logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

KABANATA 3- MAKATA

Ibinuklat ko isa-isa ang pahina nang lumang notebook.
"Bring back memories" napapa-iling at nakangisi ko na wika.
I close my eyes habang hinihilot ang sintido ko, walong taon na pala akong single, may nanliligaw pero, mostly, friends with benefits lamang ang pakay nila sa akin na labis ko naman na ikinadismaya ng sobra, I don't even wear revealing clothes yet guys keep on wanting me in a desperate way. Teka, Para yatang I do self-talk lately.
Tumunog ang cellphone ko.
Beep...beep...beep...napahawak tuloy ako sa aking dibdib sa gulat at kinuha ito sa gilid ng mesa.
"Hay naku! Peter! Peter!" kausap ang sarili na sinasambit ang pangalan ng nagtext.
Imbes na mag reply, sinubsob ko ang mukha ko sa mesa na nagkalat ang mga papel na pinagsulatan ko ng tula. Idagdag pa ang musika sa bluetooth speaker na naka-connect sa cellphone na tinutugma ko naman sa aking nararamdaman nang oras na iyon.
"Nakakainis ka, Peter!" pagdadabog ko ng paa sa ilalim ng mesa habang ang kamay ay ginugulo ang mahaba ko na buhok na kanina ko pa kinakamot sa inis. Umayos ako ng upo, bumabagabag sa aking isipan kung ano ba talaga ang nararamdaman ko kay Peter kaya naisipan ko na magsulat sa pamamagitan ng pagsulat ng tula.
                              Ano ba ?
           (Originally written by : MEL Gal)
I
Isang pangyayari na hindi inaasahan
Nagkalapitan ng loob ng hindi   namamalayanI
lang minuto at oras natin na pag-uusap
Simula noon, ikaw na ang pinapangarap
II
Hindi ko mawari ang aking nararamdaman
Kapag magkaka-usap sa telepono at nagkukulitan
Bawat salita mo sa akin ay wari pumuporma
Ako naman ay sobrang kinikilig sa tuwi-tuwina
III
Mga paglalambing mo sa kabilang linya
Nagbibigay ligaya ito sa akin at sigla
Kahit na minsan tayo ay nagkaka-ilangan
Nagiging komportable naman ako sayo ng tuluyan
IV
Inspirasyon ba kita na maituturing?
Sa bawat problema ko ikaw ang nakikinig sa akin
Palagi mo na lang pinapalakas ang loob ko
Paano pa kaya maiiwasan na mahulog sa iyo?
V
Kailangan ba na pagbigyan ang sigaw ng puso
Bakit palagi na lang yata akong nagsusumamo
Presensya mo ay akin nang nakasanayan
Damdamin ko ba sayo ay aking pipigilan?
VI
Gusto ko man na itanong ay nahihiya ako
Baka kasi kapag malaman mo may magbabago
Iniisip ko pa lamang na itanong sa iyo ito
Ano ba talaga kasi ang meron tayo?
02:18 P.M
12-18-2021
Kinagat-kagat ko ang dulo ng ballpen, nababalisa ako na tumingin sa screen ng aking cellphone, hindi ko pa nababasa ang text message ni Peter. Nagdadalawang-isip man, nakapikit ang isa ko na mata nang basahin ang text message ng binata. 
"Please answer my call, Sandra" text message iyon ni Peter.
Nagkibit-balikat lamang ako habang binabasa ang message niya sa screen.
"Please talk to me, I am sorry" text ng binata sa akin.
"I swear I didn't mean what I say, I just can't help myself, you look so attractive, I'm sorry" he explains desperately.
Naninikip ang dibdib ko nang isa-isa ko ito na binabasa habang tumutulo ang luha ko.
"Uy! Nakita ko iyon!" wika ng isang babae. Napalingon ako mula sa likod.
"Alexa! Sis, kanina ka pa ba diyan?" gulat ko na tugon. Timing naman yata itong matalik ko na kaibigan, well known rich kid siya sa subdibisyon namin, pero sa kabila ng pagkakaiba ng estado namin sa buhay, nagkakasundo kami at nananatiling magkaibigan.
"I just arrived Sis, at nakita ko na pinupunasan mo ang luha na tumutulo sa iyong mga mata" she chuckles.
"Napuwing lang ako, kinamot ko lang!" palusot ko.
"Kunwari ka pa, Sandra! Hahaha" sabay kiliti sa aking tagiliran.
"Hoy! Hahaha, ano ba? Nakikiliti ako, stop it, Alexa! Hahaha" pilit ko na iniabot ang mga kamay niya na kinikiliti ang tagiliran ko.
"Hoy bruha! Huwag ka nang mag deny! Sampung taon na tayo na magkaibigan kaya alam ko ang rason kung bakit ka nagsusulat ng tula ngayon" sarkastikong sagot niya at nahagip ng kanyang mga mata, ang mga naisulat ko na tula and she read it with curiousity.
INAMIN
(Originally written by : MEL Gal)
I
Ang pag-iwas ba sa iyo ay sapat na?
Hindi magawa na ikaw ay lambingin pa
Sitwasyon natin ay biglang nag-iba
Sabihin mo sana sa akin kung bakit ba?
II
Batid ko na alam mo na ang totoo
Kaya ba bigla ka na lang nagbago?
Pinagsisihan ko tuloy na inamin sa iyo
Ang tunay na nadarama nitong aking puso
III
Inaamin ko na ako ay lubhang apektado
Nasanay pa naman ako sa presensya mo
Iyong bawat ginagawa mo pinapaalam mo sa akin
Kaya naman ako ay humahanga ng palihim
IV
Lihim na sa iyo ay akin nang nasabi
Nasabi ang damdamin na aking ikinukubli
Kaya naman puso't isipan ay hindi mapakali
Sa kakaisip kung tama ba ito oh mali
V
Kung alam ko lang na ganito ang resulta
Nanahimik na lang sana ako sinta
Ilang gabi nang hindi ako makatulog
Hindi rin yata ako dinadalaw ng antok
VI
Ayoko umabot sa punto na magkalabuan
Hindi pa tayo, pero mistulang may hiwalayan
Hiwalayan ng nararamdaman ng puso
Gusto kita pero ako ay hindi mo sinusuyo
11:40 P.M
01-08-2022
"Awwwww. . .Ang sakit nito Sis ha?!" napahawak siya sa kanyang dibdib.
"Akin na nga iyan!" hablot ko sa papel mula sa kanyang mga kamay.
"Grabe Sis, wala pa ring kupas ang galing mo sa pagsulat ng tula"
umiiling siyang pumalakpak sa harapan ko.
Nawala sa loob ko na nandito si Alexa sa kwarto kaya muli ko na naman binasa ang conversation namin ni Peter sa pagpapalitan ng mga text messages.
"Sandra, please let me own you" pamimilit niya sa akin sa text message.
"What do you mean, Peter?!" inosente ko na tugon.
"Let me own you kahit one night lang" desperado niya na reply.
"One night ha?! Am I right to think na gusto mo akong maka one night stand ha?!" nagugulat ko na reaksyon.
"Yes! One night stand, please, kailan ka ba pwede?" pilit niya na kinaklaro ang gusto niya sa akin.
"Oh My God, Peter! I didn't expect you to ask me that kind of thing!" maluha-luha ko na reply sa kanya.
"You know me already, Sandra, sa walong buwan ba naman na magkakilala na tayo hindi mo ba ako pagbibigyan?" tila wala sa sarili niya na tanong sa akin.
"Peter?! Are you really out of your mind?" pag-uusisa ko sa kanya.
"What's wrong ba? I know you want me too" tila proud niya pa na sagot sa akin.
"All this time, Peter, I thought you are nice to me kasi mabuti yung intensyon mo sa akin, I didn't have a clue na aabot tayo sa ganito" tila hindi ko makapaniwala na reply sa kanya.
"I'm a man who have needs, Sandra, kaya mo ba akong tiisin?" pilit siya ng pilit sa akin.
"You know, Peter? I never expect you to be like this, you just taken for granted how good I am to you" galit ko na sumbat.
"Oh come on, hindi na uso ang hard to get ngayon, Sandra, just let me own you for one night & you will never regret it" he desperately wanted to get what he want.
"Peter, please just stay away from me, I don't care kung masira yung friendship natin, I just want you to leave me alone and never ever bother me again" nanggagalaiti ko na reply sa kanya.
"So, who is this, Peter? Siya ba ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan ngayon?!" Alexa is upset when she asked me.
"Alexa, I didn't know na nabasa mo pala..." Natapik ko ang aking noo sa katangahan ko, bakit ba kasi binabasa ko ang convo namin na nandito si Alexa, hindi ko namalayan na lihim siya na nakikibasa sa likod ko.
"Wait, wait, wait, ibig sabihin you wrote this poems Ano ba? at Inamin for one guy right? And this guy is, Peter?" She arranged the poems I wrote on a paper sa mesa at isa-isa niya itong tinuturo.
"Fine! It's all about, Peter" I can't deny it anymore.
"Is there something that you want to share with me Sis? Hmm..."
"Ano naman iyong gusto ko i-share sayo?" nagtataka ko na tanong.
"Oh common Sis?! Let me talk to that stupid, Peter!" she grabbed my phone pero hindi ko ito binitawan.
"I was eluding him already" I bitterly explained.
"Eluding him is not enough Sis, now! Give me your damn phone, and Iet me talk to him!" galit nitong inilahad ang kamay at hinihintay na ibigay sa kanya ang aking cellphone.
"Pero Sis!, ayaw ko ng gulo" pag-aalala ko na tugon.
"Magkakagulo talaga tayo kung hindi mo ibibigay sa akin ang cellphone mo, Sandra!" nanlalaki ang mata niya na singhal sa akin.
"Sis, please just leave it to me, I can handle it" napapikit ko na tugon.
"You're always like that super bait, Sandra!, kaya ka inaabuso eh, kasi you tolerate that stupid guy!" pagdadabog niya na pagmamaktol sa akin. Tumayo ako at hinawakan ang magkabila niyang balikat at tiningnan siya ng diretso sa mata.
"Alexa! Listen to me, relax, mas magiging okay ako kung iiwasan ko na lang siya, hindi naman siguro siya manhid para hindi maramdaman iyon" kumalma siya at bumuntong-hininga.
"Sorry Sis, I'm sorry if I acted too much upset earlier, you're magical touch makes me calm" she grabbed my hands at pinisil iyon.
"I understand Sis, and salamat sa concern, I appreciate it" niyakap ko siya habang hinahaplos ang buhok nito.
"Be brave Sis, don't waste your time with that kind of guy, Sandra okay? Mabuti ka na tao, at tanging mabubuting tao lang ang makaka- realize ng pagkakamali nila sa isang tao" tinapik niya ang likod ko habang nagyayakapan kami ng mahigpit. I feel relieved and enlightened.

Komento sa Aklat (96)

  • avatar
    Ďïvïnë Fĺöwëř

    nakaka inspire basahin..para sa mga hopeless maganda po syang basahin, this novel will remind me na love do exist.. galing mag compose ng tula ng writer..can't wait for the next chapter..

    17/08/2022

      2
  • avatar
    amanodos

    Nice

    23d

      0
  • avatar
    Princess Mary Melca

    very nice stort

    23d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata