" Where are you going again, Claire? " Napalingon ako kay Dad na inaayos ang kaniyang necktie. Papasok na kasi ito ng kaniyang opisina. Kalalabas ko lang ng kuwarto ko at naka-ayos ng bihis. Naka- off shoulder na dress ako na kulay red na hapit sa katawan ko. At iniwan ko lang na naka-lugay ang buhok kong itim na hanggang baywang. " Hangout with my friend? " sagot ko. " Parang hindi ka pa sure sa isinagot mo sa 'kin. Why don't you find a work? Puwede kitang ipasok sa kompanya, " sabi nito. " I don't need a work, Dad. Wala rin naman patutunguhan 'yong pagta-trabaho ko sa kompanya mo kung ako rin lang naman ang magma-mana. Soon, " sagot ko at napa-iling na lang siya. " Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa 'yo, Claire. I'll will leave, just make sure na isama mo si Forth sa pupuntahan mo. " Saka nito kinuha sa coffee table ang susi ng kotse niya. " No need, Dad. I hate that bodyguard. Wala namang mangyayaring masama sa 'kin lalo na at kasama ko si Via, " sabi ko habang nakasunod sa kaniya. " At kaya kong mag-drive mag-isa, " patuloy ko pa. Napahinto ako sa paglalakad ng makita sa labas ang kinasusuklaman kong bodyguard. What this rude bodyguard doing here? " Nandito ka na pala, Forth. Ipag-drive mo si Claire, may pupuntahan daw siya. " Sabay tapik ni Dad sa balikat ni Forth bago ito nilagpasan. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at tinaasan ng kilay. Hinintay ko munang maka-alis ang kotse ni Dad bago nagsalita. " What are you doing here? May sinabi ba akong bumalik ka at mag-trabaho dito? " tanong ko. " You didn't, but your Dad did, " nakangising wika nito sa 'kin. Binuksan nito ang kotse at ngiting humarap muli sa akin. " Get in, " Heh! Is he expecting me to fall for his smile again? Hindi mo na ako maloloko, bodyguard. Madali lang sauluhin ang ugali mo. Pumasok naman ako ng kotse at hindi pa ako nakaka-upo ng maayos ng pabagsak niyang isinara ang pinto at naipit doon ang dulo ng dress ko. Madali siyang pumunta sa driver seat at ako naman ay naiwan sa likod niya na hinihila ang dulo ng dress. Halos hindi rin ako maka-upo ng maayos dahil nga hawak-hawak ko ang tela na naka-ipit. Halos mabigla ako ng mag-maneho siya. " H-Hey, hindi ko mabuksan 'yong pinto! H'wag ka munang mag-maneho! 'Yong dress ko!" sigaw ko at pilit na binubuksan ang pinto. Ngunit hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa pagmamaneho. This damn guy! " F-Forth! Mapupunit 'yong dulo ng dress ko! Stop this damn car! " sigaw ko. " P-Please! Stop this car. . ." Doon niya lang inihinto ang kotse and I think sinadya niya na papasukin ako at ipitin ang dress ko kanina para lang dito. " What? Can you say that word again?" tanong niya habang nakatingin sa 'kin sa review mirror. Nakita ko naman sa ang maliit na pag-ngiti niya. Nag-patay malisya naman ako bago sumagot. " W-What word?" I asked him while raising my right eyebrow. " Hindi naman ako 'yong taong mapilit," wika nito at muling ini-start ang makina ng kotse. Damn! Hindi pa ako nakaka-upo ng maayos dahil patagilid ang upo ko at nakahawak parin ang kaliwang kamay ko sa tela ng dress ko. Halos dumikit na ang pang-upo ko sa pinto ng kotse. Kung doon lang sana ako na-upo sa passenger seat baka nasapak ko na ang lalaking ito. " Stop the car, " maliit kong wika bago nagbuntong hininga at nagsalita. " Okay, please, Forth. Kindly stop this car for a while at tulungan mo akong buksan ang pinto. " Hindi ko kayang buksan ang pinto ng kotse dahil sa posisyon ko. Minaneho naman niya ang kotse na ikinainis ko. " 'Di ba sabi ko-" " Ipaparada ko lang 'yung kotse, tanga." Kung hindi ko lang kailangan ang tulong mo ngayon sasagutan talaga kita sa pang-uulit mo sa 'kin ng tanga. Bakit ba siya ang napiling bodyguard ni Dad? Walang kuwentang bodyguard! Matapos niyang iparada ang kotse sa isang tabi ay inalis niya ang pagkaka- seat belt niya at bumaba. Binuksan niya ang rear door at pumasok. Halos maglapit ang bawat sarili namin habang ginagalaw niya ang door handle ng kotse. Dinig ko ang mabigat niyang paghinga. " Bilisan mo nga! Nangangawit na ako e!" reklamo ko. Agad naman na may tumunog hudyat na nabuksan na ang kotse. Halos makahinga ako ng maluwag ng mahila ko ang tela ng dress ko. " Thanks god, natanggal na!" mahinang bulong ko saka ko inilingon ang sarili ko bandang kaliwa. Nauntog naman ang ulo ko sa ulo ng lalaking hindi pa nakaka-alis ng puwesto niya. " Ouch! Lumabas ka na nga!" singhal ko habang napahawak ako sa ulo ko. " Saglit! Hindi ako robot para utusan mo! " " Yes, you're not a robot because you're my bodyguard. Kasama na rin ang sundin mo ang utos ko. Kaya. . .go out! Bumalik ka na sa driver seat at mag-maneho, " wika ko habang siya ay napa-upo naman sa tabi ko. Medyo malayo naman ang space namin sa isa't isa. At para bang may hini-hintay ito na sabihin ko Nagbuntong hininga ito at nagsalita." Nasaan na 'yong salamat ?" tanong nito. 'Yon pala 'yung hinihintay niya kaya hindi pa siya nag-pupunta ng driver seat? " Ano ka gold?" taas kilay kong tanong. " Indeed. At sa lahat ng gold, ako ang pinaka rare. So? Where's the 'thanks? " I don't want to stress myself to this guy. Kaya I will do what he want para matapos na at makita ko na si Via. " Okay, thank you, Bodyguard. Nag- thank you na ako. Kaya puwede ka ng mag-maneho at kanina pa ako ini-intay ng kaibigan ko," wika ko gamit ang kalmado kong boses. " That's not sincere. Say it again," What? Eh ano naman kung hindi sincere 'yon? At least nag-thank you ako sa kaniya! " Ang arte mo naman! Just drive this car at ililibre na lang kita ng. . . .kahit ano!" " No way . Gusto ko 'yong sincere mo na thank you. " wika nito at isinandal ang sarili niya sa upuan at pumikit. I see. Wala siyang balak mag-maneho hanggat hindi naririnig ang mahal at sincere kong 'thank you'.
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
nice
20/11
0I love this book
25/10
0nice 🙂🙂
01/06/2025
0Tingnan Lahat