logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata 1

NOTE: All the names, scenes and events in this story are purely fictional. Any resemblances to true person or events are coincidental. Please, don't publish this simple work to any website or seize it as your own. It's plagiarism. If you want to publish this, be sure to inform the writer and put the credits.
Ang Panimula
"Ma'am! Ma'am! Gising na po! Male-late na po kayo!"
Dahil sa biglaang pagsigaw ni Yaya ay napabalikwas ako at nahulog sa kama. Bigla naman siyang nagulat kaya lumapit kaagad siya sakin.
"Jusko ang batang ito talaga!"
"Ya, ilang ulit ko bang sasabihin na wag niyo kong tawaging Ma'am. Kainis naman kayo eh!" tumayo ako lumapit sa bedside table ko.
"Naku! Ikaw talagang bata ka. Eh paano ka ngang gigising kung di kita tatawaging Ma'am." Tinawanan lang ako ni Yaya at lumapit sakin sabay hampas sa pang-upo ko.
"Yaya naman eh!" ngumuso ako dahil ang sakit parin kaya ng pang-upo at likod ko dahil sa malkas kong pagkahulog sa kama. Tinawanan niya lang ulit ako sabay bukas ng pintuan.
"Bumababa ka na jan nang makapag-almusal ka na. Ang kulit mong bata ka!" magsasalita pa sana ko kaso naunahan na ko ng pagsara ng pinto. Napabuntong hininga na lamang ako at sinuot ang salamin ko.
Pumasok ako sa banyo at sinimula na ang pang-araw-araw kong gingawa. Pagkatapos ko ay inayos ko ang basang buhok ko at tinuyo ng tuwalya. Nagsuot lamang ako ng simpleng t-shirt na itim may tatak na "I'm proud to be a geek", jeans at isang pares ng converse na itim. Sinimulan ko na ding ayusin ang bag pack na gagamitin ko sa school at bumaba na.
"Ang tagal mo naman. Sya! Umupo ka na jan at ihahain ko na ang almusal mo." Ngumiti lang ako kay Yaya at pumunta sa upuan na inaalok niya. Luminga ako sa buong kusina pero di ko siya nakita. Napabuntong hinga na lang ako at yumuko.
"Papa mo? Wala na. Kanina pa siya umalis. Hindi ka na hinintay dahil alam mo naman yung kapag may tumawag sibat agad. Ewan ko ba sa ama mo, dinadaig yata sila Superman." Pilit pinapagaan ni Yaya ang situwasyon kaya pilit na lang din akong ngumiti sakanya. Inihain niya ang pagkain ko at nagsimula ng kumain. SInawalang bahala na muna ang sakit na nararanmdaman.
Lumabas ako ng gate habang tulak-tulak ng paa ko ang skate board ko. Walking distance lang naman ang school na pinapasukan ko kaya di na kailangan mag-kotse saka ayoko maging sagabal pa sa bahay ang paghahatid-sundo sakin.
Nakarating ako sa school ng wala naman nangyari. As usual, isa na naman ito sa mga karaniwang araw ko sa Chandler University. Naglakad na ako patungo sa room na papasukan ko, nang makita ko na naman ang mga simpleng tingin ng mga tao dito. Tingin ng hindi pag-hanga, tingin kung saan manliliit ka. Kung hindi pa ako nasanay sa mga ito ay siguradong maiiyak na lang ako sa isang tabi. Pero dahil sa araw-araw na ganito, karaniwan na lamang ito.
Pumasok na lamang ako sa room naming at umupo sa pinakasulok at pinakadulo. Alam niyo na, anti-social. Hindi dahil sa wala kong kaibigan kundi ayoko na lang mapansin ng iba. Pero alam ko naman napaka imposible.
"Hey Girl! How's the weekend?"
"Ok naman! Well, as you expected. Lumibot lang naman kami sa Europe nakaka-bore kasi dito sa Philippines. You know?"
"Yeah right. Nakakatamad lang sa bahay. Kaya inaya ko sila Mommy na maglibot na lang sa Japan. Parang na-feel ko kasing makakita ng cherry blossoms and totally it's more fun if it will be live."
"Pare! Kita mo to! Di ako makapaniwalang ito ang regalo ng Papa ko. Yes! Bagong collection! Isang lamborgini naman ngayon."
"Tol, mayroon na ko niyan. Nung isang taon ang bagong labas niyan. Binili ko na agad. Alam mo na, gusto ko yung mga latest. "
I just rolled my eyes heavenwards. Nagpapayabangan na lang ang mga tao dito sa room. Nagpapayamanan na parang ang bawat isa ay isa sa mga bilyonaryo sa Pilipinas. Na parang wala ng bukas kung gumastos ng mga pera ng magulang nila, na nagpapakahirap sa pagtatrabaho.
"Good Morning Class."
"Good Morning Sir."
At nagsimula na ang mga nakakaantok na mga lessons ng Prof na ito. Nakakatamad naman. Kahit nerd ako at mukhang pag-aaral lang ginagawa sa buhay, marunong naman din akong tamarin. Lalo na kapag major mo na ang tinuturo at three hours ka lang uupo para makinig. Nakakainip. Kahit saan mapunta mga mata ko puro mga kaklase kong humihikab ang nakikita ko. Kaya hindi ko din mapigilang humikab. SIya naman naabutan kong panlalaki ng Prof namin saken. Napayuko na lamang ako sa hiya.
Tumingin na lang ako sa labas. Hihintayin ko na lang matapos 'tong tinuturo niya, tutal naman aaralin ko lang naman ulit iyan. Hindi nagtagal, natapos naman din kaagad. Lumabas na ako upang mapuntahan ang tambayan ko.
Pumunta ako sa pinakapaborito kong lugar sa buong campus....ang library. Oo, napaka-book worm ko. Dito ko ginugugol ang lahat ng vacants ko dahil wala rin naman akong makakusap na iba at gagawing iba pang bagay, so why bother?
Naglalakad ako sa section ng Romance, para makapaghanap ng magandang mababasa. Then, I saw this book na may cute na cover.
"The fault in our stars? By John Green?"
It looks cute. It also sounds interesting. Umupo na ko sa pinakadulong upuan sa section na ito. Kada-section ng mga libro dito ay may kaniya-kaniya ng mga upuan at lamesa, para di na mahirapan ang mga estudyante na dalin pa. Nakakatatlong chapter na ko, at di ko alam kung bakit nagugustuhan ko na ito. Sobrang tragic naman ng kwento. Nakakarelate kasi ako sa pagiging survivor ng babae kaya siguro nagustuhan ko.
Hindi ko napansin ang oras kaya naman nung tinignan ko ang buong lugar ay parang ako nalang mag-isa. Tinignan ko ang relo ko at nakitang malapit ng mag-ala singko. Maaga pa naman pero dahil kaunti lamang ang pumupunta dito kaya maaga palang wala ng tao. Inipit ko ang paborito kong bookmark at tumayo, inilapag ko muna ang libro sa lamesang katabi ko at dumiretso sa comfort room.
"Nakita mo ba siya?"
"Oo. Di ko naman alam na tambay pala siya dito. Kung alam ko lang lagi na sana kong pumupunta dito."
"Napaka-ideal man niya. Haay!"
"Gagawin ko ang lahat para lang mapansin niya ko. Kahit na di naman siya ganoon kayam-"
Lumabas ako sa isang cubicle. Nakita kong natigilan sila at tinignan na naman ako ng nakakadiring tingin. Inayos ko lang ang salamin ko at sinuklay ang mahaba kong buhok. Nag-hugas ako ng kamay at lumabas na.
Bumalik na lamang ako sa ginagawa ko kanina. Ngunit nang kukunin ko na ang libro ay wala na siya sa pinag-patungan ko. Nataranta ko dahil nandun ang bookmark ko, napakahalaga sakin nun dahil bigay sakin ng mama ko yun. Hinanap ko ito sa section na pinagkunan ko dahil baka naibalik na, pero wala. Inisa-isa ko ang bawat bookshelves pero wala pa rin. Pumunta ko sa isang babaeng nasa table na mukhang nagtratrabaho, para magtanong.
"Excuse me po." Napatingin naman sa akin ang nasa mid-50's na babae. Siya siguro ang librarian. Inayos niya ang salamin niya.
"Anong maipaglilingkod ko?"naubo na lamang ako sa lalim ng tagalog ng ginang.
"Ahm, itatanong ko lang po sana kung saan napupunta yung mga nakukuhang pakalat-kalat na libro na di naibabalik?"nag-isip muna siya sandali.
"Baka kinuha ng mga scholars jan. Oras ng trabaho nila ngayon. Tignan mo sa mga bookshelves at baka sinauli na nila." Magsasalita pa sana ko kaso yumuko na lamang ito nagpatuloy sa pagtipa sa kaniyang computer.
Napabuntong hininga na lang ako. Nakakainis wala silang pakialam sa mga estudyanteng may kailangan. Tanging mga mayayaman lang ang binibigyan nila ng pansin. Wala ba kaming karapatan dito?
Dumiretso na ako sa labas, dahil sa wala rin naman akong magagawa. Uuwi na lang ako. Baka kapag pumunta ako dito bukas, baka makita ko na.
Nakakainis. Nawawala ko.

Komento sa Aklat (123)

  • avatar
    Jheanica Bosas Clapis

    it's really good

    14d

      0
  • avatar
    Apriljoy Metria

    Super ganda niya basahin

    24d

      0
  • avatar
    DecostaJames Zion

    ang ganda

    29d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata