logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata 6

❝Kamatayan❞
"Pero anong ginagawa natin dito kung Lostrous ang hinahanap natin?" nagtatakang tanong ni Leviticus.
"Hangganan ito ng Ludemier at Terremoir,"
Sang-ayon ako. Tama nga siya. 'Tsaka sabi ni Rithius may alam siyang palatandaan kaya bakit kami rito napunta?
Ang tanong ko sa isipan ay natigil nang namalayan kong nakababa na pala si Rithius sa kabayo niya at naglakad sa isa sa pinakamalaking puno ng acacia sa gitna nang pagitang lupa. Sobrang laki nito na pwedeng pagtaguan ng benteng tao.
Pinagmasdan namin ang ginawa niya. May kung ano siyang hinipan sa katawan ng acacia hanggang sa maging lantad sa aming paningin ang mga salitang naka-ukit dito. Hindi gaanong malaki ngunit sakto na para mabasa namin sa layong ito.
"Ludemier... Terremoir... Lostrous..." basa ng lahat.
"Lostrous?"
Lostrous?
Marahas kaming napasinghap.
"Ibig sabihin, hindi lang pagitan ng Ludemier at Terremoir ang lugar na ito dahil ito'y pagitan din ng Lostrous sa dalawang kaharian!" Dare exclaimed.
She's smart indeed.
Nakakagulat. Sa pagkamangha naming lahat, bumaba kami sa kabayo at lumapit kay Rithius para suriin ang naka-ukit.
Ang tatlong nakaukit na pangalan ay may naka-angkop na direksiyon. Binasa ko.
Ang Ludemier ay may direksiyon pa-hilaga. Totoo nga dahil nasa hilagang parte ng Nervana ang Ludemier. Ang Terremoir sa Kanluran at tama ulit ito. Pero ang Lostrous ay isang kudlit pababa lamang ang naka-angkop na direksiyon.
Kumunot ang noo ko. Ganoon din ang iba. Habang si Rithius ay natulala sa nakaukit na pangalan na para bang may inaalala siya.
"Timog? Nasa Timog ang Lostrous? Pero hindi ba't nasa Timog din ang Pacitheia?" tanong ni Gihon. Ganoon din ang iniisip ko.
"Baka may iba pang ibig sabihin ang pababang direksiyon. Hindi ito nagbibigay nang direksiyon ng Timog. Maaring iba pa." Usal ko. Napatingin silang lahat sa akin. Kapwa wala ring ideya pero pilit nag-isip nang solusyon.
Dumapo ang tingin ko kay Rithius na seryoso pa rin.
"Paano mo nalamang may ganitong naka-ukit sa punong ito?" tanong ko sa kaniya. Nilingon niya ako pero walang nagbago sa kaniyang ekspresyon.
Everyone looked at him.
Isinilid niya sa bulsa ang kan'yang mga kamay. Natural lang ang reaksiyon niyang tiningnan kami.
"I accidentally discovered it years ago. When I was hunting with my father." He anwered. But I wasn't convinced.
Aksidente niyang nakita? Hindi ba nakakapagtaka naman? Parang totoo naman pero bakit pakiramdam ko, iba. O baka pakiramdam ko lang naman kase napaka-misteryoso niya.
"Kung nakita mo ito ilang taon na ang nakakaraan, hindi malabong may nakakita na nito bago o matapos mo itong makita. Hindi kaya may nauna nang makahanap ng Lostrous kaysa sa atin?" si Prudence.
"I don't think so. Tinabunan ko ito noon kaya walang makakakita." Sagot niya at umatras para bigyan ng daan si Dare at Akhi na kuryuso sa nakaukit.
Si Leviticus at Darius naman ay medyo malayo sa amin para magbantay sa paligid ngunit nakikinig din sa diskusyon.
"So you mean sigurado ka na ikaw ang unang nakakita nito, dude?" si Gihon.
Tamad na gumalaw ang panga ni Rithius. Bahagya niyang hinilig ang ulo at humalukipkip. Ang mata niya'y nagsasabing ayaw niyang kinakausap siya pero kailangan niyang sumagot dahil magkakasama kami at kailangan naming magtulungan.
"Yes," he answered.
"Kung nakita mo na ito noon, ibig sabihin alam mo kung saan ang direksiyong tinuturo ng pangalan." Prudence nibbled his chin. Calculating something.
"Yan ang hindi ko alam." Sagot niya. Naningkit ang mga mata ko.
"Impossible!" sabat ko. Nararamdaman kong pinipili lamang niya ang sinasabi sa amin.
Hindi kaya siya'y may iba pang mithiin sa misyong ito? Matalino siya at alam kong hindi lang ito ang nasusukat ng kaalaman niya. Baka naman balak niyang traydorin kami base sa ugali niyang mahilig manlinlang sa tuwing may gawain kami.
"Ito lang ang alam mo? Wala kang nalalaman tungkol sa Lostrous?" paglilinaw ni Prudence.
Rithius played his lips. Tamad siyang tumingin sa amin.
"Are you doubting me?" tanong nito. Hindi na ako nagulat na nalaman niya agad ang hinala ko.
"Bakit mo nilihim ang markang ito?" tinuro ko ang markang nakasulat.
His eyes deepened. Bumuka ang labi niya. "At first I didn't know what this mark means but recently, I found a book that consists the signs that's scattered abroad Nirvana and I found a same mark like this on that book." He explained.
"What do you mean?" our forehead creased.
Rithius glanced at the marks. "I found this exact sign on that book but something's missing."
He looked at us. "The page was tattered." Nanliit ang mata niya na para bang sinusubukan niyang alalahanin.
"Made by a herbal knife."
Sira ang pahina gawa ng punyal gamit sa panggagamot? Nakakapagtaka talaga... para bang pinaglalaruan kami.
"Kaya natagalan bago ko mapagtagpi na ito pala ang ibig iparating ng mga markang ito sa akin."
But isn't it still suspicious? Sa pagkakasalita naman niya, naramdaman kong siya'y nagsasabi ng totoo. Misteryoso man siya, nararamdaman ko namang sensiro siya sa pagsabi ng totoo. Anong mali sa akin?
Nagsimulang mag-isip si Prudence. Nahawa rin ako kaya nag-isip na rin ako. Kung hindi timog ang tinutukoy ng direksiyon, ano naman? Ang lupa? Ang lupang kinatatayuan namin ngayon? Pero hanggangan ito.
Walang kasiguraduhan kung nasaan talaga ang Lostrous.
Ang Ludemier ay nasa Hilaga. Ang Terremoir ay nasa Kanluran. Ang Pacitheia ay nasa timog. Ang Norm naman ay nasa Silangan. Saan naman ang Lostrous?
Saan ka nga ba...
Kung ang binigay mong direksiyon ay pababa, hindi kaya ito'y nasa lupa? Or tumutukoy sa sentro ng buong Nervana? Nasa gitna ba ng mapa ang Lostrous?
Nag-isip ako nang nag-isip. Namo-mroblema na rin ang iba sa kaka-isip hanggang sa may pumasok na kasagutan sa isip ko.
Nagulat sila sa biglaan kong pagpitik.
"Parang alam ko na!"
Kung ang tinutukoy ng direksiyon ay pababa, hindi timog ang tinutukoy nito. Kun'di ang punong pinag-ukitan mismo nito! Literal ang ibig sabihin nang palataan!
Pinaglaruan lamang kami! Ang totoong ibig sabihin nang palatandaan ay mismong sa loob ng puno ang Lostrous! Pero possible nga ba ang naisip ko?
"Alam ko na!" ulit ko. Nalingat silang lahat at lumapit sa akin. They all look stressed and strained.
"What is it?" desperadang tanong ni Khione. Nang tingnan ko silang lahat, kita ang namumuong pawis sa kanilang mga noo habang pagod na ang mga mukha.
"Tama nga si Gihon dahil hindi timog ang tinutukoy ng direksiyon kun'di ang puno mismo. Pababa ang linya, ibig sabihing maaring nasa loob ng puno ang sagot!" sa wakas ay napag-tagpi-tapi ko ang mga ideya.
Maaari. Pinahirapan pa kami sa pag-iisip, nandiyan naman pala mismo sa harapan namin ang sagot. Nilito lamang kami sa naunang dalawa o pwede ring hindi. Dahil nasa sentro ng mapa ang hangganang ito at kung hindi ako nagkakamali, ang malaking puno ng acacia sa aming harapan ngayon ay siyang pinakasentro. Ibig sabihin, nandito lang talaga ang Lostrous.
They became observant. Agad yumakap ang malaking ngiti sa kanilang mukha at pinalibutan ang malaking puno ng acacia. Naghanap sila nang maaring kakaiba sa paningin.
Kahit ako ay tumulong na rin at naghanap nang naghanap. There's nothing weird on the tree. Kaswal na puno lang ito maliban sa kung gaano ito kalaki at buhay na bhay ang mga sanga. Halos pwede na itong tirhan ng tatlong malalaking pamilya.
"Try digging the dried leaves!" Prudence ordered so we did.
Pumwesto kaming lahat palibot sa puno. Hanggang sa naubos naming mahukay ang makapal na mga tuyong dahon sa ugat nito at isang kakaibang ugat ang lumitaw.
Pa-arko ito at kakaiba ang kulay dahil pinaghalo ang kulay kayumanggi, pula at berde. Sa hugis nito, para itong pwedeng aapakan at iyon nga ang ginawa ko dahil sa kuryusidad. At hindi ko aakalain na gagana iyon. Pigil hininga ang lahat. Napatayo kami at pinagmasdan kung may magbabago ba sa kapaligiran pero walang nangyari.
Ilang minuto pa, wala pa ring nangyari kaya marahas na napasinghap si Khione at Akhira. Para naman akong nawalan ng hangin kaya marahas akong naghanap dahil parang nawalan ako nang lakas. Nawala ang hangin sa paligid.
Walang nangyari. I feel suffocated more. I gasped.
"Putangina! Pinaglalaruan n'yo ba kami?" malutong na napamura si Akhi.
Bumagsak ang balikat naming lahat sa pagkabigo. Ganoon din ang nararamdaman ni Khione at dahil sa inis, nilapitan niya ang kahoy at akmang tatadyakan nang bigla itong lumiwanag dahil sa biglaang lumutaw na sinaw sa katawan ng puno na naghugis ng isang pintuan.
Doon parang bumalik ang hangin. Nakahinga na ako. We were so shocked na kahit si Khione ay napatili at halos tumakbo sa gulat. Samunod na nakarinig kami nang malakas na kulog hanggang sa unti-unting humulma ang isang pintuan sa malaking puno na umiilaw ng ginto.
Ang mabilis at marahas na kidlat ay tumama sa pintuan kaya ito'y mas lalong naglinaw. Naglinaw ang yari sa gintong ukit sa puno ng malaking acacia.
Para kaming nakakita ng multo sa panlalaki ng mga mata. My jaw-dropped as we stared of what magical just happened. Napa-atras kami. Sa gulat, sa kaba, sa takot at sa saya.
Tumigil ang kulog at unti-unting naglaho ang gintong ilaw sa ukit. Naiwan ang isang magandang desinyo ng pintuang gawa mismo sa puno ng acacia na hinaluan ng ginto.
Hindi ako makapagsalita. Ang pagod ay biglang pinalitan nang panibagong lakas. I feel recharged.
Nahanap namin. Nahanap namin ang daan!
Doon lang rumihestro sa akin na nagawa namin. Nagawa naming hanapin ang daan patungong Lostrous. Pinuno nang nag-uumapaw na kaligayahan ang bawat puso ng mga taong nakatayo sa harap nito hanggang sa hindi mapigilang mapasigaw.
"Nagawa natin! Nahanap natin!" masayang sumigaw si Dare kaya magsiliparan ang mga ibon sa kakayuhan.
Ganoon din ang ginawa ni Akhi. Kahit ako ay pumarte ang labi sa saya at nakahinga mg maluwag.
"We did it again! Nahanap natin!" masayang ani niya at mahigpit akong niyakap kaya napahagilap ulit ako nang hangin.
Masaya kaming nagkatinginang magkaibigan hanggang sa magtama ang paningin namin ni Rithius.
I was nailed. I couldn't move my eyes away. Para akong pinako sa kinatatayuan kaya laking pasasalamat ko nang yugyugin ako ni Akhira sa sobrang kasiyahan. Muntikan na akong malunod sa mga mata niya kaya napakurap-kurap ako.
Sa sobrang saya namin, nakalimutan na namin ang aming mga kabayo sa likuran na tila naramdaman din ang aming kaligayahan kaya sila'y umingay din.
"Shall I do the pleasure?" ilang minuto pa, hindi pa rin kami makabawi sa saya kaya si Darius na ang nagpresentang bumukas ng pintuan pero nagulat kami.
Dahil bago pa man mahawakan ni Darius and puno ng acacia, biglang umilaw ulit ang kahoy at umukit nang panibagong salita sa katawan nito.
At lahat kamiy nanibugho sa nabasa.
"Tanging nasa bingit lamang nang kamatayan ang makakabukas ng pintuang ito."

Komento sa Aklat (257)

  • avatar
    BaquiranJoy

    you're the best writer ate, support huhu ily! magbabalik alindog na ko sa pagbabasa para isupport ka. lab na lab kita ate bakit ganon, charot. basta kapag nagbabasa ako ng mga stories mo i feel like i'm moving into different dimension. literal na the best! 👌

    18/03/2022

      0
  • avatar
    KI Ven Benitez Taca

    nice story

    3d

      0
  • avatar
    Mark Johnson Bacquial

    Very good

    11d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata