Chapter 1 CLAIRE “ I will hire you a bodyguard,” wika ng Daddy ko habang nakaupo sa swivel chair n'ya dito sa opisina. “ I don't need one. ” “ Claire! Hindi kita kayang protektahan sa lahat ng oras! Maraming masasamang tao ang gustong dumukot sa 'yo! And you know that!” sigaw niya sa 'kin. Napa-ikot na lang ang mata ko sa hangin. “ Fine, then. Where's that bodyguard? ” Tingnan lang natin kung tatagal 'yang bodyguard na 'yan sa 'kin. Tumingin ako kay Dad na halos sabunutan ang sarili niyang buhok out of frustration. “ Pinapatawag ko pa lang papunta dito. H'wag kang mag-madali, Claire.” Saka nito muling itinuon ang atensyom n'ya sa computer. Mukang madami nga itong ginagawa dahil sa mga papel na nakapatong sa table nito. Tumayo naman ako sa pagkakaupo ko at naglibot. Napadako ang tingin ko sa family picture namin sa isang tabi. “ Nandito pa pala 'to? Why didn't you throw this away, Dad? Busy ka sa trabaho and si Mama, nandoon sa ibang bansa at masayang nakiki-bonding sa new family n'ya,” wika ko habang sinisipat 'yon ng tingin. “ Just sit there. Hindi ka na bata para sabihin pa sa 'yo kung ano ang tama.” Iimik pa sana ako ng may biglang kumatok sa pinto ng office. Napabaling naman ang atensyon ko sa pinto. “ Come in,” maikling wika ni Dad bago may pumasok na babae and it was her secretary. Sa likod ng secretary ay ang lalaking matangkad na naka- white long sleeve at black na pantalon. Mukang may kaya. Mas matangkad ito sa akin at halatang inaantok base sa muka at mata nito. Itim ang buhok nito at halos umabot ang bangs sa kilay niya. Kung tutuusin, magmumuka itong koreano dahil na rin sa maputing kutis nito. Don't tell me na ang lalaking 'to ang magiging bodyguard ko? Kaya ba niyang makipagsuntukan man lang? Hindi halata sa hitsura kung oo man. “ Mr. Azello, nandito na po 'yong taong pinapahanap n'yo, ” magalang na wika ng secretary. “ You can now leave. May pag-uusapan lang kami. ” Tumango naman ang secretary bago lumabas. “ Claire Azello, he will become your bodyguard from now on. Say hi to him,” Nakatayong wika nito. Ginawa ko naman ang sinabi ni Dad. Kumaway ako sa bodyguard ko habang nakangiti. “ Hello?” Tumango lang ito sa 'kin saka marahan na ngumiti. Akala ko ay masungit ito. Not bad for a bodyguard, dagdag mo na rin ang ka-guwapuhan nito. “ Forth, ikaw na ang bahala kay Claire. Just understand her, medyo pasaway,” wika nito at muling umupo sa swivel chair n'ya. “ You can now leave. Twenty four hours mo s'yang bantayan,” Napanganga naman ako sa sunod na sinabi ni Dad. “ No way. Don't tell me na kasama ko 'tong lalaking 'to pati sa pagkain ko?” pagmamaktol ko. “ Claire! H'wag na pasaway. You're already 23! Leave! May ginagawa pa ako. Can't you see? Your father is busy. I am busy.” Pagmamaka-awa nito. Again, again, and again. I just rolled my eyes again. “ I'll leave first,” Saka ako tumalikod at lumabas. Naramdaman ko naman na nakasunod sa 'kin si Mr. Forth who ever he is. Akala ko ay mananatili lang itong nakasunod sa 'kin. Halos mapanganga ako nang makitang nanguna s'ya sa paglalakad ko. What the hell? “ Hey, what are you doing. You supposed to follow me around, hindi 'yong inuunahan mo ako sa paglalakad,” inis kong wika. Umatras naman s'ya ng tatlong hakbang at nilingon ako. “ I won't follow a girl na parang langgam kung maglakad. ” Saka ito ngumisi bago muli akong tinalikuran at naglakad. Halos ma- disappoint ako kanina. He's smiling at me just a while ago. At sa harap lang pala 'yon ni Dad.So? Plastik lang ang pinakita n'yang ngiti sa 'kin? Halos mapatakbo ako nang makitang malayo na s'ya sa 'kin. “ Hey, Mr. Back and Forth, wait for me! ” sigaw ko. Halos mapatingin sa 'kin ang lahat ng empleyado dahil sa pagsigaw ko. I just gave them a deadly glare at nag-iwas naman sila ng tingin. At ibinalik ang atensyon sa kaniya-kaniyang trabaho nila. Ano bang klaseng bodyguard ito at iniiwan ang kaniyang amo? Nang makarating na kami sa parking lot ng building ay agad ko siyang hinabol. Halos pumutok ang ilalim ng paanan ko dahil sa high heels na sandals na gamit ko. “ Hey, nakikinig ka ba? Trabaho mo ang bantayan ako at hindi unahan ako sa paglalakad. Can you act like a gentleman for a while? Just act like one!” hingal kong wika sa kaniya at nakapamaywang pa. Napatingin ako sa kotse na nasa harapan namin. Kulay itim ito at halatang mamahalin. Pumasok naman s'yang driver seat at isinarado ang pinto. The audacity! Ni-hindi n'ya man lang ako pinagbuksan ng pinto. Sa likod naman ako sumakay. Inayos n'ya ang review mirror, kita ko ang sarili ko do'n maging ang nakatingin n'yang mata. “ Kaninong kotse 'to? ” tanong ko sa kaniya. “ This car was bought by your father. He gave me this,” “ You should be nice to me, then.” Saka ko isinandal ang likod ko sa upuan ng kotse at pumikit. I need a rest. Sino bang hindi mapapagod sa kakahabol sa lalaking 'to? Ang laki ng hakbang. “ Why the car is not moving yet. H'wala ka bang balak mag- maneho. I want to go home. Inaantok na ako,” wika ko habang nakapikit. “ Then, drive this car by yourself. I will relax myself for a bit. Sabihin mo sa 'kin kung nasang lugar na tayo,” Napamulat naman ako sa sinabi n'ya at nakitang nakasandal na ang ulo niya sa headrest ng kotse. What's wrong with this bodyguard? At tanga ba s'ya? How can I drive this car if he's sitting on the driver seat. “ Hindi ka ba mag-mamaneho? I will call Dad then I will tell him na kung ano-anong walang kuwenta ang pinagagawa ng bodyguard na hinire n'ya,” wika ko at nagtipa ng cellphone. Napansin ko naman na umayos s'ya ng upo at lumingon sa 'kin. Matatakot rin pala. “ Give me your phone,” sabay lahad ng kamay nito sa 'kin. “ Why would I give it to you?” “ I will type my number. Just in case na may mangyari sa 'yo, you can call me,” paliwanag nito. Parang sinapian ito ng kabaitan kaya ini-abot ko ang cellphone ko.
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
nice
20/11
0I love this book
25/10
0nice 🙂🙂
01/06/2025
0Tingnan Lahat