logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata 4

KABANATA 4
SNOW POV.
ALA-SAIS palang nang umaga ay gising na gising na ako. Balak kong mag gym ngayon dito sa mansyon. May gym kasi kami, nasa third floor. Nagbihis na ako ng sports bra at shorts para mas komportable ako, pinaresan ko ito ng isang nike ng sapatos.
Nang maayos ko na lahat-lahat ay napagdesisyonan ko ng bumaba patungong third floor. Ang kwarto ko kasi ay nasa fifth floor kung saan ako lamang ang umuupa. Ang aking mga kapatid kasama na ang kwarto ng aking Ama ay nasa sixth floor bago ang rooftop namin. Ang bahay kasi namin ay parang hotel pero mas matibay at mas mayaman tingnan. Kumbaga ay luxury na ang aming bahay.
Ang Gym at Cinema ay nasa third floor. Ang fourth floor ay ang conference room, office ko at office ni Kuya. Ganon kami kayaman kaya nagawa ang ganitong klaseng mansyon na ito. Nakakapagod nga ang tumira dito. Malulula ka dahil sa dami ng palamuti at paintings na nakapalibot sa aming bahay. Sumakay na ako ng elevator at nagpahatid pababa, papuntang third floor.
Bumukas ang elevator sa tamang palapag. Bumungad agad sa akin ang mga kagamitan pang' ehersisyo. Pumunta muna ako sa mga gawi ng mga yoga mat. Nag-warm up muna ako ng sarili bago nag-ehersisyo. Sari-saring ehersisyo ang ginawa ko. Sa halos dalawang oras na page-ehersisyo'y; dumbbell, squat, Bench Press, Treadmill, Stationary Bicycle, Rowing Machine at iba pa.
Hindi ko pa ramdam ang pagod ko hanggang sa natapos ako sa page-ehersisyo. Bumaba ako sa ground floor bitbit ang aking mga daggers at katana.
Pumunta ako sa malawak naming bakuran at pumosisyon sa gitnang bahagi nito, nilagay ko muna ang mga gamit ko sa may gilid at ang kinuha lang doon ay dalawang daggers. Bumalik ako, sakto namang may dumaan na tauhan ko kaya tinawag ko ito.
"Ma'am..." yumuko siya ng bahagya.
"Ipatawag lahat ng bantay sabihin mo na dapat wala pang isang minuto ay nandito na sila." malamig kong ani.
"Masusunod, Ma'am." Yumuko ulit siya ng bahagya bago tumalima sa aking inuutos.
Hindi nga ako nabigo dahil wala pamang isang minuto'y nasa harapan ko na lahat ng aking mga tauhan. Sangkapat lang ito sa libo-libo kong mga tauhan.
Iniwan ko ang iba sa korea para magbantay sa aking mga ari-arian doon. Ang iba pinakalat ko sa Arena para magmatyag, ang iba pinabantay ko sa mga negosyo ng mga boss para alam ko agad kung sino ang nagtra-traydor at kung sino ang hindi.
Sabay-sabay silang yumuko ng bahagya. "Ma'am snow."
"Ilabas ang iyong mga armas." Sinunod nila ito.
Inilabas nila ang kani-kanilang dagger at ang kanilang baril naman ay tinabi muna nila. Hangga't maaari hindi ko sila pinapayagan gumamit ng mga baril kapag nag pra-practice para mas ligtas kami.
"Maghanda!" muling sigaw ko ng makitang nailabas na nila lahat. Pumosisyon sila.
Sa pakikipaglaban sa kalaban mayroon lamang kaming isang patakaran. Ito ay:
"And now bitch... Don't Get Cut!" pagkatapos kong sabihin iyon ay automatiko na silang sumukod lahat papunta sa akin. Napapangiti nalang ako ng sinusubukan nilang patamain ang kanilang kutsilyo sa aking katawan ngunit hindi nila ito maituloy-tuloy sapagkat mabilis ang aking mga kamay upang salagin ito.
Tinapakan ko ang aking tauhan sa likod ng yumuko siya upang hindi ko matamaan ng aking dagger. Pagkatapak ay binuhat ko ang sarili pa'ere pagkatapos ay sinipa ang mga tauhan kong papasugod palang sa akin.
Bumaba ako sa lupa. Ang isang paa ay nasa likod ng aking tauhan na dumadaing habang nakahiga sa lupa.
"Whose next?" Ngumiti ako ng nakakaloko dahilan upang mag-ingayan ang mga tauhan ko at sabay-sabay silang sumugod sa akin.
Halos makalimutan ko na ang huminga sa bilis ng kanilang mga kamay. Palipat-lipat ako ng pwesto ng sa ganun ay makalaban ko rin ang iba. Sa abot ng makakaya ko hindi ako pabalik-balik ng aking atake ng sa ganun ay ang mga kalaban ko'y hindi nila malaman ang paraan ko sa pag'atake.
Alam kong matalino ang mga tauhan ko at hindi rin biro ang kanilang lakas sapagkat ang iba ay hindi lamang ordinaryong gangster meron din iba na nakapagtapos na ng pagiging sundalo ngunit para sa akin hanga pa rin ako sa aking galing at lakas. Kahanga-hanga, tunay nga akong anak ng dating reyna.
"Little sis," napahinto ako sa pag-atake ng biglang makaramdam ako ng papatama sa akin na matalim na bagay. Nakailag ako ngunit natamaan nito ang aking isang tauhan sa braso.
Tiningnan ko ng masama ang lapastangang gumawa nun. "Hep hep Little sis... hindi ko gustong yang tingin mo!" ani ni Marvin.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Ganiyan mo ba ako i'welcome Marvin?" masungit kong ani.
Hindi ko na siya hinintay pang makasagot bagkus ay nilingon ang tauhan kong nasugatan.
"Dalhin niyo siya sa clinic at gamutin." Ani ko. Nang makaalis sila ay walang pagdadalawang-isip na binato ko ang dagger kay Marvin.
Siya si Marvin Cedrick De Jesus, ang bestfriend ng Kuya Diamond ko. Isa rin siyang gangster na kagrupo ko rin. Siya ay hindi lang isang simpleng member sapagkat siya'y aking kanang kamay, siya ang pinagkakatiwalaan ko sa bawat larong aming pinapasukan.
Nakailag siya sa aking pagbato. "Akala mo ha!" umaksyon siyang may pinapana at nag'heart sign pa.
Pasimple kong tinapon ang isa ko pang maliit na kutsilyo na ikinabigla niya sapagkat dumaan ito sa pagitan ng kaniyang balikat at leeg. "Missed my daggers between your neck, baby." mapangakit kong sabi.
Pumikit-pikit siya at bahagyang hinilot ang kaniyang leeg na nadaanan ng aking kutsilyo. "Oh, lil sis...you make me mad at you. Tch!" napailing-iling pagkatapos ay tumambling patalikod kasabay nun ay ang paglipad ng kutsilyo papunta sa akin. Sinalo ko ito gamit ang aking dalawang daliri at binato ko ito pabalik sa kaniya.
"Hindi ka pa rin nagbabago, Snow!" sabi niya at bumato ulit ng patalim.
"Bakit nagbago kaba?" pabalang kong sabi habang binalik ulit sa kaniya ang aking patalim.
"Oo, nagbago ako pero hindi ang ka'gwapuhan ko." tugon niya.
"Ahh kaya pala, playboy ka pa rin hanggang ngayon." sabi ko habang tuma-tango pa, nagkunyari siyang nasaktan sa aking sinabi.
'Pa'inosente pa. Tch!'
Patuloy lang kaming nagpapalitanan ng dagger hanggang sa napunta kami sa gilid at ang dating dagger na nagsisilbing sandata namin ay napalitan ng Samurai at katana.
Langit-ngit at habol na hininga ang tanging naririnig sa aming paglalaban. Perahas kaming pagod na ngunit walang gustong sumuko sa aming dalawa. Para sa amin kasi ang sumusuko ay talo, mahina, at higit sa lahat talunan. Ayaw na ayaw naming napagsasabihan ng ganiyang salita. Kaya sa abot ng aming makakaya hindi kami sumusuko.
Habol namin ang aming hininga ng magtama ang aming mga sandata, matalim ang titigan naming dalawa. Pilit nilalabanan ang lakas ng bawat isa. Napahiwalay lang kaming dalawa ng parehas kaming magulat dahil sa balang biglang sumulpot at tumama sa aming sandata.
Napaawang ang aming mga labi at iisa lang ang dereksyon na aming tinanaw. "Imbes na maglaro kayo diyan bakit hindi niyo hanapin ang pumatay sa ating Ina, Snow."
"Kilala mo ang pumatay sa ating Ina?" ani ko habang nakatingin sa kapatid kong lumapit sa amin at kinuha ang mga bitbit naming patalim.
"Kill joy ka talaga kahit kailan, Diamond!" untas ni Marvin ngunit binalewala lang ito ng aking kapatid.
"Oo, pero dahil ma'attitude kapatid ko hindi ko sasabihin." Ngumiti siya nang nakakaloko.
"Hindi ah!" pagtatanggol ko sa sarili. Lumapit ako sa kaniya at naglalambing na yumakap sa kaniya. "Sige na kuya, nangangati na ang kamay kong baliin at durugin ang kanilang buto." nanggigigil kong ani bago bumitaw sa pagkakayakap sa kaniya.
"Hmm...Nope!" sabi niya at tumalikod bitbit ang mga patalim na kanina lang ay hawak namin. Nilingon niya ang iba kong tauhan na nakatayo sa gilid at pinagmamasdan kami. "Kayo! Bumalik sa mga pwesto... nakatanga kayong lahat dito sa likod, ni wala ngang nagbabantay sa gate!" masungit niyang sabi na ikinaputla ng aking mga tauhan. Tuluyan na siyang pumasok sa aming tahanan.
"Nabitin na naman siguro yang Kuya mo." Naiiling na sabi ni Marvin. Inosente ko siyang tiningnan.
"Anong klaseng pagkabitin? Katulad ng ginawa ni Kurstin sayo noon?" napatawa ako ng bigla siyang mamula.
"A-anong s-sinasabi mo diyan?" maang'maangan niyang sabi. Namumula ang kaniyang pisngi.
Lumapit ako sa kaniya, at bumulong sa kaniyang tenga. "Marvin, kahit nasa malayo ako...alam ko pa rin kung anong nangyayari sa inyo dito. Good luck sana hindi kana mabitin sa susunod." Pulang-pula siya ng lingunin ko.
Tinapik ko siya sa balikat at kinindatan bago tumalikod at pumasok sa aming mansyon, iniwan siyang hiyang-hiya pa rin. Pumasok ako sa elevator at nagpahatid papuntang fourth floor.
Pagkapasok na pagkapasok ko palang nakita ko na ang kapatid kong seryosong nakikipag-usap sa babaeng kasalukuyang nakatalikod sa akin.
"Snow, mabuti naman at nandito kana." Sabi ng aking kapatid.
"Yeah," Tanging sabi ko habang nakatingin pa rin sa babae. "Sino siya?" nakakunot noo kong sabi.
"Oh-h...ahm," napakagat nalang sa labi ang aking kapatid. Hindi alam kung anong sasabihin.
"Sabrina Isla is my name, Snow." Sabi ng babae sabay abot ng kamay niya sa akin.
Tiningnan ko lang ito at hindi tinanggap
"Izy Snow." napapahiya niya itong ibinaba.
"I know." awkward siyang ngumiti habang sinasabi iyon ngunit hindi pa rin naaalis ang pagkaangas ng kaniyang boses.
"So, anong meron?" tanong ko at umupo sa visitor chair.
"It's all about the mastermind behind our mother's death." Automatikong naging malakas ang aking pandinig sa sinabi ng aking nakakatandang kapatid.
"So, you find him?! Can I kill him now!" galit kong sabi.
"He's my Father snow." Napatanga ako dahil sa sinabi ni Sabrina.
"W-what?"
"He's my father. . ." bumuntong-hininga siya. "Mahirap sa akin 'to pero hindi ko kayang magtanga-tangahan nalang habang ang iba ay nagdurusa sa pagkamatay ng kanilang ina."
Humarap siya sa akin at hinawakan ang aking mga kamay, naluluha niya akong tiningnan.
"Kung matagal na kayong magkakilala ni kuya... bakit ngayon mo lang yan sinabi sa akin?"
"Dahil alam kong magiging distraction lang iyon sa pagiging reyna mo." Mapait niyang sabi.
"Kung ganon pwede naba namin makuha ang ama mo?"
"Yes." walang pag-aalinlangang sabi niya.
"Pero may malaki tayong problema, Snow." Singit ni kuya.
"W-what it is?"
"Her father is missing in action right now." Napakuyom ang aking kamao dahil sa sinabi ng aking kapatid.
"We will find him right now. Hindi natin siya pwedeng hayaan lang. Ngayong alam kong siya ang pumatay kay mommy, hindi ko siya hahayaang mabuhay ng matagal." Napatingil ako sa pagsasalita at napatingin kay sabrina na tahimik na umiiyak.
"I'm sorry but I have to do this, for my mother." Wala siyang naging imik dahil sa aking sinabi hanggang sa umuwi siya ay tahimik pa rin siyang umiiyak.

Komento sa Aklat (30)

  • avatar
    Marian Cornales

    ang Ganda ng kwento nakakabitin , anung next po nito?

    20/03/2024

      0
  • avatar
    Arjhon Catusalem Dacquel

    seand to ml piot

    25/01/2024

      0
  • avatar
    HernandezApril joy

    ang ganda ano name Ng next nito

    01/11/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata