logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter Four

♧♧♧
Dinala kami ng sinasakyan naming truck sa bayan ng Lumban -- ang maliit na karatig bayan ng Tierra Cota at Arcana. Dahil sa kondisyon ni Thaft, ibinaba kami nito sa maliit na clinic. Agaran namang nilapatan ng paunang lunas ang sugat niya sa binti. Nagtataka pa ang nurse na nandoon kung saan niya nakuha iyon, pero sinabi na lang ni Thaft na dahil sa aksidente.
Pinilit siya ng nurse na manatili na lang muna sa clinic pero hindi siya pumayag. Gusto niya kasing pumunta sa mansion ng mga Ignacio kasama ko. Kailangan na rin naming makauwi dahil lumubog na ang araw, baka hinahanap na ako nila mama.
“Tara na, June.” Tawag niya sa akin. Nakasuot na siya ng maayos na damit ngayon, kumpara kanina na naka-hospital gown lang. May hawak na siyang saklay, pangsuporta sa kaliwa niyang binti.
Tumango naman ako bilang pagsagot sa kaniya. Tumabi ako sa kaniya sa paglalakad dahil siya ang nakakaalam sa lugar na ito. Noong sa Tierra Cota pa lang kami nakatira, ni-minsan ay hindi ako napadpad dito kay hindi ako pamilyar sa lugar.
Mas maliit ito kumpara sa Tierra Cota, mas kaunti rin ang mga tao. Tahimik lang ang paligid at wala gaanong sasakyan. May ilang tindahan man, pero hindi rin iyon kasing gara gaya ng mga tindahang nadaanan ko sa Arcana.
Patuloy lang kami sa paglalakad sa pangunguna ni Thaft. Pansin kong parang walang pakialam ang mga tao rito. Kahit pa man may bakas ng dungis sa aming mga suot dahil sa pagtakbo kanina sa kakahuyan, o kaya naman mga dayong minsan lang mapadpad sa lugar nila, hindi naman nila kami pinagtitinginan. Wala silang pake.
Nagulat ako ng bigla akong hinila ni Thaft papasok sa isang makitid na eskinita. Sinenyasan niya ako na huwag maingay at magpatuloy lang sa paglalakad.
Habang tumatagal, padilim nang padilim ang eskinita. Idagdag mo pang tapos nang maghari ang araw, kaya naman wala ng ibang makikita sa kalangitan kundi purong itim.
Biglang tumigil si Thaft sa paglalakad ng hindi ko napansin, kaya naman nabunggo ko ang kaniyang likod.
“Ano ba 'yan? Magdahan-dahan ka nga, June.” Inis niyang sabi.
Umatras na lang ako ng kaunti dahil masyado na akong dikit sa kaniya.
“Saan tayo pupunta?” tanong ko sa kaniya.
“Basta. Maghintay ka lang diyan.”
“Hindi mo naman ako ibebenta sa mga masasamang loob, 'no?”
Pinitik niya ang noo ko nang sabihin ko iyon. “Ang ingay mo,” reklamo niya.
Kumatok ng tatlong beses si Thaft sa pader na nasa harapan niya. Ilang minuto pa, nakarinig kami ng kaluskos at dahang-dahang bumukas ang pintong nakakubli sa pader.
Sinalubong kami ng liwanag ng lampara na galing sa loob ng silid. Sa gilid ng pinto ay isang mamang malaki ang katawan na may peklat sa pisnge, kaya naman napaatras ako nang tumingin iyon sa amin ni Thaft.
“Si Thaft 'to, Barrett. Pwede ba kaming tumuloy?” sabi ni Thaft doon sa malaking tao.
Inilapit ng Barrett ang mukha niya kay Thaft upang tingnan ng maigi kung sino ito. Nang makilala niya, inusod niya ang katawan sa gilid ng pintuan upang makapasok kami.
“Thaft, ikaw pala 'yan. Mabuti't buhay ka pa, galing kang Arcana 'di ba?”
Hinila ako ni Thaft papasok sa loob ng bahay ni Barrett. Napansin kong isang lampara lang ang nagsisilbing ilaw nito sa loob. Pero naaaninag ko pa rin ang napakaraming mga palakol na nakasabit sa ilang pader ng bahay.
“Mabuti na lang talaga nakaalis ako sa ospital na 'yun. Kung inabutan lang ako ng isa pang araw sa loob, siguradong wala ka nang Thaft na makikita.”
Dahan-dahang umupo si Thaft sa upuan na nasa malapit at saka binitawan ang saklay. Pinatong niya ang sugatang binti sa ibabaw ng maliit na mesa at saka nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Tumabi naman ako sa kaniya dahil siya ang nag-iisa kong kasama.
“Nakita ba nila ang marka mo?” tanong ni Barrett.
“Sa kasamaang palad, alam nilang ako ang pang-labing siyam.”
Hindi ko maintindihan kung anong pinag-uusapan nila. May sinasabi silang marka pero hindi ko alam kung anong marka iyon.
Tumikhim ako para kunin ang atensiyon nila. Binalak ko sanang magsalita upang magtanong pero umurong ang dila ko nang dapuan ako ng tingin ni Barrett. Masyadong malaki ang katawan nito, maskuladong-maskulado, kung tumingin naman ay may halong diin at talas, kaya naman nakakatakot.
“Siya na ba ang ika-dalawampu?” tanong ni Barrett habang nakatingin sa akin.
Tumango si Thaft dito habang ako naman ay nanatiling walang naiintindihan.
Bigla akong kinabahan nang biglang tumayo si Barrett. Sinarado niya ang pinto at mga bintana. Kinandado ang anumang pwedeng labasan. Dahil sa takot, mas siniksik ko ang sarili ko kay Thaft. Kulang na lang ay pumasok ako sa bulsa niya para lang makapagtago.
“Ano ba, June, masikip! Umusod ka nga!” Tinulak niya ako palayo sa kaniya pero pinilit ko pa ring dumikit.
“Eh, ayoko nga!”
Bumalik si Barrett sa kinauupuan namin. Dala-dala nito ang lampara at saka nilapag sa gitna ng mesa. Nilakasan niya ang ilaw nito kaya naman nadagdagan ang liwanag.
Bumuntong hininga muna ito bago tumingin sa aming dalawa ni Thaft. Hindi gaya ng kanina, may halo na itong pag-aalala.
“June, alam kong hindi mo ako naaalala. Pero gusto ko lang sabihin sa 'yo na hindi ako masamang tao,” ani niya habang natingin ng diretso sa mga mata ko.
Dahil hindi sigurado kung magtitiwala ba ako, lumingon ako kay Thaft. Tumango naman siya bilang sagot kaya kahit papaano ay nakampante ako.
“Pwede ko bang makita ang marka mo?” tanong niya sa akin.
"A-anong marka?" tanong ko pabalik.
“May numero bang nakadikit sa balat mo? Pwede ko bang makita kung nasaan iyon?”
Naguguluhan man, pero tumango na lang ako. Tumalikod ako sa kaniya at saka hinawi ang buhok. Tinuro ko ang batok ko kung saan nakalagay ang tattoo kong number 20.
Wala nang ibang bahid ng tinta ang katawan ko. Natatanging sa batok lang ay may numerong nakaguhit. Siguro iyon ang tinutukoy niya.
Naramdaman kong nilapit niya ang lampara papalapit doon dahil nakaramdam ako ng kaunting init. Maya-maya pa ay nawala ito kaya naman humarap ako ulit sa kaniya.
Nakatitig lang ito sa kawalan habang salubong ang dalawang kilay na para bang nag-iisip ng maigi. Dumaan ang ilang minuto mg katahimikan bago tumayo ulit si Barrett papunta sa kung saan.
Bumalik ito nang may dalang punit-punit na libro. Hinawi niya ang nakapatong na paa ni Thaft na siya namang kina-aray ng isa. Nilapag nito ang nasabing libro at saka pinailawan gamit ang lampara.
"Hindi ko pa masyadong maintindihan ang mga nangyayari sa paligid, pero tingin ko makakahanap tayo ng kasagutan dito," sabi ni Barrett. Buong ingat niyang hinawi ang mga pahina ng libro hanggang sa huminto siya sa pahina kung saan may kapirasong papel ang naipit. "Ito ang huling liham na pinadala sa akin ni July."
Naalerto ako nang banggitin niya ang pangalan ni July. Inagaw ko sa kaniya ang lihaw at mabilisang binuklat ito sa gilid ng ilawan. Nagtataka naman ako kung bakit wala akong mabasa roon.
"Sigurado ka bang liham ni July, 'to? Wala namang nakasulat, eh!"
Binawi niya sa akin ang sulat at saka tinapat sa ilaw. Tumayo ako para lumipat sa likuran niya at laking gulat ko na lang nang biglang lumitaw ang ilang letra sa malinis na papel kanina.
To the receiver of the letter, I divided this into four parts to ensure your safety. Once the death of me spread like wildfire, find the remaining three. The moment you complete the letter, there's no turning back.
To the one who heard the chase of fear in the woods,
Do not open your mouth.
Once they heard the fear in your voice,
Execution will be no doubt.
The screams that echoed beyond your ear,
Will bring yourself down.
If lives of men will forever disappear,
All the lies will spread throughout the town.
Nang basahin iyon ni Barrett, hindi ko mapigilan kundi mapaisip. Masyadong malalim ang mga salitang nakasulat doon. Ni-isa ay wala akong maintindihan.
“Ano ba ang narinig mo sa kakahuyan, Kuya Barrett?” tanong ko sa kaniya.
Pero imbes na sumagot, umiling lang ito sa sa akin. Nang lumingon ako kay Thaft, nagkibit-balikat naman ito.
Napairap na lang ako sa kanilang dalawa dahil halatang may alam silang dalawa habang ako naman ay gulong-gulo na.
“Delikadong magsalita ng mga nalalaman namin, June. Isang maling bigkas, matutunton nila kung nasaan tayo,” paliwanag ni Barrett.
“Pero masyado nang tikom ang mga bibig niyo! Bawat salitang binibitawan niyo, ang lalalalim. Sa sobrang lalim hindi ko makuha kung anong eksaktong ibig sabihin!”
Tinapik ako sa balikat ni Thaft. Napalakas yata ang boses ko kaya naman sinensyahan niya akong huwag maingay. Tinanguan niya si Barrett pero umiling naman ito. Nagsesenyasan sila ng kung ano hanggang sa napabuntong hininga si Barrett bilang pagsuko.
“June, halika nga rito,” tawag sa akin ni Thaft. Tinapik niya ang bakanteng espasyo sa tabi niya. Lumapit naman ako roon at umupo. Tinitigan ko lang siya, naghihinatay sa kung ano mang sasabihin.
Inabot ni Barrett sa kaniya ang liham ni July. Tinupi niya naman ito at saka nilagay sa loob ng bulsa. Pagkaharap niya sa akin, tiningnan niya ako ng seryoso sa mata.
Dahan-dahan niyang inabot ang mga kamay ko at hinawakan iyon ng gamit ang maiinit niyang mga palad. “Kahit anong mangyayari, huwag na huwag kang bumitaw sa mga kamay ko,” saad niya.
Tumango ako bilang sagot. Hinipan ni Barrett ang apoy sa lampara dahilan para lamunin ng kadiliman ang buong bahay. Nanatili pa rin akong nakahawak sa mga kamay ni Thaft at walang balak bumitaw gaya ng sinabi niya.
Nakaramdam ako ng pagtalukbong ng tela sa uluhan ko kaya unti-unting gumapang ang parehong kaba at takot sa buo kong katawan. Gusto ko sanang magpumiglas pero mas humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Thaft.
“Kumalma ka, June. Nandito lang ako,” malumanay niya sabi. Kaya naman tumigil ako.
“Makinig ka ng mabuti sa sasabihin ko, hindi ko na uulitin 'to.” Huminga muna siya ng malalim bago siya nagsalita.
“Alam mo ba kung bakit ko hinigit ang tali mo kanina sa ospital? Para hindi makita ng nurse ang batok mo. May tattoo tayo pareho hindi 'ba? Magkakasunod-sunod tayong tatlo ni July. 18 siya, 19 ako, habang ikaw naman 20. Ngayon, hindi mo maalala kung paano mo nakuha 'yung tattoo, pero habang hindi mo pa naalala, huwag na huwag mong ipakita kahit kanino ang batok mo. Tandaan mo, konektado ang marka mo sa kung anong nangyayari ngayon,” mahaba niyang saad.
“May apat na liham na pinadala si July. Ang pinakauna ay napunta kay Barrett, sigurado akong napunta naman sa 'yo ang pangalawa. Hindi ko na pwedeng ipaliwanag pa ng buo ang nangyayari kaya kailangan mong makuha ang apat na liham. Hindi ko alam kung anong laman ng apat na 'yon pero tingin ko makakatulong iyong kung paano natin mahahanap si July. Naiintindihan mo ba?”
"O-oo."
Unti-unti kong nararamdaman na papalapit nang papalapit ang katawan ni Thaft sa akin. Hanggang sa sakupin ng mga braso niya ang buong pagakatao ko. Pero nanatiling nakahawak sa akin ang kaliwa niyang kamay. Pakiramdam kong naging isa ang mga katawan namin na sa puntong pati pagtibok ng pulso at puso niya ay nararamdaman ko.
“May ikukwento ako sa 'yo. Huwag mong bitawan ang kamay ko hangga't hindi ko natatapos ang kwento. Gumalaw man ang paligid, manatili kang nakahawak sa akin, okay?”
Naramdaman kong tumayo kaming dalawa. Hindi pa rin natatanggal ang telang nakabalot sa ulo ko at nanatiling madilim ang paligid. Wala akong ibang naririnig na kahit ano maliban na lang sa paghinga at sa mga binibitawang salita ni Thaft.
“Have you ever heard about doppelgangers? My grandmother would always advised me to never left my slippers outside the door, or else other entities will wear them and copy my appearance. They will wander around the town having my face while doing nasty things. But that fear instantly vanished when I saw one incident that still horrifies my entire being... which is called the fear of unknown.”
Nakinig ako ng maayos sa kaniya. Pakiramdam ko ay narinig ko na ang kwentong tunkol doon pero hindi ko lang maalala kung saan.
“Once the night falls, all the children in the town will go inside their houses in order to shelter themselves from the dark. Well, except me who still stroll around streets, enjoying the bright lamps that'll guide me to the holy shrine. With enough braveness inside my little body, I marched towards the unending stairs of the most respected place. Smiling ear to ear, enjoying the cold breeze of the night under my gray hoodie until—”
Naputol ang pagku-kwento ni Thaft nang makarinig kami tatlong mahihinang katok mula sa pintuan. Pagkatapos ay tumahimik ulit.
“Until one time, one incident made me fear the night. The light inside the shrine suddenly vanished in an instant. And when my vision adjusted to the dark, I saw silhouettes of men circling an unconscious body lying in the ground—”
Sa ikalawang ulit, naputol ulit ang pag-uusap namin dahil sa katok. Hindi na ito ordinaryong katok. Bawat tama ng kamay sa narrang pinto ay may pwersa. Mas malakas na ito kumpara sa nauna.
Habal tumatagal, palakas nang palakas. At gaya ng katok, palakas nang palakas din ang kabog ng dibdib ko. Hanggang sa mas lumakas pa ang tunog na nagggaling sa labas na parang gusto nitong sirain ang pinto. Ang kaninang katok ay naging sunod-sunod na tadyak ng paa. Purong mabibigat na animoy may bahid ng galit.
Nakarinig kami ng pagkasira ng pinto at bago ko pa man mamalayan ang lahat, tinangay na ni Thaft ang katawan ko sa kung saan.
Unti-unti nang nalalaglag ang telang nakabalot sa ulo ko pero may mga kamay na humawak dito para hindi mahulog. Biglang may marahas na kamay humawak sa aking bewang at sa isang iglap ay hindi ko na nararamdaman ang sahig. Pero nakahawak pa rin ang isang kamay ni Thaft sa akin. Sobrang higpit nito, desididong ayaw akong bitawan.
Naramdaman kong pinasan ako sa balikat na sa tingin ko ay si Barrett ang may gawa dahil nararamdaman ko ang maumbok niyang laman sa itaas na bahagi ng katawan.
Wala na akong naririnig na kung ano. Tanging mga tunog lang ng pagtakbo ng mga paa. Dahil na rin sa nakatakip sa ulo ko, wala akong makita. Hindi ko alam kung anong tinatakbuhan namin at kung saan kami papunta.
Hanggang sa naramdaman kong binaba na ako sa wakas. Nakahawak pa rin hanggang ngayon ang kamay ni Thaft sa akin.
Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto at namalayan ko na lang na iginigiya ako ng kamay ni Thaft papasok sa kung ano.
“Itaas mo ang paa mo, may hagdan diyan,” rinig kong sabi niya.
Inalalayan niya akong makapasok hanggang sa pag-upo. Naramdaman kong may pumasok pang malaking tao dahil umuga ng kaunti ang kinauupuan ko.
Nang makarinig ako ng pagsarado ng pinto, saka lang tinanggal ni Thaft ang telang nakatakip sa ulo ko. Nakita ko ang nag-aalala niyang mga mata bago ito sumandal at nagpakawala ng buntong hininga. Nasa tapat ko naman si Barrett habang mimamasahe sa mga balikat niya. Saka ko lang namalayan na nasa loob pala kami ng isang magarang karwahe na umaandar.
Tumingin si Thaft sa maliit na siwang sa likuran at saka umupo sa tabi ko, hindi pa rin binibitawan ang aking kamay kahit pawisan na.
“Punyeta, muntik na nila tayong maabutan.” Hinihingal na saad ni Thaft bago pinikit ang mga mata dahil sa pagod.
♧♧♧

Komento sa Aklat (9)

  • avatar
    neranji_aziloth

    haven't had time to read this fully, but this novel is highly recommended! simula pa lang, hooking na. more readers to come, Creeps!

    23/05/2022

      0
  • avatar
    m******1@gmail.com

    Basahin nyu guys maganda to, d sayang oras nyu mag basa

    28/03/2022

      0
  • avatar
    shirooo

    nakarating na pala to ditooo babasahin ko to laterrr

    18/03/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata