logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

KABANATA 4 - Mystery Girl

THOMAS Point of View
"I want you to know na matagal na...ang korny pakinggan!" nasabunot ko ang kulot ko na buhok sa inis.
"Bakit ang hirap naman kasi talaga, Thomas Blake, guwapo ka okay? May abs naman ako ah, sweet at may respeto sa babae" reklamo ko na nakakunot-noo na nagpa-praktis sa harap ng salamin.
"Kailangan ko humingi ng tulong sa kanyang bestfriend" I dial the number of her bestfriend, and try to ask some tips and advice.
Nakaka-isa pa lang ng ring, I cancel it agad-agad.
"No! Hindi pwede! Sa akin dapat mismo manggaling na siya ang aking Mystery Girl" napahigpit ang hawak ko sa aking aparato.
Hinawi ko ang kurtina sa aking bintana.
"Ang ganda ng tanawin sa labas no?!" naisara ko nang mabilis ang kurtina sa gulat.
"Mauricio, naman! Ginulat mo ako, hindi ka ba marunong kumatok ng pintuan ha?" bulyaw ko sa pinsan ko na mapang-asar, pilyo ang isang ito, sabay kami na lumaki kaya parang kapatid na kung magturingan.
"Relax bro! Napadaan lang naman ako sa kuwarto mo, sa narinig kita na kinakausap mo ang iyong sarili, kaya naman pumasok na ako agad para hindi ka naman mukhang timang diyan nagsasalita na mag-isa, talk to me bro! What is it?" naupo siya sa aking kama ng siya ay senserong nagpaliwanag sa akin.
Timang na nga siguro ako kung ituturing, kakaisip ko kasi sa Mystery Girl ko ay tila wala ako sa aking sarili this past few days.
Samantala, Si Mauricio naman ay tuluyan ng tumayo at hinawi ang kurtina ng aking bintana na kanina lang ay naisara ko sa gulat ng pumasok siya sa kuwarto nang walang pahintulot. Tanaw mula doon ang plaza ng aming subdibisyon.
"Oh lala, Bro! Halika nga rito" sumenyas siya sa akin dahilan para ako ay lumapit sa kinatatayuan niya.
"Mukha yata may nakita ka na ikinatuwa mo at pangisi-ngisi ka pa diyan!" sarkastiko ko na wika sa kanya.
"Kilala mo ba ang babaeng iyan? Baka naman pwede mo akong ipakilala, I like the way she carry herself, simple lang ang suot niya na jogger pants na gray at sando na puti, morena ang kutis, nakaka-lakas ng sex appeal!" napapa-iling na wika ni Mauricio.
"Pinsan, who is that girl ba?" pangungulit niya na tanong sa akin.
Iniwan ko siya sa loob ng kuwarto at ako ay dali-daling dumiretso sa plaza ng aming subdibisyon, ilang minuto lang na lakaran at narating ko agad ang aming plaza.
"Aba! At kaybilis naman na narating ang plaza ng loko ko na pinsan ah! Naunahan pa ako sa babae na tinutukoy ko, mapuntahan ko nga" napakamot-ulo niya na wika.
After three minutes. . .
"Thomas! Bro!" habol hininga niya.
"Hindi naman ako bingi pinsan, kung makatawag ka diyan sa akin ay para yata iyong nalamon ang mikropono!" inis na sigaw ko sa kanya habang tinatakpan ang kaliwa ko na tenga sa lakas ng boses niya na pagtawag sa akin. Akma ko na siya na hahampasin nang may pumigil sa aking mga kamay. Napalingon tuloy ako mula sa aking likod.
"Hoy! Ano ba ang ginagawa mo? Aba at mananakit ka na ba ng tao ngayon ha?!" nakapameywang na sermon ng dalaga sa akin.
Hindi ko nagawa na gumalaw sa aking kinatatayuan, ewan ko ba, palagi ko naman siyang nakikita pero iba yung dating niya sa akin ngayon. Natauhan lamang ako ng marinig ko ang boses ng aking pinsan.
"Hi Miss beautiful, salamat ha at napigilan mo ang pinsan ko na sapakin ako! Hehehe" nagpapa-cute niyang turan sa dalaga.
"Hello, ang ingay ninyo kasi, kaya naisipan ko na lapitan kayo, mabuti na lang at aking naagapan ang mga kamay ni Thomas" mahinhin niya na paliwanag.
"Mauri, nga pala" nakangisi niyang lahad ng kamay sa dalaga.
Nang akmang tatangapin na ng dalaga ang kamay ng pinsan ko.
Nagmamadali ako na pumagitna sa kanilang dalawa.
"Mauricio, ang pangalan ng pinsan ko!" saway ko sa kamay niya at itinulak siya sa likod ko.
"Nakakasira ka naman ng moment pinsan!" iritable na bulong niya sa akin sa likod.
"Hahaha...ang cute niyo naman kung magkulitan na mag pinsan
hahaha..." natutuwa na wika ng dalaga.
"Teka, maaari ko ba na malaman ang iyong pangalan magandang
binibini?" singit na wika ni Mauricio.
"Ako nga pala si, Sandra, kababata ko iyan si, Thomas, sabay kami na lumaki dito sa subdibisyon" nakangiti niya na sagot.
"Ah, Sandra, teka, pamilyar sa akin ang iyong pangalan, palagi ko yata naririnig na binabanggit..." hindi na natapos ni Mauricio ang kanyang sasabihin dahil tinakpan ko ang kanyang bibig na sobrang daldal. Napansin ko na nakakunot-noo si Sandra na nakatingin sa aming dalawa ni Mauricio.
"Pasensya ka na sa pinsan ko, Sandra ha? Sadyang makulit at madaldal lang talaga ang, Mauricio na ito!" inakbayan ko ang pinsan ko at siniko ang kanyang tagiliran.
"Ayun! Nakapagsalita na rin sa wakas!" kantyaw ng pinsan ko sa akin.
"Oo nga naman, Thomas, masyado ka yata tahimik ngayon, diba nga ako ang iyong paborito na inaasar sa tuwing nakikita mo ako? Hahaha" nagtawanan silang dalawa ng pinsan ko na si Mauricio. Pinili ko na lang na umalis at iwan silang dalawa na kapwa naghahalakhakan.
Bumalik ako sa bahay namin at naupo sa sofa ng aming sala. Kinuha ko ang isang magazine na nakalagay sa ilalim ng mesa.
Pumipikit-pikit pa ako ng maraming beses dahil ang nakikita ko na
larawan ay ang mukha ng aking Mystery Girl.
Bakit ganoon? Simula noong mga bata pa kami, naririnig ko na ang kanyang mga malulutong na tawa, pero iba yata ngayon ang dating sa akin, para iyong paborito ko na musika na napakagandang pakinggan ng paulit-ulit, lalo na nung binabanggit niya ang aking pangalan, para yata ako hinehele sa alapaap at natutulala ako sa kanyang mga matatamis na ngiti sa akin.
Idagdag mo pa ang maamo niya na mukha, ang kanyang
katangian na labis akong nabighani.
"Hayyy...My Mystery Girl" malalim ko na buntong-hininga.
"Bro! May merienda ka ba diyan?" diretso na tanong sa akin ng pinsan ko.
"Mauricio! Hindi ba nakukumpleto ang araw mo nang hindi ako
ginugulat ha?!" binato ko sa kanya ang unan na hawak ko sa labis na inis.
"Bakit ba kasi panay ang bulong mo diyan sa sarili mo, Thomas
ha?" he look so very curious looking at me eye to eye. Hinihintay niya ang aking kasagutan.
"Uy! Akala ko ba may meryenda dito?" sumilip si Sandra sa bukana ng pinto.
"Ewan ko sa pinsan ko na ito, Sandra, para na siyang timang kakausap sa sarili niya kaninang umaga pa, hahaha" itinuro ako ng pinsan ko na may halong halakhak at nakahawak sa tiyan ang kanyang kamay. Pinandilatan ko siya ng mga mata na wari ako ay nagbabanta sa kung ano man ang nais niya na sabihin.
"Mukha yata may mga sekreto kayo na mag pinsan ah? Hmmm"
usisa niya sa amin. Ang lakas pa naman ng instinct nang babae na ito. Naaamoy niya na may kung ano man na mali sa akin at kung mayroon ba akong itinatago, sa kadahilanan na ako ay bigla na lamang naging tahimik nang mga nakaraang araw.
"Oh? Bakit para yata kayong nagsesenyasan dalawa diyan ha, Mauricio at Sandra?" ewan ko at inis na inis ako kapag silang dalawa ay nagbungis-ngisan na wari ay matagal nang magkakilala, kanina lang naman sila nagkita at nagkakilala sa plaza ng aming subdibisyon.
"Did I miss something?" maarteng wika ni Alexa.
Tumabi siya sa akin at hinawakan ang aking mga kamay.
"Sorry I missed your call, Thom, are you okay? Did something happen? You make me feel worried about you" sumandal siya sa balikat ko. Narinig ko na lang na may nabasag na baso.
"Sandra! Be careful, may sugat ka sa daliri" natataranta na wika ni Mauricio at inilalayan si Sandra na maupo sa malapit na sofa.
"Pa...pasensya na...nabitawan ko ang baso, may...may daga kasi, tama, may daga na dumaan sa paa ko at nataranta ako" umiiwas siya ng tingin sa akin.
Tumayo ako at iniwan si Alexa sa sofa.
"Come here, ako ang gagamot sa sugat mo" hinila ko siya pero nagpupumiglas siya sa pagkakahawak ko sa braso niya.
"Okay...okay lang ako, Thomas, tsaka mabilis naman naagapan ni, 
Mauricio ang pagdurugo ng sugat ko, sorry talaga at nabasag ko ang baso ninyo, hindi ko naman sinasadya" nakayuko niya na tugon.
"Oh my G! Ang clumsy mo naman Sis, nasugatan ka tuloy" nag-aalala na sambit ni Alexa.
"Ako na ang magliligpit ng bubog sa sahig mula sa nabasag na baso!" pagpepresentar ko at kinuha ang walis at dust pan.
I saw Alexa still sitting on the sofa while looking at Sandra. Sa kabilang sofa naman, hinihipan ni Mauricio ang sugat sa kamay ni Sandra at nilapatan ito ng bandage, iniinda naman ng dalaga ang hapdi ng betadine na inilagay ng pinsan ko sa sugat niya.
Hindi naman ako makapagwalis ng maayos sa mga bubog dahil panay ang sulyap ko sa dalawa, naiinis ako na naunahan ako ni Mauricio na linisin ang sugat ni Sandra. Ako kasi dapat ang naglilinis ng sugat niya. Nagseselos ako sa nasaksihan ko kung paano tratuhin ng pinsan ko ang kababata ko na si Sandra.

Komento sa Aklat (96)

  • avatar
    Ďïvïnë Fĺöwëř

    nakaka inspire basahin..para sa mga hopeless maganda po syang basahin, this novel will remind me na love do exist.. galing mag compose ng tula ng writer..can't wait for the next chapter..

    17/08/2022

      2
  • avatar
    amanodos

    Nice

    23d

      0
  • avatar
    Princess Mary Melca

    very nice stort

    23d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata