logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 7

Kel's POV
Panibagong araw na nman para sa napakagwapong katulad ko. Grabe nahahawa na yata ko sa pagiging hangin ni Quin, lalayo na talaga ko dun sa lalaking yun. Pagbaba ko sa kusina si Kael lang yung nakita ko, alang nman yung multo diba?
"Good morning Babegurl!"
"Good morning Kuys. Kain ka na."
"Si mama?"
"May meeting, maagang umalis" nothing new, lagi nmang ganun. Parang kami na nga lang ni Kael yung nakatira dito sa bahay eh.
"Ah okay. Sinong nagluto?" tanong ko sakanya kasi sobrang tahimik nya ngayon.
"Ako. Wala yung mga katulong, pinagday off ng Mama mo." sagot nya.
"Mama natin. Kelan mo ba sya ulit tatawaging Mama? Nasasanay ka na ganyan yung tawag mo sakanya, 'Mama mo' 'sa Mama mo' 'yung Mama mo'. Mama mo rin nman sya ah."
"Pano ko sya tatawaging Mama kung kada maalala ko sya, naalala ko din yung ginawa nya. Kaya Kuya tell me pano?" seryosong tanong nya.
"Yung pananakit ba nya sayo yung dahilan kaya galit ka pa rin?" maingat kong tanong.
Hindi ko talaga alam kung anong nangyare sakanya, sakanila ni Mama. Kung bakit galit na galit sya kay Mama. Ni hindi nga nya kinakausap o hinaharap si Mama eh. Basta pagbalik ko dito sa bahay ganyan na sya, pag si Mama na yung pinag-uusapan tahimik na sya at sobrang seryoso.
"Yung pananakit nya Kuya kaya ko pa, nakalimutan ko na. Pero yung ginawa nya kay Papa, hindi ko nakakalimutan."
"Kael ilang taon na yun oh, mano kayang patawarin mo na si Mama."
"Bat ba parang andali lang sayong patawarin si Mama? Ah oo nga pala, wala ka kasi dito yung mga panahong nahihirapan si Papa. Yung mga panahong pinapanood nya si Mama na sumama sa iba, yung mga panahong umiiyak sya kasi hindi na nya kaya." umiiyak nyang sabi.
Tama nman sya wala ko dito nung nasasakatan si Papa, iniwan ko silang dalawa. Mahirap din nman para saken na patawarin si Mama, it took months. Pero naisip ko sya na nga lang yung natira, tapos magagalit pa ko sakanya.
"Okay sorry. Tama ka wala ko dito, pero hindi rin nman naging madali saken na patawarin si Mama."
"Pero alam mo ba kung gaano kamahal at ano yung pinakamasakit na sinabi ni Papa saken. 'Alagaan mo yung Mama mo, mahalin mo sya gaya ng pagmamahal ko sakanya. Wag kang magagalit sakanya kasi may pagkakamali din ako, kaya siguro naghanap sya ng iba.'" pagkukwento nya. " Pero k*ng*na pano ko di magagalit kung pagkatapos nyang sabihin yun, makikita ko nalang sya nakahiga sa kabaong." galit na galit nyang sigaw saken.
Niyakap ko na sya, kasi iyak na sya ng iyak na halos hindi na makahinga. Iniisip ko nalang na sana hindi pala ko naging selfish nung mga panahon na yun. Edi sana hindi nya naranasan to mag-isa, hindi nya to hinarap mag-isa. Dapat kasama nya ko nun.
" Sorry. Sorry sa lahat. Magpahinga ka na dun sa kwarto mo, sobrang exhausted mo na. Mamaya na tayo mag-usap. Papasok na si Kuya ha. I love you babegirl."
"Mag-ingat ka. I love you Kuys."
Sinamahan ko sya paakyat at papasok ng kwarto nya. Pinahiga ko na rin sya sa kama nya at pinatulog bago ako umalis. Nagbihis na rin ako at pumasok.
"You're late, Mr. Alcantara." sita saken ng terror teacher nmin.
"My apologies, Miss." walang emosyon kong sabi
"You may now seat."
I was pre occupied with what happen earlier. Hanggang ngayon sinisisi ko pa rin yung sarili ko, ano ba kasing nangyare saken at iniwan ko sila. Sobrang selfish ko talaga.
"CLASS DISMISSED." sigaw ng teacher nmin. Ni hindi ko nga napansin na lunch break na pala.
"Uy Kel okay kalang? Nagchat si Uke sa gc sabi nya waka ka daw sa sarili mo. May nangyare ba?" tanong saken ni Topher pagdating ko sa canteen.
"Wala. Wag nyo nalang siguro ako pansinin." ngumiti pa ko sakanya para kombinsihing walang problema. Hindi nman na nya ko tinanong pagkatapos.
Mabilis lang natapos yung iba pa naming klase kaya maaga kaming pinauwi. HIndi ko na nga nahatid si Anj, dahil sa pag-aalala ko kay Kael kasi nga naiwan lang syang mag-isa sa bahay,pero tinext ko nman si Anj reply lang nya saken 'No prob'.
Pagdating ko sa bahay dumaretso agad ako sa kwarto ni Kael, wala ng katok katok pumasok agad ako.
"Kael ayos --- nasan yun?" wala akong nakitang Kael sa kwarto kaya bumaba ulit ako.
"Oh kuya, andyan ka na pala. Kain ka na, nagluto ako, naisip ko kasi na baka pagod ka galing skul kaya pinagluto kita." lumapit agad ako sa kanya at niyakap sya.
"Akala ko nawawala ka na. Sorry sa kanina."
"Okay na. Tsaka san nman ako pupunta, oo nainis ako kanina pero kaya ko bang mainis sa Kuya ko?" natatawa nyang sabi.
"Kain na tayo."
Pagkatapos nmin kumain, nagpatulong na sya sa school works. Kahit lutang ako kanina may naituro naman ako sakanya, mabilis nman tong makagets ng lesson kaya di ako nahirapan.
"What a beautiful view, my babies is helping each other."
"Ma! Andito ka na pala." lumapit ako sakanya at humalik sa pisngi.
"Ngayon lang ako natapos sa office, kaya nakauwi ako ng maaga." she said.
I'ts a suprise nman talaga na andito na agad sya, eh ang aga aga pa. Kadalasan uuwi sya at aalis tulog pa kami. Nakasanayan na nmin yun.
"Kuya, akyat na ko ah. Thank you sa pagturo ng lesson." Kael said.
"You don't greet me, darling. Hindi ka ba sasabay na kumain samin ng Kuya mo?" tanong pa ni Mama sakanya.
"Gusto ko ng magpahinga." walang emosyon nyang sagot.
"You don't respect me, too." parang nagugulat pang sabi ni Mama.
"Ano pa bang karespeto-respeto sayo?"
"MA?!" nagulat ako ng sampalin ni Mama si Kael.
"Don't talk to me like that. I'm still your mother."
"You're still my mother? Really?" di makapaniwalang sagot ni Kael. "So act like one." umiiling-iling pa nyang sabi.
"Mikaella? Magpahinga ka na sa kwarto mo." lumapit pa ko sakanya para halikan sya sa noo. "Good night babegurl."
Ginantihan nya lang ako ng tipid na ngiti bago umakyat. Nang masigurado kong nasa kwarto na sya tsaka ko hinarap si Mama.
"Ma ano yun?" inis na tanong ko sa kanya.
"Your sister is too much, Michael. Hindi na nya ako nirerespeto." sabi nya habang umuupo.
"No, Ma. You're too much. Tama nga si Mikaella, kung gusto mo na ituring ka nming ina, act like a true mother. Kasi, hindi na namin alam kung nanay ka pa ba nmin."
"Ako pa rin nman to. Mama nyo pa rin nman ako."
"Parang hindi na eh. Ewan ko ba Ma." tumalikod na ko, handa ng umakyat sa kwarto ko para maiwasan lang tong away nmin ni Mama
"Ano bang sinasabi mo?" naguguluhan nyang tanong.
"Kasi Ma, ang totoong ina laging iniisip ang kapakanan ng mga anak nya."
"Ganun nman ako. Ini---"
"Eh bakit mo niloko si Papa? Alam mo kung gaano namin kamahal si Papa, kung gaano nmin sya iniingatan. Kung kaano sya kaimportante samen. Pero anong ginawa mo?" naiiyak kong sagot sakanya.
Natahimik si Mama sa sinabi ko, malamang nagulat sya dahil bigla kong nabanggit ang tungkol kay Papa.
"At dinamay mo pa talaga si Mikaella. Ni hindi nyo man lang iniisip yung nararamdaman nya. Yung trauma na nangyare sakanya nung nakikita nyang nahihirapan si Papa, lalo na nung namatay si Papa." umiyak na talaga ako ng tuluyan. Pag si Kael na talaga yung pinag-uusapan ang hina-hina ko.
"Wala kang alam." madiin nyang sabi.
"Ah oo, kasi wala ako dito nun. Ganun ba Ma?"
"Hindi ganun, anak. Ang sinasabi ko lang bakit hindi nyo muna ko tinanong, bago kayo nagalit."
"Sige nga. Bakit mo yun ginawa kay Papa?"
"Dahil napapagod na ko sakanya. Ni hindi ko nman talaga sya papakasalan kung di dahil sayo eh." galit nyang sabi
"Anong sabi mo Ma?"
Nagulat ako sa sinabi nya. Hindi nman nya papakasalan si Papa, kung hindi dahil saken? Ano yun ako lang yung dahilan kung bakit sila nagpakasal?
"Pagod na ko Michael, gusto ko ng magpahinga. Goodnight son."
Umakyat na si mama. Ako? Heto di pa rin makamove sa sinabi nya. Bat parang kasalanan ko pa kung bakit sya nagloko kay Papa? Umakyat nalang din ako at nagpahinga. Ayoko ng isipin yun, stress lang yun. Psh

Komento sa Aklat (194)

  • avatar
    Sapu Oliva

    sobrang nakaka kilig

    8d

      0
  • avatar
    BiscoChaylen

    charlene

    11d

      0
  • avatar
    chou blazer

    ganda

    14d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata