logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 7

CHAPTER 7
"Bakit hindi ka pumasok kahapon? Nag-quiz tayo sa Statics," ani Serenity pagkaupo ko.
Hindi ko siya pinansin. Sumubsob ako sa arm chair at hindi pinansin ang kahit sino sa kanila. Alam kong pinapanood nila ako, pero wala akong pakialam.
Wala akong tulog dahil sa hirap ng pwesto ko sa kotse. Nahihiya na kasi akong pumunta kay na Vera kagabi dahil anong oras na iyon at baka natutulog na siya o ang mga magulang niya. Nakiligo na nga lang din ako sa bar nina Jarred at naki-charge na rin.
Hirap pala maglayas... uwi na kaya ako?
No! Never! Three times!
Duh, si Tala kaya 'to.
"Baka nagparty na naman 'yan. 'Wag mo na kulitin at baka masupalpal ka na naman," rinig kong sabi ni Margarette, at kung hindi ako nagkakamali ay para kay Serenity iyon.
Salamat naman at sinuway niya ang katabi kong walang humpay sa pangungulit sa'kin. Baka nga masupalpal ko talaga ang baliw na 'yan sa kadaldalan niyang taglay.
"Concern lang naman ako... baka kasi maiwan siya dito tapos tayo naka-graduate na," pangangatwirang sagot naman ni Serenity.
Napairap ako nang nakapikit. At kelan pa siya nagkaroon ng concern sa'kin?
Last time I check, hindi naman kami close at mas lalong hindi kami magka-vibes na dalawa. Kung ako babaeng pariwara, siya naman itong babaeng walang kagalaw-galaw.
She's pure and innocent. And, I like her.
Hindi 'yong like na jojowain ko siya, 'no. Yuck!
Gusto ko siya kasi hindi siya tulad ng ibang babae na akala mo kung sinong santa, may sungay din pala... katulad ni Veronica. Santa-santatita kasi ang babaeng 'yon, at kung hindi lang ako mabait baka nilunod ko na 'yon n'on pa sa swimming pool.
Ang ayoko lang kay Serenity ay pakiramdam ko madali siyang mapapabilog ng kahit sino. Kaya dapat siguro ikulong na lang 'to sa bahay at hindi pinapalabas.
Tutulog na sana ako nang bigla kong naalala iyong text ni Vera kahapon --- na Uncle niya si Sir Pogi. Kagabi ko pa rin kasi iniisip kung ano nga pala ang pangalan ni Sir Pogi, hindi ko na kasi iyon pinagtuonan ng pansin noong nagpakilala siya. Paano naman, inaway niya ako. Tsk.
Nag-angat ako ng ulo at binalingan ng tingin ang dalawa kong katabi na busy pa rin sa pag-uusap, mga tsismosa talaga. Tsk.
Napairap ako sa isip. "Oy!" sabad ko sa dalawa na sabay naman nilang nilingon. "Ano nga pala ulit 'yong pangalan ni Sir Pogi?" walang anu-ano kong tanong sa dalawa na sabay din ng pagkunot ng noo nila.
Ay, nagpractice? Galing! Pft.
Napangiwi ako. "Kambal ba kayo?" pagtataray kong tanong na agad nakapagpabago ng ekspresyon ng dalawa, lalong-lalo na si Serenity.
"Paano? Mas maganda kaya sa'kin si Margarette," she pouted.
Magsasalita pa lang sana ako nang bigla siyang batukan ni Margarette. "Baliw!"
"Aray!" mahinhin na reklamo ni Serenity bago nilingon si Margarette. "Bakit mo ako binatukan?"
Matalim lang siyang tiningnan ni Margarette.
Napabuntong hininga na lang ako at saka sila pasimpleng inirapan na dalawa. Kaasar.
Bahala silang mag-away na dalawa. Parang mga isip-bata na ewan.
Hinarap ko si Anastasia sa kaliwa ko. Busy ito sa pagfe-facebook, at pags-stalk sa kung sino.
"Sinong iniistalk mo?" kunwaring usisa ko kaya agad siyang lumingon sa akin sabay tago ng cellphone niya.
Umiling siya, pero kitang-kita ko ang pamumula ng mukha niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Magsisinungaling ka pa, lumalaki ang butas ng ilong mo," seryosong saad ko. Totoo naman kasing lumalaki ang butas ng ilong niya, tapos itatanggi pa. Tsk.
"Tse," pagsusungit niya at saka ako inirapan. "Nananahimik ako dito tapos ako aasarin mo, d'on ka nga kay Serenity!" dagdag pa niya bago ako tinalikuran.
Natutula ako. Inaaway niya ba ako?! Ha?!
Aba, teka! Hindi p'wede 'yon.
Duh, si Tala kaya 'to.
Hindi ako nagpatinag, kaya hinawakan ko siya sa braso at hinarap sa'kin. "How dare you---"
"Miss Garcia!"
Agad ko 'yong hinarap bago ko pa matapos ang aking sasabihin. Natulala ako nang si Sir Pogi iyon --- nakatayo sa pinto ng classroom namin.
Binitawan ko si Anastasia at inosenteng tiningnan si Sir Pogi. Bakit kasi ganito ang mga tao sa room, parang mga kulang sa dede. Wala bang matino d'yan!
Nanatili akong nakaupo habang tintingnan si Sir Pogi. As usual, seryoso na naman siya. Wala ng bago. Tsk.
"Sumunod ka sa'kin sa faculty," aniya at agad akong tinalikuran.
Imbis na kabahan ay inis ang naramdaman ko nang inaasar ako ng mg kaklase ko, lalo na si Anastasia.
"Ayan! How dare you pa more!" pang-aasar niya habang tumatawa.
Matalim ko lang siyang tiningnan bago ibinaling ang atensyon kay Serenity na parang kuting kung tumawa.
"Ililigaw kita kung hindi ka titigil d'yan!" singhal ko kaya agad siyang nagtakip ng bibig at nagpigil ng tawa.
Inirapan ko na lang silang lahat bago padabog na tumayo. Hindi nila deserve ang oras ko, sa ganda kong 'to.
Duh, si Tala kaya 'to.
Hmp.
Pagkalabas ng room, tumakbo naman ako agad patungo sa likod ni Sir Pogi. Sumunod raw, e.
Tahimik lang akong naglalakad habang nakasunod kay Sir Pogi. Hindi ko maiwasang titigan ang likod niyang tila kumikinang sa paningin ko. Likod pa lang... ulam na.
Nakakagigil.
Habang naglalakad hindi ko rin maiwasang hindi pansinin iyong mga estudayanteng kala mo mamamatay na sa kilig. Matalim ko lang silang tiningnan lahat. Pasalamat sila nakakapagtimpi pa ako, dahil kung hindi baka kung ano ang magawa ko.
Muli kong ibinalik ang mga mata ko kay Sir Pogi. Bakit kasi ang pogi nitong nilalang na 'to. Dami ko tuloy kaagaw. Tsk.
Kung p'wede ko lang talaga siya itago baka sinilid ko na siya sa bulsa ko, or sa pant--- joke.
Hindi pa kami tuluyang nakakapasok sa loob ng faculty nang biglang huminto si Sir Pogi, kaya agad rin akong natigilan bago pa ako mauntog sa likod niya. Sana nga nagpauntog na lang ako. Sayang.
Hina mo, Tala. Asar!
Umurong ako nang napansin kong haharap siya sa'kin. Naramdaman kong bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Shet!
Imbis na mapigilan ay mas lalo lang itong bumilis sa pagtibok nang tuluyan na siyang nakaharap sa akin na may mapanuring mga mata. Pakiramdam ko ay namumula na rin ako... at iyon ang hindi ko kayang itago.
"Interesado ka ba sa'kin?" walang pag-aalangan niyang tanong habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.
Napalunok ako ng malaki. Hindi ko alam kung mananatili ba akong nakatingin sa kan'ya, o iiwas na lang ako ng tingin dahil pakiramdam ko ay makikita niya ang sagot sa mga mata ko.
At dahil ayokong magpahuli ay umiwas ako ng tingin at pilit na tumawa. "Feeling ka po, Sir, 'no?" bulong ko.
Alam kong para akong baliw sa ginagawa ko. Wala naman akong magawa dahil... totoo.
Bumibilis na rin ang paghinga ko sa nangyayari. Para kasing hindi siya naniniwala sa mga sinabi ko. Bukod sa kinakabahan ako ay para na akong kakainin ng lupa dahil sa sobrang kahihiyan.
"Then, stop fantasizing me," aniya nang akmang haharap na ako sa kan'ya.
Hindi ako naka-imik. Tinalikuran na rin niya ako matapos ang ilang segundo at nagpatuloy sa paglalakad. Nagdadalawang-isip tuloy ako kung susunod ba ako sa kan'ya o hindi.
Pakiramdam ko ay lumubog din ako sa lupa dahil sa mga sinabi niya... kasama ang puso ko. Ibig sabihin ba nito, tapos na ang laban? Hindi pa nga ako nagsisimula...
Sumunod na lang din ako dahil iyon naman talaga ang rason kung bakit ako sumusunod sa kan'ya. Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung bakit kami napunta sa gan'ong sitwasyon. Wala naman akong ginagawa sa kan'ya.
Bumati ako sa lahat ng teacher pagkapasok ko ng faculty bago nagtungo sa table ni Sir Po--- ni Sir. Seryoso pa rin siya hanggang ngayon habang nakatingin sa papel na hawak-hawak niya.
Nang tuluyan na akong nakalapit ay tumayo lang ako at naghintay sa kung ano ang sasabihin niya. Saglit na katahimikan ang namayani sa'ming dalawa bago niya ako tiningnan na parang may nagawa akong isang malaking kasalanan.
He cleared his throat. "Palagi mo na lang pinasasakit ang ulo ko," panimula niya na may tono ng pagkadismaya sa'kin.
Yumuko lang ako. Pinasasakit mo naman ang puso ko...
"Sa susunod na gagawa ka ng kalokohan, siguraduhin mong hindi ka nangdadamay ng ibang tao. I caught you cheating, at huling-huli sa papel mo kung gaano ka-iresponsableng estudyante ka."
Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko, pero hindi na iyon katulad ng dati. Puno lang iyon ng takot at lungkot dahil sa mga nangyari. Gusto ko na lang umalis at panindigan ang mga sinabi niya, pero may pumipigil sa'kin na gawin 'yon.
Bukod sa hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas ng loob, wala rin akong idadahilan dahil totoong nangopya lang ako.
"Pumunta ka sa bahay mamaya, dalhin mo lahat ng gamit mo."
Mabilis kong inangat ang ulo ko at nagtatakang tumingin sa kan'ya. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko...
Para na naman akong lumulutang. Shet!
Sa lahat ng sinabi ni Sir Pogi, iyong pagpunta sa bahay niya ang nanatili sa isip ko. Nawala lahat ng sermon niya sa'kin, at kung tutuusin ay dapat nag-aalala ako ngayon. Pero bakit parang ayos lamang ako.
Well, si Tala kaya 'to.
Natapos ang lahat ng klase ko pero hindi pa rin nawala sa isip ko iyong mga sinabi ni Sir Pogi. Pupunta kaya ako?
Para kasing isang malaking kalokohan na mag-aaral ako, at si Sir Pogi ang magtuturo sa'kin. Seryoso ba talaga 'to?
Nilingon ko sina Serenity na nag-aayos pa lang ng mga gamit pauwi. Walang kaalam-alam ang mga kaklase ko na pupunta ako sa bahay ni Sir Pogi, ano kaya ang iisipin nila kapag nalamam nila iyon?
Umiling na lang ako at saka tumayo. Hindi naman ako baliw para sabihin 'yon. Baka kung ano pa ang isipin nila at kumalat sa buong campus.
Malalagot na naman ako n'on kay Sir Pogi kapag nagkataon.
Habang naglalakad nagtipa ako ng text kay Vera. Nangako kasi ako sa kan'yang sa kanila ako di-diretso pauwi. At dahil biglaan ang mga pangyayari ay kailangan kong ipaalam sa kan'ya na baka gabihin ako. Nakakahiya na kasi sa kan'ya, kahapon ko pa siya pinag-aalala.
**
To: Vera
Gurl! Baka gabihin ako. See you later! Mwa!
**
Sinilid ko sa bulsa ang cellphone ko at hindi na hinintay ang reply niya. Babasahin ko na lang mamaya kapag nagtext na siya. Ang iisipin ko ngayon ay kung tama ba ang ginagawa ko.
Sa pakiwari ko ay malulugaw ang isip ko sa pag-aaral namin mamaya ni Sir Pogi. Hindi pa naman na akong sanay mag-aral. Kung iinom kami baka p'wede pa.
Kinikilabutan tuloy ako sa salitang aral. Cringe!
Natigilan ako. Bigla ko kasing naalalang kasama ko nga pala si Vera noong hinalikan ko si Sir Pogi, bakit hindi niya sinabi sa'kin na Tito niya iyon? Baliw talaga!
Sa kakaisip ko, ang ending, natagpuan ko na lang ang sarili kong nagda-drive papasok ng village ni Sir Pogi. Bakit pa ba kasi ako nag-iisip, gusto ko rin naman ang nangyayari.
Masosolo ko si Sir Pogi.
Huminto ako sa tapat ng bahay niya. Andito na rin siya dahil nakikita ko na ang kotse sa loob. Hindi na ako nagdalawang isip na ipasok din ang kotse ko sa loob. Malaki naman kasi ang space sa labas ng bahay ni Sir Pogi, may garden pa nga ito at pool.
Pagkatapos kong igarahe ang kotse ko, huminga muna ako ng malalim bago lumabas at kinuha ang bag ko. Kapag sinabi niyang lahat ng gamit ko, ito lang talaga ang madadala ko.
Bukod sa hindi ako nag-aaral, wala rin akong kahit anong gamit o libro dahil iniwan ko lahat iyon sa bahay. Hindi ko naman 'yon lahat ginagamit, nakadisplay lang 'yon sa kwarto ko na parang collection sa dami. Mga pinaglumaang libro lang 'yon ni Mommy at Daddy, at wala akong balak na bumili ng bago dahil hindi naman ako nag-aaral.
Dumiretso na ako agad papunta sa bahay habang sakbit-sakbit ang bag ko. Walang pasubali akong pumasok. Pumunta raw, e.
Namangha na naman akong tinitingnan ang buong bahay. Hindi ko alam kung kelan ako makaka-move on sa bahay na 'to. Hanggang ngayon kasi parang bago lang sa mga mata ko ang buong lugar --- na parang ngayon lang nakakita ng magandang bahay.
Tsk.
Hinanap na lang ng mga mata ko si Sir Pogi. Nasaan ba kasi 'yon at hindi 'man lang ako sinalubong. Para talagang others ang isang 'yon. Kainis.
Nilapag ko na lang ang dala-dala kong bag sa sofa bago sana ako uupo nang narinig kong sumarado ang pinto sa itaas. Agad akong tumingala at tiningnan iyon.
Hindi na ako umupo at nanatiling nakatayo nang nakitang si Sir Pogi iyon na bumababa na ngayon ng hagdan. Pinanood ko lang siya hanggang sa tuluyan na siyang nakababa.
Magsasalita na sana ako nang iniwasan niya ako ng tingin at dumiretso patungo sa kung saan. Nalaglag ang panga ko sa ginawa niyang hindi pagpansin sa'kin. Para tuloy akong multong nakatayo lang dito.
Ang galing niya talagang inisin ako. Tsk.
Umupo na lang ako at hinintay siyang makabalik. Sarap sakalin. Kainis.
Nilibot ko ang paningin ko sa mga gamit niyang mukhang mamahalin, hanggang sa huminto ang mata ko sa nag-iisang picture frame na naka-display sa buong bahay. Nakapatong ito sa mesa malapit sa may hagdan.
Hindi ko iyon napansin kahapon.
Tatayo na sana ako para tingnan ang nasa litrato nang bumalik na si Sir Pogi mula sa kung saan habang hawak-hawak ang isang baso ng juice. Pinatong niya 'yon sa center table sa harap ko bago malamig na tumingin sa'kin.
"Dito ka na lang matulog," tipid niyang sabi bago muling bumalik sa kaninang pinanggalingan at hindi na ako hinintay na magsalita.
Okay?

Komento sa Aklat (137)

  • avatar
    gomezmaicy

    ❤️❤️❤️ang galing ang ganda ng story..nakakatawa nakakainis nakakakilig at nakakaiyak ang story n ito..pina iyak m ako author at nakaka inis si boy basta naiinis ako sakya..ang galing ng pagkawa m sana mas marami kapag magawang story.. 😍luv u tala..sana may book 2 deserve nyang maging happy..lalo n sa lagi nyang linya na "si tala yata ito".. ang ganda nito highly recommend basahin nyo din magugustuhan nyo promise..thank u author

    19/08/2022

      0
  • avatar
    Trishia Jane Widger

    its nice

    6d

      0
  • avatar
    Althea Cassandra

    so the shhhh don't have the greatest kinetic energy of a roller coaster would have the greatest kinetic energy of a roller coaster would have the greatest guy is the opposite of a roller coaster would have the greatest kinetic energy of a roller coaster would have the greatest kinetic energy of a roller coaster would have the greatest kinetic energy of a roller coaster would have the greatest kinetic energy of a roller coaster would have the greatest kinetic energy of a roller coaster would have

    16d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata