logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

The Proxy Bride By Gina A.

NAPASUGOD si Rossana sa seldang kinaroroonan ng ama. Matapos sabihin ng pulis sa kanya ang kaso nito.
“Itay, ano naman ba itong nagawa mo?”
Mangiyak-ngiyak naman ang ginoo. “A---anak, pasensiya kana sa tatay mo ha, wala na kasi akong maisip na ibang paraan kung saan tayo kukuha ng pera, para sa operasyon ng inay mo eh, kaya nagawa ko ito,” napayuko ito nahihiya sa anak.
Naawa si Rossana sa ama pero mali pa rin ang ginawa nito.”Itay, alam ko po na nag-aalala karin kay inay, pero sana naman po, hindi sa ganon paraan, ngayon problema ko pa kung saan ako kukuha ng pang piyansa mo rito.”
“Anak, hayaan mo na lang ako dito, total matanda naman na ako ang intindihin mo ang nanay mo muna saka na ako.”
Kahit ganon ang sinabi ng ama, isa siyang anak na nagmamahal sa magulang.”Hindi ko naman magagawa na baliwalain ka Itay, kulang itong pera ko na pang piyansa sa’yo, dito ka muna habang naghahanap ako ng pang dagdag dito sa pera ko. “
“Anak, patawarin mo ako, pati tuloy ako naging problema mo rin ang tanga-tanga kasi ng tatay mo hindi marunong mag isip ng tama,” napahikbi ito.
Hindi napigilan ni Rossana ang luhang nag unahan sa pag agos sa pisngi. Kinalma muna niya ang sarili baka pumalahaw pa siya sa pag-iyak eh. Limang minuto siyang natahimik.
Hinawakan ng ama ang kanyang kamay.”Anak, patawad, ha,” anito muli.
Humawak ng mahigpit sa kamay ng ama si Rossana, pinaiintindi nito na nasa tabi lang siya nito.”Ano pa nga bang magagawa ko Itay, narito kana, mabuti na lang hindi nag sampa ng kaso iyon babae, naawa pa rin sa inyo, sige po maiwan ko muna kayo at ako’y maghahanap na ng pera,” binitawan na niya ang kamay ng ama, naglakad palayo na.
“Anak, huwag mo akong alalahanin dito ha, okay lamang ako,” habol na sigaw nito sa anak.
Nakangiting nilingon ni Rossana ang ama.
SA condominium ni Sherry habang nakahiga sa kama tumunog ang cell phone
“Si Edward, siguro ang tumatawag,” dahil hindi niya kinuha ang cell phone para tignan kung sino ang tumatawag sa kanya, hinayaan lamang niyang mag ring ito dahil ayaw muna niyang makausap ang nobyo.
Dahil makulit ang nasa kabilang linya napilitan sagutin ito ni Sherry.
Kaagad niyang kinuha ang cell Sione ng makita niyang iba pala ang tumawag agad na niyang sinagot ito.
“Hello, Felix,” masayang wika niya.
“Hello, Sherry. Bakit ba ang tagal mong sagutin ang tawag ko?” May pagkairitang sabi nito.
“Sorry, Felix. Kasi nasa banyo ako naliligo kaya hindi ko nasagot kaagad,” alibi na lang niya.
“Ganon ba, may pupuntahan ka ba, Sherry?”
“Wala, Bakit?” Sagot niya kaagad.
“Mabuti naman kung ganon.”
“Nasaan ka ba, Felix, bakit parang maingay diyan sa kinaroroonan mo, ah?” may naririnig siyang ibat-ibang tunog. Tunog ng tubig, sasakyan, at maraming mga tao.
“Narito kasi ako sa bay walk, eh.”
May pagtataka sa mukha ni Sherry kung bakit andoon ito.”What are you doing there?”
“Nagpapahangin lamang ako Sherry, you wanna join me here, hihintayin kita rito?”
“Oo naman, wait for me, magpapalit lang ako ng damit ko.” Mabilis siyang bumangon.
“Okay bilisan mo lang ha, baka mainip ako pag matagal ka.”
“No, in a few second nariyan na ako. Bye.”
“Bye. See you in a while.”
Pagka-off ni Sherry sa cell phone kaagad na siyang nagbihis at umalis ng bahay.
“DIYOS ko! Saan naman po ako kukuha ng pera? Kahit na ibenta ko pa ang katawan ko nang paulit-ulit, hindi pa rin magkakasya ito!” turan ni Rossana sa sarili habang naglalakad siya sa tabi ng dagat.
Nagpasya muna si Rossana na maglakad-lakad sa tabing dagat upang makapag isip kong ano ang dapat niyang gawin. Nang makarating siya sa batuhan na umupo siya at hindi niya napigilan ang pagpatak ng luha.
Tumingala siya sa langit na medyo kumukulimlim.”Unfair ka nga ba, bakit ang dami naman pagsubok ang ibinigay mo sa akin, sabay-sabay pa, naisip ko tuloy kaya ko ba ang lahat ng pag subok mong ito? Sana naman Lord, iniisa-isa mo mang lang, para kanit papaano makakaya ko,” aniya habang patuloy ang pagluha.
“Tulungan mo naman ako oh, sabihin mo sa akin o kaya ibulong mo na lang kung ano ang dapat kong gawin, sa totoo lang, gulong-gulo ang isip ko ngayon.” Dito na siya napahagulgol ng iyak.
Napalingon naman ang lalaking malapit sa kay Rossana dahil sa pag iyak niya.
“Malaki siguro ang problema ng babaing ito, baka sawi sa pag-ibig o kaya naman ay buntis?” ani ng lalaki.
“Hi, Felix. I’m here,” my ngiting bati ni Sherry sa binata. At kaagad niyang nilapitan ito sinalubong naman siya nito at hinalikan sa labi.
“Ang bilis mo, ah?” Sabi pagkatapos halikan ang dalaga.
“I told you, in a few second narito na ako.”
“Parang si Darna ka lang ah, Sherry.”
“Well, ganon ako sa’yo, Felix, mabilis pa kay Darna basta ikaw.”
Naupo ang dalawa na magkayakap.
Napapahikbi na lang si Rossana, pinunasan ang basang pisngi, huminga ng malalim.
“Kaya ko ito. Lord, gusto kong sumigaw puwede ba? Ang bigat kasi ng pakiramdam ko,” para naman nakikisimpatya sa kanya ang pagkakataon biglang humangin ng malakas tumama sa mukha niya. Kaya naman sumigaw siya ng malakas paulit-ulit wala siyang pakialam sa mga tao sa paligid.
Nang maramdaman niyang okay na siya ipinasya na ni Rossana na bumalik sa hospital dahil kailangan siya roon.
“Ang laki yata ng problema niya?” wika ni Sherry.
“Oo nga, kanina ko pa siya napapasin na umiiyak parang kaybigat ng dinadala niyang problema,” ani naman ni Felix.
“Gusto ko siyang kausapin, Felix, maybe I can help her.”
“Sure hayan na siya.”
Nang tumapat si Rossana sa dalawa biglang binati ni Sherry ito.
“Hi---” may ngiting sabi ni Sherry.
Nagpalinga-linga naman si Rossana sa tabi niya kung may ibang tao pero wala naman siyang ibang nakitang dumadaan kundi siya lang.
“Ako ba ang sinabihan mo nang hi, miss?” kanyang tanong.
“Yes, ikaw nga, halika ka rito?” yaya ni Sherry sa babae.
“Ha? Bakit? Hindi naman tayo mag kakilala, ah?”
Lumapit si Sherry kay Rossana.”Well I’m, Sherry, and my boyfriend, Felix, and you are?”
“Rossana Luna,” sagot niya.
“So, magkakilala na tayo, puwede ka na bang makausap.”
“Bakit nga? At para saan?”
“Well, not for me, maybe for you. Nakikita ka naman ni Felix, na tila may problema ka hindi lang basta problema siguro ito. I think mas mabigat pa, naisip ko lang na baka may maitutulong kami sa’yo kaya. I say hi to you.”
“Tama si Sherry, Rossana, tell us your problem maybe we can help you, kahit na kunti lang,” sigunda naman ni Felix.
Nagdadalawang isip naman si Rossana kung magsasabi siya ng totoo sa dalawa. Baka scam sila. Pero sa tingin niya ay hindi mayaman ang dating ng babae.
“Halika maupo ka, dito sa tabi ko?” yaya ni Sherry kay Rossana.
Nagdalawang isip naman si Rossana kung susundin niya ang sinabi nito. Sabi nga nila don’t talk to strangers.
“Sige na, wala naman masama kung sasabihin mo sa amin kung ano ang problema mo di ba? Maybe we can help you nga. And don’t worry hindi kami masamang tao,” paniguro nito.
“Baka sila na ang ibinigay ni Lord, para tumulong sa’yo,” ani ng isang tinig sa isipan ni Rossana napatingin siya sa dalawa.
Tama baka nga sila na ‘yon hiniling ko) ani naman niya sa sarili.
Nagkatinginan naman ang mag nobyo dahil nakatayo pa rin sa harapan nila ang dalaga.
“It’s okay, Rossana, if you don’t trust us, sige puwede ka ng umalis, sorry sa disturbo,” wika ni Sherry dito.
Akala ng dalawa aalis na siya. Pero hindi lumapit ito sa kanina naupo si Rossana sa tabi ni Sherry.
Nag ngitian naman ang mag nobyo.
“Anong problema mo, Rossana?” tanong agad ni Sherry.
“Ayokong mag paligoy-ligoy pa, total kayo naman ang nag offer ng tulong ninyo di ba?”
“Yes, okay tell us, Rossana, we are listening.”
“Ang inay ko, nasa hospital ngayon, kailangan niyang maoprehan, sa madaling panahon, ang Itay ko naman nasa prisento. Dahil sa gusto niyang makatulong, gumawa siya ng paraan pero sa maling paraan naman kaya hayun sa piitan ang bagsak niya, hindi ko kaya ang lahat isang hamak na waiter lamang ako, ang masakit pa nito wala na akong trabaho,” paliwanag ni Rossana.
“So, ang problema mo ay pera?” ani Felix.
Tumango naman si Rossana dito.
Nagkatinginan naman ang mag nobyo at nag-uusap ang mata nilang dalawa.
“How much do you need, Rossana?”
Napatitig naman si Rossana kay Sherry. Hindi niya inaasahan na mag offer agad ito sa kanya.
“I’m not joking, Rossana, tell me baka kaya kung ibigay ang kailangan mo.”
Aayaw pa ba siya eh, nasa kanyang harapan na ang grasya wala naman mawawala kung sasabihin niya.”One hundred fifty thousand!”
“Maliit na bagay, Rossana. Wala naman palang isang million eh, I will gave you that money, Rossana. Pero may kapalit siyempre, malaking pera rin ang kailangan mo. Sa panahon ngayon hindi basta-basta nagbibigay ang isang tao ng pera di ba?”
Tumango siya naintindihan niya ang ibig nitong sabihin.”Anong kapalit?”
“Pag-uusap natin iyan pero hindi dito, heto ang calling card ko, call me tomorrow, then I gave you the money.”
Biglang nagduda ang isip ni Rossana. Ganon-ganon na lang ba kadali ang lahat.”Sandali baka naman masama ang ipagawa ninyo sa akin, ngayon palang sabihin na ninyo. Kahit na kailangan na kailangan ko ng pera hindi ko gagawin ito.”
Ngumiti si Sherry.”Rossana, do I look and my boyfriend na gumagawa ng masama? Don’t worry we are not bad. Kung ‘yan ang iniisip mo.”
“Sherry, wala sa itsura ang gumagawa ng masama ang iba nga diyan ang guwapo ‘yon pala killer na rapist pa.” Katuwiran pa rin niya.
Sumang-ayon naman ang dalawa sa sinabi niya.”Well tama ka Rossana, but I’m not or my boyfriend do something not good. Sige na bumalik kana sa hospital, bukas the money you needed nasa palad mo,” ngiting turan ni Sherry.
“Sige salamat,” nasabi na lamang ni Rossana.
“Don’t say thank you muna, Rossana, dahil wala pa tayong deal,” sagot ni Sherry dito.
Tatango-tango naman si Rossana. Sinabi nito at siya’y umalis na.
Nang hindi na makita ng magkasintahan si Rossana.”Sherry, ano bang balak mo sa kanya?” Kaaagad na tanong ni Felix.
“Mahal mo ba ako, Felix?” Tanong nito.
“Ano bang klaseng tanong ‘yan Sherry? Oo, mahal kita kaya lang ikakasal kana, sino ba ako para ikumpara sa lalaking pakakasalan mo.”
“Nakapagdisisyon na ako, Felix.”
“Nagdisisyon ng ano, Sherry?” may pagtatakang ani Felix.
“Na hindi na ako magpapakasal pa kay, Edward. “
“What? Papaano mo ito gagawin? Di ba, prepared na lahat araw na lamang ang hinihintay ninyo para makasal na kayo ni Edward?”
“Yes, pero mas mahal kita. At mas masaya ako pag ikaw ang kapiling ko, tulad ngayon, I’m so happy, Felix.” Madamdamin sabi niya.
Buong pagmamahal na niyakap ni Felix ang nobya.
“So, hindi mo itutuloy ang kasal ninyo ni Edward, ganon ba, Sherry?”
“Matutuloy, Felix. Pero hindi ako ang bride kundi si Rossana.”
“So, iyan ba ang plano mo sa kanya?”
“Oo, Felix!”
“Tatangapin kaya niya ang gusto mong mangyari, Sherry?”
“Sana, Felix. But I feel na tatangapin ito dahil kailangan niya ng pera. Buhay ang kapalit ng kanyang gagawin.’’
“Ang talino mo talaga, Sherry. Naisip mo agad ito.”
Yumakap ng mahigpit si Sherry sa nobyo. “I love you, Felix.” Magagawa niya ang lahat para sa pagmamahal niya sa nobyo.
“I love you too, Sherry.” Kay lapad ng ngiti nito.

Komento sa Aklat (241)

  • avatar
    bansiljohn paul

    ganda

    12d

      0
  • avatar
    Melanie Lineses

    ay ang ganda😍😍😍😍😍😍.. love it thanks po Sana po marami ka pa maisult good luck

    17/08

      0
  • avatar
    Gem Marie

    Ganda ng story hndi bitin nakakakilig may nakakatuwa i really like this author may ending hndi putol unlike sa iba at happy ending yun yung the best sana marami kapang magawang story 😍😍

    10/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata