logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 5

CHAPTER 5
ERICKA'S POV
   Hi! Magpapakilala muna ako. Ako si Ericka Mae Policarpio. Alam niyo naman siguro kung ano ako sa buhay ni Lauren. HAHAHA...
  Parang napansin ko lang, nagbabalik na iyong dating siya. Ewan ko kung bakit, pero parang... dahil iyon kay Nathaniel. Baka... nai-inlove na siya?
  "Ericka! Uy! Nagagaya ka na kay Lauren ah! Ano bang iniisip mo?" pang-uusisa ni Shiela.
  "Wala, may naisip lang akong... napaka-imposibleng bagay," sagot ko.
  "Ano naman iyon?" tanong niya.
  "Wala!" sabi ko na lang.
  "Ang daya! Ano nga?" pamimilit ni Shiela. Haaay, mangungulit na naman ba 'to?
  "Hi Tweetie, hi Ericka... Nasaan si Lauren?" tanong ni Nathaniel paglapit niya sa amin.
  "Uyyy! Hinahanap mo si Lauren? LaurNiel!" sabi ni Shiela sabay kindat.
  "Ahhh... Masama ba?" utal na tanong ni Nathaniel. Sus!
  "Wala nga siya eh... 'di namin alam kung nasaan," sagot ko.
Biglang nag-ring iyong phone ko. Ha? Si Tita Cassandra? Bakit kaya?
  "Oh, bakit kaya tumatawag si Tita Cass?" nasabi ko bigla.
  "Sagutin mo!" sabi ni Shiela.
  Lumayo muna ako nang kaunti kina Nathaniel at Shiela para sagutin ang tawag ni Tita.
  "Hello po? Tita?" pagsagot ko.
  "Hello Ericka. Nandiyan ba si Prin— Lauren?" tanong ni Tita Cass. Halata sa boses niya na nag-aalala sya. Ano bang nangyare?
  "Po? Ehhh wala man po rito eh. Bakit po?" tanong ko. Hays, kinabahan naman ako bigla.
  "U-umalis kase siya kagabi eh... Hindi ko alam kung saan nagpunta. Kapag nakita mo, text mo ako agad ha?" bilin ni Tita.
  "Sige po, Tita," sagot ko. And that's the end of our conversation. Haaay...
  Pagbalik ko kina Nathaniel at Shiela, tumingin sila sa akin at nagtanong.
  "Si Lauren, hinahanap niya. Umalis daw kagabi eh," paliwanag ko.
  "Ha? Saan naman kaya napunta iyon?" tanong ni Shiela.
Nagkibit-balikat lang ako.
  "Sana naman ayos lang siya," biglang sabi ni Nathaniel.
  "Wow ah, concern..." pang-aasar ni Shiela. Ngumiti lang si Nathaniel kahit na halatang concern nga.
  Nag-ring na iyong bell at no choice kami kaya pumasok na kami ng room pero wala pa rin kaming tigil sa pag-contact kay Lauren. Nasaan na kaya siya? Is she okay?
THIRD PERSON'S POV
  Habang nag-aalala ang tatlo ay nasa tambayan si Lauren. Nagpapakalasing at walang pakialam. Hindi niya sinasagot ang mga tawag nila.
  "Miss, tama na iyan, marami ka ng nainom," sabi ng barista.
  She threw a glass and shouted.
  "Huwag ka ngang makialam! Nagbabayad naman ako!" galit na sabi ni Lauren.
Hindi ito ang unang beses na ginawa niya ito. Sanay na siyang maglasing at magpakalunod sa alak.

Nang magsawa na siya kaiinom ay nagbayad siya pagkatapos ay tumayo at lumabas ng tambayan.
  Samantala, early dismissal sa Don Ignacio High kaya pagkalabas na pagkalabas nina Ericka, Shiela at pati na rin ni Nathaniel, ay hinanap nila si Lauren. Naghiwa-hiwalay sila.
  Naglakad si Nathaniel at napadpad sa kabilang bayan kung saan malapit ang tambayan, ang lugar kung saan huling nanggaling si Lauren. Lumingon-lingon sa paligid si Nathaniel and he saw Lauren na nakaupo sa ilalim ng puno.
  "Lauren?"
NATHANIEL'S POV
     "Nasaan na ba si Lauren? Baka mapahamak na naman iyon eh," nasabi ko na lang sa sarili ko.
Halos kaibigan ko na lahat ng mga classmates ko, except Lauren. But I truly believe na mabait siya, maybe may pinagdadaanan lang talaga. Palagi kong nakikita sa mga mata niya iyong kalungkutan at pangungulila. May sadness sa mga mata niya na... medyo kulay blue. Maganda siya... I think I'm fall— Teka! Si Lauren ba iyon?
  "Lauren?" nasambit ko habang sinisigurado kung si Lauren nga iyon. Nang masiguro kong siya iyon ay lumapit ako sa kanya. Nakaupo siya sa ilalim ng isang puno.
  "Lauren lasing ka ba?" tanong ko nang makalapit ako sa kanya.
  "Nerd! Hehehe... anong g-ginagawa mo rito?" naduduwal na tanong niya sa akin.
  "Lasing ka ba?" tanong ko ulit. Obviously, lasing siya. I'm just asking her to know if she is still aware on what she's doing.
  "Iwan m-mo na nga ako! Ano bang... pakialam mo sha akin?" sabi niya. Haaay, lasing na talaga... nagiging SH na iyong S niya eh.
  "Pinapahanap ka nina Shiela at Ericka," sagot ko.
  "Psh! Kunwari ka p-pa eh. Hehehe..." Pagkasabi niya ng mga iyon ay nakatulog na siya.
  Binuhat ko muna siya papunta roon sa may upuan at lamesa na nakita ko kanina malapit dito. Hmnm... mahimbing ang tulog niya ah. 'Di man lang gumalaw nang buhatin ko siya. Hiniga ko muna siya sa lap ko pagkatapos ay tinawagan sina Ericka.
  Pinagmasdan ko si Lauren. Haaay, ano bang problema mo?
  Ilang minuto lang ay dumating na sina Ericka at Shiela sakay ng kotse.
  "Anong nangyare sa kanya?" agad na tanong ni Ericka.
  "Lasing eh..." sagot ko at nagkibit-balikat.
  "Siguro dalhin na lang muna natin siya sa bahay namin. I'm sure nag-away sila ni Tita Cass eh," suhestiyon ni Shiela sa amin. Nag-away? Bakit naman?
  "Sige, pero tatawagan ko na si Tita, nag-aalala na iyon eh," sabi naman ni Ericka at nag-dial na phone niya.
  Tinawagan na ni Ericka si Tita. Makikitita muna ako. Pagkatapos nilang mag-usap ni Ericka ay binuhat ko na sa loob ng kotse si Lauren.
  Pagdating sa bahay nina Shiela, wala pa ring malay si Lauren. Binuhat ko siya ulit at hiniga sa couch sa sala nina Shiela.
  "Kukuha lang ako ng panghihilamos sa kanya," paalam ni Shiela.
  "Sige," sagot ko.
  Sumama na si Ericka kay Shiela para kumuha ng panghilamos.
  Biglang gumalaw iyong ulo ni Lauren kasabay ng pagsasalita niya.
  "Hmmm... Mama, huwag mo akong iiwan..."
Iiwan? Ng mama niya? Bakit naman?
  Pagkatapos niyang magsalita ay nakatulog na ulit siya. I stared at her face. Lumapit ako nang konti para mapagmasdan ang mga mata niya. Her eyes, her red lips... Ang ganda niya. Sobrang ganda niya.
  "Hoy! A-anong ginagawa mo?" biglang sigaw ni Ericka sa akin. Gulat na gulat siya habang nakatingin sa amin. Dala-dala na niya iyong panghilamos kay Lauren.
  "H-ha?" Iyan lang ang nasabi ko.
  "B-bakit... gusto mo siyang halikan?" Nanlalaki pa rin iyong mga mata ni Ericka.
  "H-ha? Hindi ah! Aalis na pala ako, sige ah." Pagkasabi ko no'n ay nagmadali na akong lumabas ng bahay nila. Huminto muna ako banda sa pintuan nila.
  "Ha? Napano iyon?" Narinig kong tanong ni Shiela.
  "Ewan ko ba! Ang daming nag-iiba ngayon. Parang ikaw! Last day lang Laurniel ka, sang-ayon ka sa akin, pero ngayon parang nagiging maharot ka na ha! Inaagaw mo si Nathaniel kay Lauren, may pa-Cutie&Tweetie pa kayo!" biglang sabi ni Ericka.
  "Ah... ehhh?"
  Haaay! Ano bang balak kong gawin kanina? Tsk. Makauwi na nga lang.
LAUREN'S POV
  "Ah... ehhh?" Boses ni Shiela iyon ah.
  "Ano?" Si Ericka ba iyon?
Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko nga silang dalawa.
  "Bakkit ako nandito?" tanong ko nang ma-realize ko na nasa bahay ako nina Shiela.
  "Nakita ka naming lasing kaya inuwi ka muna namin dito," tugon ni Ericka.
  "Kaya mo na bang umuwi o ihahatid ka namin?" tanong naman sa akin ni Shiela.
  "Psh! Kaya man o hindi, hindi na ako babalik doon!" sagot ko.
Biglang nag-ring iyong phone ni Shiela.
  "Wait lang ha? Tumatawag si Mama," paalam ni Shiela.
  Pumunta muna sa kitchen si Shiela. Nilapag ni Ericka iyong hawak niyang palanggana.
  "Ano bang nangyare? Saan ka galing?" tanong ni Ericka.
  "I don't want to talk about that anymore," tugon ko.
   "Okay, I understand."
   Bumalik na si Shiela at alangang nagsalita.
   "Ahm... Uuwi raw sina mama tonight," nakayukong sabi ni Shiela.
   Napatingin si Ericka sa akin. 
   "Ahm..." alangan ding nagsalita si Ericka.
   "I understand," sabi ko. Uuwi na lang ako sa bahay para makaganti ako sa kanya.
   "I'm sorry..." biglang sabi ni Shiela.
   "It's okay. Naiintindihan ko kung bakit ayaw ng parents niyo sa akin. Ang importante nandito kayo," sabi ko sa kanila.
   "Awww..." sabi nila then niyakap nila ako.
   "Ewww... Ano ba?" pabirong sabi ko habang kumakawala sa mga yakap nila.
   "Psh!" sabi nila at kunwaring nagtampo.
   Nagpaalam na ako at umuwi. Ihahatid sana ako ni Ericka pero tumanggi ako. Bumili muna ako ng alak at yosi bago dumiretso sa bahay.
   Pag-uwi ko, nadatnan ko na naman siya.
   "Ana— Lauren, bumalik ka!" nakangiting sabi ni Cassandra.
   "Akala mo ba bumalik ako para... sa'yo?" Tinaasan ko siya ng kilay.
   Napatingin siya sa hawak ko.
   "Bakit nagyoyosi ka?" biglang tanong niya.
   "Matagal na. Hindi mo alam? Sabagay... ano bang alam mo tungkol sa akin?" sabi ko sabay sindi ng sigarilyo.
Bigla niyang tinapik iyong sigarilyo ko.
   "Lauren! Bumalik ka ba para ipakita sa akin iyang pagrerebelde mo ha?" galit na sabi niya.
Hinarap ko lang siya.
   "Yup. Ginawa mong impiyerno ang buhay ko noon, so gagawin ko ring impiyerno iyong sa iyo!" nakangiti kong sabi sa kanya.
   Tinalikuran ko na siya.
   "Lauren..." Hinawakan niya ako sa braso. Tiningnan ko siya sa mata at nagsalita.
   "Sisirain ko ang buhay mo. I promise na hinding hindi ka magiging masaya!" sabi ko sa kanya at naglakad na ulit.
   "At kapag nangyare iyon, magiging masaya ka ba? Stop it!" sigaw niya sa akin.
   Huminto ako sa pag-akyat ng hagdan at lumingon sa kanya.
   "No! I won't stop. And of course! Kapag nangyare iyon, magiging masaya ako," sagot ko tapos dumiretso na sa taas.
   Pumasok na ako sa kwarto ko. Ininom ko iyong beer na hawak ko.
   Magiging masaya nga ba ako?' 
   Buong gabi ay ganoon lang ang ginawa ko. Umiyak, magyosi, uminom ng alak, magwala. Wala naman akong balak pumasok ng school bukas eh.
***
   "Ahhh..." Ang sakit ng ulo ko! Napatingin ako sa orasan.
   "8:00 na, wala na si Cassandra," sabi ko sa sarili ko.
   Bumaba ako sa kusina at nadismaya na lang ako nang makita ko siya.
   "Ohhh... Lauren, gising ka na pala." Ngumiti sa akin si Cassandra.
   "Bakit nandito ka?" tanong ko sa kanya.
   "Hindi muna ako pumasok. Si Arthur muna ang pinag-manage ko ng company. Mag-almusal ka muna." sabi niya habang nakangiti pa rin.
   "No. Papasok na lang ako," sabi ko sa kanya sabay talikod.
  "Ha? Kaya mo ba? Tsaka late ka na—" Pinutol ko iyong sinasabi niya.
   "Ano ba?" sigaw ko kanya. Napahinto na lang siya. Ayaw ko nang pinakikialaman ako!
   Mabilis akong umakyat ng kwarto, naligo at nagbihis pero hindi ako dumiretso sa school. Pumunta muna ako sa Bahay Ampunan at nakita ko si Mother Lina mula sa malayo.
   "Miss ko na kayo..." sambit ko habang may namumuong luha sa mga mata ko.
   "Princess?" Boses ng familiar na babae. I looked at her. Pagtingin ko... Si Mother Rosa.
   "Mother Rosa..." bulong ko. Ngumiti siya sa akin.
   "Kumusta ka na ha?" tanong ni Mother Rosa.
   Hindi pa ako handang makipag-usap sa kanila kaya tumakbo ako palayo. Sa pangatlong pagkakataon...
   "10:00 am na." Pumunta ako sa school at dumiretso sa room. Nadatnan kong nagtuturo si Miss Salva, Filipino Teacher namin. Napatingin siya sa akin.
   "Saan ka galing? At bakit hindi ka pumasok kahapon?" tanong ni Miss Salva.
   "None of your business," sagot ko.
Bigla siyang nag-alboroto.
   "Wala ka ba talagang respeto, ha Miss Revilla? Wala ka bang ibang alam gawin kung hindi ang magrebelde at manggulo? Wala kang kwenta!" galit na sabi niya.
As if I care!
   "Ma'am, excuse me po pero sobra na iyong sinasabi niyo." Nagulat ako nang biglang magsalita si Nerd.
   "Huwag kang makialam Mr. Montano!" singhal ni Miss Salva at tumingin ulit sa akin. "Ano babaeng rebelde? Sagot!"
Tumayo ako at lumapit sa kanya.
   "Hey you! Wala akong pakialam kung anong iniisip mo about sa akin. I don't need your fucking opinion!" sabi ko kay Miss Salva.
   Tinalikuran ko siya at lumabas ng room.
   "Where are you going?" sigaw niya.
   "I'm going to hell! See you there!" pasigaw kong sagot sa kanya. Paalis na sana ako pero nakita kong bukas ang faculty room kaya naisipan kong pumasok. Walang tao! Pumunta ako sa desk ni Mrs. Cruz.
   "Malas mo, iniwan mo bag mo." I smirked.
   Kinalkal ko iyong bag niya. Ano ba 'to! Puro pampaganda ang laman!
   "San mo ba nilagay iyong phone ko?" sabi ko habang naghahanap pa rin.
   "Lauren?"

Komento sa Aklat (1357)

  • avatar
    SanPedroJhonpeter

    thanks

    11d

      0
  • avatar
    JulaoPrecious

    so good and I relate to its story

    16d

      0
  • avatar
    Noel Colarde

    ganda

    19d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata