logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata 3

KABANATA 3

ACE POV.

"Where are you goin' kuya? 'Di ba kakauwi mo lang?" napatingin ako sa aking kapatid ng marinig ko siyang magsalita habang pababa ako ng hagdan.

Hawak-hawak niya ang kaniyang laptop sa kanang kamay at ang kaniyang malaking libro naman sa kabila. Umupo siya sa pang-isahang sofa bago humikab.

Napailing na lang ako ng makitang namumugto na ang mga mata ng aking kapatid dahil sa maghapong nakababad sa kaniyang laptop. Buhaghag rin ang kaniyang buhok at wala pa sa ayos ang kaniyang malaking salamin.

Ano ba ang ginagawa niya at parang hindi na niya halos maalis ang mga mata sa laptop?

“Sa labas lang, i'll just buy something." sabi ko at pinagpatuloy ang pagaayos ng headband na kulay itim sa aking buhok. Dahil sa paglalagay ko ng headband ay lumabas naman ang aking noo. Kitang-kita tuloy ang aking dalawang abo na mata.

“Ano bibilhin mo?” Kahit nakaharap ako sa malaki naming salamin, kitang-kita ko pa rin ang pagtaas ng kilay ng aking kapatid habang nakatingin sa akin. “Ano ba 'yan ang baduy mo naman. Tanggalin mo nga yang headband, napaghahalataan kang bakla!” Sabi niya pa.


Inirapan ko lang siya at nilapitan.


“Nakakahiya naman sa malaki mong salamin, Sabmarine!” kinuha ko ang salamin na walang ayos na nakakabit sa kaniyang mata pagkatapos ay pinunasan iyon gamit ang aking damit.

“Ano ngang bibilhin mo kuya!” naiinis niyang sabi at pilit inaabot ang salamin niya para maisuot ulit. Nilayo ko ito sa kaniya at patuloy na pinunasan.


“Chocolate malamang!” pabalang kong sabi.

Ano pa ba ang madalas kong bilhin sa labas maliban sa mga damit ng babae at armas na koleksyon ko?


“Sa kusina?” humikab ang kapatid ko.

Nawala na ang pagtataray, nabahidan na ito ng kaunting paglalambing. Alam na alam ko talaga ang ganitong style niya!


“Wala inubos ni Ivan lahat sabi ni manang!” ako naman ngayon ang nagtaray at panay ang irap sa kaniya habang sinasamahan ng bahagyang pagtaas ng kilay. Kami lang naman ang gising sa oras na ito kaya malakas ang loob kong ganito ang pag-uugali ko ngayon.


“E bakit parang galit ka?!” sabi niya.


“Ang taray mo kaya, babaeng 'to!” inirapan ko siya at binigay na sa kaniya ang kaniyang salamin pagkatapos ay pabiro ko siyang sinabunutan.


Nakatanggap naman ako ng tulak galing sa kaniya at mukhang hindi siya nagpigil ng kaniyang lakas sapagkat nagawa niya talaga akong paupuin sa sofa ng walang kahirap-hirap.

“Aray naman!” sigaw ko dahil sa sakit. Kinginang babae 'to, ang lakas-lakas kahit nakaupo!


“Nye...nye!” pabiro niya akong binelatan.


“Baklang 'to, maiwan na nga kita!” tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa aming sofa.

Dumeretso na ako sa pintuan ng mansyon at lalabas na sana ng marinig kong muli siyang magsalita.

“Buy me new daggers!” ani niya.

Napalingon ako sa kapatid ko at nakita siyang nagtitipa na muli sa kaniyang laptop.

Tinaasan ko siya ng kilay. “Bentahan ba ako ng mga kutsilyo?”
“Hindi pero dahil lalabas kana rin naman bakit hindi kita utusan?” inosente niyang sabi.
“At ako pa talaga, sinong Hari dito?” naniningkit ang mata ko habang tinitingnan siyang hindi man lang ako nilingon. Kumurba sa isang mapanlarong ngiti ang kaniyang labi.
“Pwede kitang patayin sa isang galawan lang, gusto mo?” ani niya.
“Bakit kaya mo na ako ngayon?” tanong ko rin pabalik.
“Bakit hindi natin subukan? Anong silbi nang pananatili ko ng ilang buwan sa Mirk kung hindi ko man lang makakayang protektahan ang sarili ko.”
Mirk, ruta ng mga taong assasin ng emperyo. Hindi ko alam kung paanong naging myembro nun si Sabrina, kahit na unang-una pa lang pwede na kaming maging traydor ng kanilang samahan. Kami lang naman ang banta sa buong emperyo pero nanatili pa rin silang pagkatiwalaan kaming dalawa ni Sabrina at ibinilang pa sa isa sa mga nangungunang rango sa gangster world.
Ang Mirk ay pinamamahalaan ng isa sa mga elders na si Avar Musiar. Bata pa lang ito at halos kasing edad lang din naming mga bago sa henerasyon. Bago lang din siyang hinirang na isang elders dahil maagang nagretiro ang kaniyang ama dahil sa mga sakit na nararamdaman.
Naitindihan naman ito ng buong emperyo at ng mga elders pero bilang batas mananatili ang kanilang pamilya sa emperyo at ang susunod na tagapangalaga ng Mirk ay ipapasa sa isa sa mga anak nito.
"Okay, fine!" sabi ko na lang para hindi na kami mag-away pa.
Sa huli kasi, alam kong ako ang magiging kawawa dahil bilang isang Kuya niya'y hindi ko siya kayang saktan kahit isang suntok man lang. Bumabawi lang naman talaga ako sa mga pabirong sabunot sa kaniya e. Lalabas na sana ulit ako ng magsalita na naman siya.
“And ah, Choc nut please!” sigaw niya pa.
Ramdam ko ang saya sa kaniyang boses habang nakikita akong sumusuko agad. Napailing-iling na lang ako at tumakbo na papunta sa sasakyan kong pinahanda na kanina pa. Dali-dali na akong sumakay kasi baka may iutos na naman si Sabrina. Mahirap na.
Pinatakbo ko ito ng mabilis pero may halong pagiingat at matyag sa paligid. Bago ako lumiko ay tiningnan ko muna ang paligid ko kung may sumusunod ba sa akin, nang masigurong wala ay nagpatuloy na ako. Dumaan muna ako sa isang bentahan ng mga ibat-ibang armas ng mga gangster. Underground ito, kaya hindi basta-basta makikita ng mga tao. Maliban na lang kung may makakitang nagpupunta dito.
“King!” automatikong napatayo sa pagkaka-upo sa kanilang mga upuan ang mga gangster na nagbabantay sa store nang makita nila akong bumaba sa aking sasakyan.
Sabay-sabay nila akong binati at yumuko ng bahagya. Ang iba naman ay sumaludo sa akin na tinanguan ko lang.
“May dumating na bang bago?” Pagtutukoy ko sa mga armas ng makapasok na sa store.
“Oo King, dinala ito ng mga tauhan ni Boss Diamond.” tumango lang ako at lumapit na sa mga box.
“Nasa pinas na rin si Diamond?” kunot-noo kong sabi.
Biglaan yata iyon, akala ko may trabaho pa siya sa ibang bansa at nakikipagclose ng kontrata sa may-ari ng COLT.
“Kakarating lang po King, may aasikasuhin kasi siyang mahalaga dito.”
Sino naman kaya ang aasikasuhin niya? Ang alam ko naman hindi na siya gaanong nakikipagusap kanila Shane at sa ama niya, simula ng mawala ang kanilang ina. Nakakapagtaka naman siguro ang bigla niyang pagbalik dito sa pinas. May babae ba siya dito?
“Buksan niyo 'yan.” Utos ko sa isang gangster.
Tumalima naman ito agad.
Pagkabukas niya ay agad na akong kumuha ng isa at binato ito sa may dinding na ikinagulat nilang lahat.
“King!” sabay-sabay nilang sigaw sa sobrang gulat na ikinangisi ko na lang.
Nanginginig pa ang iba sa takot. Lumapit ako doon at sinipat ang dagger. Namangha ako dahil sa talim nito. Hindi lang iyon matalim, matibay din at hindi agad nasisira.
“Bibili ako ng sampu, ibalot niyo ng maigi.” nakamulsa kong sabi.
“Pero ang utos ni Boss Diamond ay pinapahintulutan lamang kayong kumuhang mga matataas na rango pero hindi niya na ipinagbibili sa inyo.” Natatakot niyang sabi. Tumango lang ako at humalikipkip.
“Hindi na bibilhin ko na lang, huwag na kayong maingay kay Diamond. Gamitin niyo na lang panggastos dito." malamig kong sabi.
“Masusunod, king.” Tumango sila at mabilis nang binalot ang mga binili kong daggers. Nilagay muna nila ito sa sarili nitong karton pagkatapos ay binalot na ito sa plastik.
“Ito na po, King! Maraming salamat po!” sabi ng isa. Kinuha ko naman ito at sabay bigay ng bayad. Naglalakihan ang kaniyang mga matang pinakita niya ito sa kapwa gangster.
“Salamat, King!” sabay-sabay silang yumuko ng bahagya bago napalakpak na lang sa sobrang tuwa. Sobra kasi ang binigay kong pera sa totoong presyo ng bawat daggers kaya sobra na silang galak habang hawak ang pera.
"O sige-sige na, kayo na bahala dito!" Tinapik ko sila isa-isa sa balikat at tumalikod na. Bumalik ako sa nakaparadang sasakyan ko, nilagay ko sa backseat ang mga daggers bago sumakay na.
Kahit pa hindi pa ako nagiging king ng emperyo'y tinatawag na nila kong king. Simula kasi nang sumali ako sa gangster world at sumabak sa mga laro ay halos wala nang pumantay sa lakas ko. Lahat sila'y pilay lang ang inaabot habang ako umuuwing wagi sa larong iyon. Hanggang sa makilala ko sila Blake at Ice, mas bata sila sa akin pero kumpara sa aking kaalaman at sa kanila tungkol sa gangster world ay mas alam nila ito.
Nung una, kinaibigan ko sila para makuha ko ng mas madali ang trono at hindi ako mahalatang sumali lang ako para doon at para trumaydor pero nang malaman nila kung sino ako at kung anong kailangan ko sa gangster world, doon ko lang nalaman ang tunay na kahalagahan ng kaibigan.
Kahit nahihirapan na ako sa mga parusang ibinigay sa akin ng mga elders at kahit paulit-ulit akong nakatanggap ng hindi patas na pakikipagkapwa-tao, bumalik pa rin sila sa akin para tulungan akong makaahon muli. At iyon ang nanatiling sikreto sa pagitan ko at ng mga kagrupo ko.
Ganun din nung una si Diamond sa akin. Siya ang mas lalong naapektuhan sa ginawa kong pagtratraydor dahil mismong emperyong iningatan nila ang sinira ko. Halos kalahati sa mga transaction niya ang nanakaw ko at sinunog para ang mga nagtitiwala sa kanila ay lumapit sa akin. Si Diamond pa mismo ang inutusan ng mga elders na parusahan ako pero hindi ito nagawa ni Diamond at siya na mismo at ang mga kaibigan ko ang tumanggap sa parusa kasama ako.
Kaya kahit paulit-ulit man akong utusan ng ama kong gawin ang ganito at ganiyan sa loob ng gangster world, sinasabi ko agad ito kanila Diamond at tinutulungan nila ako kaagad gumawa ng plano.
Pinaandar ko ito palabas ng Underground, hindi halata ang kalyeng pinasukan ko. Wala na rin lumalabas pasok dito sapagkat mag hahatinggabi na rin. Habang nagmamaneho’y naisip ko bigla ang totoong pakay ko kung bakit ako lumabas ng hatinggabi. Bumilog ang mga mata ko at napangiwi na lang.
"Damn those chocolate, bakit ba kasi naubusan ako ng stock!" inis kong singhal.
Dali-dali kong iniliko ang sasakyan at itinigil ito sa mismong tapat ng 7/11. Pagmamay-ari ko ito, pinasadya ko para kapag tapos na akong makipaglaban sa arena, madali lang akong makakahanap ng mga chocolates kapag naubusan ako. By week ang delivery ng mga tsokolate dito, kaya hindi talaga mauubusan ang mga tao sakaling may bibili nito.
Nang makita ng mga trabahante na papasok ako ng seven-eleven, dali-dali silang luminya at bahagyang yumuko sa akin pagkatapos ay nagsibalikan na sa trabaho. Si Marie lamang ang lumapit sa akin at kumapit sa braso ko na ikinaikot na lang ng mata ko. Hindi basura ang pinandidirian ko kapag pumupunta ako dito kundi tao! Nakakadiri ang mga tao dito. Lalo na ang mga malalandi at si Marie 'yon.
"Hello boss Ace," malanding sabi niya.
"Hello babe," kunwa'y sabi ko. Malapit ko na siyang sukahan sa sobrang pandidiri. Nakakainis!
"Antagal natin hindi nagkita... na miss mo ko nuh!" kinikilig niyang sabi.
"Luh, asa ka!" sabi ko at tinabig siya palayo. Nagpapasalamat naman ako na hindi na niya ako sinundan pa hanggang sa makarating na ako sa stall ng mga chocolate.
"Ahy, kaloka si babaita uubusin pa yata ang mga chocolate ko ah!" nakasimangot kong sabi habang nakatingin sa babaeng nakayuko at may mga hawak na tsokolate sa kamay.
Sobrang dami nito kaya nahihirapan na siyang dalhin. Napailing-iling ako at lalapitan na sana siya upang tulungan ng bigla itong madulas. Nagsiliparan ang mga tsokolateng hawak nito.

“Fucking shit!” sigaw niya.
Parang may sariling isip ang katawan ko at dalawang kamay na saluhin ang babaeng nadulas, gulong-gulo ako sa naging reaksyon ko gayong hindi naman talaga ako ganitong klase na lalake.
Bumilis ang tibok ng puso ko ng masilayan ko ng tuluyan ang kaniyang mukha. Galing sa kaniyang kutis na makinis at sobrang puti, matangos na ilong, sa nakapikit na mata, at lalo na sa kaniyang manipis ngunit nakakaakit na mapupulang labi.
Halos mawalan ako ng hininga nang unti-unti na siyang dumilat. Patuloy pa rin ang pagtibok ng puso ko nang mabilis dahilan upang mas mawalan na ako ng sapat na hininga. Para nang nakikipagkarerahan sa sobrang bilis ng puso ko. Parehas kaming nagkatitig lamang sa isa't-isa. Ako sa kaniyang asul na mata at siya ay sa aking abo na mata. Sobrang ganda nitong tignan kaya hindi ako nagsising ganito maka-react ang puso ko.
'In-lababo ka bakla!'
Parang nabuhusan ako ng maligamgam na tubig dahil sa salitang biglang lumabas sa aking isip.

'In-lababo ka bakla!'

Muling pumasok ang salitang iyon sa aking isipan. Parang ito na mismo ang nagsasabi sa aking totoong nararamdaman ko ngayon. Tiningnan ko siya ng isang beses pa.
Hindi! Hindi ko siya pwedeng mahalin! Si Nyebe lang mamahalin ko dahil siya tanggap niya ang tunay na pagkatao ko at itong babaeng ito ay kahit kailan hindi ako tatanggapin at wala rin akong balak sabihin iyon sa kaniya.
Dali-dali akong tumalikod sa kaniya. Narinig ko pa siyang sumigaw sa hindi ko maitindihan na lengguwahe. Lumabas ako ng seven-eleven na may malalim na isip. Hindi pa rin humihinto sa pagpintig ng kay bilis ang puso ko kaya hindi ako makalma-kalma hanggang sa makapasok ako sa aking sasakyan.
“Shit! I'm sorry, Nyebe.” sabi ko.
Pakiramdam ko kasing nagkasala ako sa kaniya sapagkat tumibok ang puso ko sa ibang tao, sa ibang babaeng ngayon ko lang naman nakita. Hindi ko inakalang may namumuhay na ganun kagandang babae sa lupa. Unang tingin ko pa lang sa kaniya'y para siyang isang anghel ngunit may matigas na ekspresyon.
Napatingin ako sa pintuan ng 7/11, nakita ko siyang kausap si Jane, ang kaibigan ni Marie. Napabuntong-hininga na lang ako ng muling pumasok sa isip ko ang pangyayaring naganap kani-kanina lang.
Ang mata niyang Asul. Ang alam ko ay konti lang sa pinas ang may ganung mata. Pamilyado rin sa akin ito pero hindi ko alam kung kailan at saan ko ba nakita ang ganung klaseng mata.
“Perpekto siya pero hindi ko dapat siya iniisip na ganito katagal. Si Nyebe lang ang pwedeng mag may-ari ng puso ko. Siya lang at wala ng iba.”
Nyebe. . .hahanapin kita, maghintay ka lang!


PAGBUKAS ko pa lang ng pintuan ng aming mansyon ay bumungad na sa akin ang kapatid kong nakapamewang at ang sama-sama ng tingin sa akin.

“Oh, anong ginawa ko sa'yo?” Nagtataka kong sabi habang nakakunot ang noo sa kaniya.
“Antaggal mo kuya! Inaantok na ako.” nagpapadyak niyang sabi.
“E bakit, dala-dala ko na ba ngayon ang kama mo para hintayin mo pa ako bago matulog!?” Pinandilatan ko siya ng mata.
“A-anong, Kuya, yung mga pinabili ko!” Sigaw niya habang patuloy pa rin sa pagpapadyak ng kaniyang mga paa na parang bata.

Ay 'yon pala ang hinihintay niya? Akala ko pa naman nakalimutan na niya kung saan nakalagay ang kama niya.

“Nasa kotse!” Sabi ko na lang at aakyat na sana ng pigilan niya ako. Nakataas ang aking mga kilay ng hinarap ko siya.

“Oh ano na naman!” Nayayamot kong sabi.

“Choc nut ko!?” Nakasimangot niyang ani.

“Wala! Hanapin mo sa babaeng may asul na mata!” Pikon kong sabi.

Nang maalala ko iyon ay parang bumalik na naman sa isipan ko ang nangyari. Nakakainis! Saglit ko lang naman siya nakita pero bakit hindi na siya maalis sa isip ko?!

“Asul na mata?” Nakakunot-noong sabi niya.

Tumango ako. “Yeah nasa kaniya, kaya huwag mo na akong hanapan pa ng choc nut kasi kahit ako walang nabili dahil sa babaeng 'yon!”

Komento sa Aklat (30)

  • avatar
    Marian Cornales

    ang Ganda ng kwento nakakabitin , anung next po nito?

    20/03/2024

      0
  • avatar
    Arjhon Catusalem Dacquel

    seand to ml piot

    25/01/2024

      0
  • avatar
    HernandezApril joy

    ang ganda ano name Ng next nito

    01/11/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata