logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 1

Sanay si Magnolia na nagigising siya nang maaga sa trabaho siya ngunit ngayo'y napagtanto niyang wala na pala siyang trabaho. She already resigned.
At hindi niya alam kung paano magsimulang muli. Biglang may dumagang mabigat sa dibdib niya na tila ba pinapahirapan siya niyon na huminga. Natagpuan na lamang niya na nangingilid ang mga luha sa mata niya. May mga araw talaga na hindi niya maipaliwanag ang bumabalot na kalungkutan sa sarili.
Sa trabaho niya dati, madalas mag-isa si Magnolia. Hindi siya masyadong nakikihalubilo at minsan nga nasasabihan pa siyang killjoy. Ang malala, napagkamalan pa siyang may autism. Parang iniisip ng mga katrabaho niya na isa siyang alien roon at napagalitan pa siya ng TL nila dahil sa pagiging aloof niya. Nangyari iyon noong may team building na dinasal pa niya na sana'y magkasakit siya para hindi na siya sumama.
May savings pa naman siya na magtatagal ng ilang buwan. Wala naman siyang binubuhay. Sarili lang niya. At wala siyang kaibigan na puwede niyang kausapin at istorbuhin.
Sumulyap siya sa kalendaryo at nakita niyang ngayon pala ang schedule niya sa Psychiatry Services.
And it's her mother's death anniversary. Pagkatapos niya sa hospital, bibisita siya sa puntod ng kanyang ina.
Gumayak na siya at nang maisilid ang mga gamit niya sa bag ay lumabas na siya ng bahay. Without her, the house was empty. She's been living alone after her mother's death. Everything changed after her mother's death.
Sumakay na siya ng jeep. Nang makababa siya ay nilakad na lamang niya ang direksyon papunta sa hospital. She exhaled and sniffed the air when she passed by some stalls, kiosks and eateries near the public hospital. On the other side of the road, there are few buildings and pharmacy stores. She even bought a soup in a plastic cup, eating it while walking down on a minor road, leading to the Psychiatry Services. May mangilan-ngilang tricycles sa gilid ng kalsada na nag-aabang ng mga pasahero at inilingan niya ang ilan sa mga iyon. She looked up at the rusty sign above the green gate and saw some people on the establishment already. Napapitlag siya nang biglang kumulog at napatingala sa nagdidilim na kalangitan. Mabuti na lang ay may dala siyang payong sakaling umulan mamaya.
Magnolia sighed as she checked her green patient's card and stared at it for a long time. Nakailang bisita na pala siya roon.
Pumasok na siya roon at dumiretso sa isang puwesto kung saan may nurse na nakatokang hanapin ang records niya. Ibinigay niya rito ang green card niya at mayamaya pa'y natagpuan nito ang records niya.
Inilibot niya ang mga mata sa paligid. There were patients who waited on the steelchairs while watching a television attached to a wall. On her left was the psychiatrist's and psychologist's office and nurses' station. May isang pasyente siyang nakitang nakatulala lang sa isang tabi at may isa namang pasyente na maingay at kung ano-ano ang pinagsasabi habang inaawat na ito ng mga kamag-anak nito. She was used seeing this scenarios everytime she visits this area of the hospital. Nagbayad siya ng fee at pagkatapos naghintay na i-check up siya ng nurse.
"How are you these days, Ma'am?" It was a guy's nurse who check her up and put his observations on his clipboard.
"Still living. I quit my day job." Sandali itong natigilan sa sinabi niya. She put on her small smile and gripped on her tote bag tightly.
"Oh, do you have any problems at your workplace?" He asked, not protuding. Nahagilap ng mga mata niya ang isinulat nito sa records niya. Her clothes, her expression and the way she tapped her left foot on the cement ground.
Bahagya siyang umiling. "Wala. Gusto ko lang ng bagong environment." sa halip ay sabi niya imbes na sabihin ang katotohanan dahil ayaw niyang humaba pa iyon.
May ilan pa itong itinanong sa kanya hanggang sa i-refer na siya sa psychiatrist. Naghintay siya sa steel chair habang nakatingin sa kawalan.
"Magnolia Skye Pascua?" Ang nakayukong ulo niya ay napaangat nang tawagin ang kanyang pangalan ng isang staff roon at iginiya siya sa opisina ng doktor.
Napabuntong-hininga siya't pinihit ang doorknob at ang una niyang naramdaman ay ang malamig na hangin galing sa aircon at ang tatlong mesa ng mga doktor kung saan ang gitna lamang ang merong tao. Nakayuko ang ulo nito sa clipboard, binabasa yata ang records niya. He looked like a new doctor, in his white robe and white shirt. He has this dark brown slightly curly bangs which made him looked younger. At mukhang kaedad lang niya.

"Take a seat, please." he said and put down the clipboard, clearing his throat.
"Uhm, where is Doc Yza?" she asked. Mas komportable siyang mag open-up sa psychiatrist na laging kumukonsulta sa kanya at alam na ang ilang bagay tungkol sa kanya.
This one is new on the block and she'sa bit bothered because it would be a whole new lot of process, dumping her thoughts.
To a new doctor. Magsisimula na naman siya. And she didn't like it.
May kinuha itong isang ballpen sa ballpen holder nito at tinaktak iyon sa wooden table nito kaya napilitan tuloy siyang umupo. She caught a glimpse of his nameplate on his robe.
Natigilan siya. Pakiramdam niya tumigil ang tibok ng puso niya.
Inangat nito ang ulo nito at sinalubong ang mga nanlalaki niyang mga mata. The guy with curly bangs smiled, same as his eyes too.
Pinagsiklop nito ang mga kamay nito. "Hi, Magnolia."

Napanganga siya at natutop ang bibig.
This can't be! It's Calvin John Generoso.
Of all people?
She heard a loud noise and realized that it was because the monobloc chair she was sitting fell when she move backward and stood up.
"Hey, don't go." pigil nito sa kanya bago pa niya buksan ang pinto. Naipikit niya ang mga mata niya at marahang tinapik ang dibdib niya nang makaramdam ng kaba. Pakiramdam niya, namamawis ang mga kamay niya nang masilayan niya ang mukha nito.
Bakit nagtagpo sila sa ganitong sitwasyon? It was one of the moments that really caught her off-guard.
She heard him chuckled as if he was amused by her action. "I'm not a ghost, okay? Now, sit down. I'm a professional here, not a former classmate way back highschool."
Napalingon siya rito at natagpuan niyang nakatingin lang ito sa kanya habang iniikot ang ballpen sa mga daliri nito.
Habit na nito mula pa noong highschool sila. Inobserbahan niya ang hitsura nito. He still has this mesmerizing chinky eyes and sunny smile. His jaw were prominent and lean body. His teenage lanky self has gone and turned into this adult man. Nakita niyang napaangat ang kilay nito at ininguso ang natumbang upuan.
"Maupo ka. Too late, I already read your records. Akala ko noong una ibang Magnolia Skye but your names weren't that common so I figured out it was you. Huwag kang mag-alala. If you're not comfortable with me, then you can wait for Doc Yza. She has an emergency at home so she left early." he said and Magnolia Skye left no other choice but to pick up the chair.
Iniharap niya iyon sa table nito at umupo roon.
It was really better to talk to a stranger, not someone who knows her. But it was fourteen years ago when she saw him and they're not even close for him to know more of her personality in the present time. Ano pa ang ipinag-alala niya bukod sa kakatwa ang sitwasyon nila ngayon? Ito, ang doktor niya. At siya, ang pasyente nito.
"Kumusta ka na pala? Napansin kong hindi ka dumalo sa highschool reunions natin. Bigla ka lang nawala." tanong nito.
"I don't think it is necessary to attend." Isa pa, wala naman siyang malapit na kaibigan upang dumalo doon. Magmumukha lang siyang dekorasyon sa mumunting reunions ng mga ito. She was not the type of person who loves gatherings and reunions. She hates crowds and hates loud noises.
"I see." Napatango-tango ito, nakakunot ang noong binasa ang clipboard nito. He shifted on his seat and sighed. May nabasa ba itong mali sa records niya? Hindi ba ito makapaniwala na meron siya nang ganoong sakit? Was he uncomfortable to know it?
"Are you uncomfortable because our batchmates will tease us? Knowing that they knew I liked you before?"
Halos lumuwa na ang mga mata sa pag-ungkat nito sa bagay na iyon. And there's his naughty smile again, telling that he intentionally mentioned that thing for her to caught off-guard. He leaned on the table. Magnolia could see how the side of his eyes crinkled because of his smiles.
"Ah. What a sight to see. This expression never gets old." he exclaimed and grinned to himself. Doktor ba talaga ito sa lagay na iyon? Parang hindi.
He cleared his throat when he recovered and shifted on his doctor's tone. That fast. But his smile remained.
"So, any triggers?"
(End of Chapter 1)

Komento sa Aklat (28)

  • avatar
    Mary Grace Ponce

    plss diamond ml

    5d

      0
  • avatar
    Deleon Ykni

    ganda ng kwento

    06/08

      0
  • avatar
    armecinreid

    ojgcvnnfcg

    13/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata