logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 5

Chapter 5
Bitbit ko ang sandamakmak na mga papeles na pinautos sa 'kin ng adviser naming si Ma'am Castro nang bigla kong naramdaman ang malakas na hangin kaya nilipad nito ang halos kalahati kong dala.
Sa gilid ko ay ang tumatawang si Mike at Keith habang wala namang reaksyon si Kurt at nakapamulsa lamang si Duke.
What the heck. They freaking did this!
"Ate Aidee, pulutin mo raw sabi ni Kuya Keith!"
Inirapan ko sila't lumuhod. Isa-isa kong kinuha ang mga papel habang isa-isa ko silang minumura sa isipan ko. Syempre, hindi kasali si Daisy ro'n. Masaya ako na nandito na siya ulit at nakikipagtawanan.
It's been two days since the day that Daisy didn't appear with them. I felt so guilty for her. For them. Kung pwede ko lang talaga silang tulungan...
"Aidee!"
Inangat ko ang paningin ko at nakita si Cameron na tumatakbo patungo sa 'kin. I smiled when I saw him. But at the same time, got ashamed when he saw me in this situation.
Muli kong nilingon ang lima pero wala na sila doon.
"Bakit may dala kang maraming papel?"
"Ah—pinautos sa 'kin ni Ma'am."
Since I joined their club, wala pa naman kami masyadong ginagawa aside sa paghahanap ng bagong members. As of now, nadagdagan kami ng dalawa na both first year. Sina Kathleen at Flora.
Nang matapos naming kunin lahat ng nagkalat na papel ay tinulungan ako ni Cameron na bitbitin ang kalahati nito at magkatabi kaming naglalakad patungo sa office ni Ma'am Castro.
"Pinasabi nga pala ni Danie na may meeting tayo mamaya sa club room, alas-sinko ng hapon."
Tumango ako sabay ngiti. "Roger that."
➳➳➳
Dumating ako sa club room exactly at five in the afternoon. Nadatnan ko doon ang miyembro ng PC na naghahanda para sa aming meeting.
We all gathered at the long, fully varnished wooden table. Nasa dulo si Danie, ang aming presidente, with her laptop in front of her. Si Joyce naman ay nasa tabi ko sa left side ni Danie, katapat namin si Klein at  at Cameron at nasa tabi ko ang dalawang bagong members.
"So guys, I need your ideas kung paano natin iangat 'tong club natin. Like, on how are we gonna make this club go back to the old one. Anyone?"
I just kept on silent the whole meeting. Sila lang ang nagsasalita at nagdedebate kung paano nila ibabalik sa kasikatan 'tong club na 'to.
Last two years ay nabuo ang club na 'to. Bago pa lang 'to ay marami na agad ang gustong sumali lalo na sa mga nagkainterest sa mga multo-multo. Tapos ngayong taon ay nawala ang kasikatan dahil graduated na ang unang naghandle nito. 
Fame is what this club wants. Kaya ayaw kong sumali noon. Pero itong tanga-tanga kong utak, bigla bigla nalang nagdedesisyon dahil lang kay Cameron.
"That's it, everyone! Thank you for sharing your ideas at mag-ingat kayo sa biyahe pauwi. Good night!"
The meeting only lasted for a half hour. Kaya agad kaming tumayo at kinuha ang aming mga kagamitan. Bago lumabas at umuwi ay nilinis muna namin ang kalat at isa-isang nagpaalam sa maiiwan. Si Klein.
"Bye, Klein!" paalam ni Cameron at humarap sa 'kin. "My dad's gonna fetch me today. I can give you a ride, Aidee."
Agad akong umiling-iling. "No, Cameron. Kaya ko sarili ko. Salamat nalang."
Ngumisi siya sa 'kin at tumango na lamang. That boyish smirk of his, nakakalusaw ng puso.
"Just call me Ron. By the way, mauna na ako. Are you sure kaya mong umuwi mag-isa? Madilim na ang kalsada, Aidee."
"Yup! I'm perfectly fine. Magiingat lang ako, Ca—I mean, Ron."
He bid a last goodbye before running out of the club. His dad must be waiting for him at the parking lot.
Nagpaalam na din ako kay Klein at lumabas na ng club room. Nang makalabas ay sinalubong ako ng limang kaluluwang alam kong kanina pa ako hinihintay dito. Nakita kaya sila ni Cameron?
Duke already gave me his famous laser beam look. I already told them about the club pero hanggang ngayon ay dismayado pa rin sila sa pagsali ko.
"Kung 'di nalang kaya natin siya ihahatid, Keith? 'Di rin naman niya tayo tutulungan."
"Gago. Bibigay rin 'yan, magtiwala lang tayo kay Apat Mata."
Napailing ako't nagsimulang maglakad palayo sa kanila. Si Daisy naman ay patalon-talon na sumabay sa tabi ko, with her usual puppy eyes look, hugging her creepy bloody stuffed toy.
"Ate Ai, help mo naman kami. Kawawa kami, oh. Si Kuya Mike lang di mo tulungan kasi wala siya head, 'di mo rin siya makilala."
"Hoy aba't bastos 'tong bata ah!"
Tinawanan siya ni Keith kaya muli akong umiling-iling at hinawakan ang ulo ko. I pretended that I didn't hear them. Kahit na kanina pa ang uwian ay marmami pa rin ang mga tao dito kahit gabing gabi na.
Habang naglalakad ay may grupo ng second year ang takot na takot na magkahawak kamay. Nasa anim sila't pulos babae. Ang isa pa sa kanila ay humahagulgol.
"Bakit pa kasi tayo pumunta do'n? Sabi ko naman sa inyo nakakatakot, 'di ba?!"
"Haunted nga 'yon. Shit, bigla bigla nalang kumalabog yung mga pinto sa cubicle!"
Nagkatinginan kaming anim. Si Duke ay mas lalo kumunot ang kaniyang noo. Biglang namilog ang kaniyang mga mata.
"Sa abandunadong banyo?"
Si Daisy ay napahawak sa braso ni Kurt na agad din naman siyang niyakap.
Napatingin sa 'kin si Duke at matalim na tinitigan. Napaatras ako.
What?
"Tulungan mo siya."
Tumaas ang kilay ko. "W—What?"
Lumapit sa 'kin si Duke at pilit na hawakan ako sa braso. Pero tumatagos lang ito sa katawan ko kaya napabuntong hininga siya.
"If you can't help us, help that old woman. She badly wants justice for her death, Aidee."
So what if she wants justice? Maraming mga kaluluwa ang kailangan ng hustisya sa pagkamatay nila. But this, I can't help her. Not her, not them, not Daisy and none of them!
Pero nagulat ako sa sinagot ko sa kaniya. "Puntahan natin." Kusang tumakboo ang mga paa ko patungo sa building ng mga fourth year.
The lights of the building are already turned off and I can feel the eerie and creepy feeling when I stepped inside. Pero 'di ko pinansin 'yon dahil sanay na ako.
I grabbed my flashlight from my bag's side pocket and turned it on. Nagsilbi itong guide ko habang sinusundan ko sila na nauna sa 'kin. But Duke remained by my side, making sure I won't change my mind.
"Tell me about her, Duke."
"Sixty years old, died two years ago. Wala rin siyang memorya 'gaya namin at hindi niya alam kung ano ang misyon niya kaya nagkulong siya sa abandunadong banyo to scare people. She was murdered."
Nanindig ang balahibo ko nang tuluyan kaming nakapasok sa banyo. Naaamoy ko ang kalumaan nito't nagkalat sa sahig ang mga gamit panlinis at mga basura.
Standing by the door frame, I could hear screams and sob of an old woman. Nasa huling cubicle 'yon kaya nanatili akong nakatayo dito sa may pintuan dahil ayokong ako ang kumausap sa kaniya.
"T—Talk to her, please."
Si Mike na ang lumapit do'n kaya pansamantalang tumigil sa pagsisigaw ang matanda. Nang lumabas silang dalawa ay napaatras ako sa itsura niya.
Her face is creepy as hell. Gulo-gulo ang mahaba niyang puting buhok, kulubot ang kaniyang balat at nangingitim ang ibabang bahagi ng kaniyang mga mata. May butas sa gilid ng noo niya't tumutulo rito ang napakaraming dugo pababa sa puting bestida niya.
Nang makita niya ako ay muli siyang nagsisigaw. Kasabay ng pagsigaw niya nang malakas ay ang pagbasag ng salamin na nasa likod ko kaya napayuko ako't tinakpan ang tenga ko.
"Shit!"
Bakit nga ba ako nandito? Bakit nga ba ako sumunod sa gusto ni Duke?
Lagot ako kay Papa nito sa oras na malaman niya kung ano ang ginagawa ko. Una, sumali ako sa Paranormal Club na pinagbabawal din ni Papa. Tapos ngayon tutulungan ko 'tong matanda.
"Calm down, Lola Riri! Tutulungan ka namin." Duke exclaimed, making the old woman stopped from screaming.
Ang maginaw niyang boses ay tumila na. Sinuri niya ako't napaatras siya bigla. I could see sadness and hatred in her eyes. She's seeking for her justice.

Komento sa Aklat (28)

  • avatar
    Alanis Can

    nkakalula talaga ang story.

    13/08

      0
  • avatar
    BetasaAlbert

    good luck

    22/07

      0
  • avatar
    Rey John Epifanio

    nice story 👏

    18/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata