logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 2

Chapter 2
Pagbaba ko ng hagdan ay bigla akong nakarinig ng tili sa may kanan—ang daan papunta ng abandunadong CR.
Limang taon na raw 'yon hindi ginagamit. At base sa chismiss na naririnig ko mula sa mga estudyante, wala masyadong pumupunta sa lugar na 'yon dahil masyadong nakakatakot at may nagpapakita raw doon.
I don't know if it's true. But that's how they said it.
"Oh my God! Nakita mo 'yon Danie, right? May multo nga do'n!"
"Argh! Too bad, hindi natin nakunan ng video 'yon."
Kumunot ang noo ko habang sinusundan ng tingin ang dalawang babaeng magkahawak ang kamay at nagmamadaling umalis. They are holding a camera, ang isa naman ay may hawak na notebook.
"Danie Salvador ang Joyce Moira?"
Danie and Joyce. Kung hindi ako nagkakamali, they are a member of Paranormal Club in Waterloo Academy. Sikat ang club nila dahil tanging ang activity lang ay patungkol sa mga multo. Patungkol sa paranormal.
They upload videos in Waterloo Site para ipakita ang mga activities nila. They gain thousands of viewers and subscribers kaya marami ang gustong sumali sa kanila dahil raw nakakaexcite.
Pero para sakin, their activity's a danger to them. Maaari silang sundan ng mga kaluluwang hinahaunt nila. O posible, sasapian sila kapag nagkataon.
"I know you're confuse what's inside the abandoned CR. Maybe it can help you change your mind to help us."
Muntik na akong napatalon sa gulat. I clutched my chest and heaved a deep sigh. Bwisit. Nature ba ng lalakeng 'to ang manggulat? 
"What the hell, Duke?"
Tiningnan niya lang ako sa signature look niya—his usual poker-face look.
Bumuntong hininga siya at isinilid ang kaniyang kamay sa bulsa ng pants niya.
"Just telling you that my friends and I badly want your help. Hindi natin alam, ang multong nagpapakita sa abandoned CR ay kailangan din ng tulong mula sayo."
Matapos niyang sabihin 'yon ay bigla siyang naglaho sa harap ko.
➳➳➳
Noong gabing 'yon ay hindi ako makatulog. Kahit na kinakantahan na ako ni Mama ng paborito kong Mary Had A Little Lamb, hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.
"Anak, 'di ka pa ba matutulog? Gusto mong kantahan ulit kita?"
Here goes my dead Mom, talking with her cold and horrifying voice.
Bumuntong hininga ako at naupo sa kama. Pinagmasdan ko ang mukha ni Mama na halos hindi ko na maaninag dahil sa blurry niyang anyo. Ghost will always be a ghost. Sanay na ako.
"As long as hindi creepy ang kanta, Ma."
I heard her chuckle. Imbes kasi na nakakaaliw na kantang Mary Had A Little Lamb, ginawa niyang creepy ang kanta. Idagdag mo pa ang malamig niyang boses na tila galing sa ref.
She started the song. Her voice relaxed me a bit. Nararamdaman kong hinahaplos niya ang pisngi ko kahit na malamig na hangin lang ang dumadapo sa aking balat.
Sina Mike, Keith, Kurt, Daisy at Duke ay hindi nakakaalala sa kanilang nakaraan, si Mama naman ay buo pa rin ang kaniyang alaala.
She died in their own room. Nagkasakit kasi siya sa puso at nang dalhin namin siya sa ospital, she didn't make it. Dead on arrival dahil sa tagal namin siyang nadala sa ospital. And there, her soul is everywhere in the house.
Hindi ko alam kung ano ang misyon ni Mama at hanggang ngayon ay hindi pa niya nakikita ang puting liwanag.
"Ma. It's been five years and you still haven't seen the white light. Ano ba talaga ang misyon mo, Ma?"
Kahit na hindi ko siya masyadong naaninag, nakita ko siyang ngumiti ng mapait. 
"Di ko rin alam, Anak. Pilit kong inaalala ang mga naiwan kong sekreto noon pero wala, eh. Buo nga ang alaala ko pero yung sarili kong mga sekreto hindi ko matandaan."
Maybe that's her mission. To remember her secrets and tell it to someone para tuluyan nang mamayapa ang kaniyang kaluluwa.
Bumukas ang pinto ng kwarto ko at kasabay nito ang pagkaroon ng liwanag sa buong kwarto.
"Kuya Jeff? Ate Ivonie?"
Lumapit sila sa akin at umupo si Kuya Jefferson sa dulo ng kama habang si Ate Ivonie naman sa gilid ng kama, near Mama.
"Bunso, nandito pa ba si Mama? Gusto ko kasi siya makausap."
I nodded at Kuya Jeff and pointed Mama who's beside Ate Ivonie. Sanay na din sila na bigla nalang ako tuturo kung nasaan ang kaluluwa ni Mama. Hindi na sila natatakot kumpara noong unang beses kong nakita ang kaluluwa ni Mama na nakaupo sa may sala, reading her favorite romance novel.
Huminga nang malalim si Kuya Jeff. Wala man siyang third eye gaya ko, tinitigan niya ang pwesto ni Mama kung saan ko tinuro.
"Ma, magpapaalam sana ako kung pwede ba akong sumali sa Journalist. Alam mo naman na pangarap ko yon, 'di ba Ma?"
Tiningnan ako ni Kuya Jeff, yung tingin na nagtatanong kung ano ang sagot ni Mama.
"Oo naman, Anak. Do what you want to do in your life as long as hindi makakapahamak sayo."
Napangiti ako. That's our Mom. A very supportive mother.
"She said that do what you want to do in your life, Kuya Jeff. Pero huwag pulos kalokohan."
Natuwa naman si Kuya Jeff at nagthumbs-up.
"It's my turn now, Ma. May nanliligaw kasi sakin na boy. He's cute at mabait naman. A basketball player. He's courting me for a week now and he's just my ideal type of a man. Sasagutin ko na po ba Ma?"
Lumingon ako kay Mama at nakita ko ang gulat sa mga mata niya.
"Dalaga na talaga 'tong anak kong si Ivonie. Oo, sagutin mo, anak. Pero kapag sasaktan ka ay mumultuhin ko ang lalake na 'yon."
Natawa ako sa sinabi ni Mama and translated it to my sister. Matapos no'n ay nagpaalam na sila't doon ako tuluyang dinalaw ng antok.

Komento sa Aklat (28)

  • avatar
    Alanis Can

    nkakalula talaga ang story.

    13/08

      0
  • avatar
    BetasaAlbert

    good luck

    22/07

      0
  • avatar
    Rey John Epifanio

    nice story 👏

    18/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata