logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 2

CHAPTER 2
"Tala, gising!"
Mabilis pa sa alas kuwatro ang pagbangon ko.
"Anong nangyari?! Nahimatay ba ako?!" sunod-sunod kong tanong habang inililibot ko ang mga mata ko. Naabutan kong nakatingin sa'kin lahat ng mga katabi ko.
Nahimatay ba talaga ako?
Sabi na, e. Dapat nag drop na ako noon pa, si Daddy kasi mapilit. Tsk.
Nagtataka na nakatingin sa'kin si Serenity, Margarette, at Anastasia, na sinagot ko lang ng nagtatanong na tingin. Ayaw kasi nila akong sagutin. Kaasar.
"Anong sinasabi mo?" tanong ni Anastasia nang hindi nagbabago ang ekspresyon niya. Sa wakas may nagsalita rin, pero hindi 'yon ang tanong ko. Nevermind.
"Ayan, katutulog mo 'yan!" pang-aasar naman na sabi ni Margarette na agad kong nilingon.
Tumaas ang isang kilay ko. "Natutulog ako?" pagkukumpirma ko pa sa mga narinig ko.
Hindi ko siya maintindihan. Paano ako matutulog, kagigising ko nga lang kasi ginising ako ni Serenity. Akala ko nga lumilindol pa, e. What is happening!
"Hindi ba halata? Mukhang nananaginip ka nga, e," ani Serenity.
Ibinaling ko naman ang mata ko sa katabi kong si Serenity. "Nananaginip ako?" pag-uulit ko habang unti-unting namimilog ang mata ko sa gulat.
"Lutang ka yata, e. Paulit-ulit?" sagot niya na hindi ko na pinagtuonan ng pansin.
Unti-unti kong hinarap ang unahan, at wala doon iyong lalaki. Tila nakahinga ako ng maluwag nang napagtanto kong nananaginip nga ako.
Fuck! Ayaw yata talaga akong paalisin sa Engineering. Ano ba yan!
Nasapo ko na lang ang noo ko sa disappointment. Akala ko makakaalis na ako sa impyernong school na 'to. Hindi pa rin pala. Ayst.
Sumandal na lang ako sa aking upuan sabay pinag-cross ang aking braso sa may dibdib.
Ilang linggo ko na rin naman siyang napapanaginipan simula nang halikan ko siya sa labas ng bar, kaya hindi na bago sa'kin 'to. Pero sayang, sana hindi na lang panaginip 'yon. Baka magkaroon pa ako ng rason para makaalis dito.
Hindi na ako natulog. Baka bangungutin pa ako at tuluyan nang hindi magising. Gusto ko pa mabuhay 'no. Sayang ang ganda hindi mapaparami.
Bumalik na sa kan'ya-kan'ya nilang ginagawa ang mga katabi ko. Ewan ko ba bakit nag-aabala pa silang magsagot. Wala naman si Engr. Andra, tapos yung substitute teacher malamang magpapakilala lang 'yon.
Alam ko na lahat 'yan, sa limang taon ko ba naman sa industriyang 'to?! Duh!
Bukod sa'kin, may pito pang babae sa klaseng ito. Which mean walo kami, 'di ba ang galing ko sa math. Simple analysis!
Duh, si Tala kaya 'to.
Ewan ko sa mga babaeng 'to kung bakit nag Engineering sila, basta ang rason ko gusto ni Daddy. Kaya umaasa siyang makakapagtapos ako kahit limang taon na ako dito pero hindi pa rin nakakatapos ng second year.
Alam kong hindi ako bobo, sadyang ayaw ko lang mag-aral. Second honor kaya ako n'ong nursery, tapos valedictorian n'ong elementary, and of course --- nevermind! Tinamad na ako mag-isip, e.
Well, si Tala kaya 'to.
Ilalabas ko sana ulit 'yong cellphone ko nang narinig kong nag-uusap si Serenity at Margarette sa tabi ko.
"10 minutes late na 'yong substitute teacher, p'wede na tayong umuwi kapag wala pa rin siya after 20 minutes."
Bigla akong nabuhayan sa sinabi ni Serenity. Last subject ko na kasi 'to, at mukhang last subject na rin nila. E'di makakauwi na ako para matulog, tapos party ulit ng alas dose. Ang saya naman, sana ganito na lang palagi.
Kinuha ko na iyong cellphone ko at tiningnan iyong mga shots ko kagabi sa party. Napangiti ako nang nakitang maganda lahat ng iyon, at walang tapon. Bilib na talaga ako sa sarili ko, kaya mahal na mahal ko, e.
Iba rin talaga kapag camera ng apple brand, ang ganda ng quality ng mga pictures ko. Madadagdagan na naman ang laman ng album ko, at ang account ko sa pinterest.
"Keep all your notes. We're having a surprise quiz!"
Agad kong inangat ang tingin ko sa sigaw na 'yon. Literal na umawang ang bibig ko nang nakita ko kung sino iyong sumigaw.
Fuck! Nananaginip na naman ba ako?!
Pinisil-pisil ko ang braso ko at baka nililinlang na naman ako ng natutulog kong isip. Nang nasaktan ako ay muli kong ibinalik ang tingin doon sa lalaking nagsusulat na ngayon sa white board.
"Hala. Hindi pa naman ako nakapag-aral."
"Asar naman, quiz agad."
"Sayang pogi pa naman, suplado nga lang."
Nilingon ko ang mga kaklase kong nagbubulungan at hindi na magkaintindihan sa pagtago at pagkuha ng kanilang mga gamit. Maging si Serenity sa tabi ko ay hindi na rin alam ang gagawin.
"Kumalma ka nga babae. OA mo," bulong ko sa kan'ya nang paulit-ulit na siyang nagsa-sign of the cross. Baliw!
Inirapan ko na lang siya nang hindi niya ako pinansin. Muli kong ibinalik ang atensyon ko sa unahan --- na wari ko'y isa sa mga pagkakamaling desisyon ko sa buhay.
Nakatingin na siya sa'kin.
Pakiramdam ko ay nauubusan na ako ng dugo sa hindi ko mawaring dahilan. Namumutla na yata ako.
Seryoso lang siyang nakatitig sa'kin, at walang kahit anong eskpresyon na p'wede kong mabasa. Napalunok ako dahil hindi pa rin siya umiiwas ng tingin.
Mukhang ako yata ang dapat na mag-sign of the cross. Para na kasi niya akong lalamunin ng buhay sa mga titig niyang nakakatunaw. O, baka hinububaran na niya ako sa isip niya dahil ang ganda-ganda ko talaga? Luh, maliit na bagay!
Well, si Tala kaya 'to.
Huminga ako ng malalim. Sari-sari na ang pumapasok sa isip ko pero hindi pa rin niya ako magawang iwasan ng tingin.
Akala siguro niya aatrasan ko siya. Sobrang gwapo kaya niya, at kitang-kita ko 'yon ngayon kumpara noong una kaming nagkita sa bar. Thick eyebrows, square chin, long lashes, almond shape brown-eye, clean shaven, clean cut, and of course his kissable lips. Para tuloy akong nakakita ng isang hollywood star.
Omg, langit!
Ibababa ko pa lang sana ang mga mata ko sa labi niya nang umiwas na siya ng tingin sa'kin.
"One!" sigaw niya na mas lalong nakapagpagulo sa buong klase.
Maging ako ay nagulat kaya dali-dali kong kinuha ang isang pad na papel ni Serenity at kumuha ng isang piraso doon bago muling ibinalik. Nagulat lang siya sa ginawa ko pero hindi na siya nag-abalang magreklamo dahil siguro sa kabang nararamdaman.
Kumuha ako ng ballpen sa bag ko at naglabas ng calculator, kahit wala naman talaga akong isasagot. Syempre, dapat may props!
Nasa white board ang lahat ng sasagutan. One to twenty lahat 'yon, at kahit isa d'on ay wala akong alam kung paano sasagutin.
Iginala ko ang paningin ko sa mga kaklase kong busy sa pagsasagot, samantalang ang iba naman ay katulad ko rin na nganga dahil walang makitang sagot sa papel.
E'di zero!
Para namang bago sa'kin na zero palagi sa test. Kung tutuusin mas bihira pa sa full moon ang pagkakaroon ko ng score sa kahit anong exam.
Nagtataka nga ako kung bakit ang tiyaga ni Daddy na hintayin akong makapagtapos. Hihintayin pa nga raw niya akong maka-graduate bago siya mag-retired sa pagiging Dean ng Engineering. At mukhang hanggang kamatayan dadalhin niya ang pagiging Dean ng Engineering dahil wala na yata akong pag-asa.
"I'll deduct five points sa mga mahuhuli kong lumilingon, and for those who caught cheating... minus ten."
Agad naman akong tumungo at humarap sa papel kong walang laman dahil sa muling sigaw na 'yon. Wala na nga akong points mababawasan pa ng lima, e'di negative five na 'yon. E, hanggang zero lang ang target points ko dahil wala akong paghuhugutan kung magkakautang pa ako.
Wala bang exception sa mga magaganda? Sayang, si Tala pa naman 'to.
Tsk.
Tigas naman ng lalaking 'to. Wala 'man lang pasintabi. Kahit siguro pariwara ang buhay ko gusto ko pa rin matapos ang Calculus na 'to. Sawang-sawa na ako, at kung magtatagal ako dito baka Calculus na ang magsawa sa'kin.
Isang oras na siguro ang lumipas nang hindi 'man lang nasulatan ang papel ko, bukod sa pangalan ko wala ng ibang laman 'yon.
Bahagya akong napakagat-labi ng dahil sa frustration. Hindi kasi ako p'wedeng maka-zero sa pagkakataong 'to, nakakahiya kay Sir Pogi. Ayoko namang isipin niyang bobo ang future wife niya. Duh!
Mahina kong tinuktok ng ballpen ang mesa ko. S'an naman ako kukuha ng sagot, buti sana kung pinagpapala ang katulad kong masamang damo. Baka masunog lang ako kung ipagdadasal kong sana magkaroon ng biyaya mula sa langit.
At dahil hindi masamang subukan ay napadasal ako ng wala sa oras. "Kahit isa o dalawang puntos lang po sana."
Basta hindi zero!
"Last ten minutes!" muling sigaw ni Sir Pogi na mas lalong nagpa-hyperventilate ng sistema ko.
Wala na yata akong pag-asa. Bagsak ka na naman, Tala.
Well, si Tala kaya 'to.
Hay.
Susubsob na sana ako nang naramdaman kong may sumipa ng upuan ko. Nagda-dalawang isip pa ako kung lilingunin ko iyon nang muli na naman niyang sipain 'yon.
Marahan at patago kong nilingon si Serenity. Pag-kunot lang ng noo at 'what look' ang sinagot ko sa kan'ya. Sumenyas lang din siya at tinuro ang papel niyang halos mapuno na ng sagot.
Aba, teka! Matalino pala ang babaeng 'to. Akala ko puro kadaldalan lang ang alam, may utak din pala. Tipid akong ngumiti bago niya bahagyang ipinakita ang papel niya.
Tiningnan ko muna kung ano ang ginagawa ni Sir Pogi, at nang nakitang may iba siyang ginagawa ay mabilis akong yumuko at kinopya ang ilang sagot ni Serenity.
Sa wakas, nagkaroon din ng laman ang papel ko. Hindi rin pala masamang magdasal kahit minsan. Oh siya, dadalas-dalasan ko na para naman magkaroon na ako ng sagot sa susunod.
"Pass your paper now!"
Itinaas ko ang kamay ko pagkatapos ng sigaw na 'yon ni Sir Pogi. Iyon kasi ang patakaran ng klase, pagkatapos ng oras ay itaas ang kamay na may panulat para siguradong hindi na maipagpatuloy ang pagsagot or should I say... pangopya.
Ipinasa na namin ang mga papel gamit ang isang kamay na hindi nakataas.
"Ipapasa rin po ba ang scratch paper?" tanong ni Noah na isa sa mga nag-e-excel sa klase.
Hindi ko siya nilingon, pero kitang-kita ko ang nakangiting si Serenity habang tinitingnan si Noah. Psh.
"Baka naman tumulo laway mo," sita ko sa kan'ya nang pansin kong laway na lang ang kulang magmumukhang asong ulol na siya.
Tinikom naman agad niya ang bibig niya bago tumingin sa'kin. "Lagi mo na lang ako inaaway..." paawa niyang sabi habang pumipikit-pikit pa ang mga mata.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Cute ka na niyan?" pagtataray ko.
"Hmp," she pouted.
"Hmp ka rin," gaya ko sa kan'ya at saka ko siya inirapan.
Humarap na ako sa unahan bago pa kami makita ni Sir Pogi. Kailangan kong magpalakas, e.
"Ipasa ang lahat ng papel na ginamit, kung walang scratch --- walang problema. Siguraduhin niyo lang na makikita ko kung paano niyo nakuha ang sagot, dahil kung hindi tama ang solution walang puntos ang sagot kahit tama pa 'yon," sagot ni Sir Pogi kay Noah.
Buti na lang may solution iyong mga nakopya ko kay Serenity. Hindi ko nga lang natapos dahil wala ng oras, pero at least may sagot ako. Hindi na zero.
Duh, si Tala kaya 'to.
"Magtatawag ako ng mga sasagot sa white board habang nagche-check ako ng mga papel niyo," ani pa ni Sir Pogi habang kinukuha na ang mga papel sa first row, dahilan para mag-angalan ang mga kaklase ko.
Nakaramdam din ako ng kaba dahil hindi ko natandaan iyong mga kinopya ko, at dahil strong ako hindi ko iyon pinahalata.
Well, si Tala kaya 'to.
"At dahil mabait ako mag-o-overtime tayo. Alam ko namang last class niyo na 'to kaya 'wag na kayong magreklamo," dagdag niya na mas lalong nagpagulo sa klase.
Sana all mabait. Tsk.
Ibinaba na namin ang mga kamay namin nang nagsimula na siyang magtawag ng mga sasagot sa white board. Bahala silang magkagulo, basta ako chill lang. Kahit siguro gabihin pa ako dito ayos lang, may anghel naman sa harapan ko.
Natatawa akong pinapanood ang mga kaklase kong hindi makapagreklamo nang natatawag sila ni Sir Pogi kahit hindi nila gusto. Binubunot kasi niya iyong mga papel na pinasa namin, at dahil malas ako hindi ako nabubunot.
Nilingon ko si Serenity nang muli na naman siyang mag-sign of the cross. Hindi ko alam kung kulang ba 'to sa dede o kulang sa turnilyo. Grabe ang pagka-oa, ah!
"May isasagot ka naman bakit ka pa kinakabahan?" tanong ko kay Serenity, baka sakaling mawala ang takot niya.
Magiging mabait muna ako sa kan'ya ngayon dahil naalala kong pinakopya nga pala niya ako. Ayst. Hirap maging mabait.
Nilingon niya ako na parang nata-tae na sa takot. "Meron nga, pero kinopya ko lang din 'yon kay Margarette na kinopya niya naman kay Autumn," paliwanag niya bago muling nagdasal.
Bahagyang umawang ang bibig ko sa nalaman. Akala ko naman sariling sagot niya. Muntik na akong sambahin siya, naudlot pa. Hmp.
Binalik ko na lang ang tingin ko sa unahan. Number 19 na iyong tinatawag ni Sir Pogi, at hindi pa rin ako tinatawag.
Aba, swerte ko talaga.
Well, si Tala kaya 'to.
Nabunot ang pangalan ni Noah para sa number nineteen. Easy na 'yon para sa kan'ya, matalino naman siya, e. Kaya lab na lab ni Serenity. Hmp.
Mas lalong hindi na ako nag-alala dahil last number na. Forty-five kami sa klase, kaya marami pang pagpipilian.
Oras ng kasal na lang talaga namin ang hinihintay ko. Tagal!
Pinanood ko lang si Sir Pogi nang bigla siyang tumingin sa buong klase at ibinaba ang mga papel namin.
"Number twenty..." aniya habang hindi inaalis ang tingin sa amin. Nanatili rin ang panonood ko sa kan'ya, hindi kasi siya nakakasawang pagmasdan. Heaven!
Natigilan ako nang huminto ang mga mata niya sa gawi ko. "Ikaw na parang hindi natutulog --- ang laki ng eye bags mo," aniya at saka ako tinuro. Bukod kasi sa'kin wala na siyang iba pang p'wedeng pagsabihan n'on, kaya sure akong ako 'yon.
Nagtawanan ang buong klase. Samantalang ako, hindi alam kung tatayo o tatanungin kung bakit ako ang tinawag niya. Marami naman p'wedeng tawagin, at ako pa talagang walang isasagot kun'di kahihiyan.
"A-ako po ba?" tanong ko na hindi ko alam kung paano lumabas sa bibig ko. Agad kong tinikom ang bibig ko nang muling nagtawanan ang buong klase.
Inirapan ko lang sila kahit alam kong nakatingin sa'kin si Sir Pogi. So, what!
Duh, si Tala kaya 'to.
"Pumunta ka na lang dito sa unahan pagkatapos nila. Ayokong magpaliwanag ng obvious," masungit niyang sagot sa'kin at saka umupo sa teacher's table.
Inirapan ko lang din siya nang hindi na siya nakatingin sa'kin. "Sungit. Hmp!" I pouted.
Sumandal ako at hinarap si Serenity. "May sagot ka ba sa twenty?" tanong ko. Medyo badtrip na ako kaya agad siyang tumigil sa pagtawa. Akala mo naman kung sinong walang kapintasan. Kaasar.
Umiling siya. "Hindi ko na nakopya, haba kasi ng solution," sagot niya.
Inirapan ko na lang siya at saka matalim na tiningnan si Sir Pogi na masungit. Busy na siya sa pagche-check kaya hindi na niya ako makikita. Kung nakakamatay lang ang tingin ko baka naghihingalo na siya sa sobrang talim ng titig ko sa kan'ya.
Bakit kasi ang sungit-sungit niya?
Gwapo pa naman tapos gan'on ang ugali niya. Nagdadalawang isip tuloy ako kung magpapakasal pa ba ako sa kan'ya.
Wag na lang kaya?
Hmp.
Nang natapos si Noah sa unahan ay ako naman ang sumunod. Maliit na ang space sa white board.
Saan ko kaya isusulat ang sagot ko? Kung may isasagot ako.
Nagkibit-balikat na lang ako. Wala naman akong isasagot kaya nevermind.
Tumayo ako at kinuha ang board marker sa table ni Sir Pogi. Hindi 'man lang siya nag-abalang tingnan ako. Sungit talaga. Hmp.
Tinatamad akong humarap sa harap ng white board. Wala na akong paki kung pagtawanan nila ako, ang importante maganda ako.
Duh, si Tala kaya 'to.
Ilang minuto ang lumipas nang hindi ko talaga alam ang isasagot. Anong magagawa ko, e, hindi raw nakopya ni Serenity.
Naramdaman ko ang pagtayo ni Sir Pogi sa likod ko kaya agad akong tumabi. Malamang uupo na ako dahil wala rin naman akong isasagot.
Tiningnan ko siya at naabutan ko rin siyang seryosong nakatingin sa'kin. Hindi pa ako kumukurap nang umiwas din siya sa'kin at tiningnan ang white board.
Sinundan ko rin iyon ng tingin, at nabasa ang isinulat ko doon.
'Pasensya hindi ko alam ang sagot :)'
Ngumisi ako kasabay nang tawanan ng buong klase nang nakita nila ang sinulat ko.
'Di ba bait ko.
Well, si Tala kaya 'to.
Muli kong binalik ang tingin kay Sir Pogi nang napansin kong bumalik ang tingin niya sa'kin. Hindi nagbago ang ekspresyon niya, pero kita kong dissapointed siya sa naging sagot ko.
"Sa susunod mag-aral --- hindi mag-walwal," mariin niyang sabi bago mabilis na umiwas ng tingin sa'kin. "Maupo ka na, sinasayang mo ang oras ng buong klase."
Nang dahil sa sinabi niya agad na nagbago ang ekspresyon ko sa tila napahiyang bata dahil nakalimutan ang step sa dance number. Nakaramdam din ako ng kung ano sa dibdib ko. Nakakahiya. Argh!
Tumigil din ang tawanan ng buong klase dahil sa takot. Binalik ko na lang din ang board marker sa table niya bago bumalik sa upuan ko.
Nakakainis siya. 'Wag na 'wag siyang uuwi sa bahay mamaya. Hmp.
"Ako nga pala si Engr. Cash Oliver Delgado, your temporary teacher in Calculus. Thirty years old, single, and obviously not interested to mingle," pakilala niya pagkatapos ng mahaba-habang discussion sa mga sagot sa board at maikling sermon niya sa'min.
Sino naman ang magkaka-interes sa kan'ya sa sobrang sungit niya? Ako na nga lang yata ang nagtitiis sa ugali niya tapos inaaway pa niya ako. Tsk.
Palasamat pa siya dahil pogi siya, dahil kung hindi deadma siya sa'kin.
Magsasakbit na sana ako ng bag dahil mukhang mag-uuwian na nang bigla siyang tumingin sa gawi ko.
"Kaya kung mayroon na balak lumandi sa'kin..." aniya habang direktang nakatingin sa'kin. "Sorry, pero pihikan ako sa babae. Class dismiss!"dagdag niya bago umiwas ng tingin sa'kin.
Nagtawanan lang ang buong klase. Samantalang ako, nanatiling tulala sa kan'yang mga sinabi.
Para sa'kin ba 'yon?

Komento sa Aklat (137)

  • avatar
    gomezmaicy

    ❤️❤️❤️ang galing ang ganda ng story..nakakatawa nakakainis nakakakilig at nakakaiyak ang story n ito..pina iyak m ako author at nakaka inis si boy basta naiinis ako sakya..ang galing ng pagkawa m sana mas marami kapag magawang story.. 😍luv u tala..sana may book 2 deserve nyang maging happy..lalo n sa lagi nyang linya na "si tala yata ito".. ang ganda nito highly recommend basahin nyo din magugustuhan nyo promise..thank u author

    19/08/2022

      0
  • avatar
    Trishia Jane Widger

    its nice

    6d

      0
  • avatar
    Althea Cassandra

    so the shhhh don't have the greatest kinetic energy of a roller coaster would have the greatest kinetic energy of a roller coaster would have the greatest guy is the opposite of a roller coaster would have the greatest kinetic energy of a roller coaster would have the greatest kinetic energy of a roller coaster would have the greatest kinetic energy of a roller coaster would have the greatest kinetic energy of a roller coaster would have the greatest kinetic energy of a roller coaster would have

    16d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata