logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Love do Exist

Love do Exist

Mel Gal


KABANATA 1- VALID I.D

Introduction :
   A strong woman never begs. Deep inside kay Sandra Williams, isang simple na dalaga na puno ng pagmamahal at sweetness pagdating sa pag-ibig. A lot of doubts and patience niya na inaasam na sana isang araw, makatagpo siya ng lalaki na magiging katuwang niya sa buhay, hindi siya iiwan kahit hindi siya maintindihan, at higit sa lahat, yung rerespetuhin siya.
   People come and go. Paano niya kaya makikilala ang kanyang forever?
It's really hard to trust someone these days. Sa buhay natin, may mga taong hindi natin inaasahan na darating na we will easily get attached. Hindi natin namamalayan, habang iniingatan mo ang feelings mo sa kanya, siya naman ay iniiwasan ka na pala. And you just find yourself, lihim na hinihilom ang sugat ng puso na nasawi on a person you expected will never leave your side.
    Nakahiligan na ni Sandra ang magsulat ng tula. Tanging papel at ballpen lamang ang saksi sa bawat letra na isinusulat nito habang inilalabas ang kanyang nararamdaman.
  Shy type kasi siya kaya hindi niya gaano binibigyan ng pansin ang mga lalaki na sumusuyo sa kanya.
Si Peter, na nakilala niya unexpectedly, may pagka-hambog ang dating at masyadong bilib sa kanyang sarili.
Ang kababata niya na si Thomas na sobrang strikto at seloso.
Sa katauhan naman ni Mauricio, isang binatang pilyo at mahilig mang-asar.
Tatlong lalaki na magiging dahilan na mababago ang paniniwala niya sa pag-ibig. Iba't-ibang paraan at emosyon na hindi niya inaasahan na mararanasan niya simula noong dumating sila sa kanyang buhay.
Sino kaya sa tatlo ang makapagpamulat sa kanya na muling magmahal at maniwala na truly Love do Exist?
                Kabanata 1 - Valid I.D
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa aking natuklasan.
My heart skipped a bit. Girls instinct is always true.
-FLASHBACK-
"You're a lovely woman and I love you very much, we've been together for a longtime now. But I have physical needs that you can't give. Why don't you understand the needs of a man? I am very happy now with her"
-From Scott Wright-
Hindi ako makahinga ng mabasa ko ang message na iyon. Pero pinilit ko pa rin na maging kalmado at nag reply.
"We all seek for happiness, and I'm glad you found yours. Just be happy, I won't bother you from now on"
  Siniguro ko muna na mabasa niya ang message ko bago ko tuluyan na mapagdesisyonan na burahin ang Social Media Account ko.
-END OF FLASHBACK-
Hindi ko maiwasan na maisip ang message niya.
"Dalawang taon ko siya na hinintay, wala akong naging kasintahan dahil naging loyal ako sa kanya kahit malayo kami" naluluha ko na sambit.
May mga tao talaga na kapag naramdaman nila na masaya sila, hindi na nila iniinda kung may nasaktan ba sila.
"Masyado ako na-attached sa kanya ng sobra kaya nasasaktan ako ng ganito. Ang hirap pa naman talaga itago at kimkimin ang sakit sa puso dulot ng sawi sa pag-ibig" naluluha ko na wika sa sarili at humiga sa unan.
Kinabukasan.
   Bumaba lahat ng pasahero ng bus para sa isang checkpoint bago tuluyang makapasok sa lungsod ng Davao City. Habang nakapila lahat, nagpapa-alala ang isang sundalo na ilabas ang aming mga valid I.D. Kinapa ko naman ang wallet ko at hinanap ang aking valid I.D, maya-maya pa, ako na ang nasa tapat ng sundalo.
  Napakunot ang noo ko ng hindi ko makita ang valid I.D na kanina lang ay kitang-kita ko na nasa wallet ko. Pinagpawisan ako ng sobra habang hinahalughog ang laman ng aking maliit na bag.
"Valid I.D!" strikto na wika ng sundalo habang nakalahad ang kamay niya sa akin sabay tapon ng tingin.
"Po? Nawawala po kasi ang valid I.D ko, Sir" natataranta ko na sagot.
"Umupo ka muna doon sa gilid!" utos niya sa akin.
  Nababalisa man, umupo ako sa gilid at isa-isang tiningnan ang laman ng aking bag.
"Hi, Miss!" bati sa akin ng isang lalaki.
   Napalingon ako sa kanya dahil tumabi siya sa akin. Natulala naman ako ng mapagmasdan ko siya, puti ang suot niya na t-shirt na mababakas ang mala-adonis niya na pangangatawan, kayumanggi ang kulay ng kanyang balat, singkit ang mga mata at may dimples sa magkabilang pisngi kapag ngumingiti siya, sa tingin ko magkasing-edad lang kami.
"Nakaalis na pala ang bus, sinabihan ko ang konduktor na pinaiwan ka ng sundalo sa checkpoint, eto nga pala yung bag mo oh!" abot niya sa akin.
Natulala naman ako sa mga sinabi niya at naramdaman ang pananakit ng aking ulo. Nakaka-stress!
"Maraming Salamat po" habang kinukuha ko ang bag na iniabot niya sa akin.
Napabuntong-hininga ako ng malalim habang nakapikit ang mga mata. Binuksan ko ang bag na iniabot sa akin ng lalaki, may isang wallet doon at ng tiningnan ko, dismayado ako dahil wala talaga ang valid I.D ko.
"Siyanga pala" pukaw pansin ng lalaki sa akin, nagulat ako dahil nandiyan pa pala sa siya sa tabi ko.
"Nagbabakasakali lang ako, kasunod mo kasi ako sa pila kanina, nahulog mo yata oh!" wika niya.
Lumiwanag ang mukha ko sa iniabot niya sa akin.
"Ang valid I.D ko!" sigaw ko sa tuwa at kinuha ito mula sa kanya.
"Ako nga pala si, Peter Waldron!" inilahad niya ang kanyang kaliwang kamay sa akin.
"Sandra!" tinanggap ko ang kamay niya at nag shake hands kami.
"Sandra Williams, right? Kasing-ganda mo ang iyong pangalan" pilyo na ngiti nito sa akin na wari ay nang-aakit.
  Natigilan naman ako sa tinuran ni Peter at kaagad ko na kinuha ang aking mga kamay na mahigpit niya na hinawakan.
"Okay lang ba kung tawagin kita sa first name mo, Peter?" I asked shyly.
"Biyente singko anyos din ako tulad mo kaya okay lang" mariin nito na sagot.
"Pasensya ka na talaga ha, naiwan ka tuloy ng bus" kimi ko na wika sa kanya.
"No worries, Sandra, napilitan lang naman ako mag commute because my sister beg me na hiramin ang kotse ko for her to travel more at Davao Oriental with her friends, mahilig kasi siya sa beach, alam mo na, vacation. I just want to observe din kung komportable ba ang mga pasahero sa bus, at to know na din kung ano pa ang kulang na dapat ma-improve, I have an urgent meeting to attend din kasi, that's why I hurry back to Davao City" mahaba na turan ng binata sa akin. 
"I sincerely apologize po talaga" nahihiya ko na sambit.
"It's okay, Sandra, I am the owner of the Bus Company, I can cancel the meeting anytime" hambog nito na tugon.
"Big time ka naman pala, Peter" nakatitig lamang ako sa kanya.
"Hehe, shall we?" Iginiya niya ang kanyang kamay sa kinaroroonan ng Sundalo at sabay na kami na ibinigay ang aming Valid I.D.
Nang makalabas na kami ng Checkpoint Area.
"If you don't mind me, Peter. Hinihintay na kasi ako ng pinsan ko eh, birthday kasi ng anak niya ngayon, pupunta daw kami sa beach ng Island Garden City of Samal (IGACOS) ngayon upang doon mag celebrate sa birthday ng bunso niya na anak" pagpapaliwanag ko.
Napakunot ng noo si Peter habang nakatingin sa akin.
"Oh sige, mukha ka naman honest, Sandra eh, pwede ko ba na makuha ang cellphone number mo kung okay lang sa iyo?" nakatingin siya sa mga mata ko.
"Of course, Peter, I'm thankful to you, so eto yung cellphone number ko" pinakita ko sa kanya ang screen ng aking cellphone.
"Sandra, saan ka ba pupunta ngayon?" tanong niya habang kinokopya ang numero ko.
"Sa bahay ng pinsan ko, Peter, diyan lang malapit sa mall" tugon ko sa kanya.
"Gusto mo ba na ihatid kita, Sandra?" he offers.
"Naku! Huwag na, nakakahiya naman sa iyo!" mabilis ko na tanggi sa binata. 
"Pumayag ka na, Sandra, gusto ko lang makasiguro na safe ka na makarating sa bahay ng pinsan mo" pamimilit niya sa akin.
"Ang hirap mo naman tanggihan, Peter" natatawa ko na tugon sa kanya.
"Saglit lang, Sandra ha, at may tatawagan lang ako sandali" pagpapaalam niya sa akin.
"Oh sige, take your time po" maikli ko na tugon.
  Tumunog ang cellphone ko, dali-dali ko na kinuha iyon mula sa maliit ko na sling bag upang tingnan kung sino ang tumawag, baka pinsan ko kasi at hinahanap na ako.
"Uy! Unregistered number!?" tanong ko sa sarili ko.
"Hello?" maikli ko na sagot sa tawag.
"Hi! Sandra, si Peter eto!" wika ng nasa kabilang linya.
  Napalingon ako sa likod kung saan naroroon si Peter. Natatawa siya na lumapit sa akin at pinutol na ang tawag.
"Gusto ko lang makasiguro, Sandra na sa iyo talaga ang phone number na ibinigay mo" sabay kindat sa akin habang lumalapit siya sa tabi ko.
  Feeling ko tuloy namumula ang mukha ko nang mga oras na iyon, hindi kaagad ako nakasagot sa kanya.
"Papara muna ako ng jeep saglit, Sandra ha?!" sumesenyas ang binata sa papalapit na jeep na may kasabay na pagkaway ng kamay. Huminto naman ito sa tapat namin. 
"Halika na, Sandra!" pukaw niya sa akin sabay hila ng kamay ko.
  Sumunod na lang ako sa kanya, upang makasakay na kami sa jeep. Hindi ko maipaliwanag ang aking nadarama habang magkatabi kami. Maraming tanong ang gumugulo sa aking isipan ng mga sandaling iyon. 
"Pakiabot po ng bayad, dalawa po kami bababa sa mall galing Lasang sa Checkpoint Area, salamat" wika ni Peter sabay abot ng pera sa ibang pasahero.
Makalipas ang Tatlumpong minuto.
"Manong! Para! Para! Dito lang po kami" sigaw ni Peter sa driver ng jeep.
 Nauna siya na bumaba ng jeep at inalalayan ako sa pagbaba sabay lahad ng kanyang kamay.
"Oh dahan-dahan sa pagbaba!" pagpapaalala niya.
"Tatawid tayo, Peter!" maikli ko na sabi.
Hinawakan niya ang kamay ko.
Magkahawak-kamay kami na tumawid dalawa.
"Oh, nandito na ako, paano nice to meet you po, Boss, hehe" biro ko sa kanya.
"Till we meet again, Sandra" nakangiti niya na tugon.
Nakatawid na siya sa kabilang kalsada at nakasakay na ng jeep, pero hindi pa ako nakaalis sa kinatatayuan ko dahil ang mga ngiti niya ay tila kinikiliti ako, lalo na nung magkahawak ang aming mga kamay, tila may kuryente na dumadaloy sa aking katawan.

Komento sa Aklat (96)

  • avatar
    Ďïvïnë Fĺöwëř

    nakaka inspire basahin..para sa mga hopeless maganda po syang basahin, this novel will remind me na love do exist.. galing mag compose ng tula ng writer..can't wait for the next chapter..

    17/08/2022

      2
  • avatar
    amanodos

    Nice

    23d

      0
  • avatar
    Princess Mary Melca

    very nice stort

    23d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata