logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 6

Chapter 6
Caloy’s POV
What Crisha offered me earlier made me dumbfounded. Four questions entered my mind. What, why, why, and who. What the hell? Why does that someone owes me one? Why is she helping me in this way? And lastly, who is that someone?
I can’t remember saving someone from danger. I can’t remember someone who did something bad to me. Unless it’s my “dad.” But I don’t think so that she treasures my dad. I don’t even think that my dad connects with her.
At hindi ko alam kung maiirita o mahihiya ako kasi bakit ko kakailanganin ang tulong niya sa ganoon? Matalino naman siya pero hindi ko alam kung bakit niya naisipang tulungan ako mapalapit kay Angel. Alam ko namang magkaibigan sila pero kasi ganoon ba ako katorpe? I really like Angel but… I don’t think I am ready for such things. Kung gugustuhin ko mang pormahan si Angel, I won’t be needing anyone’s help.
“Caloy!” nagulat ako sa biglang sigaw ni Paulo. “Huh?”
“Tinatanong ni Paulo kung nagmamadali ka bang umuwi. Bibili pa raw siya ng milk tea para sa kapatid niya. Nangungulit kasi. Ano bang nangyayare sa’yo, bud? Nasobrahan ka ata sa kape eh,” sambit ni Jasper.
Tiningnan ko siya nang masama. “Ikaw nasobrahan sa salita. Okay lang naman.” Tumango si Paulo at binatukan nito si Jasper.
”Siyempre naman at talagang okay lang. Wala naman naghihintay sa’yo sa bahay,” rinig kong biro ni Jasper ngunit hindi ko na lang pinansin. Nagkunwari na lang akong makakatulog na. Narinig ko pang sinesermonan ni Paulo si Jasper kesyo “nakaka-offend” daw pero para sa akin ay hindi naman. Iyon na lang ang narinig ko sa usapan nila sapagkat tuluyan na rin akong naka-idlip.
---
“Okinawa na lang, pre. Yun laging ino-order niyan.”
“Sige ako na lang ang bababa.”
Nagising ako nang marinig ko ang usapan ng dalawa. “San na tayo?” tanong ko kay Jasper.
“Milkteahan. Um-order na si Paulo. Hintayin na lang natin.” Napansin ko ang pagiging tahimik ng tukmol.
“Tahimik mo, ah?”
“Sorry sa mga offensive jokes ko, pre-“ Susubukan pa nitong magpaliwanag nang mahaba ngunit pinutol ko na agad ang pagsasalita niya.
“I’m not even offended. Kung hindi kita kilala, binangasan na kita nang maraming beses. Mula nang maging kaibigan ko kayo, inintindi ko na ang mga ugali niyo.”
“Eh kasi baka mamaya sobra-“ Naputol muli ang pagsasalita niya nang may tumawag sa akin. Sinenyasan ko siya at lumabas muna ng kotse. Paglabas ko naman ay biglang naputol ang tawag. Nagulat ako kung sino ang tumawag na iyon.
Angel Anne Sanchez
• Active now
Angel
You missed a call from Angel.
Sorry! Napindot ko lang! Tatanungin ko lang sana kung nakauwi na kayo…
Caleb
It’s okay. Hindi pa, eh. May binili pa saglit si Paulo para sa kapatid niya.
Angel
Ah, sige sige. Ingat kayo!
Caleb
Kayo ba?
Angel
Kakauwi ko lang. Kakasermon lang rin sa’kin. Hahaha
Caleb
Every parent would definitely do that. I don’t know if I will be grateful that they’re gone.
Jk.
Angel
Grabe ka magjoke! Walang tawa! Hahahahaha, katakot ha
Caleb
Should I? Wait let me repeat.
Every parent would definitely do that. I don’t know if I will be grateful that they’re gone. Hahahaahahahahahahahah
Angel
Corny mo
Caleb
Now, I am corny? You said I should laugh.
Angel
Sige na nga nakakatawa na! Bye na, baka mamaya masobrahan ka na sa corny! Parang ewan minsan laging tahimik minsan naman nasobrahan naman hahaha, see you tom!
Caleb
Okay, matulog ka na rin. Anong oras na.
“Hoy Caloy! Bakit ka nasa labas? Kung makangiti ka pa riyan parang tanga lang.” Nagulat ako at itinago agad sa bulsa ko ang cellphone ko.
“Just to unwind.”
“May kausap, pre. Hayaan mo na! Minsan lang yan! Hahahaha,” gatong ni Jasper. Napailing na lang si Paulo at tinanong ako.
“Sino?”
“Pake mo?” tanging sagot ko lang sakaniya at pumasok na sa loob ng kotse.
---
Hindi naman sila nangulit o nagsalita pa pagkatapos ng usapan naming sa labas ng kotse ni Pau. Nauna na naming inihatid si Jasper dahil sa kanila ang malapit na bahay.
“Bye na! Kita na lang tayo bukas!” paalam ni Paulo kay Jasper.
“Ingat kayo mga pre! Lalo ka na, Caloy! Huwag masyadong mahulog sa mga matatamis na salita..” sagot naman nito.
“Oo, tangina mo!” sigaw ko rito at nagdrive na rin agad si Paulo paalis. Naging tahimik din ang kotse nang mawala si Jasper. I am aware that driving is very tiring kaya hindi nagtakang hindi na siya naging maingay at magulo.
---
Minutes later, nakarating na rin kami sa bahay ko. Hindi na rin naman kalayuan ang bahay naming tatlo sa isa’t isa. Nagpaalam na lang kami at hindi rin nagtagal ay pina-andar din niya ang kotse niya palayo.
Pagkapasok ko sa bahay ay tiningnan ko agad ang orasan at nakita kong 12 A. M. na rin.
Goodluck bukas.
Inubos ko muna ang milk tea’ng libre ni Pau at inayos ang sarili. Pagtapos noon ay napagdesisyunan ko na ring matulog.Ngunit bago iyon ay chinat ko muna si Angel upang sabihing nakauwi na ako. Hindi ko na sana hihintayin ang reply niya dahil alam kong natutulog na iyon nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Angel’s POV
Patulog na sana ako nang marinig ko ang pagvibrate ng cellphone ko.
Caleb Jacob Diaz sent you a message. *
Caleb
Hi. Nakauwi na ako.
Hindi ko alam kung bakit pero may kakaibang tuwa akong naramdaman nang pati ang mga ganoong bagay ay kailangan pa niyang sabihin. Kung makita ito ng mga kaibigan ko baka lalo akong i-link sa kanya.
Angel
Anong oras na, ah? Bakit naman ngayon lang?
Caleb
Bat gising ka pa? ANONG ORAS NA, AH?
Hindi ko alam kung matatawa ako kasi ginaya niya talaga yung sinabi ko. Magaling din mangdurog sa mga bardagulan tong si Caloy, eh. Parang nakakatakot labanan sa debate. Buti na lang hindi ko siya nakakalaban sa mga competitions haha.
Angel
Bakit Caps?
Patulog na ako, noh. Nagchat ka lang kasi.
Caleb
Auto-caps
Patulog na rin sana ako eh. Nagreply ka lang kasi.
Nang sinabi niya iyon ay sinendan ko siya ng “Bakit parang kasalanan ko?” meme ni Bobbie the Four Sisters and A Wedding.
Caleb
Antok lang yan. Matulog ka na. May pasok pa bukas.
Angel
Okie, tulog ka na rin! Byeeii!
Ibinaba ko na ang cellphone ko at ipinikit na ang mga mata.
---
“ANGEL ANNE SANCHEZ!!!” Nagising ako noong narinig ko ang boses ni mama’ng isinisigaw ang pangalan ko. Sa tuwing naririnig ko iyon, alam ko na agad. Kung hindi may ginawa akong kasalanan ay ginising na ako.
“Anong oras na ho?” tanong ko kay mama.
“6:30 A. M. pa lang. Dalian mo na at magpasabay ka na sa kuya mo nang hindi ka na mamasahe. Iyan ang sinasabi ko sa inyo, Angel. Pinapayagan na kayong gumala ay kung umuwi naman ay malapit na mag-madaling araw. Ngayon? Sino ang kawa-“ Hindi ko na narinig ang iba pang sinabi ni mama kasi nagtungo ako agad sa banyo upang maligo na. Ayoko na ng Sermunan Part 2. Naiinis nga ako eh, nirecord ni kuya kung paano ako pagalitan ni mama kahapon huhu.
---
Hindi rin naman ako matagal mag-ayos sa sarili kung kaya’t nakaabot naman ako sa school nang hindi nal-late. Isa pa ay malapit lang rin naman kami ng konti sa campus kung magt-tricyclenkung kaya’t wala nang hirap. Ang kaso, hindi na rin ako nakakain ng umagahan sa pagmamadali. Ang balak ko ay dito na lang kumain.
Nakita ko si Crishang papasok sa gate ng school kaya naman nilapitan ko ito. “Morning. Samahan mo nga akoo…” Tila nagulat ito sa akin nang bigla ko itong kausapin.
“Hilig mong manggulat. Okay, saan ba?”
“Canteen. Bili lang ako biscuit. Sa sobrang pagmamadali ko kasi, hindi na ako nakakain breakfast. Paano ba naman, anong oras na ako nagising,” mahabang sagot ko rito.
“I still also haven’t got my breakfast. Tara, libre ko na.” Hinatak na ako nito papunta sa pinakamalapit na canteen.
---
“Crish, choco mucho cookies na lang ako, yung putting palaman ha,” bilin ko dito nang sinabi niyang siya na lang ang bibili. Tinanguan naman ako nito at nagsalita.
“Yun lang ba? Don’t miss the chance. Minsan lang manlibre ang kaibigan mo…”
“Anong minsan? Sobrang galante mo, teh, hahaha, pero sige samahan mo na ng dutchmill na color red,” biro ko rito.
“Okay. Wait here.” Sabi nito at bumili na sa canteen.
---
Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon papuntang classroom habang may hawak-hawak na mga pagkain. Ang sabi ko kay Crisha choco mucho lang. Akalain mo ba naman pang pati choco mucho chocolate ay binili at tig-isang mga box pa ang binili. Akala niya namang mauubos naming ito. Edi sakit ng ngipin naming pagkatapos.
“Don’t worry. Bibigyan din naman natin mga kaibigan natin. I know, hindi natin kayang ubusin iyan. If ever man maubos natin yan ay nagpapa-pasta na tayo ng ngipin kinabukasan,” biro ni Crisha sa akin at tumawa nang kaunti.
“Kaaga-aga-“ Naputol ang pagsasalita ko nang magsalita bigla si Crisha.
“There’s Caloy, oh? Want to approach him? I can go, na.”
“Hindi, maya na lang siguro tayo magcatch-up! May gagawin pa yun!” sabi ko rito, tumatangging kausapin ito kasi mukhang seryoso eh. Baka late na siya. Pero wala pa namang 8:00 A. M. kaya baka sa extra-curricular lang.
“You like him?” Nagulat ako sa biglang tanong ni Crisha

Komento sa Aklat (12)

  • avatar
    Maria Salvador

    wow

    14d

      0
  • avatar
    lerivalawrence

    di ko pa nababasa ang buong kwento pero sa smmary palang ay kPanapanabik na... i think i enjoy this new story.. 😊😊😊♥️♥️♥️

    04/07

      0
  • avatar
    James Raises

    awesome ❤️

    30/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata