaga, hindi ko na kakausapin si Autumn dahil ngayon nakumpirmado ko nang ayaw niya talaga akong kausap! Last na ang gabing ito ng pagiging Leo ko sa kanya! Like legit.
Mabilis akong tumayo ng naubos ko na ang steak ko. Sinabay ko na rin sa kusina ang baso ko. Hindi ko na sinabay ang kay Autumn dahil kumakain pa siya at nahahalata ko rin na ang binabagalan niya kumain.
Kalaunan, nang magsimula na ako maghugas sa kusina. Halos mabitawan ko ang plato na sinasabunan ko sa gulat nang bigla na lang sumulpot sa gilid ko si Autumn at tumabi sa akin.
Dala niya ang pinagkainan niya at baso niya na nilagay niya rin sa lababo kung nasaan ang iba ko pang hindi nahuhugasan.
Halos hindi na ako makahinga sa sobrang lapit naming dalawa sa isa't-isa. Hindi ko alam pero pakiramdam ko napapaso ako ngayon sa balat niya na nakadikit sa akin.
Amoy na amoy ko na rin ang salansang ng pabango niya na Versace Eros pa ata. Alam ko ang pangalan ng pabango na iyon dahil minsan ko na ring na amoy ang ganitong katapang ngunit nakaka-adik na bango sa collection ni Tito Vic ng mga perfumes niya sa kuwarto nila ni Mama.
"A-Autumn sige na ako na ang maghuhugas, tumabi ka na," Nabubulol kong sabi nang magsimula na siyang anlawan ang mga hugasin para matanggal ang tira-tira sa plato.
Napalunok ako nang mas lalo niyang siniksik ang sarili sa akin para maurong ako at siya ang pumalit sa puwesto ko sa paghuhugas.
"Ako na Zain, sige na. Magpahinga ka na," Walang emosyon niyang usal at kinuha na rin ang sponge sa kamay ko pati na rin ang may sabon na platong hawak ko.
"Pe-" hindi ko na nasundan ang pagrereklamo ko nang mapatitig ang mata ko sa braso niyang kaharap ko na nagfle-flex ang bawat muscle sa tuwing nagkuskos siya ng mga plato.
Kanina pa nakukuha ng mga braso niya ang atensyon ko pagpasok niya pa lang suot ang jersey niya kanina. Hindi ko alam kung bakit napapatitig ako dito ng matagal at namamangha.
Napalunok ulit ako.
Hindi kaya... epekto ito ng pagiging baliko ko kaya ang mga bagay na ganito katulad ng perpektong braso ni Autumn ay nagugustuhan ko titigan?
Shit! Bumabaliko na ba talaga ako!?
Napalunok ako ng mariin sa naisip.
"S-sige ikaw na pala maghugas, m-matutulog na ako." Balisa at wala sa sarili kong sabi sa kanya bago siya lapitan para makapag banlaw ng kamay ko sa gripo dahil may bula bulang sabon pa ang mga ito.
Sa sobrang pagkabalisa ko, hindi ko na namalayan na sobra na pala akong napadikit kay Autumn. Napatingala ako sa kanya at napatulala habang ang dalawa kong kamay ay nasa tapat ng gripo para saluhin ang tubig na lumalabas doon.
Sa sobrang lapit pati namin, ramdam ko na sa ilong ko ang mainit niyang hininga ma nilalabas ng kanyang matangos na ilong.
Bumaba ang seryoso niyang mga titig sa kamay ko. Bumalik ulit iyon sa akin ilang segundo lang at nilabanan ang tulala kong titig sa kanya.
"Zain, you can move now. Wala nang sabon sa mga kamay mo." Mariin niyang unsad. Napakurap kurap ako. Hindi ko nasundan ang bawat buka ng kanyang pulang mga labi.
"H-Huh?" wala sa sarili kong agap.
Napapikit siya ng mariin at napasinghal. " I said you can leave me now here Zain. Your hands is already soaking wet."
Sa puntong narinig ko ang pagbabanta sa kanyang tono ay doon lang rumehistro sa utak ko na kanina pa pala ako tapos maghugas ng kamay at kanina pa rin pala ako mukhang tangang nakatulala sa mukha niya! And worst! Sobrang dikit pa naming dalawa!
Dinistansya ko agad ang sarili ko sa kanya. Sinundan niya ako ng kunot noo niyang tingin habang ako ay awkard siyang nginingitian.
Umiling siya sa akin at bumalik na sa paghuhugas. Ginamit ko ang tyansang iyon para deretsong tumakbo papasok ng kuwarto ko.
Tumalon agad ako sa kama ko ng makapasok at halos i-suffocate ko na ang sarili ko sa unan sa sobrang hiya sa ginawa ko doon sa kusina!
Sa sobrang pag-iisip ng kung ano-ano tungkol sa iniisip ni Autumn tungkol sa akin ngayon matapos ang lahat ng pangyayari sa gabi ng kahihiyan. Nakatulog na lang ako dala-dala ang lahat ng sama ng loob sa gabing iyon.
Buti na lang, kinaumagahan pag-gising ko at paglabas ko ng kuwarto. Wala akong Autumn na nakita sa buong condo. Nauna na siguro agad ito sa university katulad kahapon. Buti na lang dahil gano'n nga ang ginawa niya dahil hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kanya matapos ang nangyari kagabi sa kusina.
Kumain. Naghugas. Naligo. At nag-ayos ng sarili. Iyon ang ginawa ko ng umaga. Katulad kahapon, mas pinili ko mag-civilian kaysa ang mag-formal uniform dahil gusto kong sulitin ang isang linggong puwede kaming pumasok ng nakaganito dahil its now or never ang pagkakataong iyon.
I'm wearing solid white plain t-shirt together with versatile denim jacket on the top. In my lower part, I'm wearing light blue jeans and a boots finishing with a black backpack on my back.
Mabilis lang ang byahe papuntang university dahil maaga pa naman ng umalis ako ng condo. Pagkarating ko sa room, wala akong ginawa kung hindi ang mag-review at mag-advance reading para sa mga subjects namin. Nireply-yan ko rin ang some text ni Leo sa akin sa messenger bago dumating ang una naming prof sa pang umagang klase.
Mabilis lumipas ang oras, lunch-break na. Chinat ko si Leo na sabay ulit kami mag-lunch ngayong araw. Ang reply niya sa akin hindi pa tapos ang klase nila sa isang major subject kaya kung puwede. Hintayin ko 'daw siya.
Pumayag naman ako dahil mahaba naman ang oras ng lunch-break. Ako na rin ang kusang pumunta sa building ng mga third-year para hanapin ang classroom ni Leo at sa tapat nito siya intayin tulad ng ginagawa niya sa akin kapag uwian. Ang problema nga lang naligaw na ata ako sa laki ng building nilang mga third-year...
"Excuse me? May hinahanap ka ba?" Ang tanong na iyon galing sa likuran ko ang siyang nagbigay sa akin ng pag-asa para mahanap ang room ni Leo!
Nilingon ko agad ang likuran ko para makita kung sino ang anghel na sinugo para matulungan ako sa paghahanap. Natigilan ako ng maharap ko na siya.
"Ikaw... engineering student ka?" Mabagal kong tanong dahil hindi ko lubos akalain na yung ka-tandem ni Autumn kahapon sa basketball na lalaki na puro freestyle ay kaharap ko ngayon at naka-suot ng engineering polo— Senior ko siya!
Nanlaki ang mata niya at lumawak bigla ang ngiti sa kanyang pulang mga labi. "Hey, freshmen! Kilala mo ba ako!?"
"A-ah, oo. Ikaw yung isang player ng basketball team kahapon 'di ba? Yung nagfri-freestyle?" awkward kong agap na ikinatawa niya ng malakas. Buti na lang ay walang tao dito sa hallway kung nasaan kami dahil kung may tao! Baka inakalang baliw na ang isang 'to sa sobrang lakas kung makatawa!
"Haha, yes ako nga 'yon. Nice too meet you pala, ako nga pala si Denzel. Denzel D. Victories pre..." paglalahad niya ng kamay ng mapatigil niya na ang sarili sa kakatawa.
Nginitian ko siya ng tipid. "Ako naman si Zain. Zain Tan, nice too meet you rin, Denzel." Tanggap ko sa kamay niya.
Pinakawalan niya rin naman ang kamay ko ilang segundo lang ang lumipas. Nginitian niya ako at tinitigan.
"So, Zain. Mabalik tayo. Sinong hinahanap mo dito sa third-year-college building?"
Agad ko siyang tinugunan. "Ang room sana ni Leo, Denzel. Kilala mo ba si Leo?"
Lumaki ang mata niya. "Ahh, si Leo ba? Yung maingay!?" Agap niya na ikinatawa ko dahil sa binigay niyang very accurate na description.
Tumawa rin siya at umiling.
"Sa may third floor, pangalawang room. Do'n, doon ang room niya." Sagot niya kalaunan bago ako iwanan ng matamis na ngiti at tumalikod na.
Sinunod ko ang sinabi niya. Umakyat ako ng third floor gamit ang elevator at nag-abang sa harap ng pangalawang room. Ilang minuto pa akong nakatambay doon bago maglabasan ang mga estudyante.
Nanlaki ang mata ni Leo nang paglabas niya. Mukha ko ang bumungad sa kanya.
"Paano mo nalaman ang room ko Zain!?" Hindi niya makapaniwalang bungad ng malapitan niya ako. Sinagot ko siya.
"Kay Denzel, nagtanong ako-"
"Kay Denzel!?" gulantang niyang sigaw. Hindi na ako pinatapos sa sinasabi ko.
Tinunguan ko na lang siya at nanguna na sa paglalakad pababa. Hagdan na lang ang ginamit namin dahil maraming estudyante ang nakapila sa elevator.
Sinundan ako ni Leo nang lakad at patagilid na hinarap ako. "Seryoso ka ba Zain? Si D-Denzel ang napagtanungan mo?"
Iritado ko siyang tinitigan. "Oo nga. Yung lalaking napanood natin kahapon sa gym. Siya 'yon 'di ba? — bakit ba?" usisa ko na sa inaasta niya dahil parang hindi siya makapaniwala na napagtanungan ko si Denzel.
Wala siya sa sariling humarap sa daan at napatulala. "Una si Autumn, ngayon naman si Denzel? Tingin nga ng mukha mo Zain at anong meron d'yan at bakit lapitin ka ng mga Pillars," ani Leo at talagang hinawakan pa ang panga ko at tinaas baba ito para kilatisin.
Masama ko siyang tinitigan. Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa baba ko. "Leo, ano bang ginagawa mo sa 'kin!? Naka katol ka ba!? Sakto lang nakita ako ni Denzel kanina. Pati, senior ko siya tulad mo. Malamang tatanungin niya ako at tutulungan kasi nawawala na ako sa buidling n'yo! At isa pa. Yung kay Autumn, coincidence lang 'yon. Malay ko bang ka-room mate ko pala siya!"
Frustratee kong paliwanag sa bwisit na kaibigan kong 'to na lahat na lang binibigyan ng meaning! Nabwi-bwisit na ako!
"Ano? Ayos ka na!?" singhal ko sa kanya ng matahimik siya at ngumuso na lang.
Napa-irap ako sa ere at inunahan na siyang maglakad. Sumunod naman si Leo sa likuran ko at nahuhuli ko pa siyang tinitigan ako ng kaduda-duda at mukhang hindi niya pinaniwalaan ang lahat ng narinig sa akin! Mas lalo lang nag-init ang ulo ko sa bwisit na ito kaya binilisan ko ang lakad ko papuntang canteen.
Kung alam ko lang na ito ang aanihin ko kay Leo. Sana pala nag-lunch na lang ako mag-isa kanina pa!
Pagpasok ng canteen. Um-order agad ako ng pagkain at pumwesto na sa pinaka gilid. Sinundan ako ni Leo dala ang tray niya at sa harap ko umupo.
Katulad ng ginagawa niya kanina sa likod ko. Palihim niya pa rin akong tinatapunan ng tingin na nangkikilatis. Pinabayaan ko na lang siya sa ginagawa niya at mas pinili na lang kumain dahil nagugutom na ako.
Nang umugong bigla ang bulungan sa buong canteen ilang minuto ang lumipas. Napatingin ako sa glass door ng canteen na kabubukas lang. Niluwa nito ang limang lalaking hindi nalalayo ang tangkad sa isa't-isa at isang babae na...
Nakakapit sa braso ni Autumn.
Natuon ang atensyon ko sa babaeng iyon na may malawak na ngiti habang kausap si Autumn na seryosong naglalakad sa gitna nang hallway ng canteen.
Hindi ko na napansin si Denzel at ang iba pa nilang kasamahan dahil kusang sinundan ng mata ko ang babaeng iyon. Na hindi mapagkakailang sobrang ganda.
Napalunok ako ng mariin ng may biglang lumapat na kirot sa puso ko habang sinusubay-bayan sila ni Autumn ng titig. Mas lalo lang lumaki ang lapat ng kirot ng makita ko si Autumn na ngumisi sa sinabi nong babae sa kanya.
Napaiwas ako ng tingin dahil para nang napapaso ang mata ko habang nakatitig sa kanila. Tinuon ko ang paningin ko sa pagkain kong malamig na.
Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ganito ang nararamdaman ko?
"Carla May Anne B. Manalangit." Napatingin ako kay Leo nang magbanggit siya ng pangalan gamit ang seryoso niyang boses.
Nagkatitigan kaming dalawa. Inalis niya ang tingin sa akin habang ngumunguya at nilipad iyon sa gawi ng babae na kanina pa umaagaw sa atensyon ko at ng iba pang estudyante.
Nilingon ko ulit yung sinasabi ni Leo na si Carla. Nakalingkis pa rin ang braso niya sa braso ni Autumn habang masayang pumipili ng pagkain sa tray niya.
Nag-igting ang panga ko ng makita silang dalawa ni Autumn na naglalagayan ng pagkain sa kani-kanilang tray. Binalik ko ang tingin kay Leo dahil sa hindi malamang dahilan, hindi ko kayang panuorin ang gano'n nilang eksena. Naninikip ang dibdib ko.
Binalik ni Leo ang tingin niya sa akin at seryoso akong tinitigan. "Carla, Zain. Carla ang pangalan ng babaeng 'yon. Siya ang matagal nang girlfriend ng pillar of medical field. Autumn Joseph T. Salas Jr."
Tinaas ko ang tingin kay Leo at napalunok ng mariin sa sinabi niya.
G-Girlfriend? May girlfriend na si Autumn!?
Itutuloy...
A/N:  As long as I can update, I will update. So most of the times, everyday ang update ko.

Komento sa Aklat (53)

  • avatar
    NatocEmily

    kkhsjsksjsjsjssjsjdjdjsusiwihssiusbsowjsnsksjkfkkykyjyfiyffikykyggkysgksfkuosjykdkfecdnvkjnbnjivfvnbjnjnonughuvfodouguoobebgtbthnthmymyjyjymytntjjtthjytnthjttjtjtmtjmtmthhttjmhhn kmk k. k vnj vnmvf kvfvfvfmkovmkmkfff rrgfrirgr ekgrniewnotnrenfbebfhgngmmjtmjmhmhrnngbgbgohvfnivfnjvfhjfenjbfnjbfohbfohebhubenjbghjbgvfgebnjbnjjjnjjihuvduovfjovfnjfvnjvfnjvfnjfejovnjvfovfnjfevvvfuieoowowisliiosiaaaaaaaakkakakakkakakskskskkskskskskkskkskskakakakakfenknjvwvwvnjdofdhjjijijijojijkjjjijiiojiiofdjjsalamat sa

    22/07

      0
  • avatar
    MendozaJoelito

    1000

    25/06

      0
  • avatar
    RH EA PE RO

    very nice story

    21/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata