logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata 2

KABANATA 2
SNOW POV.
Umalis ako ng sementeryo na malalim ang nasa isip. Laging bumabalik sa utak ko ang mga pangyayaring ilang taon na ang lumipas. Halos pukpukin ko na ang aking ulo sa manobela para lamang mawala ang eksenang iyon sa aking isipan.
Nagtaas-baba ang aking dibdib at pilit hinahabol ang aking hininga, para na akong mawawalan ng hininga sa sobrang sakit at pait na aking nararamdaman. Kung hindi lang ako kinatok ng aking tauhan mula sa labas ay baka nasira ko na ang mamahalin kong sportscar.
Pinatakbo ko ulit ng mabilis ang aking sasakyan, iniwan ang mga tauhan kong gulong-gulo pa rin sa nangyayari sa akin. Kanina pa ako pahinto-hinto sa daan at halos mabangga ako sa sobrang bilis ng aking pagpapatakbo. Pasalamat na lang ako na kahit anong bilis ko'y nasasabayan pa rin ako ng aking mga tauhan at hindi ako iiniiwan.
Hindi sila nakikialam kung anong nangyayari sa akin pero alam kong lahat ng ginagawa ko ngayon ay sinasabi nila sa aking kapatid. Pagkarating ko ng mansyon ay sinalubong agad ako ng mainit na yakap na galing kay manang, sinuklian ko ito at pagod na namahinga sa kaniyang bisig. Kanina’y bago ako umuwi ay kinalma ko muna ang aking sarili para hindi niya makitang umiyak ako dahil alam kong magtatanong na naman siya.
“Jusko bata ka! Ilang taon kitang hindi nakita, mabuti na lang at napilit ka nang bumalik ng kuya mo dito!” naiiyak niyang sabi.
Nginitian ko lang siya, 'di tulad ng mga ngiti na ibinibigay ko sa kaniya, alam kong wala na itong buhay ngayon.
“Miss na miss na kita, kamusta ka na? Okay ka lang ba? Sabi ng kuya mo, mas gusto mong mag-isa at kahit siya hindi niya alam kung anong ginagawa mo sa buhay.”
Nananatiling lihim ang pagpunta ko sa ibang bansa upang kunin ang tronong para sa akin. Ang akala nilang mga nakakakilala sa akin maliban sa aking mga kaibigan ay nagbakasyon lamang ako sa ibang bansa. Ang hindi nila alam ay hinarap ko na si Kamatayan at halos mamatay na ako habang nakikipaglaban.
Konting pagkakamali ko lang ay mamamatay na ako sa kamay ng mga kalaban. Halos wala akong pahinga at nanatili lamang gising sa loob ng tatlong taon. Kahit ang pagkain ko sa isang araw ay ako mismo ang kukuha mula sa mga hayop na pakalat-kalat at lulutuin ito gamit ang mga naipon kong kahoy mula sa mga punong pinutol ko pa. Wala akong dala sa loob ng Jeopardy Island kundi ang aking sarili at ang aking mga armas.
“Ahh, Manang.” inilibot ko ang aking paningin sa aming malaking mansyon. Ibang-iba na ang mga ayos nito sa huli kong punta rito bago ako lumuwas pa Isla.
“Yung papa mo, nasa canada may emergency business meeting. Ang ate mo naman nasa mall, nag shopping.” Ani niya agad na para bang alam na niya kung anong itatanong ko sa kaniya.
Kahit na tumatanda na si Manang ay nanatili pa rin siya rito at binabantayan ang aming tahanan na pansin na ang pagkawalang buhay. Wala ng pagmamahal na malalanghap mo rito, hindi katulad dati na sobrang saya pa ng aming tahanan dahil sa amin na walang ibang maririnig kundi kasiyahan. Nagbago lang naman talaga ang lahat simula ng mamatay ang aking ina at mambabae na ang aming ama.
“Umuuwi ba siya dito?” tanong ko.
“Minsan lang, ang lungkot-lungkot nga dito e, kasi simula ng umalis kayo ng kuya mo naging mailap na rin sa mansyon ang ama at ang ate mo.” malungkot niyang sabi.
“Hayaan niyo po, simula ngayon may makakasama na kayo sa malaking mansyon na ito.” puno nang galak naman niya akong nginitian bago iginaya papuntang kusina.
“Mabuti pa kumain ka na.” pinagsilbihan niya ako.
Mula sa kanin hanggang sa ulam ay siya pa rin ang naglagay sa akin ng plato. Napangiti ako ng mapait.
Siguro kung buhay pa rin si Mama, katulad ni Manang pinagsisilbihan din niya ako kapag umuuwi ako ng bahay. Paglulutuan ng bagong ulam kung malalaman niyang hindi ko gusto ang nilutong ulam ng mga maid namin.
“Damihan mo ang kain ha! Pumayat ka ng todo!” ani niya sa madamdamin na boses na ikinatawa ko lang.
“Opo boss.” natatawa ko pa rin na sagot.
Matapos kong kumain, dumeretso na ako ng aking kwarto para maglinis ng katawan. Si Manang naman ay naiwan sa kusina para makapagligpit ng aking kinainan. Pagkapasok ko pa lang sa kwarto'y napabuga na ako ng malalim na hininga.
Maraming bumalik na senaryo sa aking utak habang inilibot ko ang aking paningin sa aking dating kwarto. Puros ala-ala ng aking Ina at akin ang aking nakikita. Napakalaki ng aking kwarto ngunit napakalungot naman nito at madilim. Dali-dali kong hinubad ang aking suot na mga damit at hubad na naglakad papuntang banyo. Dumeretso ako sa ilalim ng shower at doon nagbabad.
Kaya ko kayang gampanan ang pagiging Reyna?
Ang pagiging Reyna ng mundong kamatayan ang iyong kalaban ay hindi madali. Kaya ko kaya? Ang mahirap sa mundong ito ay hindi ka basta-basta makakapili ng iyong mamahalin.
Sila ang magdidikta kung kailan, saan at sino.
Hindi ko mapigilan mapasigaw sa sakit dahil sa nararamdaman ko sa aking puso. Pakiramdam ko'y namanhid ito at natatakot akong baka isang araw wala na akong maramdaman pa kundi pamamanhid.
Paulit-ulit ko itong sinuntok-suntok, nagbabakasakaling mawawala ang hapding iyon ngunit hindi pa rin umepekto. Patuloy lang ito sa paghapdi habang tumataggal, bumabalik din sa aking isipan ang mga ala-alang pilit kong kinakalimutan. Muli, ay napasigaw na naman ako.
“Tama na!” malakas kong sigaw at nanghihinang napaluhod sa tiles ng aking CR.
Patuloy na umaagos ang tubig sa buong katawan ko. Nakikipagsabayan sa mga luhang walang tigil sa pagtulo. Hindi ko alam kung ilang oras akong nasa ganung ayos pero ng kumalma na ang aking pakiramdam ay minadali ko na ang aking pagligo pagkatapos ay nagbihis ng aking damit pambahay.
Ilang oras akong namalagi sa mansyon, binago ko ang ayos ng aking kwarto at ang mga disenyo nito ay pinalitan ko ng bago. Pumunta rin ako sa kwarto ng aking Ina at nilinis din ito kahit pa’y araw-araw naman itong nililinisan ng aming kasambahay ay hindi pa rin ako nakuntento.
Sa ilang oras kong namalagi sa aming mansyon ay naburyo ako. Naisipan kong pumunta sa malapit na 7/11 upang bumili nang mga tsokolateng paborito ko. Tulad ng nakagawian, sandong itim, itim na jeans, leather jacket, boots at itim na bonet ang aking suot na pang-alis. Hindi ko hilig ang mga damit na pambabae masyado. Sapat na ako sa isang pantalon at pinaresan ng jacket.
Nagdala ako ng dalawang dagger, kung sakali man na may magbabalak sa akin na patayin ngayon dapat nakahanda ako. Ibinulsa ko na rin ang aking telepono bago lumabas sa aking kwarto. Pagkababa ko'y patay na ang lahat ng ilaw.
Kaya nagdahan-dahan na lang ako sa paglabas. Ayokong maka-istorbo pa sa mga maid at kay Manang, mabuti pang ipagpahinga na lang nila iyon. Lalabas na sana ako ng tinawag ako ng isa kong tauhan. Siguro napansin ang patago kong pagalis.
“Ma'am saan po kayo pupunta?” tawag niya.
“Diyan lang sa labas bibili.” malamig kong sagot.
“Hatid ka na po namin, Ma'am, hintayin niyo lang po kami saglit magtatawag lang ako ng mga kasama.” pag-aalok niya.
“Hindi na, sige balik kana sa pwesto mo, kaya ko sarili ko.”
“Pero—” umiling siya.
“No buts, don't mind me. I can handle myself.” madiin kong sabi.
Napayuko lang siya at tumango na. Hindi ko na siya pinansin pa at pinagpatuloy na sa balak na pag-alis. Ilang metro pa mula sa aming mansyon ang aming garahe ng mga sasakyan. Kalahati sa mga bilang nito ay akin at kay kuya ang iba naman na naiwan ay kay papa at ate. Pagpasok ko sa garahe ay napangiti agad ako.
“Aww, my babies!” puno ng galak kong sabi at dali-daling hinanap ang pinakapaborito ko sa lahat.
 “Hello, buddy!” namamangha kong sabi habang nakatingin sa big bike kong motor na sobrang ganda pa rin hanggang ngayon. Tiningnan ko ang mga parte ng aking motor kung maayos pa ba bago ko ito sinakyan at pinaandar ng mabilis.
Inilabas ko ito sa garahe at pinaandar na hanggang sa makalabas na ako sa village namin. Nilakasan ko ang pagpapatakbo nito ng makarating na ako sa national highway. Nagpapasalamat naman ako dahil walang humarang na pulis sa sobrang bilis ng aking pagpapatakbo.
Itinigil ko ang aking motor ng makarating ako sa malapit na 7/11. Pinarada ko iyon at patakbong pumasok doon. Dumeretso na ako sa mga stall ng tsokolate at agad natakam ng makita ang iba’t-ibang tsokolateng paborito ko. Kumuha ako ng tsokolateng higit pa sa bilang na gusto ko.
Halos maubos ko na ang mga ibat-ibang uri nito dahil sa dami kong kinuha. Busy ako sa pagtingin sa mga ito, pumunta pa ako sa kabilang bahagi at inabot ang nakita kong tsokolateng bago. Gusto kong tikman ang lasa nito at baka magustuhan ko.
Tumingkayad ako para maabot ito ngunit naramdaman kong may basang bahagi sa aking tinatapakan. Nanlakihan ang aking mga mata at kasabay nun ay ang pagdulas. Nasama sa pagdulas ko ay ang pagtapon ng mga tsokolate sa sobrang pagkabigla ko. Parang naging mabagal ang pangyayari.
“Fucking shit!” my chocolates!
Naisigaw ko na lang at iindahin na dapat ang sakit habang nakapikit ang mga mata ngunit wala akong naramdaman na pagbagsak at sakit sa katawan. Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata at kasabay nun ay ang pagsalubong ko ng mga malalalim at kumikislap ang mga matang abo na nakatutok sa akin.
Parang tumigil ang lahat ng makita ko ang taong iyon. Sa isip ko'y kahit kailan hindi ko pa siya nakikita ngunit ang puso ko'y iba ang sinasabi.
Napatigil ako sa pagmasid sa kaniyang mga abong mata ng bigla na lang niya akong bitawan dahilan upang mapaupo ako ng tuluyan sa sahig at ininda ang sakit sa aking pang-upo. Tiningnan ko ng masama ang lalaki ngunit huli na ako sapagkat nakatalikod na ito sa akin at patakbong lumabas ng 7/11.
“Amkae!”  sigaw ko gamit ang aming lengguwahe. Kapag makikita ulit kita, papatayin agad kita! Kahit pa, sobrang ganda ng mga mata mo, wala akong pake! Magbabayad ka sa ginawa mo, Ansakit ng pwet ko!
Naiinis akong tumayo at aalis na dapat ng harangin ako ng isang staff ng 7/11.
“Ma'am yung mga nasira mo na tsokolate!” mataray niyang sabi.
'Okay. Just great!'
Tinaasan ko siya ng kilay. “Bakit ako yung pinapabayad mo. Ako ba may kasalanan?! Dapat yung lalaki yung pinabayad mo! Pasalamat siya ang gwap—”
 Hindi siya gwapo!
“Ma'am, ikaw yung nadulas hindi si Sir Ace.” sabi niya at patuloy pa rin nagtataray sa akin.
Napatingin ako sa kaniya. “Sir Ace?”
“Opo.”
“You know him?” malamig kong sabi at pinanliitan siya ng mga mata.
“Opo, siya po ang may-ari nitong 7/11.” kinikilig na sabi niya.
So si Abo pala ang may-ari nito. Hmm, mapagtripan nga mga staff niya. Nilapitan ko ang staff tapos nginitian na sa pagkakataon na ito, friendly na ang pagkaka-ngiti ko. Inakbayan ko siya.
“Alam mo, boyfriend ko kasi 'yon. May LQ lang kami kaya alam mo na.” pagsisinungaling ko.
“Pero sabi niya wala daw siyang girlfriend!” Naglalakihan ang mga matang sabi niya.
“Oo, hindi niya pa kasi ako pinapakilala kahit kanino. Yung parang secret girlfriend, ganun kami!” Sabi ko pa.
“Hala!” napangiti ako ng mahulog siya sa sarili kong patibong. Hindi ako makapaniwalang ganun lang siya kadaling mapaniwala.
“Kaya nga sabihin mo kapag bumalik 'yon bukas, pinapasabi ng maganda niyang girlfriend na bayaran ang mga tsokolate na nasayang,” Nakangiti kong sabi with matching puppy eyes pa. “Kasi kung hindi. . .uunahin kitang papatayin.” Umaksyon akong may hawak na baril at pinutok ito sa kaniyang noo. Napangiti ako ng mamutla siya sa sobrang takot.
“O-okay po pero baka magalit si Sir Ace.”
“Hayaan mo si Alas basta gawin mo ang pinapasabi ko, okay?” Tumango naman siya ng paulit-ulit parang batang gagawin ang lahat ng inuutos ng magulang.
“Good. Okay babye!” Kumaway pa ako sa staff bago dali-daling lumabas at sumakay sa motor kong nakaparada.
“Hmm, Ace pala pangalan mong hinayupak ka. Tingnan natin kung hindi ka magpupuyos sa galit sa lahat ng mga nasirang tsokolate!” Bulong ko habang tumatawa.

Komento sa Aklat (30)

  • avatar
    Marian Cornales

    ang Ganda ng kwento nakakabitin , anung next po nito?

    20/03/2024

      0
  • avatar
    Arjhon Catusalem Dacquel

    seand to ml piot

    25/01/2024

      0
  • avatar
    HernandezApril joy

    ang ganda ano name Ng next nito

    01/11/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata